Share

Chapter 1

Cut

I am sitting alone inside the coffee shop, thinking if I should buy another carrot cheesecake or try their empanada. Ang hirap naman. Huwag na nga lang. Tataba pa ako.

Nakakainis kasi umalis na si Eros. Magtatanong sana ako sa kaniya tungkol doon sa action potential na under ng membrane physio. Kanina ko pa iyon inaaral pero simula noong nagtanong sa akin si France kanina noong nasa ministop pa kami, gumulo na utak ko.

I took a sip from my matcha espresso, frustrated in this topic. Ba't ba kasi ako pinanganak na walang utak?

12:21 AM

Nang makita ko na alas-dose na, I pack my things and leave the coffee shop. Hindi ko alam kung uuwi na ba ako sa dorm or makikitulog muna ako sa condo ni Cha, but then I remember what happened earlier kaya huwag na lang. While driving, I contacted Ae. For sure gising pa 'yon. I am glad she picked up.

"Huwag mong sabihing makikitulog ka na naman sa condo ko."

I laughed so hard at her opening statement. Kung ang ibang tao, kurakot sa pagkain, ako kurakot sa condo. Para tuloy akong taong kalsada, kung saan-saan na lang tumitira.

"Galing mo naman mang hula. Puwede ba?"

I heard her heaved a heavy sigh. Na alarma ako sa simpleng aksyon niyang iyon. I just know that whenever our baby Aenna is facing a problem, she wouldn't tell us the entirety of the story but would show us signs that she is not comfortable with her situation. Tulad nang pagbuntong-hininga niya, hindi iyon dala ng simpleng pagod. Sigurado akong malalim ang iniisip niya ngayon.

"Oo na. Asan ka na ba?"

Napanguso ako sa tanong niya. Tutuloy pa ba ako?

"Quezon Ave. Malapit na ako." Sagot ko habang iniisip kung saan ba ako pupulutin ngayong gabi.

"Bilisan mo at gusto ko ng matulog."

Nawala sa isip ko ang pangamba at nabuhayan sa kaniyang sagot.

May matutulugan ako!

"Yay! I love you so much, sexbomb Ae!"

I heard her small laugh. Yung tawang nahihiya.

"Oo na. Bye na."

I could already see her cherry tomato face. It has always been like that for Aenna. Tuwing nahihiya siya, mamumula ang mukha niya at may mga pagkakataong tatakpan niya ang kaniyang tainga na animo'y ayaw niyang marinig ang bagay na sinabi ng isang tao. 

"Bye! See 'ya!"

I ended the call as I prepared for my departure.

It was already one in the morning when I arrived in front of Ae's unit. I have with me a bag of clothes, skin care products, a hygiene kit, and my textbooks. You never know when you'll be needing these things, so I always come prepared.

Kumatok ako sa kaniyang pintuan, iniisip kung gising pa siya. Nang buksan niya iyong pinto, naamoy ko agad ang kape.

Lahat kaming magkakaibigan mahilig sa scented candle pero si Ae ang adik sa scented candle na kape.

Pagod na pagod ang itsura niya kaya hindi na niya ako pinansin. Dumiretso agad siya ng kwarto at natulog.

"She must be really tired. Or problematic." I said to myself.

Nilapag ko muna iyong mga gamit sa guest room at binuksan ang aircon. Sanay na naman si Ae na na andito ako tuwing weekend. Either uuwi ako sa Laguna or tatambay sa condo niya.

Kinuha ko iyong twalya at toothbrush sa bag at pumasok ng banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at kitang-kita na ang eyebags ko.

Gosh. Hindi na ako nakakatulog dahil sa sobrang daming inaaral.

