"MARICAR wala ba talaga akong ginawa o sinabi nung gabing nalasing ako? para kasing meron eh."Tanong ko kay Maricar.
Tinitigan lang ako ni Maricar habang nagpupunas ito ng baso.
Nandito ako sa Restobar na pinagtatrabahuhan nito at kung saan din siya huling naglasing. Makikigulo muna siya dito tutal maaga pa naman kaya wala pa gaanong customer.
"I swear Kara, don't ever drink again." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito.
"Edi may ginawa nga ako? Shit! anong ginawa ko? Tell me." Lumapit ako kay Maricar at niyugyog ito.
Sinasabi ko na eh! may nangyari talaga eh.
"Teka nga. Aray ko Kara." Itinigil ko ang pagyugyog sa kanya.
Itinigil nito ang ginagawa at tinitigan si Kara, naalala niya ang huling sinabi ni Lorenzo ng gabing iyon.
"Don't tell her anything about her confession."
"Bakit?" Hindi maiwasang tanong ni Maricar kay Lorenzo.
"You don't love her. Do you?" Tinignan lang siya nito bago binuhat ang lasing na babae.
"Maricar.. Hoy! Maricar!"
Naikurap niya ang mata ng iwagayway ni Kara ang kamay.
"Ano na? Bakit natulala ka na lang dyan bigla?" Iniwas nito ang tingin sa'kin. Tumalikod ito at pumunta sa mga table para punasan ito.
"Wala. Hindi ka lang namin mapigilan dahil gusto mo'ng pumunta ng stage at kunin ang microphone."
"I did? Omg! nakakahiya. Siguro pinagtatawanan na ako ni Lorenzo." Napatakip ako ng mukha. Ang kapal talaga ng mukha ko.
"Pero sure ka 'yun lang talaga ang ginawa ko?" Lumapit ako dito at kinulit pa ito tungkol doon.
Humarap ito sakin at halos magsalubong na ang kilay nito. "Kara wala ka bang ibang gagawin?"
'Yun na nga wala akong magawa dahil Sunday ngayon. "Wala." Nakangiting sabi ko with matching taas ng kilay para mas maasar pa ito.
"Kung ganun umuwi ka na lang sa inyo. I'm working Kara I can't entertain you." Pagtaboy nito sakin.
Ang harsh ng babaeng to, pero alam kong ganyan lang talaga to. Mukang masungit pero mabait 'to.
Nagkunwari naman akong malungkot. "Bakit pinapaalis mo na ako, hindi mo na ba ako mahal, best friend?" Nagkunwari pa siyang nagpupunas ng luha kahit wala naman talaga.
"Kara, ang arte mo. Wag kang magdrama d'yan." Sungit nito sa kanya.
"Eto naman ang sungit, meron ka ba? may extra pads ako." Nagkunwari pa ako na kukunin ito sa bag ko.
Akmang babatukan ako nito kaya nagmamadali akong tumakbo palabas.
Tawang-tawa ako ng hindi ako nito naabutan. It looks childish but who cares. Edad lang ang tumatanda.
"Karaaaa!" Natawa na rin ito.
"Eto na uuwi na. GG eh. Bye."
PAGKAGALING sa Restobar ay dumeretso ako sa mall, bumili muna ako ng skin care sa Watsons. Napansin ko kasi na tumutubo na naman ang mga Mt. pinatubo ko sa mukha.
In other words, pimples.
Hindi naman ako matagyawatin pero syempre dahil sa dirt na na-aabsorb ng balat natin kaya nagkakaroon ng pimples.
Palabas na siya ng makita niya ang babaeng gusto ni Lorenzo.
Ano nga ba ulit name no'n? Ah! Cristy..ay hindi Cris-Cristine. 'Yun! Cristine nga.
Lalapitan ko sana ito nang makita ko si Lorenzo na palapit dito.
Napatigil ako at agad na tumalikod para maghanap ako ng matataguan.
Lumapit ako sa isang poste at doon nagtago. Bahagya akong sumilip.
