Share

Chaper 2

Author: SpicyMikay
last update Last Updated: 2025-07-03 14:26:37

Please scroll down medyo may problema sa pag published ng chapter kaya nasa baba ang CHAPTER 1 you can go back here to read the CHAPTER 2. Thank you for your understanding.😚

Nagkatinginan si Ally at ang lalaki, blanko ang expression nito. Mukhang hinihintay ang paliwanag ni Ally sa nangyayari kanina. Napayuko si Ally dahil nakaramdam siya ng hiya. Siya ang unang bumasag ng katahimikan.

" Sir Salamat kanina ha at pasensya na sa abala. Wala na kasi akong ibang maisip na paraan para tigilan ako ng babaeng yon eh," paliwanag ni Ally na tinutukoy si Carla. " Gusto ko lang kasi tigilan na nila ako at ng boyfriend nyang mukhang tabo dahil sa tuwing kakausapin ako ng lalaking yon pinagbibintangan nya akong inaagaw ko daw yon sa kanya." dagdag pa nya na kinikitaan ng pagkainis sa mukha at pananalita nya.

Napakunot ang noo ng lalaki na mukhang ng Pipigil ng tawa.

"will I greet you congratulations that you're lucky for having me here ?" sarkatikong turan ng Lalaki. Namula sa hiya ang pisngi ni Ally dahil sa sinabi ng lalaki sa kanya. Siguro nga naabala nya ito.

" naku sir hindi naman po sa ganun,pasensya na talaga ,ano po ba ang kailangan kung gawin para makaganti naman ako ng utang na loob ko sa yo." malumanay nyang sabi dito na matamang nakatingin dito.

" Go home Lady, it's already late." Yon lang ang sinabi ng lalaki at tumalikod na ito sa kanya. Sinundan nya lang ito ng tingin papasok sa kotse nito. Napanguso na lang siya sa lahat ng naganap ngayong gabi. Tiyak pag nakarating ito sa mama nya makukurot na naman siya nito sa singit.

Cooper POV

Kakatapos lang mag-overtime ni Cooper at paalis na siya ng opisina, pagod siya ngayong araw sa dami ng schedules nya, kailangan nya itong asikasuhin at tapusin para bukas iba namang schedule ang mameet nya. Isa siyang CEO kaya marami siyang responsibilidad. Lalo pa at may limang taong gulang pa siyang anak na nangangailangan ng kanyang atensyon. Habang nasa daan naalala nyang bilhan ng pasalubong ang kanyang anak kaya napadaan sila sa isang iskinita at nagbabasakaling may mabibiling pasalubong para sa anak. Its almost 10 o clock na at Sarado na ang ibang establishment, masyado ng hussle kung pupunta pa sya sa isang mall. Kaya bumaba siya sa may kanto at nag palingalinga kung may mabilhan pa ba siya ng pasalubong kahit chocolates man lang para sa anak.

Napatigil siya sa tapat ng isang tindahan at doon may nag babangayan na dalawang babae. Ang isa ay subrang iksi ng short at makapal ang make-up at ang isa naman ay simpling babae lang at natural ang kagandahan nito. Na curious siya kung ano ang pinagtataluhan nilang dalawa. Kaya sinadya nyang huminto sa tapat ng tindahan, nag bigla siyang hawakan sa braso ng babaing simple lang ang ayos sa sarili. Akma na sanang papalag ang driver niya ng sininyasan niya ito, na ibig sabihin ay hayaan lang.

" diba ikaw ang boyfriend ko,diba?!" pasunggab nya bigla na may kasamang pandidilat ng mata ang turan ng babae. Hindi niya ito kilala, pero parang maytumutulak sa kanya na sabayan kung ano man ang trip nito. Hanggang sa tumigil ang patatalak ng babaing maikli ang short na may makapal na make up. Tumalikod ito paalis kasama ng isang lalaki na sa tingin nya ay boyfriend nito.

Napatingin ang babaeng nakahawak sa kanyang braso napatingala sa kanyang mukha at tila napaso itong binitiwan ang kanyang braso at humingi ng paumanhin. Pigil ang tawa sa kanyang labi dahil masyado syang na-amuse sa dalaga. Marami pa itong sinasabi pero ang tanging nasabi nya dito ay umuwi na lang ito.

