Share

Chapter 60: Kyla

Mahigit isang buwan na ako dito sa transient na tinitirhan ko. Hindi pa ako umuuwi at parang wala akong balak umuwi. Ang sarap lang kasi dito dahil pag gising ko ay bubungad agad ang magandang view na dagat. Parang hindi ko kayang iwan itong tinitirhan ko dahil part ito ng healing stage ko. Unti na lang ay makakalimutan ko na si Enrico.

Lagi ngang tumatawag sila Daddy at tinatanong kung kailan daw ako uuwi. Pati si buntis ay pinapauwi na rin ako dahil gusto daw niya ako makita. Hindi ko ba alam bakit nila ako pinapauwi. Kung tutuusin wala naman akong gagawin doon kung sakaling umuwi ako. Matagal ko nang pinahinto ang pag papa-renovate na ibinigay sa akin ni Enrico na shop. Sa kanya iyon eh, kaya pinatigil ko na. Ayaw ko naman na ituloy ang papa-renovate kasi hindi naman sa akin iyon.

"Alexi," tawag sa akin ni Kein na may dalang inihaw na isda. Magkakakaliskis na yata ako sa kakabigay niya ng isda. I mean masarap ang isda lalo na kapag inihaw pero halos araw araw na nga yata siya nagbi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status