Share

Chapter 3 - Adrian found Luna

Author: Juvy Pem
last update Last Updated: 2022-05-02 01:20:44

Nagulat si Luna dahil kahit ang atm card niya ay naka-freeze. Ano ba ang nangyayari? Naguguluhan s'yang napaupo sa bakanteng upuan sa tabi ng park. Pakiramdam ni Luna isa na siyang pulubi sa lansangan. Nag-scroll-up and down siya sa mga friend list niya at sinubukang tawagan, ngunit ni isa sa kanila walang sumasagot. Nawalan na siya ng pag-asa. Tumulo ang kanyang mga luha habang nakayuko at nilaro-laro ang kanyang mga daliri. Nag-iisip siya ng paraan, saka niya naalala ang mga gamit na pwedeng isanla at ibenta, ngunit hanggang magkano lang ang aabutin ng mga ito. Dahil alam n'yang tatawaran din s'ya ng mga buyers if ever na ibenta n'ya. Mayroon pang bill sa hospital ng kanyang ama na kanyang inaalala. 'Laban lang Luna makakaraos ka rin,' bulong niya sa sarili.

Kakatapos lang na pirmahan ni Adrian lahat ng papeles sa mesa ng tumawag ang kanyang ina.

"Mom! Napatawag po kayo?"

"Son, can you come back home early tonight?" Pakiusap ng kanyang ina na si Jenny.

"Bakit po anong meron mom? Himala ata na pinapauwi mo ako ng maaga, did you miss your son?" biro niya sa kanyang ina.

"Ang dami mong alam iho, nakalimutan mo na ba? Darating ngayon ang anak ni Tito Zack mo galing States, kaya nagpaluto ako kay Manang Sharon ng kanyang mga specialty na recipe." sagot ng kanyang ina.

"I'm sorry, nawala sa isip ko mom."

"No problem son, don't be late okay?" Malambing na pakiusap nito.

"Okay,"

Natapos siya alas-singko na ng hapon tinawagan niya ang kanyang assistant upang ihanda ang sasakyan. Binati siya ng mga empleyadong nakasabayan habang palabas ng kompanya. Isa sa pinakamalaking building ang De Vera Holdings sa buong Pilipinas, abot ito hanggang sixty palapag. Sinalubong siya ni Nikko, at pinagbuksan ng sasakyan. Mayamaya habang nasa daan ay naalala niya si Luna.

"Nick, did you investigate kung ano na ang nangyari roon sa anak ni Mr. Salvacion?"

"Yes, napag-alaman kong pinalayas siya ng kanyang step-mother sa mansion." Sagot nito sa kanya.

"I expect that to happen. Do you think maka-survive siya sa labas? Parang walang alam na trabaho ang babaeng 'yon!" Tanong niya habang nakatingin sa labas ng bintana. Pagdaan nila sa park, mabagal lang ang takbo ng sasakyan dahil rush hour. Nagulat siya, namamalik-mata lang ba siya? Ang babaeng pinag-uusapan nila ay nakita niya sa park?

"Stop the car!"

Nagulat man ang driver, ngunit wala itong nagawa kundi itabi ang sasakyan.

"Nik, did you see, what i see?"

Nalilitong palinga-linga si Nikko. Mayamaya natagpuan din ng kanyang mga mata ang ibig nitong sabihin. Nagtataka man sa inaasal ng kanyang kaibigan, ngunit tumango nalang si Nikko bilang sagot.

"You know what to do."

Nanatiling nakatitig si Nikko sa kanya. Halatang nalilito ito sa ibig n'yang sabihin. Tinaasan lang niya ito ng kilay sabay turo sa pintuan ng sasakyan. Umiiling na lumabas si Nikko sa kotse.

"Haist! Ang hirap basahin ng isip mo Adrian! tsk." nagmamaktol na bulong ni Nikko.

Habang naglalakad palapit sa dalaga, nag-iisip si Nikko ng sasabihin. Napakamot siya sa ulo, saka nilingon ang sasakyan ni Adrian. Nababasa ata nito ang iniisip niya, dahil mayamaya may dumating na message galing dito. Napansin niya ang mapugtong mga mata ni Luna. Napatingin ito sa kanya nang mapansin nitong palapit siya rito.

"Hi! Are you, Luna? Yung anak ng dating may-ari ng Salvacion Company?" Nakita n'yang napatango ito. "Ba't ka andito?" Tanong ni Nikko sa dalaga.

Nakita niyang napangiti ito nang mapakla sabay sabi. "I am one of them now." Tinuro nito ang mga batang naglalatag ng cartoon na higaan sa tabi ng park. "I'm homeless."

Nakaramdam naman ng awa si Nikko sa dalaga.

