Share

War of Hearts (Papillon Series #1)
War of Hearts (Papillon Series #1)
Author: lilystellanis

Prelude

Hi everyone! Hope you all have a nice day and I just want to say thank you all for making time to read this book. I am still an amateur writer so please bare with me.

This story is still not edited. I will try to find time in editing it.

Please don't forget to respect other readers! Please don't compare my stories to other authors if you think the story is similar to other works. This is purely a work of fiction and a piece of my own hardwork.

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, places, events, businesses either are product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, events, deaths, schools, is entirely coincidental.

Health disclaimer

There are some information with regards to medical treatment and the information or content is not intented as a substitute for professional medical advice. Don't use the the information to diagnose or develop a treatment plan for a health problem or disease.

Warning: this book contains mature content and not suitable for ages 18 and below. Read at your own risk.

Happy Reading

♡✧( ु•⌄• )

From where I came from, they say that med school is only for the strong-hearted. You have to have the courage of a soldier and a heart of gold to withstand the harsh reality of the healthcare delivery system not just in the Philippines but also abroad.

Not everyone is called to this profession. Some have fought the fates to prove their worth in this field. Some are discouraged, and they eventually drop out.

As for me, it was never that easy compared to my pre-med, Nursing.

I am now a first year med student pero first sem pa lang, gusto ko nang mamatay. Sobrang daming aaralin at ang hirap pa ng subjects namin. Humanda ka sa akin med school kapag clerkship ko na, madami akong experience sa hospital.

Registered Nurse din ako kaya bago magsimula ang school year, nagtrabaho muna ako ng isang taon para kahit pa-paano, ako na ang nagbabayad sa miscellanous fees.

Additional na doon iyong experience. I am a curious person, kaya kapag walang rounds iyong mga doctors, especially the senior residents, I bombared them with questions and they are actually nice in giving me a lot of advice for med, board exam, and residency.

"Ana! Kain tayo! Wala daw si Dr. Agbayani," I heard Francine's authoritative shout not too far from me.

I look back as I follow where her voice comes from and see my only friend in med school walk inside our room wearing our white blouse and white pencil skirt.

Francine's long black hair caught my attention. It's the first thing that you'll notice about her feature, followed by her mischievous almond eyes. She has a different air than those around her, just like me. Her stare demands respect. Her stance demands authority. Her body language demands to be studied. Some of these are just a few of the many things people in our college have said about her. As for me, she's just Francine.

"Weh?" Kontra ko.

"Oo nga! Tara na!" She tried to pull me up of my chair, but I remained seated. Binigatan ko talaga ang sarili ko para 'di niya ako mahila patayo.

Nakakatamad buong araw. In fact, walang kwenta ang araw ko ngayon. Nag-aral lang ako sa physio, 'yon lang at wala nang iba pa.

"Ang arte mo naman," iritadong niyang kinamot ang ulo niya.

"Kung i-announce mo muna kaya sa klase 'no," pag-ta-taray ko sa kaniya. Inirapan niya ako at padabog siyang pumunta sa harap ng classroom.

Bilis naman magalit.

"Guys, wala daw si Dr. Agbayani kaya pwede nang umuwi," naghiyawan ang mga kaklase ko sa announcement ni France at diretsong lumabas ng classroom.

May ibang natira, tulad nang mga nag-re-review at may iba namang mga nagpapaganda, tulad ko.

"Mag-aayos lang ako," kinuha ko na iyong make-up pouch sa bag at nilagyan ko ng pulbo ang mukha at liptint ang bibig.

Nag-spray din ako ng pabango nang Victoria's Secret na Bare Vanilla. Sobrang bango kasi. Kapag nag-spray ako, amoy doughnut shop ang classroom.

"Pahingi din ako," kinuha ni France iyong bote ng pabango at naglagay sa kanyang palapulsuhan at leeg.