Tanging paghatid ng tingin lang ang nagawa ng dalaga habang nakanguso ito. Sa loob ng kotse ay napahagalpak sya ng tawa. Pati na rin ang driver nyang sa Ronnie.

" naku sir mukhang magkaka-instant gilprend pa kayo ngayon." nakatawang pang-aasar ni Ronnie sa matigas na pagbigkas ng mga salita. Dahil sa Bicolanong accent nito

Napangise sya sabay iling sa sinabi ni Ronnie sa kanya.

"aba sir, hindi na masama maganda ang babae, kamukha ni Donita Rose nong kabataan." dagdag pa ni Ronnie na pangite-ngite pa.

" hmmm, i don't think I need a new wife. What i think the most is Sophia." seryuso nyang pahayag dito. Natahimik ang buong byahi dahil sa sinabi nya, hindi na rin nagpumilit pa si Ronnie na kombinsihan siya.

Kung sa babae lang, maraming babaeng nagkakandarapang lumapit sa kanya. Subalit mas iniisip nya ang kanyang unica heja, si Sophia. He's been a widower since Sophia is 2 years old. Masaya na sana ang binuo nyang pamilya kung hindi sana na aksidente si Selina. Selina is like a perfect woman to him. A loving mother to her precious daughter. Pero pinaglaruan talaga siya ng tadahana noong maaksidente si Selina. Masyado syang nangulila at nalungkot, at masyado siyang nasaktan sa mga pangyayari. Pakiwari nya pinahiram lang sa kanya ng dalawang taon ang babaeng pinakamamahal nya . Its almost 3 years ng wala si Sandra, pero hindi nya magawang humanap man lang ng papalit dito. Kung may babae man na kanyang magustuhan, pera naman ang habol nito sa kanya. He's been traumatized, kung may babae man syang magustuhan ulit sisiguraduhin na nya itong karapat-dapat ito sa kanya at sa anak nya.

Kasabay ng kanyang pag-iisip, ang siyang pagpatak ng ulan. Bumalik ang diwa nya sa babaeng nakaharap nya kanina. Hindi man lang nagpakilala ito sa kanya.

" Ron, U-turn the car ahead, maybabalikan tayo." utos nya kay Ronnie.

" Sa opisina po ba Sir?" seryusong tanong ni Ronnie habang nakatingin sa rearview mirror.

"No, doon sa tindahan kung saan tayo huminto kanina." pagtatama nya dito.

" ahhh doon sa tindahan ng magandang ale" pahapyaw na turan ni Ronnie na may ngite sa labi.

"wag kang malisyoso Ron. I will gonna offer something to her." maikling paliwanag nya dito. Napatango na lamang ang driver sa kanayang mga sinabi.

Laking pagkadismaya ang naramdaman ni Cooper nang pagbalik nila sarado na ang buong store. Hindi na nya mahagilap ang nag-babantay doon. Nag desisyon syang babalikan nya ito bukas o dadaanan nya pag uwi nya galing opisina.

Pagdating nya sa bahay tulog na ang prinsesa nya. Sa isip nya, hindi nya man lang ito nakasama sa hapunan. Pumasok siya sa kwarto ng anak at mariin niyang pinagmamasdan ang patulog nito. He knew how much her daughter was longing for a mother which is he can't give it to her that easy. Marahan siyang bumuntong hininga dahil sa isiping iyon. Bago sya lumabas sa kwarto ng anak, ginawaran nya ito ng halik sa noo at maingat na lumabas sa silid nito.

