Share

Chapter 27

‘Two weeks have passed…’

“Ano ba talaga ang pinaplano mo, Ezra? Sino itong lalaking nakarating sa 'king dumadalaw sa opisina mo halos araw-araw?”

Pinatawag siya ng chairman sa opisina nito sa mansion dahil sa kumakalat na tsimis ngayon sa kumpanya, dahil sa pagpapapunta niya kay Venzie sa opisina niya; iba't ibang usapin ang naging sanhi no'n, may iba na sinasabing kaibigan niya 'yon, 'yong iba naman ay kabit niya, at may iba naman na sinasabing kamag-anak niya.

Wala siyang pakialam sa sinasabi ng mga tao, ang mahalaga ay naisasakatuparan niya na ang plano niya.

“Don't worry chairman, naayos ko na ho ang tungkol sa kumakalat na usapin tungkol sa 'kin, at tungkol naman sa lalakeng pumupunta sa opisina ko, kasama siya sa plano kong pagpaparusa sa asawa ko,” malumanay at hindi nagpapakita ng kahit ano'ng emosyong sagot niya.

Tumaas ang dalawang kilay ng chairman, at parang biglang naging interesado sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status