Lumapit sa akin ang isa kong kaklase sa upuan ko na may dalang physio book at backpack na nakasabit lang sa kaliwang braso. "Ana, sa wednesday na lang natin gawin yung worksheet sa biochem. Hindi ako puwede ng weekend."

"Okay lang. Mag-aaral naman ako sa Physio," I gave her a smile.

"Thanks," she waved her hands at us and walked out of our classroom. Mabait siya. Matalino na rin. Isa siya sa mga tinuturing ko na rin na kaibigan ko.

Si Desiree yung ka-partner ko sa biochem. May lab worksheet kasi kaming dapat ipasa next friday. Naintindihan ko naman ang rason niya. Hindi rin naman ako pwede this weekend. Mag-aaral ako at saka iinom.

Nilagay ko na ang make-up pouch at pabango sa black jansport bag at isinabit ito sa likod. Hinatak na ako palabas ni France hanggang sa labas ng SRCU.

Friday ngayon kaya ang saya lang ng early dismissal tapos inom hanggang bukas. Biro lang. Madami pa akong aaralin.

Napag-isipan namin kumain na lang ng bananaque sa Recoletos at kumain sa Ministop. Masarap kasi fried chicken sa mini at para sa akin, wala nang ibang tatalo pa doon.

Naupo kami sa isang table habang pinapalamig iyong bagong lutong manok. Bumili din ako ng dynamite flavoured na chillz kasi sobrang refreshing niya.

"Nakakainis naman. Apat dapat ang klase natin ngayon pero grossanat lang ang pinasukan ko," ngumuso ako sa pagka-dismaya habang nag-ti-trintas ako nang buhok. It's a simple dutch braid.

"May emergency daw si Dra. Lim tapos si Dr. Agbayani naman nanganak yung asawa," aniya.

"Kailan daw nanganak?" Tanong ko.

"Ewan ko. Basta sabi nung kabilang section nanganak daw asawa kaya pina-confirm ko pa kay Dean kung pwede na umuwi," kumagat siya doon sa manok niya, at dahil sa sobrang init, halos mailuwa niya iyong manok.

"Ang init!" Mangiyak-ngiyak niyang reklamo. Uminom siya doon sa kaniyang chillz para maibsan ang init.

"Takaw ba naman," Tinawanan ko siya habang tinatali ko ang natapos na braid.

Pakagat na sana ako sa fried chicken nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa ministop kaya lumingon ako sa may pintuan. Pumasok ang isang grupo ng mga lalaking naka-uniporme na pang-med.

Shit, mga kaibigan ni Eros.

Iniwas ko ang tingin sa kanila at sinimulan na ni France ang panunukso sa akin. Tingin siya nang tingin sa grupo ng mga lalaking umo-order sa counter na parang akala mo mga spy kami.

"Huwag mo nga silang tignan!" I hissed at her pero sumulyap pa si gaga. Mahahalata tuloy kami. Lalo na s'ya.

"Wala naman bebe mo," tinuloy niya lang ang pagkain sa manok.

Luminga ulit ako sa grupo ng mga lalaki at nakita ko lang doon si Paul, Caiden, Paolo at Wesley.

"Andiyan naman bebe mo," I plastered a smirk on my face while looking at France. She rolled her eyes at me and, once again, glanced at the group.

Napabuntong-hininga na lang ako at kumain na lang ulit.

Wala naman akong business sa tropa niya. Siya lang naman ang gusto kong makita. Although guwapo din iyong mga kaibigan niya kasi lahat sila may ibang lahi at mayaman saka nag-aral silang lahat sa Ateneo. Hindi ko alam kung bakit gusto nilang mag-aral ng med sa St. Rita of Cascia University. Andami-daming med school sa Maynila. Okay na rin iyon. Araw-araw ko siyang nakikita.

Simula noong lumipat si Eros at iyong tropa niya dito sa SRCU, ang dami ko nang kaagaw lalo na kay Eros. Sino ba naman ang hindi mahuhulugan ng panty kay Eros? He's the real deal.

