Share

Chapter 59

“Buti pala naabutan ko pa kayo,” ani Domeng ng makita nitong nagkakarga na sila ng mga gamit sa van.

Nagtatakang hinarap ito ni Liana.

Magaling na ang mga sugat na tinamo nito mula sa mga suntok ni Henry at labis-labis ang paghingi niya ng paumanhin dito. Naintindihan naman iyon ng lalaki at bago sila maghiwalay noon pagkatapos ilibing ang inay niya’y nagpasalamat siya dito sa lahat-lahat ng ginawa nito.

“Paano mo nalamang aalis kami?” tanong niya sa lalaki.

Nagkibit-balikat ito. “Alam ko lang na iyon ang gagawin mo,” anito sabay abot ng isang kahon sa kanya na lalo niyang ikinapagtaka. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya iyon pagkuwa’y ang lalaki.

“Mga gamit iyan na naiwan ng nanay mo. Mas tama lang na ikaw ang magtabi ng mga iyan,” saad nito.

Napatango naman siya at tinanggap iyon.

“Sige… hanggang sa muli Liana...” at pagkasabi noo’y pinaandar na nito ang motorsiklo at iniwan na siya doon.

“Ano daw iyan?” takang tanong ni Aling Perla ng lapitan siya. Sinundan pa nito ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status