I washed my face and did my usual skincare routine. Instead of taking a shower, i just damp myself with a wet towel. Ang lagkit na ng pakiramdam ko pero masama naman kung maliligo ako sa gabi. As we go along our day, our body temperature rises. Kaya kung maliligo ka sa gabi, mabibigla ang katawanan dahil sa pagbaba ng temperatura. Ang advice ng mga doktor ay bago ka maligo, sisimulan mo lagi sa paa para hindi mabigla ang buong katawanan natin.

I wore a simple white tank top and black dolphin shorts before I stepped out of the room.

As I set foot inside the room, a gust of cool wind tickled my skin. Ba't ba naka-swing 'tong aircon na 'to?! I grabbed the remote on top of the desk and fixed its setting.

Mabuti na lang at may study table dito kaya mag-aaral na lang ako ulit. Sobrang effective talaga ng matcha. Hindi na ata ako patutulugin e.

I opened my textbook in physio and began highlighting.

~

"Hoy! Gumising ka na!" Narinig ko ang sigaw ni Ae at binatuhan niya pa ako ng unan.

I grunted in pain after the low blow. 

Late na ako nakatulog kaya inaantok pa ako. I covered my face with a pillow so I wouldn't hear her. Ang tinis pa ng boses.

"Hay nako, Lala. Makikitulog ka na nga lang hindi ka pa gigising! Alas-dos na ng hapon aba!" She pulled away the pillow that was covering my face. I grunted in annoyance when she opened the blinds of the room. Muntik na ako mabulag sa sobrang liwanag. Mataas na ang sikat ng araw.

"Ano ba! Six na ako naka tulog eh!" Reklamo ko. Pinipilit kong umupo sa kama pero ang bigat pa rin nang pakiramdam ko.

"Kung natulog ka na lang at gumising ng maaga para mag-aral e'di mas naging productive ka pa!" She crossed her arms around her chest and rolled her eyes at me. Napakamot ako sa ulo at saka tumayo ng kama para ayusin ang mga unan.

"Wala kang pasok?" I asked, still half-asleep.

"Walang duty ngayon. Monday pa," she sighed and sat at the edge of the bed after fixing it. I sat beside her and rested my head on her shoulder.

"Magsisimba ka bukas?" I asked as I shut my eyes, still thinking of the dream I dreamt earlier. It was a good one, to be honest.

"Oo naman. Gusto mo ba sumabay sa akin magsimba?" She tried to tilt her head to see my face, but she failed.

"Anong oras at saan ba?" I removed my head on her shoulder as I rubbed my eyes to completely wake me up.

"Sa San Agustin ako magsisimba, 10 AM mass." She said while tying her hair up in a messy bun.

"Malayo 'yon dito ah!" Hinampas ko siya sa braso habang tinititigan siya ng masama.

"Ayun mas malapit sa dorm mo ah?" She crossed her arms again and rolled her eyes.

"Sige. Sasama ako," I smiled at her and stood up so I could fix my hair and gargle my mouth dahil ang baho na ng hininga ko.

"Gumising ka ng maaga ah!" She said upon leaving the room.

One thing na lagi namin tinuturo sa isa't isa ay ang magsimba. It wouldn't hurt to offer one hour in attending mass. Andami na nga nating oras para sa sarili natin sa isang linggo pero ang ialay ang isang oras sa Diyos hindi natin magawa?

Going to church and attending mass is something that recharges my soul. I also need spiritual guidance, and listening to the readings, prayers, and homily is what strengthens me.

After gargling, I did my morning skincare routine. Inayos ko muna ang study desk na sobrang gulo bago lumabas ng kwarto. Pagpasok ko sa kusina niya, nakita ko siyang naghihiwa nang talong.

"Di ka pa nakain?" I asked as I sat down on one of the high chairs ng kitchen counter. She nodded in response as I placed my hand under my chin, staring out of nowhere.

"Anong niluluto mo?" Luminga ako sa kaserolang nakasala sa apoy.

"Sinigang," aniya. Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya habang nagluluto. Mukha nang nanay si Ae. Pwede na mag asawa.