Matangos ang ilong, may dimples kapag naka-ngiti, thick eye brows, kitang-kita ang pag galaw ng adam's apple kapag nalunok or nainom, perfectly carved jaw, perfectly built body, broad shoulder, at mayroon siyang four pack abs. Minsan nakikita ko siyang nag g-gym malapit sa Letran. Kapag pumupunta kami doon sa beer garden, napapadaan kami sa gym nila at nakikita ko siya doon.

Tuwing dumadaan siya sa corridor namin at may dalang libro, kitang-kita mo ang mga ugat niya at ang pag flex ng kanyang muscle. Hindi lang siya gwapo, matalino din. Marunong pa magluto.

Just by describing him, nahuhulog na panty ko.

Sa sobrang crush ko sa kaniya, tinulungan na ako ni France na hanapin kung saan siya kadalasang natambay at nalaman namin na lagi siyang nag-aaral sa library ng college of law kaya minsan, doon ako nag-aaral para motivated ako araw-araw.

Swerte ko nga dahil kaibigan siya ng mga kaibigan ko noong High School. Nagkakilala kami because of common friends.

Unang kita ko pa lang sa kanya, crush ko na lalo na noong mas nakilala ko pa siya. He treasures all the people he loves the most, and that includes his family.

"Ana!" Narinig ko ang pagtawag ni Wesley sa akin. Shit. Nakita pa 'ko.

Bumili siya nang kariman at chillz na katulad noong sa amin. Hawak-hawak niya iyon noong tinawag niya ako.

"Musta, Wes?" Umupo ang grupo nila sa tabi nang table namin at isa-isa silang bumati sa amin ni France. Nakita ko pa kung papaano inaasar ni Paul si Caiden.

"Okay lang. May prof ba kayo ngayon?" Tanong ni Paolo na uminom doon sa tubigan niya.

"Isa lang. Bakit? Wala din ba kayong prof?" I looked at him with a questioning eyes.

"Isa lang din sa amin e. Bonak 'di ba?" Nakitawa ako sa biro ni Wes habang iyong mga kaibigan niya ay inaasar si Caiden. Pilit na tinatago ni France ang kaniyang mukha at pabebe pang kumakain. Ngumisi ako sa kaniya ngunit pi-nan-lakihan lang ako nang mata sa inis.

I know Caiden had a huge crush on France way back in third year college. Sinama ko si France dati sa birthday ni Cha at nagkataon naman na na andoon silang tropa. Caiden is a nice guy. He's always well groomed, he has the charm, and he's a hot nerd. His specs told him so.

Nalaman ko lang na may crush siya kay France ay dahil tinutulungan ko si Paul na malapit silang dalawa. Ito namang si France, napaka-manhid. Ilang beses ko nang iniwan silang magkasama tuwing dismissal pero litong-lito pa din siya sa nararamdaman ni Caiden.

Akala kasi ni France may jowa na siya. Iyong lagi niyang kasamang babae, si Arwen Nepomuceno. Blockmate ni Caiden. May crush din naman itong si France kay Caiden pero ang manhid din naman nung isa.

Ako ang stress sa kanilang dalawa. Ayaw pa mag-aminan.

Natapos na kaming kumain at inayos ang table dahil motivated kami ni France na mag-aral sa mini.

"Anong aaralin sa physio?" Naglakad ako pabalik nang table namin dahil nagtapon ako nang basura. Umupo ako sa harap ni France na nagpupunas nang lamesa gamit iyong tissue.

"Neuron action potenial mechanism lang. Doon daw mag-focus sabi ni Desiree," kinuha ko iyong libro ko sa physio at binuklat ito.

"Hindi ko pa rin gets. Diba may tatlong klase nang threshold. Subthreshold, threshold at suprathreshold... Is an action potential different depending on whether it's caused by threshold or suprathreshold potential?" Tinuro sa akin ni France kung saang parte siya nalilito.

