Share

Waiting For Your Love
Waiting For Your Love
Author: BM_BLACK301

CHAPTER 1

"ANONG KALOKOHAN ITO!?"

Dumilat ang mata ko dahil sa sobrang lakas ng boses ng papa ko kahit kanina pa ako gising at nagpapanggap lang akong tulog. Naramdaman ko ang paggalaw ng katabi ko at nagtatakang tiningnan ako.

"Zach! Ipaliwanag niyo ito sa akin!"

"Pa, let me--"

"What happened?" Hirap pa ang mata ni Zach na idilat dahil sa nangyayari. At tiningnan niya ako ng maigi habang inaangat ko ang kumot na nakabalot sa hubad kong katawan.

"Mr. Zaragoza, mali po kayo ng iniisip sa amin at---"

"Magbihis kayong dalawa at hihintayin ko kayo sa sala mag-uusap tayo."

"Ngunit Mr. Zaragoza."

Nakayuko ako at kung maaari lang gusto ko ng tumakbo sa c.r upang doon magkulong para magtago pero dahil ginawa ko ito dapat ko itong pangatawanan.

"Ano 'to Jane? Ano 'tong ginawa mo? Sabihin mo sa akin walang nangyari sa atin tama ba ako?"

Dahan-dahan na napaangat ang mukha ko at sinalubong ko ang mukha ni Zach, pero agad akong umiwas dahil hindi ko kayang salubingin ang mata niya.

"Jane, humarap ka sa akin. Huwag mo naman gawin sa akin ito, alam kong walang nangyari sa atin. Yun ang sasabihin mo sa papa mo." Wika niya sabay tayo at kinuha isa-isa ang mga nagkalat niyang damit.

"T-Totoong may nangyari sa atin Z-Zach." Para bang kinakapos ako ng hininga at nilabanan ko ang kaba, takot na nararamdaman ko ngayon. Huminto siya sa pagsuot ng pantalon at tiningnan ako na hindi makapaniwala.

"Hindi ako naniniwala sa'yo, magkaibigan tayo Jane. Huwag mong gawin sa akin ito."

"Pero nangyari Zach, hindi ko 'yun ginusto. Pareho natin 'yun gi-ginusto, hindi ko rin alam kung paano at--"

"Fck! Jane, alam mo 'yan at hindi ko 'yan magagawa sa'yo! Kaya huwag mo akong ilagay sa isang malaking kasinungalingan at--"

"Matapos mo pakialaman ang anak ko sasabihin mo ang ganyang katarantaduhan? Pinatawag ko na ang mga magulang mo para magpunta dito ngayon."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ng papa ko at nakita ko ang galit sa mukha ni Zach. Hindi ko pa narinig magmura ito at ngayon ko lang nakita sa mga mata niya ang galit habang nakatingin sa akin. Tahimik lang ako hanggang sa magsalita si Zach.

"Bakit nasali ang mga magulang ko dito? Wala ho kaming ginawa ni Jane, maniwala kayo sa akin." Paliwanag pa ni Zach.

"Lalaki rin ako Zach, kaya huwag mo bilugin ang ulo ko. Magkatabi kayo ng anak ko na hubo't hubad at sasabihin mo walang nangyari sa inyo? Nag-iisa kong anak 'yan kaya hindi ko hahayaan ang pangyayaring ito."

"Kung ganun anong ibig niyong sabihin?" Tiim bagang tanong ni Zach.

Napatingin ako kay Zach at kita ko sa mukha niya ang galit at ang kamay niya na unti-unting kumukuyom.

"Ipapakasal ko kayo sa lalong madaling panahon." Sagot ni papa na kinatahimik ni Zach.

"Hindi ko siya pakakasalan, nakatakda na akong ikasal sa babaeng mahal ko at hindi sa anak niyo!"

Pakiramdam ko para akong sinampal ng maraming beses dahil sa sinabi ni Zach, ang sakit lang. Ngunit naagaw ang atensyon ko ng bigla na lang suntukin ni papa si Zach. Nanlaki ang mata at napatayo ako habang kapit ang kumot.

"Tarantado ka!"

"Papa, stop please. K-kung ayaw akong pakasalan ni Zach, it's ok." Umiiyak na sabi ko at nakaharang kay papa, dahil ayokong magkasakitan pa sila. Gusto ko ng isigaw na walang nangyari sa amin ni Zach, pero hindi ko magawa.

"Sir, nariyan na po sila."

Napalingon kami pareho sa may pinto si Manang Ine ang mayordoma dito sa amin.

