Share

What Love Can Do
What Love Can Do
Author: SW_InBlueMoon

Chapter 1 : Introduction

ALEXI POV

When I woke up, tumayo na agad ako para mag toothbrush at maghilamos. I need to be productive today dahil naghahanap ako ng trabaho tru online. Ilang gabi na rin akong nagpupuyat to find work kahit online. I want to work na dahil fresh graduate ako at ang natapos ko is Batchelor of Science in Hospital Management. Ayaw ko rin naman umasa sa parents ko, siyempre! Nakapagtapos ako sa gusto kong kurso kaya kailangan magtrabaho agad.

Last night, I'm sending my resume to those looking for employee's like assistant baker, waitress and many more tru online. Minsan ang hirap din maghanap ng trabaho kapag walk-in. Tamad ang iba mag interview, kaya nakakainis!

Napansin ako ni Dad na bumaba sa hagdan.

"Lexi, anak? 'Lika dito," My Dad called me. I saw a boy in front of Dad and I guess that's our new driver? Lumabas ako at lumapit na agad ako kay Daddy.

"S'ya nga pala yung bagong driver natin. Enrico...meet my one and only daughter and take note m*****a 'to." Inilahad nang bagong driver ang kamay niya para makipag shakehands kaya kinamayan ko na agad kahit ayaw ko. Si Daddy talaga pinapahiya ako pero totoo naman ang sinabi niya na m*****a ako.

I faked smiled to our new driver as welcoming.

He have a curly hair na parang pancit canton. Yung mga mata niya bilog pero hindi malaki and also his lips. Mas mapula pa ang labi niya kaysa sa'kin. Tapos ang tangkad pa niya. Tans'ya ko nasa 5'8 ang height niya. I admit, our new driver looks good and young. Moreno din siya. Pero wala akong pakialam at tinignan ko lang si Daddy.

"Wala ka bang pupuntahan ngayon, anak? Ipagdri-drive ka ni Enrico." Umiling agad ako dahil wala naman akong balak umalis ngayon.

Kailangan ko rin maglaba mamaya dahil hindi ako nagpapalaba sa kasambahay namin. I'm shy to do that anyway.

"I have no erands today, Dad." I answered. Napansin ko na kanina pa ako tinitignan nang bagong driver namin. I'm wearing black oversized t-shirt and dolphin short. Naka messy bun lang ang buhok ko.

"Okay, kapag may pupuntahan ka magpa-drive ka sa kanya. Wag kang magdri-drive mag-isa, Ella. I'm warning you." Dad's warned me again and again. I know how to drive but I don't have driver license. That's why he don't want me to led his car. Pero makulit ako, my bestfriend named Luisa have a car kaya minsan ako nagdri-drive kapag may pinupuntahan kami.

Gusto ko kumuha ng driver license pero ayaw ni Daddy baka daw kahit sa'n ako pumunta. I'm 23 years old! Ayaw nila 'kong payagan kahit overnight kila Luisa. Pero kapag si Kuya Alex pinapayagan mag-drive kahit walang lisensya. Mapapasabi nalang ako ng 'how about me' eh!

Pumasok na ako sa bahay para pumunta sa kusina at mag aalmusal na. Nagluto si Mommy nang bacon at sinangag na kanin. Kumain na agad ako habang si Mommy nag ce-cellphone dahil tapos na siya kumain.

"So, the new driver arrived. Sa'n siya tutuloy?" I asked my Mom while she's busy on her phone.

"Sa dating kwarto ni Manong Leo." I was so shocked! Kasi matagal nang namatay si Manong Leo dahil sa sakit niya. Tapos do'n niya patutululugin 'yung new driver? Ilang buwan din walang natutulog do'n dahil sa takot. Teka, wala pala akong pakialam sa bagong driver.

Nagmadali na akong kumain para maglaba ng mga gamit ko. And then, kapag natapos ko 'yon magbubukas na ako ng emails ko para i-check if may tumanggap na sa'kin o wala. Para alam ko. Natapos na ako kumain and I took my laundry para ilagay sa laundry area namin.

"Just give your laundry to Manang Rissa." Mom's said while looking at my basket with my clothes.

"No, I don't want. Nakakahiya ipagawa kila Manang Rissa, tsaka it's my clothes! I can handle this, Mom." I said while separating my colored clothes and white clothes. Hiniwalay ko rin ang mga pantalon ko at shorts. Ayaw ko kasi nang sama-sama ang mga damit kapag naglalaba. Parang ang hassle kapag ganoon.

I'm going to do handwash to my underwears siyempre! Kapag washing ang ginamit wala na, masisira ang bra at panty kapag ganoon. Kaya lagi kong ginagawa sa tuwing naglalaba ako handwash ang mga underwears ko.

Napatingin ako sa bago naming driver, papunta siya sa dating kwarto ni Manong Leo at may dala siyang bag. Nahuli niya 'kong nakatingin sa kanya, kaya agad akong umiwas!