"Gusto mong magtrabaho sa restaurant na pag-aari ng boss ko? May free accommodation para sa mga walang matirahan or malayo ang mga bahay." alok niya sa dalaga. Bigla itong napatingin sa kanya.

"Are you sure? Hindi ba scam yan? O di kaya ay, baka kikidnapin ninyo ako?" puno ng pag-asang tanong ni Luna sa kanya.

Napatawa siya nang malakas. "Malabong mangyari yan Miss Salvacion, kilala po ang may-ari ng restaurant na iyan, hindi lang po yan ang negosyo nila."

Nagulat si Luna sa narinig mula sa lalaki. Nag-aalangan man ang isip ngunit wala na siyang ibang mapupuntahan. Napatingin siya sa lalaki, mukhang hindi naman ito masamang tao. Tantiya niya nasa early 30's palang ito. May kagwapohan rin ang mukha saka makisig ang pangangatawan. Napakurap si Luna sa naiisip. Wala siyang oras para magpantasiya sa mga lalaki. Kailangan niya munang isipin ang sarili. Mukhang nagtaka ang lalaki kung bakit siya nakatitig dito ng matagal.

"Okay! Pero sana hindi mo ako ipapahamak. Magtitiwala ako saiyo, may number ako sa mga pulis kaya wag kang magtatangka na lokohin ako." Sagot ni Luna sa lalaki.

Nakita niya itong tumawa.

"Okay, okay! Ikaw na nga itong tinutulungan, pagdududahan mo pa ako! Naku, pagnakita mo ang boss ko gwapo 'yon malabong maging kidnaper." Pagmamalaki ni Nikko sa kanya.

Nagtaka siya kung bakit laging ang boss nito ang binibida. Hindi ba siya ang nais tumulong sa kanya?

"Ikaw ba talaga ang nais tumulong sa akin? Bakit lagi mong nababanggit ang boss mo?!" Nalilitong tanong niya sa lalaki.

"A-a e, inutusan niya po ako naawa raw po siya saiyo. Kilala niya kasi ang ama mo." Napakamot sa ulo na sagot nito. Sinulyapan niya ang magarang sasakyan na naka-parking sa may hindi kalayuan sa kanila.

"Fine, papayag na ako. Wala na rin naman akong mapuntahan. Sasabay ba ako saiyo o ako nalang pupunta?" tanong ni Luna sa lalaki. Ngunit hindi niya naisip na wala pala siyang pera na pamasahe.

"Sumabay ka na lang sa amin." Sagot ni Nikko. Nakahinga siya nang maluwang sa sinabi nito.

Napansin niyang nakatanggap ito ng message saka napalingon sa magarang sasakyan. Ngunit unti-unti na itong umuusad paalis.

"Ohh! Iniwan na ako ni boss, magtaxi nalang tayo papunta sa restaurant, magdidilim na hindi safe rito para sa katulad mo." saad nito sabay, kuha sa bag niya.

"Thank you!"

Hindi naman kalayuan ang kanilang biniyahe. Mayamaya nakarating sila sa mamahaling restaurant. Napatingin siya sa kasamang lalaki. 'Ito ba ang sinasabi nito?' sigaw ng kanyang isip.

"We arrived." untag nito sa kanyang lumilipad na isip.

"Y-you mean this restaurant?" Nag-aalinlangang tanong niya sa lalaki.

"Yep! Bakit ayaw mo ba?"

"Yes! No, I mean dito ba ako magtatrabaho?" Hindi mawari ni Luna kong kakayanin ba n'yang magtrabaho rito. Paboritong restaurant ito ng kanyang mga kaibigan.

"Bakit may problema ba? Disenteng restaurant 'to mga mayayaman ang karamihan sa costumer dito, siguro naman isa ka na roon." sagot nito saka binuksan ang pinto ng taxi.

Kinakabahang sumunod si Luna rito. Nanatili s'yang nakatayo sa labas at nakatitig sa malaki at sikat na restaurant sa kanyang harapan. Ang DV Restaurant ay dalawang palapag. Masyado itong high-class tingnan sa labas. Both exterior and interior design was breathtakingly beautiful.

Sa harap ay may malawak na parking lot. Halatang hindi basta-basta ang may-ari nito. Ang mga empleyado rito ay nakasuot ng presentableng uniform.

Nag-aalangang sumunod si Luna sa lalaki. Ngunit kapag naiisip niya ang kanyang sitwasyon napanghinaan na siya nang loob.

"Ano sasama ka ba o hindi?" untag sa kanya ni Nikko.

"Makakaya ko kaya ang trabaho riyan?" Malungkot niyang sabi sa lalaki.

