Ally's POV
Maagang gumising si Ally at pangatlong araw na nya itong magbantay ng kanilang tindahan. kahapon nasapol na naman sya sa tagiliran ng kanyang mama dahil nabalitaan nitong pagtatalo nila ni Carla na nauwi sa sabunutan. Imbis ipagtanggol siya ng kanyang mama na susian pa siya ng ilang beses sa tagiliran. Tudo ilag naman sya sa mga kurot ng mama nya. "Alejandra, isang beses pa ha, na papatol ka dyan sa Carla na yan hindi lang kurot aabutin mo sakin." paalala ng kanyang mama sa kanya. "Ma naman, sino ba anak mo ako o yong kitikiti na yon?." maktol nyang sabi sa kanyang ina. " syempre ikaw! kasing ganda kaya kita, " anya ng mama nyang may ngite sa labi."pero anak hindi maganda, na kababae mong tao may kaaway ka, doon pa mismo sa tindahan natin, aba'y mawawalan tayo ng customer nyan." dagdag pa ng mama nya dala pampalubag loob ng sa kanya. " okay Ma sisikapin ko na talaga na hindi makipag-away don sa Carla na yon." sabi nya sabay taas pa ng isang kamay para pangako niya. Kagaya noong isang araw maaga syang nagbukas ng tindahan nila, same time same routine. Napadaan sya sa tindahan ni Carla sarado pa ito. Masama mang manalangin ng hind maganda sa kapwa pero pinapanalangin nya na sana hindi bumukas ang tindahan nila Carla. Bandang alas 7 ng umaga,Napatingin sya sa di kalayuan may isang pamilyar na itim na saksayan siyang namataan na nakaparada, hinayaan nya lang ito dahil baka kung sino lang itong may sadya sa ibang establishment malapit sa kanila. Pero kahapon nakita nya ang lalaking na-abala nya noong isang gabi. Tudo tago naman ang ginawa nya dahil nahihiya sya dito. Inaasahan nyang hindi na yon babalik dahil hindi naman na siya nakita nito doon. Dahil alam nya ang mga taong katulad ng lalaki na na-encounter nya ay abalang mga nilalang. Subalit nagkamali siya ng akala. " Hello!!!" Isang baritong boses ang nag salita mula sa likuran nya habang nag aayos ng dilata na kanina lang ay nahulog sa estante. " ay kabayo na may bangs!!!!" gulat nya sapo ang dibdib. Pagharap nya nakatunghay sa kanya ang kunot noong lalaki na nagpipigil ng tawa dahil sa reaction nya. " im sorry, did i freak you out?" sabi ng lalaki na may lumalabas na ngiti sa mata. " sino bang hindi magugulat e kahapon pa kita iniiwasan..." biglang napatakip sya ng bibig dahil sa sinabi nya, ngunit huli na para bawiin iyon. "ahhh... you knew I'm here yesterday and you avoid me?" napa-iling iling ang lalaki." remember, you owe me and it's payback time" seryusong dagdag pa nitong sabi sa kanya. Dito na siya biglang nakadama ng kaba. Ano ang ibabayad nya? Eh kung ibabayad pa nya ang benta nila ngayong umaga kulang iyon, tiyak patay sya sa mama nya. " why aren't you speak now lady? I remember last time you said that kahit ano gagawin mo to pay me back, have you forgotten,hmm? "sabi nito na masyado ng malapit ang kanilang mukha sa isa't isa. Napaiwas sya ng tingin dito dahil naalala nga nya ang sinabi nya sa lalaki. Subalit walang salita na lumalabas sa bibig nya, kung ano sya ka daldal sa bahay at sa iba, pero dito sa taong kaharap nya parang nalunok nya ang dila nya. Hindi lang dahil sa kagwapuhan nito at kakisigan mabango pa. " are you done checking me out?" may pilyong ngite ang sumilay sa labi ng lalaki pagkasabi nyang iyon. Muli umiwas na naman siya ng tingin at napasimangot habang halukipkip ang mga braso. "ano naman ibabayad ko sayo," tamad nyang turan dito " just be my wife!!!" diretsong pahayag ng lalaki na ikinagulat nya. Napamulagat siya ng mata dahil sa narinig. " aba mister hindi ako basta basta pumapatol sa hindi ko kilala, lalong lalo na sayo.... naku, wala akong tiwala sa mga gwapo." sabi nyang naka pamaywang sabay irap dito. Napatawa ang lalaki sa mga reaction nya. "Okay, I'm Cooper, Cooper Ross" pagpapakilala ng lalaki sa kanya sabay lahad ng kamay. "and yours?" kunot noong dadag pa nito. " Alejandra, Alejandra Jimenez " kunot noo nyang pakilala rin dito at tinapik lamang ang nakalahad na kamay ni Cooper. " Ano ka ni Robert Ross?" walang gana nyang tanong. " I'm just his grandson" bulalas ni Copper habang pangitengite ito. Napamulagat siya ng mata sa narinig. Robert Ross ay isang tanyag na artista sa pilikula noong 1970's kapanahunan ng kanyang mama. Favorite itong artista ng kanyang namayapang lola dahil sa kagwapuhan at kakisigan nito. "so, anong assurance ko kung magiging asawa mo