"Sorry, 'di ako naka-punta kagabi, nagkaroon ng emerency sa hospital," she said out of the blue.

I remember what happened last night with that Garett. Ugh! Nakakainis iyong mukha niya! Sarap lunurin sa toilet bowl na may muriatic acid e! My problem is your attitude, mukha mo!

"Oh, ba't ka naman naka-nguso?" Hindi ko na-realize na naka-simangot na pala ako. Nakakainis kasi mukha noong lalaking iyon.

"Wala. May naalala lang ako," I said with a hint of irritation.

"Hoy. 'Wag mo akong niloloko, Athanasia. Kilala kita," I let out a heavy sigh. Kahit anong tago ko sa mga kaibigan ko, lalo na si Cha at Ae, they can see right through me.

"Ano ba nangyari?" She placed two bowls of rice and a large bowl of sinigang in front of us. Kinuha ko iyong kutsara't tinidor at humigop sa sabaw.

Nakakilig naman itong sinigang!

"Nag-invite kasi si Cha ng mga friends niya sa Ateneo, 'di ko naman sila kilala. Tapos may isang lalaking lumapit sa akin, pangalan niya'y Garett tapos hinawakan niya iyong palapulsuhan ko!" Kumunot agad ang noo ko nang banggitin ko ang pangalan niya.

Ugh! Tumataas balahibo ko sa kilabot.

"Anong ginawa mo?" She narrowed her eyes at me, taking a sip from her soup.

"Malamang binitawan ko siya at nagpaalam na ako kay Cha na umalis. Nakakainis kasi!" I placed down my utensils and crossed my arms around my chest. Napairap pa ako sa inis.

Ae gave me a side-eye while a smirk starts to form her lips. I just know that she's trying to hold her laugh.

And she failed.

Napahalakhak siya sa sinabi ko.    

"The reaction is very Athanasia Mare." She shook her head as if she knows my whole being! "Grabe ka naman. It's your chance to have a boyfriend pero tinanggihan mo agad." Reklamo niya.

Napangiwi ako sa sinabi niya. What? Those kinds of boys are not to die for.

"My gosh, Ae! He has the looks, but he's so cocky!" Napamasahe na lang ako sa sentido ko sa inis.

"Pa'no mo naman nasabi?" She gave a lopsided grin. Ayaw ko makipag talo kay Ae dahil sa lalaking 'yon. Kung alam niya lang kung anong itsura noong hayop na 'yun. Baka pati siya ay mairita.

"Ayaw ko na pag-usapan iyan. Kumain na lang tayo." I grab my untensils and continue eating. She just nodded in response.

I am actually happy na naging kaibigan ko sila. Siguro kung wala sila, baka ma-depress na lang ako buong buhay. Aenna and Charlene are both my friends from high school. Ever since our friendship started, we've forged a great bond that still stood up to this day. Despite the hardships, they are still with me.

May mga pagkakaibigan na nababaon sa lupa. May mga pagkakaibigang nasisira dahil sa maling unawaan.

I am just glad that ours stood strong.

After eating, I continue my studies. Umalis si Ae para makipag landian ay este, mamili ng grocery.

I am actually hoping that Aenna would find another man aside from him. There are just relationships that are not meant to happen. Given the nature of Aenna's situation before, it's not something personal. It's beyond their control.

 

Napasapo pa ako sa noo ko when our president said that our professor in histology, Dra. Gretchen gave us an assignment and also said that we will be having a quiz about Gastrointenstial Histology. Specifically the anatomy, function, and diseases of the liver.

Shocks. Buti na lang at nag-aral ako about doon kagabi! Kinikilig tuloy ako.

Pero sige, aaralin ko ulit. Masyadong madami kasi iyon. Atay lang iyon ah! Pero andaming kailangan tandaan at intindihin.