"Hindi. The length and amplitude of an action potential are always the same. However, increasing the stimulus strength can cause an increase in the frequency of an action potential." Binuksan ko iyong notebook ko at nag drawing sa likod nang mechanism ng action potential. Mahirap siyang intindihin kapag wala kang visual aid dahil mechanism ito. Mas maganda kung nakikita yung buong process.

Mabuti na lang at naintindihan na niya ang tungkol sa action potential dahil sa Histo naman ako mag-aaral. Nagsalpak ako ng earphones sa tainga at sinimulan ko nang mag highlight sa notes ko.

Dalawang oras na kaming nag-aaral ni France at sumuko na kami. Kanina pa nagpaalam sina Paul sa amin. May "group study" daw sila . Tinignan ko ang orasan para i-check kung anong oras na.

5:43 PM

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong malapit nang mag 6 pm.

"Shit! Kailangan kong pumuntang Katip ngayon!" Dali-dali kong inayos ang gamit ko at lumabas na kami ni France ng mini stop.

Magka-dorm lang naman kami ni France kaya sabay kaming umuwi. I took a shower and wore a simple black knitted crop top and white high waisted shorts. Isinalpak ko ang black slider ko sa paa saka naglagay ng lipstick at eyeliner.

"Mag-uwi ka naman!" Ngumuso sa akin si France at pilit pa akong pinagdadala nang tupperware.

"Inuman lang 'yon," I rolled my eyes on her and fixed everything I needed. I missed my girls already. It's been one month since the last time we saw each other. Simula noong pumasok ako sa med last August, doon na umiikot ang buhay ko. Hindi pa nga ako nakaka uwi ng Laguna. Galit na sa akin si papa dahil hindi ko raw siya mabisita at iyong kapatid ko na si Keith.

Usapan naming tatlo na mag iinuman kami sa condo ni Cha sa may Katipunan nang eight.

6:30 PM

Kailangan ko nang umalis baka ma-late pa ako. Hindi ko alam ba't kailangan sa Katipunan pa kami iinom. Mas malapit kung sa Sampaloc na lang—sa condo ni Ae. Isipin mo yung gas ko! Ang mahal ng gas! Intramuros to QC.

Traffic is waving at you.

Hindi na ako nagtaka na traffic. Kasalan ko din naman na umalis ako ng rush hour pero utang na loob, nagta-trabaho na sila at ako nag-aaral pa ako ng med, ako pa yung mag-a-adjust.

While I was driving, my phone vibrated from a call. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag at basta ko na lang 'yon inaccept.

"Hello, good evening! Sino po sila?" I asked in a calm voice.

"Ana?"

My face turned sour as I looked at my phone and saw the name of the caller. He's always clingy. Walang araw hindi ako tatawagan ng lalaking ito.

"Ano na naman ba, Doc?"

I heard him chuckle. I bet he is laughing due to my bitchy attitude. He can sniff me even when we're countries apart!

"France told me you're going to Charlene's condo, is that right?"

Ambilis naman makasagap ng information 'to. I won't blame France if he told him of my activities and whereabouts. They are cousins after all.

"Oo. May reklamo ka?" Sa tono kong 'yon, para bang nanghahamon ako ng away. He won't take it seriously.

"Wala naman. Just drive safely, and don't drink too much. Mag d-drive ka pa after."

"I know! You do not have to remind me. I'm a nurse!" Pagmamalaki ko sa kaniya.

And, once again, he laughed at my prideness.

Silence then reigned over. For some odd reasons, I could only hear the fast beating of my heart. I hate awkward silence, especially when it comes to this guy. Earl has this authoritative air when it comes to other people, but whenever the two of us hang out, I couldn't explain why I find myself laughing at his small jokes. Even worst, his dad jokes.

My breathing hitched upon hearing him heave a sigh.

"Yes. I believe that you are responsible."

