Share

Unexpected

Bleu's POV:

Andito na naman kami ni Ampa sa resto ng kaibigan niya para kumain, 'pag kinasal kami chossss advance? Hahaha pero 'yun nga, kung ikakasal kami sino 'yung taga-luto?

Palagi kaming dito kumakain pero ngayon ko lang napansin na walang pangalan 'yung resto ng kaibigan niya. Matagal ko ng napapansin nabibilang lang sa kamay 'yung mga kumakain dito and it might be because na nasa tagong lugar 'yung resto, kaya nga dito ako lagi dinadala ni Ampa, hindi ba siya nalulugi? Masarap 'yung mga pagkain, I can guarantee that.

Isa pa, ilang ulit na nakwento ni Ampa sa akin 'yung kaibigan niya pero never ko pang nakita once.

"Hindi ba nalulugi kaibigan mo kasi nasa tagong lugar 'tong restaurant niya? Walang masyadong kumakain.", tanong ko kay Ampa.

Doon kami nakaupo ulit sa table kung saan kami noong first time naming punta dito, nag-aantay sa order namin.

"He doesn't care.", sagot ni Ampa.

"Huh? Ano 'yun trip niya lang?", natatawa kong sabi pero tumango si Ampa kaya natigilan ako..
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status