Share

Chapter 26

Alam niyang hindi ito tama, pero si Ezra na mismo ang nagmakaawa sa kaniya, paano niya matatanggihan ang babaeng ngayon ay mukang tuluyan nang nakapasok sa puso niya?

Hindi niya alam kung paano, basta naramdaman niya na lamang, tuluyan na nitong pinalitan si Camina sa puso niya.

‘Tapos heto ngayon ang babae, nagmakaawa sa kaniyang iligtas ito mula sa sakit na nararamdaman nito dahil sa taksil nitong asawa; nagmakaawa sa kaniyang agawin niya ang puso nito mula sa pinakasalan nitong lalake.

Alam niyang isa itong malaking pagkakamali, isang kasalanan ang ginagawa nilang ito, pero hindi niya na mapigilan pa ang sarili, lalo na't si Ezra na mismo ang lumapit sa kaniya.

Mahal niya na si Ezra, at dahil sa pagmamahal na ito ay nakagawa siya ngayon ng malaking kasalanan.

“Venzie…” daing ni Ezra nang bumaba ang kaniyang mga labi sa mabango nitong leeg at doon naglaro kasama ng kaniyang mapangahas na dila.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status