My heart swelled at his compliment.

"As you should!"

"And!" Dagdag ko. "I'll be studying afterwards."

"You should rest, Athanasia Mare." I could already imagine his darting eyes staring into my soul. "France told me the two of you already studied. That should be enough."

"No! Ikaw na nga mismong nagsabi na nag-aaral ka hanggang alas-tres ng umaga!" Pagrereklamo ko.

It feels incomplete when I don't study until morning. Nakagawian ko na rin iyan noong student nurse pa ako. My guilt is eating me from the lack of study.

There are times I would even joke about my nursing diagnosis for myself. I would always say I am at risk for failure r/t lack of study as evidenced by partying all night and / or lack of motivation.

"That's because I also work." He defended himself.

"See! Ako nga dapat ang ma concern sa'yo kasi ikaw yung maraming ginagawa! Come on! What I'll be doing prior to my study is leisure."

He sighed as if he cannot make me obey him further.

"Fine. But do not overdo it. Okay?"

"Yes, doc!" I even made a salutation even though he cannot see it. With the way he giggles at my tone, as if he knew I am doing something goofy, which is true.

"Okay. Goodbye." He said, almost whispering.

"Bye, Earl!"

I just found myself updating Earl of my whereabouts.

Ako (to Earl):

I am at Cha's condo.

After a few minutes, he replied.

Earl:

Have fun!

Alas-otso na nang makarating ako sa unit ni Cha.

Hindi na ako kumatok at diretsong pumasok doon. Pagbukas ko pa lang ng pinto, amoy alak agad. Kumunot ang noo ko nang makita kong madaming tao sa loob.

Akala ko ba kaming tatlo lang? Ba't pati kaibigan ni Cha kasama? Sana sinama ko na si France.

"Lala!" Lumapit sa akin si Cha na may dalang can ng San Mig flavored beer. B****o siya sa akin saka ako hinila papuntang salas.

Puro college friends ni Cha ang nakita ko doon.

"Hoy, Charlene, akala ko ba tayong tatlo lang?" I crossed my arms and furrowed my brows, emphasizing that I am a bit annoyed. Hindi ko naman kasi kilala ang ibang kaibigan ni Cha sa Ateneo. Ang kilala ko lang sa kaibigan niya ay si Zenith at Cami, wala pa nga sila dito.

"I am so sorry, Lala. Nakakainis kasi sila! Gustong-gusto nang uminom," she draped her arms around my shoulder and gave me an apologetic smile.

"Tss," I removed her arms on my shoulder at naglakad papunta sa kusina niya para kumuha nang isang can ng beer sa ref. Nakasunod naman sa akin si Cha at patuloy siyang humingi ng tawad.

"I swear, Athanasia Mare, nagulat na lang ako that they're already here! It's so annoying kaya. I love my girls," she pouted her lips and pleaded in front of me. Natutukso ako sa malambing niyang mukha. Nakakainis naman. Si Ae ang inosente sa amin, hindi si Cha.

"Oo na," iritado kong pagkakasabi at napakamot na lang sa ulo. "'Asan ba si Ae?" Binuksan ko iyong can ng beer saka uminom.

"Hindi na raw siya makakapunta. May emergency yung hospital nila," nakita ko kung papaano lumungkot ang mukha ni Cha. Tinungga niya iyong isang can at saka tinapon ito sa may basurahan. Tatlo na lang kami pero dahil sa sobrang busy, hindi na namin magawang magkita-kita.

"Hayaan mo na," I gave her a smile, but she's still looking gloomy. There was a short moment of silence. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang words na gagamitin para sa kanya.

"I missed her."

Napa-tingin tuloy ako sa kanya na pilit na nagpipigil ng luha. Napabuntong-hininga ako at nilapag sa counter top ang beer. Tumabi ako sa kanya at hinaplos ko ang likod para pa-kalmahin siya.