Hindi ko maiwasang masaktan dahil magkasama silang dalawa. Alam kong gusto talaga ni Lorenzo si Cristine at wala talagang pag-asa ang feelings ko para dito. Malabong higit pa sa pagkakaibigan ang tingin niya sakin.
Masayang nagkukwentuhan ang dalawa.
Ayoko mang aminin pero bagay silang dalawa.
Minabuti kong umalis na bago pa ako mapansin ng dalawa.
Ayos lang yan Kara! makaka-move ka din kahit di naman naging kayo para magmove-on ka.
Maya-maya ay nakaramdam ako ng gutom, kaya naisipan kong kumain since tanghali na rin naman.
Marami akong nadaanang mga restaurant pero ang nakakuha ng attention ko ay ang JJ Cuisines dahil ang daming nakapilang tao
Anong meron?
Bumaba ako sa kotse at lumapit sa isang nakapilang babae.
"Miss anong meron d'yan? Bakit andaming tao?" Nakangiti kong tanong.
"Ah eto, opening kasi nito ngayon, bukod sa masarap ang luto nila ay may mga freebies pa sila. Kaya naman pinipilahan."
Nagningning naman ang mata ko nang marinig ang salitang 'freebies'.
"Talaga? Baka naman mahal dito miss."
I know I can afford to buy a food but I just really want to know.
Agad na umiling ang babae. "Hindi. Affordable ang mga pagkain nila dito. I already tried it, i just forgot to take out for my kids." Umawang ang bibig ko. Akala ko dalaga pa ito dahil mukha talaga itong dalaga.
"Really, you look young."
Nakakamangha naman.
Sana ganyan din ako ka-sexy at kaganda kahit may anak na. Loka! sablay nga ang lovelife mo eh.
Ngumiti na lang siya sa babae at nagpasalamat.
Masyadong mahaba ang pila, mapa-dine man o takeout. Maybe next time ko na lang itatry ang food nila.
Akmang aalis na ako nang tanungin ako nito.
"Gusto mo bang kumain dito?" Pagkatapos ay lumapit ito saka bumulong. "Pwede kitang pasingitin sa pila. Basta pasimple lang tayo." Namilog ang mata ko sa tuwa. Hindi na ako mahihirapan sa pila. Tumango ako dito.
Matapos ang ilang oras ay nakapasok na kami ni Diana. Oo, Diana ang pangalan ng babae. Ngayon ko lang naalala, kanina pa kami nag-uusap pero hindi pa namin kilala ang isa't-isa. Pagkatapos umorder ay umalis na si Diana samantalang ako ay naghanap ng bakanteng mauupuan.
Napakadaming tao, halos lahat ng table ay puno na.
Biglang pumasok sa isip ko si Lorenzo. Dati pag may bago kaming nadiskubreng kainan, agad namin itong pupuntahan. Nagpapaunahan pa kaming dalawa dahil kung sinong mahuli, siya ang manlilibre.
Pero syempre dati yon.
Dahil mga teenager pa lang kami noon at may sariling mundo.
Pero ngayon mukhang hindi na ako parte ng bagong mundo niya dahil may pumalit na sa pwesto ko. Mapait na napangiti na lang ako sa mga naalala. A bittersweet memories.
Nag-antay pa ako ng ilang minuto bago nabakante ang table doon malapit sa bintana. Pagkatapos malinisan ng staff ang table ay dali-dali kong inilagay ang tray ko. Kasabay ng paglagay ko ng tray ay ang paglagay din ng isang lalaki ng kanyang tray.
Nagulat kami pareho.
"Ahmm. Nauna akong naglagay ng pagkain ko." Ackward na ngiti ko dito.
"Oh. I'm sorry. Sige lilipat na lang ako." Pagso-sorry nito. Mukha namang mabait 'yung lalaki kaya bago pa ito tuluyang makaalis ay pinigilan ko ito.
"No. It's okay. You can sit here. Table for two naman ito."
Ngumiti ang lalaki sa akin. Nakasuot ito ng jeans at white shirt na pinatungan ng Denim jacket. Simple pero malinis tingnan.
"Thanks. Hindi ko rin kasi alam na marami na palang kumakain sa restaurant nila Mom." Napatigil ako sa akmang pagsubo ng kutsara.