"Nasa saiyo na 'yan Miss Salvacion. Ikaw kung may iba ka pang mapuntahan. Ang sa akin lang naman naaawa ako saiyo dahil sa sitwasyon mo. Mahirap pa naman makapasok ang mga tulad mong walang experience." paliwanag nito kay Luna.

Tama rin naman ito, naisip ni Luna. Wala s'yang alam na trabaho, kaya yan ang isa sa kinatatakutan niya. Baka kung magkamali siya makakita pa siya ng away sa mga costumer.

Malungkot ang mukha na ginuyod niya ang kanyang bag. Sumunod siya kay Nikko papasok sa likurang parte ng restaurant. Namangha si Luna sa nakita sa loob ng kusina. It was the most spacious and best-equipped kitchen she had ever seen. Kung gaano pala ka-elegante sa labas gayundin sa loob ng kusina.

"Amazed?"

Tumango s'ya sa tinuran ni Nikko.

"Nikko, saan ba ako titira rito?" mayamaya tanong ni Luna.

"Nasa likod ang accommodation ng mga employees." Sagot nito at dinala siya sa katamtamang laki at napakalinis na opisina. "Kailangan mong pumirma ng kontrata, para bukas diretso kana mag-duty bilang trainee. Mayroong mag-train saiyo kung ano ang gagawin." mahabang paliwanag ni Nikko sa kanya.

"Okay! Thanks!"

Pagkatapos niyang pumirma ng kontrata. Dinala siya sa accommodation at pinaliwanag sa kanya ang mga rules and regulations sa loob ng bahay. Pangunahing nakasulat dito ay, bawal ang maingay, bawal makipag-away, bawal ang magkalat. Saka binalingan siya ni Nikko at tinanong.

"Okay na ba, Miss Salvacion?"

"Yes! At saka, wag mo na akong tawagin ng ganyan, Luna na lang. Anyway, thanks for everything Nikko." Nakangiting saad ni Luna sa lalaki, bago ito nagpaalam sa kanya at umalis.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 45 - Mercedes meets Canor

    Nagkatinginan ang mag-inang sina Arianna at Mercedes. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila ngayon sa kanilang harapan. Napalingon si Mercedes sa paligid. Marami ng mga taong dumarating papasok sa restaurant. Kung mag-iiskandalo sila ngayon dito ay mas lalong magagalit si Adrian sa kanyang anak. Nanlalambot ang katawan at ramdam n'ya ang pawisang mga palad. Dahan-dahan nilang sinalubong ang matandang lalaki na matalas ang tingin sa kanilang dalawa. Nanggigil si Mercedes dahil ang akala n'ya ay p*t*y na ang matandang ito. Ngunit matikas pa rin ang tindig nito na nakatayo sa kanilang harapan ngayon. Mabilis itong nakalapit sa kanila habang nakangisi. "Hayop ka! Ba't buhay ka pa? Ano na naman bang gusto mo?" galit niyang singhal sa lalaki. "Wala kang kasing sama! Alam kong ikaw ang bumaril sa akin! Magmaang-maangan ka pa? Hindi ko akalain na hindi mo tutuparin ang pangako mo sa akin, Mercedes. Pinabayaan mo ang nag-iisang anak ni Sir! Hindi kita mapapatawad! Pagbabayaran mo ang

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 44 - Adrian's back to Manila

    Nakaupo at nakapatong pa sa tuhod ang baba ni Luna habang nakaharap sa mga manok at pato na pinapakain ng kanyang lolo sa kanilang bakuran. Mamasa-masa pa ang paligid dahil sa magdamag na naman na ulan. Tulog pa ang kanyang anak. Samantalang sila ng kanyang lola ay humihigop ng kapeng barako sa kusina. Bukas ang harapan ng kusina kaya makikita ang kanilang bakuran kung nasaan ang kanyang lolo. Nasanay s'ya sa kape na mano-manong ginawa ng kanyang lolo. Masarap kasi inumin sa umaga masyadong aroma. "Apo, hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" nagtatakang tanong ng Lola Sonia niya. Magkaharap silang nakaupo sa upuang yari sa kahoy habang humihigop ng kape. May pagtataka ang rumehistro sa mukha nito. Naibaling n'ya sa mga manok ang kanyang tingin bago sumagot dito. "Mag-resign na ako sa hotel, La." diretso niyang sagot sa matanda. Naramdaman niya ang malungkot na tingin ng kanyang lola. "La, huwag mo akong tingnan ng ganyan. Iiyak ako sige ka. Maaga pa." natatawa na maiiyak niyang sa