~

Apat na oras na akong nag-aaral at hindi pa din ako tapos sa liver. Madami pa akong hindi natatapos like the functional units of liver, carbohydrate metabolism, protein metabolism, fat metabolism, and diseases. Not to mention, included na rin dito ang mga medications na toxic sa liver at maaaring makasira. Panibagong drug study na naman.

Kailangan ko pa naman madaanan iyong diseases kasi for sure, kasama iyon sa quiz pero kailangan ko na simulan iyong assignment which is mag drawing ng liver structure anterior-posterior view with specified parts.

Hindi naman ako magaling mag drawing that's why I texted cha on i*******m dahil online si gaga.

amare: hoy gaga may work ka?

chaptersss: alaws. Bakit?

amare: pa-drawing!!!!

chaptersss: ano ba ida-drawing?

amare: atay lang. Send ko pic

I sent a picture of the anterior-posterior structure of the liver.

chaptersss: digital?

amare: yahhhh

chaptersss: sige. Send q mmya or baka bukas na

amare: oki lang.

yieeee tnx! Lav ya 😘

chaptersss: 😘

Binuksan ko ang i* story and took a pic of my messy study desk.

'pATAY na pATAY na q'

I giggled at my caption.

Ang witty.

It's already 6:44 PM. when I looked at my watch. Antagal ni Ae sa grocery. Hindi ko alam kung ano ginagawa nila pero apat na oras na siyang nasa labas.

I tried to call her but she's not answering. Wala pala akong load. Nag iwan na lang ako ng message sa i* niya.

amare: wru?

Nagulat ako kasi nag-online siya agad.

cal.aeum: Sorry, mmya pa ko uuwi

amare: y?

cal.aeum: basta. May cereal naman dyan pati kape

amare: oki. Chat mo na lng ako pag pauwi ka na

I sighed while turning off my phone. Lumungkot tuloy ako. Buti pa sila may iniintinding jowa. Ako nasa med school na, NBSB pa din! Kainis!

Sana all

Nakakainis naman kasi si Eros e. Tigas-tigas ng puso. Sobrang pakipot na nga ako sa kaniya pero wala pa din effect. Hindi ko naman siya masisisi.

Sino ba naman ako sa kanya? Kaibigan lang naman ako nang dati niyang girlfriend.

Sa sobrang lugmok ko, naisipan ko tuloy i-stalk siya.

@erosxavier

13 post 3,491 followers 87 following

Eros Sahagun

Wala pa din siyang latest post. Huling post niya ay picture ng isang butterfly na bali iyong pakpak.

Thy wings

Iyon ang caption doon sa butterfly na picture. Alam ko naman kung bakit iyon ang caption.

I scrolled through his i*******m and smiled at his candid pictures. There's one picture na naka-ngiti siya nang todo tapos kita pa iyong abs niya. He's wearing a white polo na naka-bukas lahat ng botones, blackboard shorts at naka-suot siya ng shades.

Sobrang saya niya sa mga pictures niya noon.

Sana ako na lang ang naging dahilan ng mga ngiti niya.

Sometimes, I couldn't let go of the fact na tumitibok pa din ang puso niya sa dati niyang girlfriend. Ang masaklap, kaibigan ko pa. May mga times na sobrang nainggit ako sa kaniya. Ang swerte e. She had Eros Sahagun. Tapos lagi pa akong third wheel kapag sinasama nila ako.

So many what if's started to wonder in my mind.

What if I first met him?

What if I made the first move?

Sobrang bagal ko kasi.

Just thinking of that thought shifted my mood for the entire day.

Sobrang dami ko din pinagsisihan sa buhay. Like that time when my dad went home drunk. He hurt my little sister out of nowhere because of that damn alcohol.

Tumawag kasi yung kaibigan ni Daddy kung gusto daw makipag-inuman pero tulog pa noon si daddy at ginising ko. Siguro kung hindi ko siya ginising, hindi malalasing at hindi niya masasaktan yung kapatid ko.

