Share

Chapter 2 : Crush

Nakabihis na ako dahil may bibilhin ako sa mall. Naisip ko na magpasama kay Luisa pero may gagawin daw siya kaya no choice ako. Yung bagong driver ang sasama sa'kin. Wala sila Daddy umalis dahil may inasikaso nanaman.

"Manang? Asan yung driver?" I asked to Manang Rissa at nakita ko na naglalaba siya.

"Nasa kwarto niya, gusto mo ba tawagin ko?" Sabi niya at umiling agad ako dahil may ginagawa siya. Ang tamad ko naman pati pagtawag sa driver iuutos ko sa kanya.

Pumunta na agad ako sa kwarto niya at kinatok ang pinto niya nang napakalakas. Kaya agad niyang binuksan at naka topless lang siya tapos tumutulo yung basa niyang buhok. Halatang katatapos maligo, nakakagulat naman ang bungad niya.

"Alis tayo, bilisan mo." Malamig kong sabi at umalis na. Hihintayin ko siya sa labas pero infairness, nakabihis na agad siya.

Linabas niya na ang sasakyan tapos sumakay na ako sa passenger seat.

"Sa'n po tayo, ma'am?" I rolled my eyes! Nagmu-mukha kasi akong matanda kapag yan ang tawag sa'kin.

"Don't call me like that, just call my name." I said to him.

"By the way, sa mall tayo pupunta. Nearest mall lang." Dagdag na sabi ko at hindi na siya nagsalita.

Bibili kasi ako ng fruits ko tapos stocks na rin na pagkain sa kwarto ko. I remembered Kuya, gusto niya lagi sa kwarto ko dahil parang mini grocery daw dahil madaming pagkain. Mas lalo ko tuloy namimis si Kuya Alex.

"Ilan taon ka na pala?" I asked him. Baka matanda or bata siya sa'kin.

"Trenta po." I raised my eyebrows, 'di halata na thirty's na siya. I thought he's around twenties?!

"Kuya pala itatawag ko sa'yo. Mas matanda ka kaysa sa'kin." I laughed a little bit.

"Wag naman po," sabi niya kaya naisipan ko na 'yon na lang itatawag ko sa kanya para mas lalo siyang mainis. Sutil ba ganoon.

"May asawa ka, kuya?" Tanong ko at para inisin siya lalo.

"Single." He answered. Akala ko may asawa na siya dahil nasa thirties na siya!

"I-park muna diyan." Turo ko sa harap ng mall para mabilis kami makaalis mamaya. Mayro'n din kasing underground parking dito sa mall na 'to.

Bababa na sana ako pero parang napansin ko hindi siya gumagalaw sa upuan niya. Nando'n lang siya habang nakapatay ang makina ng kotse.

"Tara na! Ano pang ginagawa mo diyan?" Nagulat siya dahil pinapababa ko siya. Ang akala niya siguro maiiwan siya sa sasakyan.

Bumaba na ako at sumusunod lang siya sa'kin. Dumiretso agad ako sa grocery para makauwi rin agad kami. Hindi na ako sanay lumabas, hindi ko ba alam sa sarili ko. I don't mind socializing since I graduate kasi hindi ako palaging lumalabas. Minsan lang kapag nagkayayaan kami ni Luisa.

"Ako na po magtutulak." Nagulat ako kaya hinayaan ko siya magtulak ng cart. Kumuha ako ng mga prutas.

Then I decided to buy some chips kaya dumiretso na kami do'n. Lagay lang ako ng lagay sa cart. Minsan lang din ako mag grocery.

"May gusto ka? Kumuha kana." I said to him dahil mabait ako ngayon.

Napansin ko na nahihiya siya kumuha kaya hinayaan ko na lang. Kumuha na rin ako ng light beers at iba ang tingin niya do'n sa mga naka display na beers.

"Do you want? Kumuha kana kasi!" I said to him at hindi na siya nakapagpigil. Kumuha siya ng in can na beers. Tatlo lang kinuha niya kaya okay lang. Normal lang din kila Daddy na uminom ako basta sa bahay lang.

"Hello, Alexi!" My eyes went wide! Nakita ko yung lalake na nanliligaw sa'kin na ka-batch namin! Tapos hanggang ngayon nag e-email at chats pa rin ngayon! Hindi ko kasi siya type kaya hindi ko pinapansin. I said to him na ayaw ko sa kanya but he refused! Tuloy-tuloy parin siya nanliligaw at nangungulit sa 'kin!

"Is that your boyfriend?" He asked and I saw Enrico looking at me. Sumenyas ako gamit ang kamay ko na lumapit siya sa'kin kaya na-gets naman niya 'yon agad!

Lumapit si Enrico at inakbayan agad ako. Bigla akong nakaramdam ng butterfly sa tiyan ko. Hindi ko alam bakit ganoon ang pakiramdam ko.