ko?" balik ulit sa seryuso ang expression ng mukha ni Ally. Napabuntong hininga naman si Cooper. " i will give you 10 million just be my wife and be a good stepmother to my daughter !" mariing sabi ni Cooper sa kanya. Napatingin sya ng deritso sa mata ni Cooper, na para bang sinusiri nya ito kung nag bibiro lang ba ito o hindi. " I'm not joking Ally. 10 million is a huge amount of money. I know you need money for your sister's education at para na rin marenovate itong tindahan nyo." kombinsi ni Copper sa kanya. Mukhang nag imbistiga pa itong mokong na'to ha, anya nya sa sarili. " how can you be so sure na papayag ako ha?" taas noong tanong nya dito. "will, i tell Carla and that boyfriend of him na nagsinungaling ka, na nagpanggap ka na bf mo ko, at sasabihin ko rin yon sa nanay mo" mataas na pahayag ni Cooper " ano???? binablackmail mo ba ako, hindi mo magagawa yon?" mariin nyang hayag dito " you don't know what I'm capable of, Ally." naniningkit siyang tumingin kay Copper at tila tinatanya nya ito. Kung tutuusin, mababaw lang naman ang mga rason ni Cooper ang ibinabatong emotional blackmail nito sa kanya. But 10 million, ibang usapan na yon. It's not a joke.Malaking halaga din yon. " okay deal, when is the divorce?" sabi nya sabay lahad ng kamay sa lalaki. Tumawa si Cooper dahil sa sinabi nya na ikinakunot ng kanyang noo. Pa simple nyang minamasdan ang bawat paggalaw ng muscle nito sa mukha, sobrang gwapo ng lalaking to. May maninipis at mapupulang labi, idagdag pa dito ang mapuputi at pantay na ngipin, at lalo na ang brownish na kulay ng mata. " hindi pa nga tayo ikinakasal divorce agad!"tutol nitong sabi " meet me at the city hall tomorrow at 9 am. after our wedding I'll send you the 10 million in your account." mataas nitong pahayag. " don't be late wife" bulong nito sa kanya na ikinasinghap nya dahil sa mabining sinsasyon galing sa hininga ng lalaki. Napakabango talaga ng taong to. Nakakagigil. Napakurap kurap lang sya ng mga mata ng maalala nya ang kanyang mga kondisyones, at napahabol sya dito " Sandali..." pigil nya dito ng akmang lalabas na ito ng kanilang tindahan. " may isa akong kondisyon.... ayukong malaman ng mama ko ang mga bagay na'to. " nakayukong sabi nya dito. Naiinis sya sarili dahil para siyang maiiyak sa mga disisyon nya sa buhay. Nakapagtapos naman siya ng college subalit wala siyang trabaho dahil hindi angkop ang kursong natapos sa interes niya. Tama ba tong pinasok nya? Baka pagsisihan nya ito balang araw. Sa isang banda, mahilig naman siya sa adventure kaya gagawin nya itong motivation sa buhay. Kasama ba sa motivation si Copper? Ipinilig nya ang ulo sa isiping iyon,at iwinaksi nya sa kanyang sistema ang atraksiyong nararamdaman nya sa Lalaki.Dumating ang Linggo, ito na ang pagkakataon na uuwi siya sa kanila. Mahigit isang buwan narin siyang hindi nakauwi simula nang sa bahay na siya ni Cooper nakatira. Parang sinisilihan ang puwit nya dahil hindi siya mapakali. Kinakabahan siya sa maaaring reaksyon ng kanyang mama sa mga pinaggagawa niya sa buhay niya. Although hindi naman siya napahamak subalit may ugali ang mama niya na hindi makapagpigil basta may nagawa siyang mali. Sigurado puno ang tenga niya dito mamaya pagdating sa kanila. Nakabihis na siya at hinihintay na lamang niya ang mag-ama. Umupo muna siya sa sofa sa salas at doon na lamang siya maghintay sa dalawa. Kanina pa siya upo ng upo, kalaunan naman ay tatayo, palakad-lakad na animoy bangaw, lingid sa kanyang kaalaman kanina pa siya napapansin ni Cooper sa taas hindi lamang siya nito sinisita. " mommy let's go na po, I'm excited to meet Lola Marie." saad ng bata na nakikinita ang excitement sa mga mata. Tumugon naman siya ng hilaw na ngite sa bata na bakas sa kan
As usual, maagang gumising si Ally dahil nakasanayan na rin niya ito simula nang dumating siya sa mansyon ni Cooper. Natawa nga siya sa kanyang sarili dahil noong nasa bahay pa siya nila ay tanghali na siya kung gumising. Lagi na lang siyang nabubungangaan ng kanyang mama dahil tanghali na siya gumising. Nagluto siya ng almusal nila tipikal na ulam para pang agahan, tulad ng piniritong itlog, ginisang corned beef na may potatoes and celery stalk, bacon, fried rice with mixed vegetables at ang favorite ni Sophia na tortang talong with ground pork. Nakahanda na ang dinning ng bumaba si Sophia at Emma para kumain. Nakapagbihis narin ito ng uniform at handa na para sa eskwela. " good morning mommy Ally." magiliw na bati ni Sophia kay Ally sabay yakap at halik sa pisngi nito. " good morning too baby, si- si Daddy mo?" alanganing tanong niya sa bata. " I'm here...." biglang sabat naman ni Cooper habang papalapit sa misa. Sinipat niya ito at naka bihos na rin pala ito. Agad naman