"Hindi ko mapapalampas ang mga sinabi mo sa anak ko." Pagbabanta pa ni papa kay Zach na tahimik at pinahiran ang nagdugo na labi nito. Nauna ng lumabas si papa at nagsimula na akong isuot ang mga damit ko.

"Hindi ko alam kung bakit mo ito ginawa sa akin, huwag mo sanang pagsisihan ang lahat nang ito."

Yun ang huling binitawan na salita ni Zach sa akin at tuluyan na itong lumabas ng pinto matapos makapagbihis. Tumingala ako at pinigilan ko ang luha ko, dahil hindi ko kailangan umiyak dahil ginawa ko ito at kailangan kong panindigan ko. Inayos ko na ang sarili ko at lumabas na rin ng kuwarto ko.

--------

Noong nalaman ko na nag-propose na si Zach sa girlfriend niya sobrang nasaktan ako dahil tuluyan ng mawawalan ako ng pag-asa sa kanya. Maganda naman ako at sexy, mayaman ang pamilya ko at dahil sa papa ko maganda ang trabaho ng papa ni Zach na siyang secretary ni papa. Bilang kapatid o kaibigan lang ang tingin sa akin ni Zach dahil sa inaanak siya ng papa ko. Gusto kong maalis sa isip ni Zach na huwag niya akong tingnan lang bilang kapatid, kaya ginawa ko lahat para maging mas maganda pa sa paningin niya. Pero hanggang kapatid lang talaga ang turing niya sa akin na bagay na hindi ko matanggap.

Si Zach lang ang nasa puso at isipan ko simula ng makilala ko siya noong nasa edad dose anyos pa lang ako habang kinse anyos naman siya. Dahil nasa state ako noon, pero noong namatay ang mama ko 'ay pinabalik ako ni papa dito sa Pilipinas.

Mabait si Zach at masaya kasama, gentleman 'din ito lalo na sa akin habang lumalaki kami at naging ganap na dalaga na ako. Kapag kailangan ko siya dumarating siya agad. Siya rin ang escort ko noong debut ko, kaya sobrang saya ko noon.

Iyon ang ginawa kong paraan upang gawin ang plano ko dahil alam kong hindi ako mahihindian ni Zach, natakot man ako noong una. Pero dahil sa matinding pagmamahal ko kay Zach at sa takot na tuluyan na siyang mawala sa akin naisip ko ang pikutin siya. Tinawagan ko siya no'n at pinapunta dito sa bahay namin, sabi ko dumiretso na siya sa kuwarto. Nagsisimula na akong uminom ng alak no'n ngunit hindi ako nagpakalasing, nakahanda na ang pampatulog na hinalo ko sa alak.

Alam ko na pipigilan ako ni Zach sa pag-inom dahil alam niyang di ako sana'y uminom at maalalahanin ito, kaya 'yun ang inisip ko.

"Zach, bakit ganun yung lalaki na mahal ko hindi na talaga magiging sa akin kahit na kailan." Umaarte na sabi ko sa kanya pagkakita sa akin na nakaupo sa kama at may alak na hawak, kahit arte lang ay damang-dama ko dahil totoo naman na hindi siya na magiging akin.

"Bakit ka ba nag-iinom? Hindi ka naman umiinom, sino ba ang lalaki na sinasabi mo?"

Yumuko ako at hindi ko sinagot ang tanong niya, inangat ko ang baso na may lamang alak na nilagyan ko ng pampatulog. Akmang ilalapit ko na yun sa bibig ko ng agawin niya 'yun sa akin at ininom bigla. Hindi ko inaasahan na ganun kabilis ang mangyayari.

"Z-Zach," mahinang tawag ko sa kanya dahil napahawak siya sa ulo niya at bigla na lang siyang bumagsak sa ibabaw ko.

"Kung ganun, isang linggo ikakasal sila. Malinaw na ang usapan natin."

Napakurap ako ng mata dahil hindi ko namalayan ang pinag-uusapan nila pagdating ko rito sa sala. Tanging ang huling sinabi ni papa ang narinig ko dahil sa malalim na tinatakbo ng isipan ko at hindi ako makapaniwala na ikakasal talaga kami ni Zach.

Napatingin ako kay Zach na nakayuko at ramdam ko ang galit sa kanya dahil sa lihim na pagkuyom ng kamao niya. Nagtama naman ang mata namin nang mapalingon siya sa akin, kita ko sa mga mata niya ang matinding galit para sa akin. Hindi ako umiwas ng tingin dahil gusto kong tanggapin ang mga tingin niyang galit na galit. Dahil nararapat lang yun sa akin dahil sa kabaliwang ginawa ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status