"We all missed her." Malambing kong pagkakasabi. She took a deep breath and gave me a hug, still holding her beer.

I hugged her back and drew circles on her back to comfort her. Naramdaman ko ang pagpigil nang kaniyang tawa habang ginagawa ko iyon sa kaniya.

"Ba't ba tayo nalipat sa usapan na iyan?" I chuckled as I unclasped myself from hugging her.

"Inom ang pinunta ko dito!" I let out a laugh at kinuha iyong beer.

"Cheers," we both raise our cans and drank our beers.

We walk towards her living room so she can introduce me to her friends. Nine sila doon. Medyo nakakahiya kasi lahat sila nakatingin sa akin! Ayaw ko pa naman ng exposure. Char.

"Guys, this is Athanasia Mare. You can just call her Lala," Pakilala sa akin ni Cha sa mga kaibigan niya. Hinampas ko pa siya sa braso dahil Lala pa ang binigay na nickname sa akin.

Sila lang naman ang tumatawag sa akin na Lala dahil surname ko ay Lacsamana. Kinuha yung 'La' ng Lacsamana kaya Lala.

They all waved their hands at me, so I simply smiled at them.

"Ah! This is Sei, Patrick, Ken, Garett, Neil, Ayla, Connor, Vince, and Raine." She pointed out which is which, and I nodded in response.

"Single siya, so if any of you are intere-" tinakpan ko iyong bibig niya para hindi na siya makapag salita. I glared at her at saka hinampas ulit braso niya.

"Ow! Dalawang beses mo na akong hinahampas!" She caressed her arm like it was her baby at sumimangot pa ang gaga.

"I am married to med school right now, Charlene," I rolled my eyes and drank my beer.

Loyal tayo kay Eros, okay?

"Kows," pambobola niya pa sa akin. Kumuha ako ng dalawang slice ng pizza ng S&R at naupo doon sa bean bag, malapit sa pinto ng terrace niya.

Nakakainis talaga itong bunganga ni Cha. Ever since high school, wala nang bukang bibig kundi chismis. Napairap tuloy ako at sinubo ng buo iyong pizza. Maliit lang naman iyong slice.

Dahil wala naman akong kadaldalan dito, nagbukas na lang ako ng f******k para maghanap ng mga memes. Hindi na ako nagtaka na ninety-two ang notifications ko. Sa isang araw, thirty memes ang na-she-share ko.

Emery Danise Ponce

Picture nang puting van: nangunguha ng mga bunsong palaban.

I let out a laugh ng makita iyong post. Naalala ko kasi si Keith, bunsong kapatid ko, lagi kasi siyang palaban pag inuutusan ko na.

Write Post:

Alyjah Keith Lacsamana manigas ka na hahaha

I tagged her and shared the post on my f******k. Hindi na ako nagtaka na online si Keith at nag comment pa sa post ko.

Alyjah Keith Lacsamana: Gago ka

Nag react na lang ako nang laughing emoji at habang nag re-react ako, nakita ko na nag ta-type si papa.

Rod Lacsamana: Language, Keith.

Mas lalo akong natawa dahil nakita pa ni papa na nagmura siya.

Huli pero 'di kulong. Police pa man din si papa.

Naistorbo ako sa paghahanap ng memes nang may lumapit sa aking lalaki.

"Hey," I look at the man who called me. His name is Garett, I believe.

Naka-pamulsa iyong isang kamay niya habang hawak naman noong isang kamay ang can ng beer.

I furrowed my brows, questioning him why he even approached me.

Yes, I am that kind of bitch.

He let out a chuckle and took a sip from his beer.

"You're something," he said.

"Sorry, hindi ako bagay para tawagin mong 'something'." inirapan ko siya at tinungga ko iyong beer. I need another can.

I saw how his lips rose from amusement. I didn't bother him anymore kaya pumunta na akong kusina para kumuha ng dalawa pang can habang kinakagat iyong isa pang slice ng pizza.

