Share

KABANATA 4

XORXELL was doing a warm ups para simulan niya na ang pagjo-jog sa umagang iyon.

"You can't jog like there's nothing happened between you and Lexi yesterday, Xorxell,"

"Bakit, uncle. Ano ba ang nangyari?" Aware siya kung ano ang tinutukoy nito. Pero dahil mabuti siyang pamangkin. He tried to play dumb on his uncle. Inayos ni Xorxell ang shoelace ng sapatos at nakahanda ng lumabas sa mansyon ng pinigilan siya ni Richard. "Don't try to play tricks on me. Aren't you afraid kung totohanin ni Lexi ang pagdedemanda sa'yo? Kakasuhan ka niya nang pambabastos at pangmomolestiya Xorxell!" Napatayo ito sa kinauupuan at nanginginig ang kamay na may hawak na tasa ng kape.

"Chill uncle,"

"How could I chill down?" Humagalpak siya ng tawa.

"It should be calm down, uncle. Saan mo nakuha ang chill down?"

"Kung ang sinabi mo ay calm. Iyon rin ang sasabihin ko. E sa chill ang sinabi mo e. Bagay naman din. Chill down. How's that?" Iling-iling siyang inalalayan ang tiyuhin paupo. Bagaman nakatingin sa kanya. Basang-basa ni Xorxell si Richard na parang sinasabi nitong hinding-hindi siya nito mapipigilan.

Maya-maya ay nagseryoso na ito.

"Think your actions first before you take the move, Xorxell. Alam mo bang hindi ni Lexi nagustuhan iyon?" Hinilot nito ang sintido. Tila suko at pagod na sa kanya. He was sorry for his uncle, but he would never say that.

"Let me handle her the way I can—"

"You can't tame her, Xorxell. Galit na galit iyon sa'yo. Desidido siyang sampahan ka ng kaso dahil lang sa panghahalik mo. And guess what? Me and Jeric forced to tell her that you will become her husband soon."

"Sinabi ninyo iyon?"

Isinandal ni Richard ang likuran sa sofa. "Out of the choices. Napilitan kami. Ayaw naming pangunahan ka. Pero linsyak naman. Pamangkin ba talaga kita? Alam ko na matinik ka sa mga babae pero bakit kay Lexi ay naduduwag ka?! I am helping you to get through this. Me and Jeric helped you. Pero anong ginagawa mo? Dinadaan mo sa pagiging playboy mo ang mga hakbang na dapat ay hindi mo siya binibigla. Tuloy, hayun! Galit na galit. Kailan ka ba aamin riyan sa kabaliwan mo?"

Natameme siya. Napansin ng tiyuhin niyang iyon ang pananahimik niya.

"I'm sorry pamangkin. Tatawagan ko nalang ang pinsan mo para—"

"Don't disturb Owen, uncle. Baka sisingilin na naman ako ng bayad niyon kapag nalaman niyang pariwara na naman ako."

"Uh-huh? Sa nakikita ko sa'yo ay mukhang hindi ka naman ganoon. Hay naku! Ang sasakit ninyong dalawa ni Owen sa ulo. Saan ba kayo nagmana? Nalilito ako. Hindi naman ganyan si Melyn at ang ama mo."

Si Melyn ay ang kapatid rin ni Richard. So bale, pamangkin rin nito si Owen dahil magkapatid ang ina ni Owen, si Richard at ang ama ni Xorxell.

"Ayusin mo iyang kahibangan mo kay Lexi ha? Make it up to her. Huwag mong pasamain lalo ang loob ng batang iyon."

"Di'ba ang sabi mo ay matinik ako sa mga babae? Kapag napaamo ko si Lexi Montejano, tiyak sa kamay ko rin ang kanyang bagsak, uncle." He was sure of that. Richard shook a head.

"Dapat siguro ay itinali nalang kita sa FVC."

"You can't. Dahil hindi mo ako mapipigilang pakasalan si Lexi Montejano sa lalong madaling panahon."

Kailan ba pumasok sa kukote niya ang salitang iyon? Ah, iyon ay nang minsang makita niya ang mukha ni Lexi sa tablet ni Jeric na wallpaper nito. Kaya tinanong niya ang lalaki kung sino iyon. Lexi Montejano was my daughter, iyon ang sagot nito sa kanya. At dahil magkaibigan ang tiyuhin at ang lalaki. Hindi napigilan ni Xorxell na hingiin ang tulong ng mga ito. And that was, he will going to marry her because he likes her.

Binalaan na siya ni Jeric na mahirap paamuhin ang anak nito. Kaya nga'y willing siyang bilhin ang rancho nito para sa kanya lamang mapunta lahat ng atensyon ni Lexi. Higit sa lahat, ang balak niyang pagbili sa lupain nito ay hindi isang pagpapanggap lang. Totohanin niya iyon. Nang sa ganoon, hindi makatakas sa kanya si Lexi. Grand prize sa kanya ang dalaga higit sa lahat. Winning race ang ari-arian nito kung mailipat na sa pangalan niya ang titulo.