Siguro kung pina-tulog ko ng maaga si Keith at hindi na nakipaglaro doon sa golden retriever naming puppy, e'di hindi siya nasaktan. Seven years old lang kapatid ko that time. Sobrang sakit sa akin noon.

What am I even thinking right now?

Humiga ako sa kama at tinitigan ang kisame. Na-miss ko tuloy ang probinsya kung saan sobrang daming bituin ang makikita mo tuwing gabi. My mouth curved into a smile, imagining the constellation of stars above us. Napawi ang ngiti ko ng maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa aking kanang kamay.

Incoming call

Engr. Jodi (UP)

huh. Ba't tumatawag 'to?

"Aiyah Ana! I have a party dito lang sa Makati! I rented the whole place, sia! If you want to come. Hahaha! Sorry for the late notice liao."

I heard loud music from the distance.

"Ah, sige! Mag-aayos muna ako."

"Okay ma! I will dm you the address!"

"Okay."

"See ya! Mwah!"

I needed to escape from this bullshit. Tumayo ako at pumunta sa damitan ni Ae. Nag-iwan din kasi ako ng damit dito kasi nga second home ko na 'to.

I first took a shower and wore a simple black and white checkered off shoulder blouse that is tucked in my high waisted black shorts that I am wearing and white adidas rubber shoes. I applied bb cream on my face and did my usual light korean make-up look.

I sprayed some fragrance mist on my wrist and neck pati na din sa alak-alakan ko. If you sprayed perfume or mist on the warmest part of your body (kung saan mayroong pulso), long lasting ang amoy. Nagdala lang ako ng fake gucci sling bag na nabili ko lang sa shopee at doon nilagay ang liptint, wallet at fisherman mint candy ko.

Jodi already texted me the address of the club, and I also texted Ae in messenger that I'll be attending Jodi's party.

Baka nga naandoon pa siya. Grocery pala ah.

Sumakay na ako sa silver kong vios at umalis na ng condo. Nagpa-gas muna ako bago pumunta sa club. Hindi ko alam kung sino mga kakilala ko doon pero bahala na! Magpapaka-lasing naman ako. Bukas ko na lang tatapusin iyong assignment ko.

9:30 PM na ako nakarating sa club at ang daming tao sa labas.

Pagpasok ko, na-bingi na agad ako sa sobrang lakas ng music. I made my way inside at nakita ko si Jodi naka upo sa isang couch sa second floor kasama iyong mga kaibigan niya from UP.

Nangigibabaw ang kaputian ni Jodi sa mga kaibigan niya. Kahit nasa madilim na lugar kami tulad na lang ng club na ito, para siyang lumiliwanag sa kaputian. Siguro dahil laking Singapore. Minsan hindi ko s'ya maintindihan lalo na kapag nag-e-english siya. Mali pala, Singlish.

Nakalapag sa table nila ang isang bote ng henessy, isang bote ng cuervo at dalawang bote ng black label.

Mabuti na lang at walang Bacardi. Lasang urine 'yon e!

"Ana!" She stood up carrying a shot glass and handed it to me.

"Hey! Ano 'to?" I asked as I reached for the shot glass.

"Tequila lang. You go drink it la!" Naghiyawan iyong mga kaibigan niya as I drank the whole glass of tequila at mabuti na lang nagbigay sa akin si Jodi nang isang slice of lemon.

Oh my gosh! Iba talaga ang tama sa akin ng tequila. Parang may gumuguhit sa lalamunan ko.

Jodi gave me a liqueur glass so I could choose my own drink. Kinuha ko iyong bote ng henessy and poured a good amount.

Iniwan ko na si Jodi kasama mga kaibigan niya. I leaned against the railing and tried to search for familiar faces pero ang nakita ko lang ay si Wesley.

Muntik ko ng mabitwan iyong baso ng alak dahil nakita ko iyong kaibigan ni Eros.

