Share

Chapter 8

“Mabuti naman at hindi na ngayon nagsusungit sa ‘yo si Sir Henry. Noon, parang makita ka lang niya, kumukulo na agad ang dugo niya sa ‘yo,” komento ni Anji ng kumakain sila ng almusal.

“Oo nga Liana…” sang-ayon naman ni Jam. “Pansin ko rin ‘yan kay Sir. Wala ka namang ginagawang masama sa kanya o kaya sa trabaho, pero nuknukan sa pagkasungit at laging nakakunot ang noo. Parang sinasadya niya na rin minsan at parang may pinag-uugatan. Pero ‘di ba dito mo lang naman siya nakilala? Eh… ang bait-bait mo kaya. Napakamapagmahal mo pang kapatid at anak.”

Kiming ngumiti siya sa mga ito. Pahapyaw niyang naikwento sa dalawa ang buhay niya pero hindi niya nababangggit sa mga ito ang tungkol sa unang pagtatagpo nila ni Henry. Ayaw niyang mahaluan ng malisya ang pagtatrabaho niya doon.

“Kung ‘di ko lang talaga nakilala noon si Sir, iisipin ko na lang na may gusto siya sa ‘yo,” sabi pa ni Jam na ikinaubo niya. Agad naman siyang inabutan ng tubig ni Anji.

“Ano ka ba naman Jam? Paano mo naman nasabin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status