"What? you owned this?" Nakakahiya naman, ako pala dapat ang lumipat ng table.
Tumawa ito. "My parents is the owner of this restaurant, not me." Nag-umpisa na itong kumain.
"Ganun din naman yun, considered ka na rin na may-ari." Sinubo ko ang carbonara na in-order ko.
Hmm.. now i know.
Masarap pala talaga ang luto nila. Kaya naman pala pinipilahan.
Inangat ko ang tingin sa kaharap ko, may itinuturo ito. Nagpipigil din ito ng ngiti.
Kuno't noo'ng tiningnan ko siya.
"Bakit? anong tinuturo mo d'yan?" Hindi na nito napigil ang paglawak ng ngiti. Kumuha ito ng tissue at siya na mismo ang nagpunas ng sauce sa gilid ng labi ko. Napatigil ako sa ginawa nito.
"Para kang bata." Natatawang sabi nito pagkatapos nitong punasan ang labi niya.
"Salamat. Ang humble mo na, ang gentleman mo pa. Huwag kang ganyan binabaril sa Luneta ang mga ganyan." Pagbibiro ko dito para maitago ang hiya niya. Ang dungis niya talaga kumain.
Hindi na nito napigilan ang pagtawa. "Your so funny. I like you." Sabi nito.
"Oyy! ang bilis mo ah. Kakakilala pa lang natin." Sabi ko.
"No. I mean, I like you as a person not in a romantic way." Pagtatama nito.
Siya naman ang natawa. "Alam ko."
Napaisip naman ako parang kanina ganito rin 'yung nangyari, hindi ko rin alam ang pangalan ng kausap ko.
At mukang pareho sila ng naiisip ng lalaki.
"By the way, I'm Josh. Joshua Buenavista." Inilahad nito ang kamay sa kanya.
Inabot ko ang kamay nito. "Kara. Kara Villena."
"Nice meeting you, Kara."
"Me too."
HINDI ko mapigilan ang malungkot nang makita ang dahan-dahang pagbaba ng kanyang kabaong. Inilibot ko ang paningin. Lahat ay naluluha at nagluluksa sa kanyang pagkawala. Akala ng lahat ay payapa lang itong natutulog. Nakangiti at walang bahid ng pangamba ang kanyang mukha pero nagulat na lang kaming lahat nang hindi na ito gumising pa.Itinigil ng dalawang lalaki ang pagbaba sa kabaong para sa pagbibigay ng bulaklak. Isa-isang lumapit ang mga tao at nagbaba ng puting rosas.Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Parang kahapon lang kausap ko pa siya at masayang nagpaplano sa mga bagay na nais niyang gawin kasama ako.Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya naman napatingala ako para hindi ito tuluyang bumagsak. Napatingin ako sa katabi ko nang maramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko."Lorenzo, it's your turn."Tumango ako at lumapit dala ang isang tangkay ng puting rosas. Bawat hakbang ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.Tumigi
NAKAHINGA ako ng maluwag matapos ang araw na 'yon. It's like everything is on the right places. Parang malaya ko ng nagagawa ang lahat. Malaya ko ng mahalin si Lorenzo ng walang pangamba na any minute ay mawawala siya at maiiwan akong mag-isa. Pero hindi ko na naiisip 'yan ngayon. In fact, sa sobrang saya ko ay palagi kong inaaya na kumain sa labas si Lorenzo. Kapag busy naman siya ay si Maricar naman ang ginugulo ko. Kagaya ngayon, kasama ko si Maricar pero hindi dahil ako ang nagyaya kundi siya. Nang makarating ako sa Mall kung saan kami magkikita ni Maricar, I saw her inside the Starbucks sipping her coffee. Lumapit ako rito at umupo sa harap niya. "So, anong meron at inaya mo ako?" May nakita akong chips sa table kaya naman kumuha ako. "Bagong sahod ka ba? Manlilibre ka?" Pero nang lumingon ako sa direksyon niya ay tulala lang ito. Hindi rin 'ata nito napansin na nandito na ako sa tabi niya.