Omg! Naandito din ba siya?! Shet act normal lang tayo Lala.

I tried to scan the whole room again para hanapin si Eros, and I was right! He's there sitting on a couch with his Atenean friends.

Nag-iba iyong timpla ng mood ko nang makita ko na may katabi siyang babae. Who's that?

Parang nakikita ko s'ya sa SRCU ah. Kaklase niya ba si Eros?

Nagulat na lang ako nang may tumabi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Garett.

"Hey Lala, I am sorry for what happened yesterday," He's holding a glass of liquor and gave me an apologetic eyes.

Potek anong ginagawa niya dito?

"It's okay. No worries," I gave him a fake smile and drank my drink in one shot. I don't want to be rude to him, but I am not in the right mood to talk shit with him. Sabihan pa 'ko na may problema na naman ako sa attitude ko. Malaki problema ko ngayon kaya umiwas na agad ako sa gulo. Pumunta na ako sa baba at hindi na ako nagulat na naandoon si Ae at Cha nag-uusap sa gitna ng daan. Aba'y mga reyna talaga ng kalsada.

"Omg, Lala! Naandito ka din!" Cha's holding a bottle of red label when she hugged me. I looked at Ae, who was surprised to see me.

"Akala ko nag-aaral ka? Kaya hindi na kita tinawagan eh," sumingkit ang kaniyang mata habang tinitignan ako.

"Akala ko nga nag grocery ka e!" I defended myself as I reached for the bottle of red label from Cha's hand. I poured a bit of alcohol on my glass and drank it on one shot. Cha gave me a glass of coke and drank it, acting as a chaser.

Hinanap ko ulit ang couch nila Eros pero sa sobrang dami ng tao, halos matabunan na ang paningin ko. Good thing the dance floor started to clear a bit, so I tried to steal a glance at his perfectly carved jaw and kissable lips. Damn you, Eros Sahagun. You look so good in side view and front view. He's holding a glass of black labels while talking to Paul, one of his friends from Ateneo and SRCU.

I bit my lower just staring at his features kaso may epal na babae sa tabi niya. She was leaning so close to his face and whispered something in his ears. I saw how her hands slowly caressed his thighs. Sa ginagawa nung babae, hindi natutuwa si Eros. Kitang-kita na naka-kunot iyong noo niya sa inis o baka ako lang yung may ayaw?

"Cha!" Narinig ko ang tawag ni Wesley sa kaibigan ko. Tinaas ni Wes ang isang bote nang Cuervo sa amin.

"The guys are here!" Tumili si Cha at saka kumaripas ng takbo doon sa couch nang tropa ni Eros. Nakita ko ang pag-irap ng mata ni Ae at sinundan si Cha doon sa couch. Sumunod na rin ako kay Ae dahil ayaw ko naman maiwang nakatayo doon mag-isa.

"Aenna!" Binati ni Wes si Ae at yumapos ito. "Musta?" aniya niya kay Ae.

"Okay lang. Busy sa lab," Nilagyan ni Wes ang baso ni Ae ng Cuervo at nakipag kwentuhan sa kaniya. Si Cha naman ay busy sa pakikipag daldalan kay Paul at Paolo. Nakatayo lang ako doon na parang nawawalang bata habang nag-iintay sa mga kaibigan ko. Sumilip ako sa kinauupuan ni Eros at nakita ko ang mapupungay na titig niya sa akin.

My gosh! Is he looking at me?

Umiwas ako nang tingin sa kaniya at kinausap na lang si Caiden.

"Oh, asan na bebe mo?" Pang-aasar ko kay Caiden. Inirapan niya ako na para bang may ginawa akong kasalanan sa kaniya. Humalakhak naman ako nang malakas. "Pucha, wala pa din progression?" Napa-hawak ako sa tiyan ko dahil sumasakit na ito sa kakatawa.