"Aalis na ako, uncle. Huwag kang masyadong magpakalulong sa kape."

"Now that you mentioned it. Pwede mo ba akong bilhan ng isang dosenang kape sa bayan, Xorxell?"

"Kasasabi ko pa lang na huwag kang magpakalulong sa kape di'ba? Saan ka ba nagmana?" Humalakhak si Richard na tila ay isang kakatwang bagay ang tanungin niya ito ng ganoon. "You almost forgot that it runs in the blood Xorxell. Matigas ang ulo mo. Matigas ang ulo ko. Matigas ang ulo ni Owen. Pero mas lalong matigas ang mga ulo natin sa napapagitnaan ng mga hita kapag—"

"Sige! Sige! Pero kapag aandar na naman ang sakit mo sa baga. Walang sisihan." Tumulis ang nguso nito na parang bata.

"Sige na nga! Gatas na lang. Itong batang 'to masyadong—"

"Matigas ang ulo?" Pagtapos niya sa sasabihin nito.

"Hindi. Masyado kang pakialamero." Iling-iling itong natawa bago tumayo at naglakad papasok sa may kumedor. "Bilisan mong mag-jogging para pagkabalik mo ay luluwas ka ng bayan para sa gatas ko." Natawa ng ubod lakas si Xorxell dahil parang gusto nitong ibuga ang salitang binanggit dahil hindi naman talaga nito bet ang gatas, dahil mas addicted ito sa kape.

He done to roam around. Nang madaanan ang bahay nina Jeric ay napansin ni Xorxell na nakaawang ang bakal na gate. Out of curiosity, sumilip siya doon. Walang tao. Nang biglang matanawan siya ni Jeric kaya wala siyang mapagpipilian kundi ay ang tumalima sa paunlak nitong papasukin siya.

"...I'm sorry kung pinangunahan ka namin ni Richard, hijo."

"No. Okay lang po iyon." Ngumiti ito. Maya-maya ay tinawag nito si Yaya Maleng na may dalang food tray. Iniumang nito sa kanya iyon. "Dalhin mo sa itaas. Sa kwarto ni Lexi to be exact. Maagang nagising ang batang iyon ngayong araw at binalak na pumunta sa rancho. Ikaw ba ay pupunta rin doon?"

"Opo. Actually, after kong bilhan ng gatas si uncle sa bayan."

"Gatas?" Kumunot ang noo nito. "But your uncle loves hard black beans!"

"For the change po. Kung ayaw niyang aandar ang sakit niya sa baga."

"You do care for your uncle too much Xorxell. Hindi ako nagkakamaling tulungan ka para sa anak ko. Hala sige na, ikayat mo na ang pagkain na iyan doon sa kwarto ni Lexi. Dapat malaman niyang sincere ka sa ginawa mo sa kanya. And this is your way to say sorry dahil nga'y galit na galit iyon ng malaman niyang nakatakda na rin ang kasal ninyo."

"Sige po." He willingly accept the challenge. Jeric routed for him. Raising a fist that conveys the word as a fighting spirit. Although, nag-aalangan si Xorxell dahil baka bubulyawan siya ni Lexi. He must really be a jerk by kissing her in front of many people. At ang mga luha na lumandas sa pisngi nito. Damn it, he really made it hard for her.

Madali niyang nahanap ang kwarto ng dalaga base sa direksyon na ibinigay ni Jeric sa kanya. Nakapasok siya dahil hindi naman iyon naka-lock ngunit walang tao. Naririnig ni Xorxell ang lagaslas ng tubig mula sa banyo at ang pagpatay niyon. Inilapag niya sa center table ang food tray at nagmamadaling tumalikod subalit ang pagbukas-sara sa pintuan ng banyo ang nagpatigil sa kanya.

"Ano ang ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Sa galit na tono.

"Bringing you foods."

"And do you think ay mapapatawad kita sa ginawa mong iyon sa'kin kahapon?" His throat went dry the moment Xorxell saw Lexi's body hugging a towel only. Dahil napilitan siyang harapin ito. At kung hihilahin niya iyon ng isang beses. Tiyak lalantad sa harapan niya ang kahubdan nito.

"...idedemanda kita. Akala mo ay pinalagpas ko ang ginawa mo! At ano? Ikaw, magiging asawa ko?! Pagkatapos mong bilugin ang utak ng mga magulang ko tungkol sa pagbibili mo ng rancho ay bigla-biglang ianunsyo ni daddy na ipakasal ako sa iyo?"

"Okay," Napahawak siya sa sentido para i-distract ang sarili. "Unang-una Miss Montejano. Kung idedemanda mo ako. Sure you can. Haharapin kita sa Korte kasama ang pinakamagaling kong abogado. Pero sigurado ka bang maipanalo mo ang kaso?! Nag-enjoy ka naman sa halik ko."

"Hindi. Never did I enjoy your kisses. Walang-wala ang halik mong iyon sa—"

"Bakit hindi natin ulit subukan?" Hayagan niyang ipinakita kay Lexi ang paghagod niya ng tingin sa kabuuan nito. "Tamang-tama at mukhang hindi mo na kailangang sapilitan pang hubaran."