Handa na siyang matulog ng ma-alala nya ang mukha ng dalaga kanina. Napangite sya sa isipang iyon. Nagmukha siya high school student na may crush sa campus ng skwelahan. Iwinaksi nya ang mga bagay na iyon sa kanyang isipan para makatulog na sya. Subalit mas lalong hindi siya dinalaw ng antok. Bumaba sya sa sala para lumagok ng whiskey,pampatulog lang. Doon nya dinala ang sarili sa bar counter ng kanyang bahay. Bahagya siyang tumingala sa portrait nilang mag-asawa na nakasabit sa dingding, sumilay ngite sa kanyang labi ng makita nyang nakangite ang asawa sa portrait na sa pakiwari nya ay buhay na buhay ito. Ang ngiti sa labi ni Cooper ay unti unting napawi at napalitan ng lungkot, hanggang sa namasa ng luha ang sulok ng kanyang mga mata. Akala nya tapos na ang pangungulila nya sa kanyang asawa. Nagkamali pala siya. Laging may kulang sa kanyang buhay, may puwang ang kanyang puso, kaya hanggang ngayon nandoon parin ang kahungkagang kanyang nararamdaman. Hinayaan nyang tumulo ang mga butil ng luha at tinuga ang laman ng kanyang baso. Pagkatapos pinahid nya ang mga luha sa manggas ng kanyang polo at tuluyang bumalik sa kanyang silid at sa kalaunay nakatulog na rin siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wait 'till I'm Yours(Tagalog)   Chapter 13

    Dumating ang Linggo, ito na ang pagkakataon na uuwi siya sa kanila. Mahigit isang buwan narin siyang hindi nakauwi simula nang sa bahay na siya ni Cooper nakatira. Parang sinisilihan ang puwit nya dahil hindi siya mapakali. Kinakabahan siya sa maaaring reaksyon ng kanyang mama sa mga pinaggagawa niya sa buhay niya. Although hindi naman siya napahamak subalit may ugali ang mama niya na hindi makapagpigil basta may nagawa siyang mali. Sigurado puno ang tenga niya dito mamaya pagdating sa kanila. Nakabihis na siya at hinihintay na lamang niya ang mag-ama. Umupo muna siya sa sofa sa salas at doon na lamang siya maghintay sa dalawa. Kanina pa siya upo ng upo, kalaunan naman ay tatayo, palakad-lakad na animoy bangaw, lingid sa kanyang kaalaman kanina pa siya napapansin ni Cooper sa taas hindi lamang siya nito sinisita. " mommy let's go na po, I'm excited to meet Lola Marie." saad ng bata na nakikinita ang excitement sa mga mata. Tumugon naman siya ng hilaw na ngite sa bata na bakas sa kan

  • Wait 'till I'm Yours(Tagalog)   Chapter 1 2

    As usual, maagang gumising si Ally dahil nakasanayan na rin niya ito simula nang dumating siya sa mansyon ni Cooper. Natawa nga siya sa kanyang sarili dahil noong nasa bahay pa siya nila ay tanghali na siya kung gumising. Lagi na lang siyang nabubungangaan ng kanyang mama dahil tanghali na siya gumising. Nagluto siya ng almusal nila tipikal na ulam para pang agahan, tulad ng piniritong itlog, ginisang corned beef na may potatoes and celery stalk, bacon, fried rice with mixed vegetables at ang favorite ni Sophia na tortang talong with ground pork. Nakahanda na ang dinning ng bumaba si Sophia at Emma para kumain. Nakapagbihis narin ito ng uniform at handa na para sa eskwela. " good morning mommy Ally." magiliw na bati ni Sophia kay Ally sabay yakap at halik sa pisngi nito. " good morning too baby, si- si Daddy mo?" alanganing tanong niya sa bata. " I'm here...." biglang sabat naman ni Cooper habang papalapit sa misa. Sinipat niya ito at naka bihos na rin pala ito. Agad naman

  • Wait 'till I'm Yours(Tagalog)   Chapter 1 1

    Araw ng Linggo ngayon at walang pasok sa eskwela si Sophia. Nangako si Cooper na mamasyal sila ng anak kasama si Ally. Noong Byernes pa ng gabi nila ito pinagpaplanuhang mag ama. Pero bago pa sila pupuntang Inner harbour kung saan mamasyal dadaan muna sila sa pinaka-malapit na simbahan within Ten Mile Point ang Holy Cross Catholic Church. Pagatapos nilang nag simba ay diritso sila sa Beacon Hill Park na ikinalundag ni Sophia sa tuwa. Doon muna sila mag-iikot bago sila pupunta ng Inner harbour para doon na mag lunch. Ang Inner harbour nqman is a scenic waterfront in BC, featuring recreational vessels, seaplanes, whale watching tours, and showcasing the city's historic architecture, stunning ocean views, and amazing landmarks which invite tourists to promote their tourism. Napaka outstanding ng lugar at bagay na bagay sa mga mag-anak, at taong dating o magkasintahan. After nilang nag iikot sa Inner harbour ay diritso na sila sa Royal BC Museum na mas lalong ikinasaya ni Sophia. Paborit