"Shut up," He gritted his teeth as he glared his eyes at me. Mas lalo lang ako natawa sa sinabi niya. " Anong shut up ka d'yan? Baka ma shut out ka na sa ginagawa mo," Nilagyan ko ang baso ni Caiden ng red label na kinuha ko kay Cha kanina lang.

"Naghahanap lang ako ng tiyempo," paliwanag niya.

"Inom mo na lang yan," Tinungga naman ni Caiden iyong red label. Ganiyan talaga ang pusong sawi.

"Athanasia, let's go!" Hindi na ako nakapag salita at dali-dali akong hinila ni Cha doon sa katabing couch.

Naglagay si Cha nang isang bote ng henessy at The Bar na gin. Nilapag ko na din iyong red label na kalahati na ang laman. I sat on the couch at pina-gitnaan ako nang dalawa. Ae poured henessy on our glasses.

"Cheers!" We clicked our shots and cheerfully shouted as we drank our drinks in one shot na walang chaser. Ang tapang talaga e.

Wala naman akong plano magpaka-lasing dahil magda-drive pa ako pero napaka-demonyo talaga ng mga kaibigan ko at lagay ng lagay ng alak sa baso ko. Naglapag pa nang dalawang bote ng bacardi at cuervo si Ae.

Shit.

Hindi ko naman mapigilan sarili ko kaya tinungga ko iyong sinalin na cuervo ni Cha na walang chaser.

"Gaga lasing ka na ba?!" Cha shouted at my ear because we couldn't hear each other sa sobrang lakas ng music.

"Bobo mo!" Sigaw ko sa kaniya. Hinila na ako ni Cha at Ae sa dance floor at nag-sa-sayaw sa gitna. Pinapa-tugtog na iyong kanta ni Ariana Grande at Cashmere cat na 'Quit', my favourite song!

"We're heading deep inside lives a voice, a voice so quiet! But I can't hear that voice when your heart beats next to mine!" We sang on top of our lungs while dancing crazily on the floor.

"I can't quit you, I can't quit you! I can't quit you-ohh, I can't quit you!" Dahil medyo malungkot iyong kanta umiyak ang mga gaga habang kinakanta ang linyang iyon at sumayaw na parang tanga noong mag-drop ang beat.

"Tangina n'yo! You two are so wasted!" I shouted at them as we all continued dancing.

"Wala kaming pake sa atay namin!" Hiyaw pa ni Cha.

For some reason, kapag lasing ako, puro medical related ang nilalabas ng bibig ko.

"Pota ka Cha, When our liver tries to break down alcohol, the chemical reaction can damage its cells. This can lead to inflammation and scarring as the liver tries to repair itself." They both laugh at me.

"Opo, doktora!"

Sa sobrang lasing ko hindi ko na alam kung sino pa ang humahawak sa akin. Nagulat na lang ako nang may humawak sa palapulsuhan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Garett.

"Garett!" I immediately wrapped my arms around his neck as he snake his hands around my waist, joining me in dancing.

"Gosh, you're fucking wasted." He leaned closely to my face and whispered those words. He stared at my face, piercing my eyes as I inhaled his breath.

Gosh, he reeks of alcohol.

We were about to kiss when someone dropped a glass on the dance floor. Natauhan ako sa ginagawa ko at lumayo sa kaniya.

Pota ano 'yon, Lala?!

I was about to walk out of the dance floor when someone grabbed my arms. Again. Napatingin ako kung sino humawak sa akin at nanlaki ang mga mata ko sa taong iyon.

"Eros!" I stuttered, saying his name, still in shock. Nakita kong nakakunot iyong noo niya na parang galit sa akin. His jaw clenched from anger and saw how his adam's apple moved as he gulped.

"Don't move." He sternly said as a pang of chill run down throughout my spine.

꒰⁎ᵉ̷͈ ॣ꒵ ॢᵉ̷͈⁎꒱໊

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status