Share

CHAPTER 6

ZACH

Asar na binitiwan ko ang ballpen ko sa lamesa at gumulong ito hanggang sa nahulog. Hindi ako makapag-focus dahil sa nangyari kanina. Ako na ang nag-ayos ng papel para sa annulment namin dahil mukhang wala siyang balak.

Bakit ba apektado ako? Tama ang ginawa ko at sinabi ko kay Jane. Kung nasaktan man siya hindi ko na 'yon kasalanan dahil siya ang may gusto nito.

Napahilamos ako sa mukha ko at napasandal, pumikit ang mata ko at naalala ang mga nangyari. Hindi ko matanggap ang ginawa ni Jane sa akin bilang lalaki na parang kuya niya na. Ginawa niya akong gago sa harap ng mga taong nakakakilala sa akin.

Pati na ang nobya ko ay sobrang sama ng loob nang malaman na ikakasal na ako sa iba at sa inaanak pa ng papa ko. Kilala niya si Jane dahil minsan ko na silang pinakilala sa isa't isa, alam ni Jane na pinaghahandaan na namin ang kasal namin ni Selena, pero ito ang ginawa niya sa akin. Tinali niya ako sa isang kasinungalingan.

Noong may nangyari sa amin kahit alam ko na virgin siya, hindi ko alam bakit ko pa rin tinuloy? Doon pa lang nalaman ko na niloko niya lang ako, maaari ko 'yun sabihin sa papa niya pero naisip ko na kapag ginawa ko 'yun mapapahiya ang angkan ng Zaragoza dito, yon na lang ang naisip ko dahil kahit paano malaki ang utang na loob namin sa pamilya nila.

Ngayon hindi ko na kayang tagalan pa ang relasyon namin, dahil wala namang mababago dahil hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip at puso ko ang ginawa ni, Jane. Sa ayaw at sa gusto niya maghihiwalay na kami, ayos lang kahit ako ang lumabas na masama. Ang gusto ko lang ay matahimik na ang isip ko.

May nagpapagulo ba sa isip mo, Zach?

Natigilan ako sa tanong ng isipan ko at napaisip ng malalim.

"Sir, may meeting kayo ng nine sa Cariño restaurant."

Napalingon ako sa may pinto ang sekritary ko si, Lourdes. Napatingin ako sa orasan ko at nakita na ang oras, bigla akong napatayo dahil alas otso na pasado ng umaga.

Pagdating sa parking area ay agad na pumasok ako sa loob ng kotse ko at pinaandar. Pagtingin ko sa cellphone ko habang nagmamaneho nag-message si, Selena.

[Selena]

Good morning! Love you so much! 😘❤❤❤

Typing...

Napangiti lang ako dahil sa message niya, nag-reply naman ako agad at nagpaalam na may meeting ako ngayon, nakita ko pa na may message pa siya ulit.

[Selena]

Hon, don't forget the annulment. Kailangan mapirmahan na agad 'yan ni Jane. Samahan mo ako sa dadaluhan ko na party ng isang malapit na kaibigan ko. 😘😘

Typing...

Matapos kong mabasa ang message niya habang naglalakad, naalala ko 'yung inabot kong envelope 'kay Jane. Pati 'yung umuwi na siya ng hating gabi na lasing na, kahit paano nag-aalala rin ako sa kaniya dahil babae siya at kinakapatid ko pa. Matanda ako ng apat na taon kay Jane, kaya naman parang kapatid na ang turing ko sa kanya.

Habang papasok ako sa restaurant naalala ko ang mukha ni Jane, habang umiiyak sa harap ko. Mas nagagalit na naaawa ako para sa kaniya dahil naghahangad siya sa akin ng wala naman kasiguraduhan, ito na lang ang solosyon upang hindi na siya masaktan ang mag-hiwalay na kami dahil ako rin nahihirapan na, ayokong patuloy siyang saktan. Dahil hindi ko alam kung hanggang saan ang galit ko sa kanya at mga mabibitawan kong salita.

-------

Napapapikit ang mata ko matapos ang mahabang oras ng trabaho, natambakan kasi ako ng mga paper works at mga sandamakmak na pipirmahan ko. Nakuha ko ang posisyon na gusto ko dahil sa papa ni Jane, ngunit hindi ako masaya na dapat ay matuwa ako. Napabuntong hininga ako dahil hindi na ako makapag-isip ng tama o ng maayos. Kapag naghiwalay na kami ni Jane, iiwan ko ang posisyon na 'to.

Sinipat ko ang oras alas otso na ng gabi at marami ng message si Selena sa akin. Nag-reply ako na on the way na at susundoin ko na siya. Pagtayo ko saktong bukas ng pinto, hindi ko inaasahan na makikita ko si papa ngayon.

"Pa, napadalaw ka?" Tanong ko rito at hinanap ko ang susi ng kotse ko sa ibabaw ng lamesa.

"Dumaan lang ako para kamustahin ka, mukhang maayos ka naman dito sa bago mong trabaho."

Tumango lang ako kay papa at lumibot ang mata niya sa kabuan dito sa loob.

"Siya nga pala nag-usap na ba kayo ni Mr. Zaragoza?"

Napatingin ako kay papa at natigilan dahil bakit Mr. Zaragoza lang ang tawag niya sa papa ni Jane?

"Hindi pa, tungkol ho ba saan?" Tanong ko at napasilip ako sa cellphone ko dahil tumatawag na si, Selena.

"Kung ganun hindi pa pala kayo nagkakausap, bueno. Aalis na ako mukhang may lakad ka pa."paalam niya na sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita dahil nasa isip ko ang sinabi ni papa na kakausapin ako ng papa ni Jane. Tungkol naman saan?