Binuksan ko iyong refrigirator at yumuko para abutin iyong can ng beer pero noong tumayo ako nagulat ako ng makita kong nakasandal si Garett sa counter.

"Pota!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.

"Ba't mo ba ako sinusundan?" Kumunot ang noo ko sa galit at binuksan iyong can ng beer.

"I just wanted to know you," he took a sip from his can and stared at me intently. His stares made me shivered so I took a step back from him after closing the fridge.

"Sorry, taken na ako." I said in a monotous tone and walked past him, hitting his broad shoulder a little. I hear him chuckled from the distance, and I hurriedly walk away. I need to go.

"Wait!" I heard him call for me, and I didn't bother to respond, so I walked faster. I was surprised when he grab my wrist and pulled me closer to him.

I was so close to him to the point that I am already inhaling his manly scent and the alcohol.

I tried to pull my wrist out from his grasp but he didn't even flinch.

Bitch, the audacity!

One thing na ayaw ko sa lalaki ay iyong hinahawakan ako nang basta-basta lang lalo na kapag hindi ko naman kilala.

"Ano ba ang problema mo sa akin?" I asked him as my voice creaked. He plastered a grin on his face and leaned his face close to my ear.

"My problem is your attitude," he softly whispered on to my ears that made me shuddered. I did not flinch, showing him that his words had no effect on me. People had the right to judge me but in the right manner. He, on the other hand, doesn't even know who I am. Oh well, first impression are always inaccurate.

He slowly moved his face away from my ear as he unclasped his holds on my wrist. I stared directly at his brown eyes with no smear of emotion on my face. I drank the remaining beer in my can and walked out of the kitchen.

Pumunta ako sa salas para mag paalam na kay Cha. I don't want to hang out with her friends anymore. I don't like them, lalo na iyong gagong Garett na iyon. Pa-fall ampota. Well, hindi gumagana sa akin.

Sorry to say pero hindi ako marupok.

"You're leaving already?" Lumungkot tuloy ang mukha ni Cha noong nalaman niya na aalis na ako. Ayaw ko siyang masaktan pero gusto ko din naman ng kapayapaan.

"Yeah. I still need to wake up early tomorrow. Madami pa akong quiz sa Monday." I hugged her and gave her a kiss on the cheek. I smiled at her and held her hand.

"Bye, my love," I softly said and let go of her hand.

I wave my hand while walking towards the door and even gave her a flying kiss. She chuckled and grab that kiss and placed it on her chest.

Simple acts like that warms my heart.

So many things had happened in our friendship and I am so proud at them for being brave. Kami-kami na lang ang nagtutulungan.

Sumakay na ako sa sasakyan at hindi ko alam kung ano na ang gagawin. I looked at my watch and it's only 9:10 PM

May dala din naman akong notes at libro kaya mag-aaral na lang ako sa Coffee shop. I searched for a near coffee shop that is still open and good thing there's one open for twenty-four hours.

I parked my car in front at nagpabango pa ako gamit iyong VS fragrance mist ko. Amoy alak na ako for sure.

Dinala ko iyong tote bag ko na puro notes at iyong wooden bookstand at hawak ko naman sa isang kamay ang makapal na libro ko sa Physio.

I went inside the shop and smelled the aromatherapic scent of coffee. I scanned first the place to see if there are any vacant tables.

"Oh my gosh," napahawak ako sa dibdib ko ng makita si Eros at Caly sa isang table.

Ba't ngayon ko pa siya makikita?

I looked so wasted.

Babalik na sana ako sa sasakyan para umalis pero narinig ko ang tawag ni Caly.

"Ate Lala?" Lumingon ako sa direksyon niya at nginitian. Wala naman akong magagawa. Nahuli na ako.

I walked towards her and gave her a hug. After hugging her, napatingin ako kay Eros na kanina pa pala nakatingin sa amin.

"Hey, Eros," Fuck Athanasia, why did you stutter?!