"Y-yes, meet my boyfriend." I smiled at him para maniwala siya! Sana umepekto para hindi na niya ako kulitin pa.

"I see, bye!" I smirked. Buti naman naniwala siya tapos hanggang ngayon naka-akbay parin sa'kin si Enrico with smiling face!

"Tapos na ang palabas." I said to him at naglakad na ako kaya sumunod siya.

"S-sino 'yon?" He asked.

"Manliligaw ko pero hindi ko siya gusto." I answered.

Hindi na siya umimik at magbabayad na 'ko dahil nabili ko na lahat. Ginamit ko yung ipon ko para makabili ng mga gusto ko.

"Gusto mo kape?" I asked then he smiled at me! Those smiled.

"Diyan po tayo magkakasundo." Same vibe in coffee, huh. Matapos kami magbayad dumiretso na kami sa coffee shop to buy some coffee.

"Shit, ang mahal nang mga kape." He murmured. Malapit lang kami kaya narinig ko ang sinabi niya.

"Anong order mo?" Tanong ko at hindi siya makapili.

"Cold or hot?" I added.

"Kung ano sa'yo, ganoon na rin akin." Ngumiti siya at nag-order na ako.

Iced Americano ang in-order ko para sa'ming dalawa. Two hundred isang order.

"Four hundred," I heard him mumbled again! Hindi siya makapaniwala na ganito ang mga kape dito.

Ibinigay ko na sa kanya ang kape pagkatapos ko magbayad. Ang saya niya pagkabigay ko sa kape niya! Siyempre, nakaramdam din ako ng saya 'nong makita ko siyang sumaya.

"Bayad ko sa'yo yan sa pagpapanggap mo." I said while sipping into my coffee.

"Walang problema do'n." He said.

While were walking, napatingin ako sa kanya. Kapag tititigan siya, he looked like teenager pero matanda na pala siya. His masculine body, his curly hair! Para talaga siyang bata tignan!

Nakaramdam ako na komportable ako na kasama siya. Kailan lang naiinis ako sa kanya pero nung makasama ko siya ngayon parang ang gaan sa pakiramdam. Pero hindi ko nalang pinansin ang nararamdaman ko. Baka ngayon lang 'tong nararamdaman ko.

Habang kumakain ako ginagala ko ang tingin ko kasi hinahanap ko si Enrico. Kanina ko pa siya hindi nakikita. Hindi ko alam bakit ko siya hinahanap. Lagi ko siyang hinahanap lately, I dont know why!

"Anak?" I saw my Dad na pababa sa hagdanan.

"Yes, Dad? Ano 'yon?" Tanong ko kaagad sa kanya.

"Aalis kami papuntang Singapore. You want to come?" I raised my eyebrows.

"Bakit anong gagawin niyo do'n?" I asked.

"Business trip but if you don't want to come it's okay." He said while smiling.

"Ilang araw kayo do'n, Dad?" muli kong tanong.

"One month." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Daddy! One month for business trip?!

"Grabi namang isang buwan, Dad!" I protest.

"What's wrong about that, anak?" Dad raised his eyebrows too, sa kanya talaga ako nagmana.

"I was surprised, Dad. Don't forget my pasalubong." I remind him.

"Ofcourse, anak!" He said.

Kapag umaalis sila lagi silang may pasalubong sa'kin. Si Mommy palaging bags at clothes pero si Dad puro pagkain ang pasalubong niya.

"Kailan alis niyo, Dad?" Tanong ko habang patapos na kumain.

"Tomorrow." Nakakagulat talaga 'tong tatay ko!

"Nag send ako ng pera sayo, one month allowance mo 'yon. Tipidin mo na lang." Dagdag na sabi ni Daddy.

"Nand'yan na mommy mo." Napatingin kami ni Daddy kay Mommy na kakarating galing sa labas.

"Lexi, kunin mo na 'tong pinabili mong cake." Sabi agad ni Mommy kaya tumakbo na ako palapit sa kanya. Nag crave kasi ako ng black forest cake! I know how to bake pero tinatamad ako mag bake.

"Thanks, mom!" I said at pumunta na sa kusina para humiwa na nang cake. Almost three days na akong nagcra-crave sa cake na 'to!

Lagi ko kasi nakikita sa social medias kaya natatakam ako! Nag slice na agad ako para kumain. And I saw Enrico looking at me while eating. Napatigil ako sa pagsubo dahil nakangiti siya habang tinitignan ako!

"G-gusto mo?" agad kong tanong pero umiling siya tapos lumabas na ng kusina. Weird.