"Ano iyang sinasabi mo?" Tumaas ang kanang kilay niya nang makita kung paano nito hinigpitan ang kapit ng tuwalya sa bandang dibdib. Xorxell wouldn't back out. Ngayon pa bang nakikita niyang tinatablan si Lexi sa pamamagitan ng pananakot niya. Gamit ang seryosong emosyon. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglapit sa dalaga.

"H-hoy! Alalahanin mong nasa teriyoryo kita!"

"A-huh? Your father himself summoned me here. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit pinapunta niya ako dito?" Nang dahan-dahan rin si Lexi sa pag-atras. Muling tumiim ang bagang niya. "Bakit parang natatakot ka? Wala naman tayong ibang gagawin kundi ay ang—"

"Bastos ka!"

Hawak ang unan ay pinagbabato siya nito sa mukha. Kaya ng mga sandaling nawala sa paningin niya si Lexi ay nalingunan niya itong tumatakbo palapit sa pinto. But he was fast enough to pull her. At the right distance in the doorknob kasabay ng walang humpay nitong pagpupumiglas ay ang marahang pagkalmot nito sa mukha niya.

"Lexi damn it! Will you please calm down for a while?"

"Bitiwan mo ako!"

Napigtas na ang pasensya niya. Buong lakas niyang inalsa si Lexi at agad itinapon ang katawan sa kama. Kasabay ng pagkabuhol ng tuwalya nito sa katawan. Ay ang pagdausdos niyon paibaba. Hindi lang si Xorxell ang nagulat. Pati si Lexi na bahagyang kumurap-kurap as he drop his gaze on the valley of her breast. Xorxell wet his lips. Ano kaya ang pakiramdam kung titikman niya iyon sa bibig at paglalaruan gamit ang mga kamay. His eyes went down for her belly down to her v-line and...the tempting and delerious vagina that made him aroused just by looking at her like that.

Piste!

Agad na tumalikod siya. Bago pa man niya magawa ang mga bagay na naglalakbay sa isip niya. Ay pabalya niyang isinara ang pinto at mabibilis ang mga hakbang na tinahak ang hagdan pababa.

"Xorxell, hijo. Kumain na ba si Lexi?"

"Ah...yes po. Uuwi na ako,"

"Teka sandali,"

"Pasensya na po...pero kailangan ko na po ang umalis."

Kahit hanggang sa makapunta siya sa bayan. Ay laman sa utak ni Xorxell ang magandang katawan ni Lexi na hindi na nilulubayan ng imahinasyon niya. Muntik pa niyang hindi makuha ang sadya sa bayan dahil bahagyang na-blangko ang utak niya. Sa hinayon ay nahanap niya ang daan papunta sa Klinika ni Owen. Walang pasyente ang lalaki ngunit nang sabihin niya ang dahilan kung bakit napadpad siya doon ay pinagtawanan lang siya nito.

"Litse, Owen! Huwag mo akong pagtawanan."

Kuyom ang kamao niya at napatiim bagang na nakaupo paharap dito na tila siya ay pasyente nito.

"Kalma pinsan. Para namang may krimen kang ginawa e. Hahahaha! Ano ka ngayon. Masarap ba sa pakiramdam ang mabitag sa sariling patibong? You'd burn those women with your technique doing your playboy thing. E bakit kay Alexis Montejano ay parang natatae ka? You kissed her already. At sa harapan pa ng mga taong iyon sa resto. Why the hell you're acting like you'd made a crime. Hindi mo naman siguro ginalaw si Lexi di'ba?"

"The fuck Owen!"

Makahulugang humalakhak ang binata. Maya-maya ay sinilip nito ang bandang crotch niya. "You motherfucker! You still had a boner! What the hell!"

"Who had a boner?" Sulpot ni Dwight kasama si Chelsea.

"Siya," tinuro siya ni Owen. "May something na nangyari kaya tinigasan ng husto ang tinamaan na lintek ng kupidong iyon ang Xorxell Diaz na malamig pa sa yelo."

"What happened, bud?" Si Dwight ulit.

"A long story," pero hindi niya napigilan si Owen na walang habas na nagkwento. Sinapak niya ito sa ulo. Mukhang nahawaan na rin kasi nina Barkley at Henjie sa pagts-tsismis...

"...it really happened, Xorxell? Oh, my gee! Paano ka nakalabas sa kwarto niya nang hindi ka binigyan ng bukol sa ulo? Bukol pa sa ibaba ang award mo!" Biro ni Chelsea kaya tumayo siya para magpaalam na. Subalit natigilan siya ng magsalita si Dwight.

"We need to get back in the FVC dahil sa Anniversary, celebration. Expected lahat ng miyembro ang dadalo maliban nalang kung nagkasakit ka ng Aids. Banned na talaga kayo,"

"Okay. I'll go." Pero hindi pa ito tapos.

"Bring Lexi with you. Our co-members wanted to meet her, too."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status