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 43 - The Party

    Biglang tumigil ang mundo ni Luna. Parang namanhid ang kanyang buong katawan. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Pinaglalaruan ba s'ya ni Adrian? Bakit kailangan nitong gawin ang mga bagay na ito? Tahimik na ang kanyang mundo kasama ang anak. Mayroon s'yang maayos na trabaho sa hotel na ito para masuportahan ang kanilang anak. Pero bakit ngayon parang lahat ng ito ay unti-unting magbabago dahil lang sa lalaking ito? Naikuyom ni Luna ang kanyang kamao. Pigil-hininga na tinungga n'ya ang halos kalahating baso ng champagne sa lamesa. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa baso. Kulang nalang ay mabasag n'ya iyon sa galit. Hindi na n'ya pinatapos pa ang speech ni Adrian. Umalis siya sa kanyang kinatatayuan. Nag-aalala namang susundan sana s'ya ni Hazel ngunit pinigilan n'ya ang kaibigan dahil nais n'yang mapag-isa. Dinala s'ya ng kanyang mga paa sa harap ng malaking landscape sa bandang likod ng hotel. Hindi siya masyadong makita ng mga dumadaan dahil may naka

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 42 - The new owner

    Halos nagdadalawang-isip na pumasok si Luna kinabukasan. Matamlay ang kanyang pakiramdam dahil hindi s'ya nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Maingat s'yang tumayo upang hindi magising ang kanyang munting prinsesa. Kinintalan muna n'ya ito ng halik sa noo bago s'ya tumayo mula sa kama upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Inilagay muna n'ya ang susuotin para sa party mamaya sa isang bag saka mabilis na naggayak. Habang sakay ng traysikel patungo sa sakayan ng jeep. Hindi n'ya mapigilan ang manalangin na sana ay walang mangyayaring katulad kagabi ngayong araw hanggang sa makauwi s'ya sa kanilang bahay mamayang gabi. Ayaw n'yang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang anak. Lalo na kapag si Adrian ang kanyang kaharap. Hindi pa nga dumating ang oras ng party ay kinakabahan na s'ya. Hindi n'ya maiwasang isipin na baka a-attend mamaya sa party ang lalaki. "Hey! Ready kana ba para sa party mamaya?" untag ni Hazel sa kanya habang abala s'ya sa pagtitipa sa kanyang computer.Nagkibit-balika

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 41 - She's surprised

    Biglang nahipnotismo si Luna nang makitang nakatitig si Adrian sa kanya habang nakatayo ito sa kanyang harapan. Hindi n'ya naramdamang iginiya s'ya nito papunta sa sasakyan nito. Ngunit nahimasmasan s'ya bago paman s'ya nakapasok sa loob ng sasakyan. "T-Teka! Mr. De Vera! Anong ginagawa mo?" nabigla n'yang tanong sa lalaki.Ngunit sa halip na sagutin s'ya nito ay bigla s'yang itinulak papasok sa front seat ng sasakyan. Napangangang sinundan n'ya ng tingin ang lalaki na umupo sa driver seat. Kibit-balikat itong tumingin sa kanya ng makita s'yang nakaawang ang bibig. "I told you earlier right? So... here we are. We need to talk, okay? What do you want for dinner?" sunod-sunod nitong saad habang naglalagay ng seatbelt.Saka na n'ya naalala ang sinabi nito kanina. Ang buong akala n'ya ay nakalimutan na nito iyon ngunit ...maling akala lang pala ang lahat. Anong gagawin n'ya? Magsisigaw s'ya upang makakuha ng atens'yon at nang makatakas s'ya sa lalaking ito? No, no, no ! Mali, mali! B

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 40 - Long time no see

    Nagulat si Luna nang may tumapik sa kanyang balikat. Bigla s'yang napalingon sa kanyang likuran. Nakita niya ang nagtatakang mukha ng kaibigang si Hazel. "Anyare saiyo? Bigla ka nalang natulala riyan?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "Ha? Eh! Naalala ko lang ang nangyari kagabi." palusot niya rito. Napailing ito. "Girl, hindi ka pa rin ba nakaka-move on doon? I'm sorry, okay? Hindi ko naman kasi alam na magkakilala kayo ng pinsan ko." bahagyang lumungkot ang mukha ni Hazel nang maalala ang ginawa nito sa kanya. "Haist, mamaya na yang pag-e-emote mo riyan. Sayang ang make-up mo. Mukhang may pinaghandaan ka pa naman." nakangisi niyang sagot sa kaibigan. "Oi girl! Alam mo bang sabi ng mga marites dito na kasamahan natin napakagwapo raw ng bisita natin ngayon. At bukod doon, binata pa raw!" excited nitong balita sa kanya. Nagkibit-balikat na lamang siya sa tinuran ng kaibigan. Ano naman ngayon kung gwapo. May mapapala ba siya roon? Hiyaw ng kanyang isipan. Pero bakit iba ata

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status