AGAD akong napatingin sa phone ko nang mag-ring ito. Napangiti ako dahil kay Lorenzo nanggaling ang message. Ang sabi sa message niya ay namimiss niya na ako agad kahit na kakaalis niya pa lang sa bahay. Natatawang nagreply ako sa kanya. Naisip ko na hindi muna umuwi dahil may mga gamit ako sa kwarto na gusto kong dalhin. Pumayag naman si Lorenzo at sinabing susunduin ako mamaya after his work. Ilalapag ko na sana ang phone ko nang mag-ring ulit ito. Excited na binuksan ko ito pero napatigil ako nang mabasa ang message. Sender: Unregistered Number Kara, can we talk? It's me Cristine. Nakagat ko ang aking labi at nag-isip. Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin si Cristine. Oo, nagalit ako sa ginawa niya pero in the first place alam kong ako ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay kahit na hindi namin expected ang mga nangyari. Hindi ko alam ang gagawin. &
PAIN. That's what I feel right now.Every time I close my eyes, I will always remember the two of them kissing and it really hurts like hell. Nang talikuran ko si Lorenzo ay dumiretso ako sa bahay namin. My mother looks confused when she saw me crying. I run to her. I just want to feel her embrace. I missed her so much.Alam kong gustong-gusto niyang magtanong pero hindi nito ginawa. Pinapasok niya ako sa bahay and prepare me a food. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas para pumunta sa kwarto. When I enter my room, pakiramdam ko bumalik ako sa panahon na dalaga pa ako at ang iniisip ko lang ay ang studies ko.Walang pinagbago ang kwarto ko. Kung paano ko iniwan ito noon ay gano'n pa rin ito ngayon. Bumuntong hininga ako at umupo sa kama.Unti-unting bumalik sa isipan ko ang nangyari. Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtulo ng luha ko. I planned to keep it all. Kahit na hindi niya sinabi sa
"MEETING adjourned." Isinara ko ang laptop pagkatapos ay inayos ang gamit ko. Mabuti natapos na rin namin ang planning para sa disenyong gusto ng bago naming client. Medyo strict ito kaya ilang linggo rin namin itong pinagplanuhan. Napatigil ako nang magvibrate ang phone ko sa coat na suot ko. Napangiti ako nang makita sa screen ang name ng sender. MAHAL KO. 'Yan ang name ni Lorenzo sa phone ko. Hindi ko maiwasang kiligin kahit mabanggit ko lamang ang pangalan niya. Napansin ko ang tinginan ng mga ibang empleyado sa'kin. Iniisip siguro nila mukha na akong tanga dahil ngumingiti ako mag-isa. Agad kong inayos ang aking mukha. Narinig ko pa ang bulungan ng empleyado ko nang mapadaan ako sa harap nila. "Pansin mo ba? Madalas na nakangiti si Ms. Kara." "Oo nga eh. Ang blooming niya ngayon. Iba talaga pag may husband ka na sobrang hot. Hindi lang 'yan sobrang gwapo rin." Palihim akong natawa. Hindi ko malaman kung bulong pa ba 'yon dahil rinig
"HAPPY birthday.. Mahal." Nakangiti kong pagbati sa kanya. Umawang ang bibig niya at mamaya ay sumilip ang di mapigilang ngiti sa labi niya."Thank you.. Mahal." Bahagyang akong natulala ng banggitin niya ang salitang 'Mahal'. Pakiramdam ko gusto ng lumabas ng puso ko sa lakas ng tibok nito. Natauhan lang ko ng marinig ko ang hiyawan ng lahat.Kapag talaga tungkol kay Lorenzo nawawala ako sa sarili ko. Hindi ko mapigil ang sariling kiligin everytime na gagawa ito ng bagay na bihira pero sweet sa'kin."Mahal, paki-blow the candle na kasi gutom na kami." Pang-aasar ni Mark. Isa sa mga kaklase namin nung highschool."Pagkain lang 'ata pinunta mo eh!" Natatawang sagot ni Lorenzo."Ay! syempre masarap magluto si Tita Karen." Nagtawanan ang lahat lalo na si Tita Karen.Naiiling na nilapit kong muli ang cake kay Lorenzo. "Make a wish and blow the candle na Lorenzo."