Araw ng Linggo ngayon at walang pasok sa eskwela si Sophia. Nangako si Cooper na mamasyal sila ng anak kasama si Ally. Noong Byernes pa ng gabi nila ito pinagpaplanuhang mag ama. Pero bago pa sila pupuntang Inner harbour kung saan mamasyal dadaan muna sila sa pinaka-malapit na simbahan within Ten Mile Point ang Holy Cross Catholic Church. Pagatapos nilang nag simba ay diritso sila sa Beacon Hill Park na ikinalundag ni Sophia sa tuwa. Doon muna sila mag-iikot bago sila pupunta ng Inner harbour para doon na mag lunch. Ang Inner harbour nqman is a scenic waterfront in BC, featuring recreational vessels, seaplanes, whale watching tours, and showcasing the city's historic architecture, stunning ocean views, and amazing landmarks which invite tourists to promote their tourism. Napaka outstanding ng lugar at bagay na bagay sa mga mag-anak, at taong dating o magkasintahan. After nilang nag iikot sa Inner harbour ay diritso na sila sa Royal BC Museum na mas lalong ikinasaya ni Sophia. Paborit
Cooper's POV Maagang pumasok ng opisina si Cooper dahil sa marami itong dapat e-review, at pag- aralan marami ding mga E-mails na dapat sagutin, at pagkatapos marami pa siyang mga papeles na pipirmahan. Hindi madali ang negosyo niya lalo na at tungkol ito sa construction. Napakalawak ang saklaw ng kanilang construction company dahil nasa kanila ang magagaling na engineer at architect. Samantala ang gusaling ito ay isa lamang sa mga exclusive condominium building nila at mayroon itong 30th floor lamang. Tanging mga malalaking negosyante, mga politiko, professionals at celebrities ang nakatira dito. Marami paring available units para sa gusto mag avail nito at ang maganda dito ay fully furnished na ang bawat unit ng condominium na ito nasa occupants na ang disisyon kung may dapat ba silang bagohin sa mga gamit sa loob. Nasa 25th floor ang opisina ni Cooper at tanaw nito ang buong syudad ng Victoria at medyo may kalayuan sa Ten Mile Point kung saan naka tayo ang mansion ng binata na
Tamang tama at nakapagbihis na si Ally nang tinawag siya ni Emma para sa hapunan. Agad naman siyang bumaba at pumunta sa dining area. Printi ng nakaupo si Cooper habang hinihintay siya, mukhang siya lang ang hinihintay ng mag ama. Tumingin siya kay Sophie at ngumite, at nakatingin din ito sa kanya na may ngite din sa labi. Nang malapit na siya sa misa ay tumayo si Cooper at ipinaghila siya nito ng upuan. Gentleman as ever talaga ang lalaking ito. Matipid siyang ng sabi ng thank you dito at nginitian din ng matipid. Nang makaupo na siya ay nag simula ng magdasal si Sophia para makakain na rin sila. Maganda talaga ang pagpapalaki ni Cooper sa anak dahil mabait at may disiplina ito sa sarili. Pagkatapos magdasal ng bata,hinainan niya ito ng pagkain para hindi na ito mahirapan.Pagkatapos Inalok naman niya si Cooper ng ulam na hindi abot nito at tumango naman ito saka niya hinain din sa plato nito. Nag mukhang literal na nanay at asawa talaga siya sa mga ito. Para talaga siyang maybahay kun
Sinunod ni Ally ang suggestions ni Cooper mamamsyal ito sa Mall, at bumili ng mga nagugustuhan nya, mag shopping para sa bahay at para sa sarili kasama si Emma. Bumili nga siya ng bagong kurtina, at mag papasko na rin kaya bumili siya ng mga decorations at marami pang iba. Nalula siya sa kanyang ginasta kaya kinabahan siya, baka pagalitan siya ni Cooper for spending too much sa mga bagay na pinaplano nyang gamitin para sa pagpaganda ng bahay. Napansin ni Emma na mukhang namumroblema siya. Tiningnan siya nito nang may ngite sa labi. Habang siya ay tulala sa mga bagay na nasa cart nila. " oh mam Ally, may problema ba?" alalang tanong nito sa kanya.Nang sulyapan niya si Emma ngumite ito sa kanya. "Emma, naparami yata ang mga kinuha natin. Baka mapagalitan tayo ng sir Cooper mo. " alalang saad niya dito. Mahinang tumawa si Emma at mukhang mangha na mangha sa kanya." naku mam, masyado hong mayaman si sir Cooper, ni wala pa nga sa kalingkingan itong mga pinamili natin. Wag ho kayong ma