"Hi, Miss!" He greeted me with his smiling face while I'm rubbed my panty. Nahuli ko siyang napatingin sa panty ko kaya inilubog ko kaagad sa tubig na may bula ng sabon.

"Bastos." I muttered.

"Hindi naman, Miss! Napatingin lang ako pero hindi ako bastos." I rolled my eyes at pagkatapos niyang sabihin 'yon nakangiti siya.

Hindi ko na siya pinansin at itinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Partida, nakikita ko palang siya pero kumukulo na ang dugo ko. Hindi ko ba alam kung bakit! Oo, pogi siya pero kapag nakikita ko siya wala ako sa mood.

Natapos na ako maglaba at magsasampay nalang. Buti at nasa loob siya ng kwarto, sana magparamdam sa kanya si Manong Leo.

"Lexi? Nakita mo ba si Enrico?" I looked my Dad and I pointed the room of Manong Leo.

"Maybe he is resting, Dad. By the way, taga sa'n 'yan?" I asked and my mouth I can't controlled!

"Pangasinan, 'nak. Kamag-anak niya si Manong Leo. Kaya siya na ang kinuha ko." I suddenlt raised my eyebrows. Kamag-anak pala niya si Manong Leo?

"Why are you asking? Don't tell you hav-" bago pa niya ituloy inunahan ko na agad siya.

"No, Dad! I'm not interested at all." I answered.

"Good." Pagkasabi niya pumunta siya sa kwarto nang bagong driver at ako pumasok na sa kwarto ko.

I need to check my emails to see if they hired me or not. I opened my emails and no one replied. Nabigo ako. Disspointed me.

Maiiyak ka nalang talaga! Halos nagpuyat ako kagabi and almost 2 AM na ako nakatulog! Hindi lang kagabi, tatlong gabi na! Kaya ang eyebugs ko, para na akong panda!

Siguro kung hindi ko pa time magkatrabaho ngayon baka sa susunod na araw pa o susunod na linggo. I don't give up to find some work. Walang madali ngayon, lahat paghihirapan na.

"Hoy!" I was so shocked dahil pumasok si Luisa na walang pasabi! Bakit kaya siya nandito? Wala siyang pasabi na pupunta siya dito.

May dala pa siyang isang box ng pizza. Sigurado akong tatambay siya dito. Gan'to kasi siya kapag tuma-tambay dito sa bahay may dala siyang pagkain.

"Nakakagulat ka naman! Bakit ka nandito?" Tanong ko agad sa kanya at humiga siya sa kama ko na kakaayos ko lang. Feel at home pa siya humiga sa kama ko.

"Boring sa bahay kaya dito na 'ko pumunta. Tsaka pinapasok ako ni Tita dito sa room mo." Luisa's said.

"Nakahanap kana ba ng trabaho?" She added.

"Wala pa nga, girl! Ikaw ba?" balik kong tanong sa kanya at umiling siya it means wala rin siyang nahahanap.

"Ang hirap maghanap ng trabaho! Parang gusto ko nalang maging ibon. Tamang lipad at travel lang." She laughed with her own thought.

"Ganyan talaga, mahirap talaga maghanap. But one day, we can find it din." I positively said to her.

Napatingin ako sa wall clock ko it's 3PM.

"By the way, I saw new face here. Sino siya?"

"Ah...siya yung new driver dito sa bahay." I answered while opening the box of pizza.

"Pogi niya, girl!" I raised my eyebrows.

"Crush mo noh?" I droned.

"Hindi! Si A talaga ang gusto ko!" Kinikilig pa siya habang sinasabi.

"Malabo 'yong si Kuya. Busy sa trabaho niya palagi." I said and she pouted.

"Kailan siya uuwi?" Talagang gustong-gusto niya si Kuya Alex. Walang interest 'yon sa babae. I don't know if he's gay or nah! Or busy lang talaga siya sa work niya. Kuya Alex is a Psychiatrist and he is working in Manila. Minsan lang siya umuwi dito sa bahay.

"Wala pa, matagal na rin hindi umuuwi si Kuya." I answered while eating pizza and I heard her sighed.

Tumayo ako para kumuha sa mini ref ko nang drinks namin ni Luisa.

"Tara, movie marathon tayo?" Luisa's suggested.

"Okay, what movie?" I asked and kinuha ko ang laptop ko para buksan.

"Basta yung latest na movie ngayon." Sagot niya kaya naghanap na agad kami.

I saw this movie on social medias, parang maganda daw pero rated-18 nga lang. Itinuro rin ni Luisa 'yon.

"Try natin yan." She said and I clicked that movie.

Ay s***a! Unang scene sex scene agad? Mukhang gusto ni Luisa mga ganitong movie eh! Luisa is focus while watching. Napapulunok ako bigla dahil sa mga scenes. The girl in the movie is moaning like no tomorrow!

"Ano kayang pakiramdam habang ginagawa 'to?" Luisa suddenly asked.

"Bakit ako tatanungin mo? Wala pa akong experience." I answered and she laughed a little bit.

