Share

What You Give Is What I Give
What You Give Is What I Give
Author: Ivy Loud

Prologue

“By the power vested in me, I now pronounce you, man and wife. You may now kiss your bride.”

Ito na yata ang pinaka masayang araw ng buhay niya; ang maikasal sa taong mahal niya.

Ang makita ang matamis nitong ngiti sa araw-araw na gigising siya'y isang malaking tuwa at kaginhawaan ang hatid sa puso niya.

Ang mahagkan pa lamang ang mapula at malambot nitong labi ay hindi niya na maipaliwanag kung gaano siya kasuwerte dahil siya ang lalakeng napili nitong mahalin.

Paano pa kaya ngayong mag-asawa na sila't puwede niya nang magawa ang matagal niya nang inaasam magawa kasama si Ezra.

“Good luck sa honeymoon, Julius, enjoy hahaha!” malaki ang ngising saad ng matalik niyang kaibigan na si Raniel, katabi ang asawa nitong si Cassy.

Naiiling pero malawak ang ngiting nakipag-fist bumps siya sa kaibigan.

“Nako, Julius, 'wag na 'wag mong lolokohin 'yang asawa mo, huwag kang gumaya dito sa kaibigan mong puro kalokohan nalang ang inatupag,” paalala ni Cassy na pinanliliitan siya ng mata, na mabilis namang inalmahan ng kaibigan niya.

“Sweety naman, nagbago na nga 'ko ehh, wala na 'kong ginagawang kalokohan,” paglalambing ni Raniel sa asawa, kaya naman muli na lamang siyang napailing. Magkadikit ang bituka nilang dalawa ng kaibigan niya pero wala siyang balak lokohin si Ezra.

“Don't worry, Cassy, mahal ko ang asawa ko,” ang tanging sagot niya, kasunod no'n ay naramdaman niya ang maliliit na braso na pumulupot sa baiwang niya mula sa likuran, saka niya nakita ang magandang muka ng asawa na nakadungaw sa gilid niya. Ramdam na ramdam niya rin sa likod niya ang malaki nitong hinaharap, dahilan para pasimple siyang mapalunok.

“Hi, Ezra, congratulations nga pala ulit,” nakangiting bati ni Cassy kay Ezra na sinundan ni Raniel. Ngumiti lang ang asawa niya sa dalawa, saka muling bumaling sa kanya. Ganito talaga ang asawa niya; wala itong naging close ni isa sa mga kaibigan niya, at naiintindihan naman 'yon ng mga kaibigan niya dahil ganito talaga ang ugali ni Ezra.

“Let's go,” tipid na saad ni Ezra sa kanya, dahilan para lumawak ang ngiti niya't muling binalingan ang kaibigan niya't asawa nito.

“Paano ba 'yan, alis na kami, excited ang misis ko sa honeymoon night namin,” pagbibiro niya, dahilan para magtawanan ang mga kaibigan at nagsimula nanamang asarin siya, hanggang sa tuluyan na nga nilang nilisan ang function hall ng hotel kung sa'n ginanap ang reception ng kasal nila, at saka sila nagtungo sa top floor ng hotel kung sa'n naroon ang suit na kinuha nila para sa gabing ito.

Tapos bukas ay babyahe naman sila patungong Hawaii para do'n i-spend ang tatlong linggong honeymoon nila.

But for now, dito muna sila sa hotel, at e-enjoy-in nila ang first night nila bilang mag-asawa.

“Honey…” daing ni Ezra habang abala siya sa paglalaro at paghalik sa kaselanan nito. Napakatagal niyang hinintay ang pagkakataon na ito, ang mahawakan at matikman si Ezra.

Sa tagal nilang magkasintahan noon ay maski halik sa labi ay hindi niya nagawa kay Ezra dahil sa paninindigan nitong ang magiging unang halik nito ay ang lalakeng makakasama nito sa harap ng altar, pero naging ayos lang 'yon sa kanya dahil totoong mahal niya ang babae.

Kahit pa sadyang may dumarating na pagkakataon na gustong-gusto niya na'ng mahalikan ang mapupula at malalambot nitong mga labi, at maranasan ang umindayog sa ibabaw nito habang nag-iisa ang kanilang mga katawan; may pagkakataon pa nga'ng napananaginipan niya na ito sa gabi.

Pero sa halip na ipilit dito ang kagustuhan niya't pakinggan ang tawag ng laman, pinatunayan niya sa babae na totoong malinis ang intensiyon niya rito't seryoso siya sa nararamdaman niyang pagmamahal dito.

Hanggang sa wakas ay tuluyan niya na itong naangkin.

Muling umakyat ang kanyang mga halik at muling pinagtagpo ang kanilang mga labi. Siya ang first kiss nito pero nakapagtataka na parang bihasang-bihasa na ito sa paghalik. Kaya naman tinanong niya ito kanina, at ang naging sagot nito ang nagpatawa sa kaniya…

“First kiss mo 'ko pero ang galing mo nang humalik. Ako ba talaga ang first kiss mo?” Huminto ito sa paghalik sa leeg niya't pilyang ngumisi.

“Before our wedding nagbasa-basa ako ng mga article about sex and kissing; nanood rin ako ng mga videos, at ang dami kong natutunan sa internet; super dami nga ng mga sex position and types of kisses. Pero ang nagustuhan ko lang do'n ay 'yong missionary sex position and passionate kiss.”

His wife is so cute yet hot. Lalo nitong pinag-iinit ang katawan niya.

Naglingkisan ang kanilang mga dila't nagpalitan sila ng laway, habang pinoposisyon niya na ang kanyang kahandaan sa birhen pa nitong lagusan.

Dahan-dahan ang ginawa niyang pagpasok dahil alam niyang masakit ito para sa asawa niya, at kitang-kita niya 'yon sa ekspresyon ng muka ni Ezra, kaya naman minasahe niya ang dibdib nito't pinaglaruan ang korona sa ibabaw nito habang patuloy pa rin sila sa paghahalikan.

At nang bigyan na siya ng signal ni Ezra na maaari na siyang gumalaw, ikinawit niya ang mga binti nito sa baiwang niya't nagsimula nang umindayog sa ibabaw nito.

Mabagal sa umpisa, pero bumibilis habang tumatagal.

Kapwa silang umuungol sa sarap, habang sabay na gumagalaw sa ritmo ang kanilang mga katawan.

“I love you, Honey,” ungol ni Ezra na mahigpit na napayakap sa kaniya nang maramdaman na ang nalalapit na kasukdulan.

“I love you more.”

Muli silang sabay na napaungol nang sabay na nilang maabot ang langit ng kanilang pagmamahalan.

___

DISCLAIMER:

This story is a work of fiction, names, characters, places, incidents, and even businesses are only product of the author's imaginations, or used in a fictitious manner, any resemblance to actual persons living or dead, events or locales are purely coincidental.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status