Pinilig ko ang ulo ko at lumabas na rin ng opisina dahil sigurado akong naghihintay ma si Selena sa akin. Hindi naman nagtagal at nakarating na ako sa condo na tinitirahan niya, napakaganda nito sa red dress na suot nito na hanggang tuhod. May split ang gilid kaya naman lumitaw ang makinis na hita nito.

"Napakaganda mo ngayon." humahangang sabi ko nang alalayan ko na siyang sumakay sa kotse ko.

"Maganda talaga ako at sa'yo lang ang ganda na 'to!" masayang sagot naman niya.

Napangiti lang ako at pumasok na ako sa loob, nakilala ko si Selena sa isang party. Unang kita ko pa lang sa kanya naagaw agad niya ang atensyon ko, lalo pa ng makilala ko siya na maganda mabait pa at maunawain.

-------

Habang busy kami sa patingin-tingin sa kasiyahan at mga taong mga nag-uusap may papalapit sa amin na lalaki.

"Selena, mabuti at nakarating ka at kasama mo pa ang mapapangasawa mo." bati ng lalaki na may kasamang babae.

Pero natigilan ako dahil kilala ko ang babae na kasama nitong lalaki at  napansin ko rin sa itsura ng babae ang pagkabigla pagkakita sa akin.

"Nandito ka pala kuya Zach?" Bati ni Michelle sa akin, kaibigan at kaklase siya ni Jane.

"Magkakilala kayo?" Tanong Selena na napahawak sa braso ko, tumango lang ako.

"So, kailan ang kasal?" Tanong ng lalaki kay Selena na hindi ko pa nakikilala.

"Kasal talaga?" Si Michelle na sa akin nakatingin.

"Forget it, marami pa kaming inaasikaso ni Zach, but don't worry James, hindi ka mawawala sa kasal ko." Nakangiting sabi ni Selena. "Anyway, Zach. This is James, my friend and birthday niya ngayon." Pakilala sa akin ni Selena dito sa James, inabot ko ang kamay nito ngunit napatingin ako kay Michelle na ang sama ng tingin sa akin.

"Nice to meet you, Zach. Magkakilala pala kayo ng girlfriend kong si Michelle, anyway maupo muna kayo." Alok nito sa amin.

Ngunit natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ni, Jane.

"Jane!"

Hinanap agad ng mata ko si Jane, naglalakad ito suot ang mahabang silver na dress. May slit sa gilid banda sa hita niya, kaya litaw na litaw ang maputing hita nito. Labas rin ang balikat niya, ngayon ko lang napansin na talagang dalaga na siya at masasabi ko na mas gumanda siya ngayon.

"Bakit nandito ang babae na 'yan, nakakasira ng gabi." mahinang salita ni Selena, sapat para marinig ko at ngayon ko lang siya narinig na ganun magsalita.

Hinawakan ko ang kamay niya para sabihin na kumalma lang.

"Zach, come on. Ihatid mo na ako sumakit bigla ang ulo ko."

"Sigurado ka ba?" Tanong ko pa sa kanya.

"Hey, Selena and Zach, maupo na kayo huwag natin sayangin ang oras."

Wala namang nagawa si Selena dahil pinaupo na kami ng kaibigan niyang si James. Magkatabi kaming nakaupo at nasa iisang table kami, hindi ko maiwasan na hindi sulypan si Jane, sa parte sa dibdib niya ay hindi ko nagustuhan dahil medyo mababa 'yon.

Bumagay kasi sa kaniya ang suot niya, nakataas ang buhok nito at may hikaw na mahaba na kulay silver, ang mata niya na ang gandang tingnan gano'n rin ang labi niya hindi sobrang mapula.

"Hon, are you ok?"

Napukaw naman ako sa malalim na pag-isip dahil nakasimangot na ang mukha Selena. Hinalikan ko na lang siya sa noo upang mawala ang sakit ng ulo niya.

"Hon, uwi na lang tayo. Nawalan na ako ng ganang mag-stay dito," muling mahinag sambit nito na may paglalambing.

"Magpaalam ka na sa kaibigan mo." Sagot ko na lang kahit pakiramdam ko parang ayoko pang umalis.

"Jane, request naman kantahan mo ako kahit isa lang."

Napatingin ako dito kay James, sumunod kay Jane. Nakatitig lang ako kay Jane, iniisip ko na kung kumakanta ba siya dahil hindi ko pa siya naririnig na kumanta.

"Nako, hindi yan kakanta." Sagot ni Michelle.

"Hindi ba talaga puwede?" Malungkot na sabi ni James.

"Ha? Aa, ano kasi..." Nag-aalalanganin na sagot ni Jane.

Naalala ko hindi nga pala ako umuwi ng bahay dumiretso ako kay Selena kaya hindi ko na nakita na umalis siya sa bahay. Halos hindi rin naman kami nagkikita dahil iniiwasan ko talagang magkita kami lagi.

"Dito na lang gusto mo?" Nakangiting pangungulit pa ni James.

"Come on, James. Huwag na siyang pilitin kung ayaw niya." Si Selena na ang sumagot.

Napansin ko na tiningnan ni Jane si Selena, wala naman akong nakitang kahit na anong emosyon.

"Sige na Jane, pagbigyan mo na si James. Baka hindi 'yan makatulog," natatawang sabi ni, Michelle.

Tumango naman si Jane, may binulong siya kay James at hindi ko alam kung ano 'yon. Hanggang sa tumayo ito at nagtungo doon sa banda, sumunod may dala itong mic. Naglingunan ang mga bisita banda sa amin at mayamaya'y nagpalakpakan sila. Binalingan ko si Jane, nakita ko na humugot siya ng malalim ba buntong hininga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status