Share

Wrong Room 14

Author: Batino
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-18 04:04:57
“Paano ko sasabihin sa kanya ang nakita ko?” napapailing na lamang si Crystal habang pinagmamasdan ang mamahaling sasakyang papalayong tila walang iniwang bakas kundi ang gulong bumubulong sa sementadong kalsada.

"Hayyy... kainis! Bakit ba sa dami-dami ng problema sa buhay, sa ganito pa ako nadamay?" mahina niyang reklamo habang kinakamot ang sentido.

"Anong ginagawa mo rito? Where is Celine?"

Napapitlag si Crystal nang marinig ang malamig na boses ni Bash mula sa kanyang likuran.

Luming
Batino

"Good day! 😊 Sana magustuhan niyo ang kwento nila Sebastian at Crystal☺️🫶🫶🫶🫶

| 3
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 68

    "Magpapalit lang ako," kalmadong saad ni Domingo.Marahan niyang inalis ang tuwalyang nakapatong sa kanyang balikat at tumalikod na tila papasok sa kanyang silid.Ngunit bago pa man siya tuluyang makaalis, muli siyang huminto at lumingon kay Crystal. Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi."Oopss..." ani Domingo. "May tiwala naman ako sa'yo, Crystal."Lumapit siya sa center table at kinuha ang isang makapal na brown envelope."Kaya ibibigay ko na sa'yo ang kontrata namin ng ama mo."Iniabot niya ang envelope kay Crystal na agad naman itong tinanggap. Mahigpit niya itong niyakap sa kanyang dibdib, na para bang iyon na lamang ang natitirang pag-asa nilang mag-ina."Pwede na kayong umalis," dugtong ni Domingo. "Ah, by the way... hintayin n'yo na lang pala ako. Ipapa-encash ko lang ang tsekeng ito."Umiling si Crystal at agad na umatras ng isang hakbang."Hindi... uuwi na kami. Wala na tayong dapat pang pag-usapan."Pagkatapos ay lumingon siya sa kanyang ina."Tara na, I

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 67

    “You're here! My dearest Crystal… Narito ka ba para ibigay na nang tuluyan ang sarili mo sa akin? Tanggap mo na ba na wala ka talagang pambayad sa utang ng ama mo?!” mapang-asar at puno ng pagnanasang wika ni Domingo habang unti-unti siyang lumalapit kay Crystal. Isang nakakangising ngiti ang namutawi sa kanyang labi. Nang tuluyan na siyang makalapit, dumaan siya sa likuran ni Crystal at bahagyang yumuko upang ibulong sa kanyang tainga. “Dapat hindi mo na isinama ang inay mo…” halos pabulong niyang sabi, tila sinasadya pang iparamdam ang kanyang kapangyarihan. Mariing napapikit si Crystal sa matinding pagkainis. Ramdam niya ang pag-init ng kanyang dugo. Nanginginig ang kanyang mga kamao, ngunit hindi dahil sa takot—kundi sa galit. Sa isang iglap, mabilis niyang itinaas ang kanyang paa at buong lakas na tinadyakan si Domingo sa bandang gitna ng hita. “ARAYYYY!” halos mapasigaw si Domingo habang napapaatras ng ilang hakbang. Agad niyang napahawak ang dalawang kamay sa tinamaan niya

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 66

    "Kung ganoon, tapos na ang usapang ito."Kalmado ngunit may awtoridad na saad ni Sebastian. Tumayo siya mula sa kinauupuan at magalang na tumingin sa kanyang mga magulang, saka sa pamilya Baltazar."Kung wala na pong iba, mauuna na ako."Bahagya siyang yumuko bilang paggalang."Pupunta muna ako sa silid ko. Pagod na rin po ako at marami akong inasikaso ngayong araw. I need some rest, Mom."Tumango lamang si Mrs. Del Rosario."Sige, anak."Eksakto namang tatalikod na si Sebastian nang biglang umalingawngaw ang tunog ng cellphone ni Mrs. Del Rosario.Kring... Kring... Kring...Napatingin siya sa screen at bahagyang naningkit ang kanyang mga mata nang mabasa ang pangalan ng tumatawag.Incoming Call: Vience"Uhmm... excuse me." Tumayo siya mula sa sofa habang bahagyang ngumiti sa mga bisita. "Sasagutin ko lang ang tawag."Walang sinuman ang tumutol kaya dahan-dahan siyang lumayo sa sala upang magkaroon ng pribadong pag-uusap.Samantala, si Sebastian na noo'y paakyat na sa ikalawang palapa

