Share

Chapter 50: Black In Action

Third Person's POV

Mariing napapikit si Sophia. Isa lang ang pumapasok sa isip nito sa mga oras na 'yon. Wala man kasiguraduhan, sinigaw niya ang pangalan ng taong 'yon sa abot ng makakaya.

"Killian!"

Umalingawngaw sa paligid ang ingay ng pagtalsik ng gate palayo. Bumaon ito sa pader dahil sa lakas ng pagkakasipa.

Maririnig ang parang huni ng libu-libong ibon sa sobrang lakas ng kuryente na pinakawalan ng bagong dating.

Tinanaw ni Sophia ang direksyon nito. Hindi niya ito makita ng malinaw dahil sa panlalabo ng paningin. Nakaramdam siya ng luwag sa loob ... batid niyang dumating ito para sa kaniya. Nakasisiguro siyang si Killian 'yon dahil pamilyar ang dalaga sa aura ng kapangyarihan ng lalaki.

"He came for me ..." she whispered then closed her eyes. Naramdaman na lang niya ang pagbitaw ni Elizabeth sa pagkakakapit nito sa kaniyang buhok.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status