"Hey, Lala," He gave me a simple smile and got back from studying.

'Yon lang? Grabe! Parang hindi kami nagkikita sa School!

I sat beside Caly at nilapag iyong makapal na libro ko sa Physio.

"Grabe ate, ang kapal," Caly scanned through the pages of the book, jaws dropped in astonishment.

"Inaral niyo din 'to, kuya?" Napatingin naman si Eros sa kanya and nodded at her.

"Physiology is a branch of biology. It aims to understand the mechanism of living things that's why, in my opinion, it's the hardest subject in first year." He calmly explained to her sister at nakita kong tumango si Caly.

"Grabe, nakakatakot naman maging doctor," napamasahe si Caly sa sentido niya. I let out a chuckle and so does Eros.

My gosh. Kalma self.

"Order lang ako." I stood up at pumuntang counter. Naghanap ako kung ano pwedeng inumin na magigising ang buong diwa ko.

"Isa pong Matcha Espresso, iced, medium." Sinabi ko iyong order sa kahera. "Oh, and a slice of carrot cheesecake," dagdag ko pa.

"Two hundred ninety po," she coldy said.

Weird. Usually cheerful sila. Anyare 'te? Lungkot naman. Awit sa'yo.

I handed her the money at hinintay ko ang order sa kabilang side. Nang matapos gawin iyong drink ko, bumalik na ako kung saan naka-pwesto sina Caly.

I placed my drink and cake on top of the table saka ibinalik iyong tray sa counter. Umupo ako malapit kay Caly at uminom doon sa matcha espresso.

Nabuhayan tuloy ako ng diwa.

Natikman ko dati Matcha latte ng starbucks, iyong hot drink, hindi ako pinatulog noong punyetang iyon e!

I glanced at Eros as I observed his eyes glancing through the words from his book. Sana ako na lang yung libro.

Anong subject iyong inaaral niya? Patho ba iyon?

I got curious about the book he's reading kaya hindi ko na namalayan na nagiging giraffe na ang leeg 'ko dahil hindi ko talaga makita kung ano ba ang binabasa niya.

He tilted his head on my side and raised his left eyebrow, questioning me.

Grabe, ganito ba ako kataray sa kausap ko kanina? Omg I am tasting my own medicine! Sa crush ko pa.

"What do you need?" He then said in a cold manner.

"Grabe, ang ginaw na dito sa coffee shop 'tas nadagdagan pa ng pagiging malamig mo sa akin," I hugged myself and giggled. I saw him chuckled in amusement at umiling na lang sa sinabi ko.

Oh ha! Napatawa na kita! Ang hirap-hirap pasayahin nitong si crush e.

"I didn't know that you'll even follow me all the way here," he amusingly said, emphasizing the word 'all'.

"Grabe! Pwede bang coincidence lang na nagkita tayo dito?" Depensa ko. I heard him laugh at my statement.

Hay, sarap pakinggan ang tawa ni Eros Xavier Sahagun.

I sipped on my drink to avoid myself from blushing.

"Ah, so lagi ninyo pong sinusundan si kuya sa school?"

Nasamid ako sa iniinom ko nang marinig ko ang tanong ni Caly. I coughed habang hinihimas ko ang dibdib ko.

Eros gave me his glass of service water.

Uminom doon si Eros. Indirect kiss, sis!

Wala na akong magagawa kung may laway niya iyon, baka mamatay pa ako dito. I gulped at the water. Napa-hinga ako ng malalim saka nilapag iyong baso.

"Thank you," I said to Eros and gave him a smile. He only nodded in response.

'yun lang?!

"Okay ka lang, ate?" Caly asked and nodded in response.

Kinain ko na iyong cake dahil kanina pa ako takam na takam sa carrot cake. Pagtapos ko kumain, nag-aral agad ako.

Nasa tabi ko lang si crush kaya pagbutihan natin ang pag-aaral.

(✿◠‿◠)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status