Share

Chapter 58

Ilang beses pa niyang sinubakang tawagan si Henry ng mga sumunod na araw ngunit sa tuwina’y busy ito. May palagay siyang sinasadya talaga iyon ng binata upang iwasan siya at hindi niya alam kung ano ang dahilan ng ipinagkakaganoon nito. Hindi naman niya ito mapuntahan sa hotel dahil sa ospital siya dumederetso upang magbantay sa kanyang ina pagkakalabas niya ng trabaho.

Pero ganoon pa man, sinusubukan pa rin niyang i-text ito at tawagan ngunit ganoon pa rin. Hanggang sa hindi na siya nakatiis na puntahan ito. She was expecting na masaya siya nitong sasalubungin, subalit iba ang naabutan niya.

Hindi pa man siya nakakapasok ng hotel ng makita niyang palabas ito at may kaakbay na isang matangkad na babae. Nagtatawanan pa ang mga ito at kaylambing sa isa’t isa. At hayon na naman ang puso niyang parang pinipiga sa sobrang sakit.

Upang hindi na mas tumitindi pa ang nararamdaman, mabilis siyang tumalikod at nagmamadaling pumara ng taxi at umuwi na sa kanila. Pinakiusapan naman niya si Dom
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status