Tahimik lang kami habang nanunuod tapos kumakain kami nang pizza. Tapos umuungol ulit yung babae sakto pumasok si Mommy! Agad kong pinahinaan ang sound ng laptop ko.

"Hey, what are you doing?" Mom's asked at sana hindi niya narinig 'yong ungol!

"Watching some musical movie, Tita. Grabi pala mga singer talagang bumibirit!" Hindi ko ba alam kong matatawa ako sa sinabi ni Luisa! Pinagtatakpan niya agad para hindi kami mahuli.

"Ah, I thought you are watching p*rn." Our eyes wide together!

"Ew! Mommy naman." Kunwaring sabi ko.

"It's normal naman manuod." She said while laughing tapos umalis na.

"Gagi! Muntik na tayo do'n!" Luisa said at pinalo niya ang braso ko.

"Mag earphones nalang kaya tayo!" suggest niya kaya kinuha ko na agad ang earphones ko. Natatawa ako sa kanya!

"Musical movie pala huh?" I'm laughing because what she said earlier! Hindi ko mapigilang tumawa!

"Tawa pa, Lexi! Umpugin na kita!" Naiinis na siya sa'kin dahil kanina pa ako tawa nang tawa. Hindi naman ako matatawa kundi dahil sa kanya!

Tumahimik na ako baka masampal na 'ko nang babaeng 'to. Focus lang siya sa panunuod niya habang ako nag i-scroll sa social media ko. The movie was boring! Puro sex scene lang! Parang music video siya na ganoon ang scene eh.

Lumabas muna ako para uminom ng tubig. Then I saw Enrico drinking water also. He winked at me na kinagulat ko. Anong trip ng lalakeng 'yon? Hindi ko siya pinansin at bumalik na ako sa kwarto ko.

Hanggang sa natapos na yung movie, humiga ulit si Luisa sa kama ko habang nakatingin sa kisame. Siguro hindi pa siya maka move on sa pinanuod niya. Napatingin ako sa wall clock ko it's 5 PM.

"Uwi na 'ko." She immediately get up.

"Are you sure? Dito ka mag dinner, you want?" Luisa shook her head.

"I'm on diet," napataas ako ng kilay dahil diet daw siya sabi niya pera ang sarap ng kain niya sa dala niyang pizza!

"Okay, dala mo ba car mo?" I asked.

"Ofcourse! Sige na, uwi na 'ko." Luisa hugged me then sinamahan ko siya para ihatid sa labas.

Nagpaalam na rin siya kay Mommy dahil nasa sala lang siya nunuod ng TV. Umalis na siya at papasok na sana ako pero nakasalubong ko si Enrico. Siya nanaman. Pero ano pa nga ba? Hindi naman malaki 'tong bahay para hindi kami magkita.

"Sorry." He said at tuluyan na akong pumasok. Hindi na ako umimik.

Pumunta ako sa kusina para tignan kong ano ang ulam. Nagluto si Manang Rissa ng Adobong baboy, natakam tuloy ako pero busog pa naman ako. Sinabihan ko nalang si Manang Rissa na tirahan ako para ulamin bukas.

Dumiretso na ako sa kwarto para iligpit yung kalat namin ni Luisa tapos yung kama na nakusot niya. Nakaramdam na rin ako ng antok kaya matutulog na ako. Buti na lang bago dumating si Luisa nakaligo na 'ko.

UMAGA na kaya tumayo na ako at maligo. Nagising ako ng maaga dahil maaga rin ako nakatulog kagabi. Pagkatapos ko nagtoothbrush lumabas na ako at hindi ko nakita si Daddy at Mommy.

"Asan sila?" Tanong ko kay Manang Rissa na naghahanda ng pagkain sa lamesa.

"Maaga sila nagpahatid kay Enrico, may aasikasuhin ata sa. Sakto, halika at kumain kana." Aya sa akin ni Manang Rissa kaya umupo na ako.

"Sabayan mo na ako dito, Manang." Nahihiya pa siya pero pinilit ko dahil wala akong kasabay kumain.

Nagtimpla ako ng black coffee dahil ayaw ko sa creamer. Napansin ko na tapos na agad si Manang kumain. Ang unti kapag kumakain siya. Pero tumatanda na kasi siya kaya ganoon nalang siya kumain.

Napansin ko na naglakad sa gilid si Enrico para uminom ng tubig at halatang kararating lang.

"Kumain kana rin." Aya ko rin sa kanya. Baka sabihin niyang sobrang sama ng ugali ko.

"Halika na, walang mangyayari kapag tinitignan mo lang ako! Umupo kana at kumain." Ulit kong sabi dahil nakatayo at nakatingin lang siya sa'kin.

Tapos na si Manang Rissa kumain kaya kaming dalawa ang naiwan dito sa lamesa. Busy ako kumakain pero nahuhuli ko siyang nakatingin sa'kin. Wala naman akong muta o dumi sa mukha! Bakit tingin siya ng tingin sa 'kin?

"Ang ganda mo pero masungit lang." I was shocked sa sinabi niya. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya!

---

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status