  • Wait 'till I'm Yours(Tagalog)   Chapter 10

    Cooper's POV Maagang pumasok ng opisina si Cooper dahil sa marami itong dapat e-review, at pag- aralan marami ding mga E-mails na dapat sagutin, at pagkatapos marami pa siyang mga papeles na pipirmahan. Hindi madali ang negosyo niya lalo na at tungkol ito sa construction. Napakalawak ang saklaw ng kanilang construction company dahil nasa kanila ang magagaling na engineer at architect. Samantala ang gusaling ito ay isa lamang sa mga exclusive condominium building nila at mayroon itong 30th floor lamang. Tanging mga malalaking negosyante, mga politiko, professionals at celebrities ang nakatira dito. Marami paring available units para sa gusto mag avail nito at ang maganda dito ay fully furnished na ang bawat unit ng condominium na ito nasa occupants na ang disisyon kung may dapat ba silang bagohin sa mga gamit sa loob. Nasa 25th floor ang opisina ni Cooper at tanaw nito ang buong syudad ng Victoria at medyo may kalayuan sa Ten Mile Point kung saan naka tayo ang mansion ng binata na

  • Wait 'till I'm Yours(Tagalog)   Chaper 9

    Tamang tama at nakapagbihis na si Ally nang tinawag siya ni Emma para sa hapunan. Agad naman siyang bumaba at pumunta sa dining area. Printi ng nakaupo si Cooper habang hinihintay siya, mukhang siya lang ang hinihintay ng mag ama. Tumingin siya kay Sophie at ngumite, at nakatingin din ito sa kanya na may ngite din sa labi. Nang malapit na siya sa misa ay tumayo si Cooper at ipinaghila siya nito ng upuan. Gentleman as ever talaga ang lalaking ito. Matipid siyang ng sabi ng thank you dito at nginitian din ng matipid. Nang makaupo na siya ay nag simula ng magdasal si Sophia para makakain na rin sila. Maganda talaga ang pagpapalaki ni Cooper sa anak dahil mabait at may disiplina ito sa sarili. Pagkatapos magdasal ng bata,hinainan niya ito ng pagkain para hindi na ito mahirapan.Pagkatapos Inalok naman niya si Cooper ng ulam na hindi abot nito at tumango naman ito saka niya hinain din sa plato nito. Nag mukhang literal na nanay at asawa talaga siya sa mga ito. Para talaga siyang maybahay kun

  • Wait 'till I'm Yours(Tagalog)   Chapter 8

    Sinunod ni Ally ang suggestions ni Cooper mamamsyal ito sa Mall, at bumili ng mga nagugustuhan nya, mag shopping para sa bahay at para sa sarili kasama si Emma. Bumili nga siya ng bagong kurtina, at mag papasko na rin kaya bumili siya ng mga decorations at marami pang iba. Nalula siya sa kanyang ginasta kaya kinabahan siya, baka pagalitan siya ni Cooper for spending too much sa mga bagay na pinaplano nyang gamitin para sa pagpaganda ng bahay. Napansin ni Emma na mukhang namumroblema siya. Tiningnan siya nito nang may ngite sa labi. Habang siya ay tulala sa mga bagay na nasa cart nila. " oh mam Ally, may problema ba?" alalang tanong nito sa kanya.Nang sulyapan niya si Emma ngumite ito sa kanya. "Emma, naparami yata ang mga kinuha natin. Baka mapagalitan tayo ng sir Cooper mo. " alalang saad niya dito. Mahinang tumawa si Emma at mukhang mangha na mangha sa kanya." naku mam, masyado hong mayaman si sir Cooper, ni wala pa nga sa kalingkingan itong mga pinamili natin. Wag ho kayong ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status