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 65. Costabo Grandfather, CL DEL ROSARIO

    Samantala, ilang minuto lamang ang lumipas ay nakarating na si Sebastian sa kanilang mansion. Pagpasok pa lamang niya sa malawak na sala, agad niyang napansin ang mabigat na katahimikan sa paligid. Nasa gitna ng sala ang kanyang ina, si Mrs. Del Rosario, nakaupo nang elegante habang kaharap ang buong pamilya Baltazar. Katabi nito si Celine na halatang nahihiyang ngumiti, samantalang ang mga magulang nito ay tila kuntentong-kuntento sa nalalapit na kasunduan. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Sebastian. Diretso siyang naglakad palapit sa kanila. Pagdating sa harapan ng kanyang ina, bahagya siyang yumuko bilang paggalang. "Magandang hapon po." Ngunit sa halip na pagbati ang isagot, mariing bumagsak ang boses ng kanyang ina. "Bakit ngayon ka lang dumating?" malamig nitong tanong. "Tapos nang mamili ng wedding gown ang fiancée mo! Kailan ka pa naging ganyang kairesponsable, Sebastian?" Unti-unting tumalim ang tingin nito sa anak. "You're not a kid anymore. Twenty-eight year

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 64 Vience Ang Tauhan ni Madam

    "Inay... umuwi na po tayo," biglang saad ni Crystal. Halatang pilit niyang pinapakalma ang sarili kahit nanginginig pa rin ang kanyang boses. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa puting papel na naglalaman ng resulta ng pagsusuri. Pakiramdam niya ay anumang oras ay bibigay ang kanyang mga tuhod, ngunit pinilit niyang manatiling matatag. Hindi siya maaaring magpakita ng kahinaan sa harap ng kanyang ina. Nagtatakang napatingin sa kanya ang kanyang ina. Makikita sa mga mata nito ang pag-aalala at pagkalito. "Bakit, anak?" nag-aalala nitong tanong. "Kailangan nating malaman ang totoo. Hindi tayo puwedeng umuwi nang ganito lang." Marahan ngunit mariing umiling si Crystal. Pumikit siya sandali bago muling iminulat ang kanyang mga mata. "Inay..." huminga siya nang malalim, tila pinipigilan ang sariling maiyak. "Hindi naman po ako buntis." Pinilit niyang ngumiti kahit ramdam niyang nilalamig ang buo niyang katawan. "At isa pa..Inay." dugtong niya habang saglit na ibinaba ang tingin

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 63

    "Sige na, anak. Kumain na tayo," saad ng kanyang ina, pilit na inilihis ang usapan upang hindi na muna sila mag-isip tungkol sa pera.Ngunit bahagyang napangiwi si Crystal nang muling sumingaw ang amoy ng mainit na sinigang mula sa kusina."Nay..." mahina niyang tawag habang tinatakpan ang ilong."Hmm?" lumingon ang kanyang ina."Wala po ba tayong ibang ulam diyan?" alanganing tanong niya. "Hindi ko po alam kung bakit... pero bigla-bigla na lang akong nasusuka."Napalunok siya at napangiwi."Kahit po sa amoy ng sinigang... tapos kanina, pati sa amoy ng ginisang bawang, halos hindi ko na napigilan ang pagsusuka."Nanlaki ang mga mata ng kanyang ina."Jusko, anak!" agad nitong nilapitan si Crystal. "Baka naman may sakit ka."Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng anak at muling kinapa ang noo nito."Wala ka namang lagnat..."Lalong nabahala ang kanyang ina."Hindi na puwedeng balewalain 'to. Kailangan nating magpatingin sa doktor. Maaga pa naman, kaya tara na."Napabuntong-hininga si

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status