Share

KABANATA 9

"BRUHA ka..."

Umalingawngaw sa buong FVC lounge ang malakas na sigaw ni Chelsea at nang makita siya ay inalis nito ang braso na nakalingkis sa asawang si Dwight.

"Mahal, just stay calm okay? Let your friend and Xorxell have a peaceful breakfast", Tinanguan siya ni Dwight. "Pasensya ka na Lexi, ito kasing asawa ko. Nang malamang nakalabas ka na sa Ospital ay parang gibain na ang bahay ni Xorxell nang malamang wala ka doon."

"Pumunta kayo sa bahay ko?" Tanong ni Xorxell.

Si Dwight ang sumagot. "I'm sorry, man. Hindi sinadyang sirain ng asawa ko ang doorknob mo. Nandoon na naman si Jackson para ayusin at palitan iyon."

Xorxell only grunted as a response. Kasunod niyon ay ang pagkawala nina Dwight at Chelsea sa kanilang harapan. Umuklo siya para magtanong kay Xorxell.

"Okay lang sa iyo na nasira ang seradura mo?"

"Walang kaso sa'kin basta ba ay ayusin agad", sinulyapan ng binata ang plato niya. "Kumain ka ng marami Alexis."

"Kumakain naman ako."

"How's your back?" Pag-iiba nito sa usapan.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status