Pagkatapos ko kumain umakyat na agad ako sa kwarto para tignan ang emails ko. Umaasa parin ako baka may mag hired sa'kin. Gusto ko na talaga magtrabaho! Nakakabagot kapag wala kang ginagawa sa bahay tapos graduate na. Ang boring ng life!

Tinignan ko yung sinasabi ni Daddy na nag send daw siya ng allowance ko. Pagkabukas ko sa application na naka binned ang info's ko at sa ginagamit ko na card ay may laman agad na ten thousand pesos! Tumataginting na sampung libo ang binigay ng tatay ko!

Kinabukasan, naabutan ko si Manang na naglilinis ng sala. Naihatid na siguro sila Daddy, hindi man lang ako ginising!

"Umalis na sila kanina pa. Ayaw ka nila gisingin kanina." Sabi ni Manang habang naglilinis siya sa sala.

"Nag breakfast na po ba kayo?" I asked.

"Nagkape na ako, may pandesal at itlog do'n sa lamesa. Mag umagahan kana." Sabi niya kaya agad akong pumunta sa kusina.

Naabutan ko si Enrco na nagtitimpla ng kape kaya agad siyang napatingin sa'kin

"Gusto mo timplahan kita?" Nakangiti niyang tanong at tumango agad ako! Coffee is my weakness talaga, napapayag niya akong timplahan ako ng kape!

Habang tinitimplahan niya ako napatingin ako sa kanya. My heart beats faster, pero hindi ko na lang pinansin.

"Ikaw ba naghatid sa kanila?" Tanong ko sa kanya at umiling siya.

"Hindi, may nagsundo sa kanila kanina." He said while putting hot water into our coffee.

Binigay niya agad ang kape na natimpla niya sa'kin. Nakita ko siya na nagpapalaman ng pandesal at nilalagay niya sa plato. Pagkatapos, ibinigay niya sa'kin. Nagulat ako dahil pinagsisilbihan niya ako. Nakakapagtaka lang.

Biglang nag ring ang cellphone na hawak ko at nakita ko si Luisa. Kaya agad ko sinagot.

[Bakit?] agad na bungad ko sa kanya.

[Tara, club tayo later? Nag chat ako kay Tita sinabi ko na kakain tayo sa labas. Ayon, pinayagan ka. And need daw kasama bago niyong driver. 8PM nand'yan na'ko, bye!] and she ended up the call.

Club? Pero ang paalam niya kakain sa labas? Iba talaga 'tong kaibigan ko. Club? This is my first time to enter a club! So, let's do it!

"Aalis tayo mamayang 8PM, mag ayos ka." Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin.

"Sa'n tayo pupunta?" Curious niyang tanong.

"Basta!" I said while eating pandesal.

Excited ako ngayon kaya pagkatapos mag almusal pumunta na agad ako sa kwarto para tumingin ng isusuot ko. Kailangan maganda ang isusuot ko. Ngayon lang ako na excite ng ganito! Hindi ako pinapayagan ni Daddy lumabas ng gabi unless kasama sila.

Ilang oras na ang pumapatak pero naghahanap parin ako ng isusuot. Nagtatawag na rin si Manang para kumain ng tanghalian. Nakita ko ang isang bodycon black rutched dress na saktong sakto sa'kin. Papatungan ko na lang ng black jacket para hindi ako lamigin.

Bumaba na ako at naabutan ko na lang si Enrico ang kumakain. Napatingin siya sa'kin at nakangiti. He always smiling! Lalo tuloy siyang pumo-pogi!

May salad na ginawa si Manang dahil 'yon ang gustong-gusto ko. Kaya 'yon na lang ang kakainin ko para hindi ako maging bloated sa suot ko.

"Sa'n tayo pupunta mamaya?" Talagang curious siya! I looked at him and I smiled.

"Secret." Sabi ko habang kinakain ko yung salad.

"Puro ka secret." He said.

"Pasalamat ka crush kita." He murmured at nanlaki ang mata ko! Tama ba 'yong narinig ko?

"Ha?"

"Hotdog." I glared at him.

"Ano yung sinabi mo kanina?" Ulit kong tanong dahil yung puso ko kabog ng kabog!

"Bingi ka kasi." Nakakainis siya!

Hindi na ako umimik at ganoon din siya. Pero tama ba yung rinig ko? Crush niya daw ako? Gusto ko ulitin niya malay ko ba na misheard lang 'yong narinig ko?

"May bibilhin lang ako sa palengke, diyan muna kayo." Paalam ni Manang tapos lumabas na siya ng bahay.

Napatingin ako kay Enrico na tapos na kumain, sakto tapos na rin ako kumain. Tumayo na ako para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko tapos nando'n so Enrico. Paglagay ko nang pingan sa lababo bigla akong kinorner ni Enrico nasa harap ko na si Enrico!

I gulped.

"Sabi ko crush kita." Enrico said and he winked at me!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status