Share

KABANATA 03

Sa buong duty ko na iyon ay tila napaka-bagal ng oras.

Gabi na kaya medyo marami ang costumers, lalo na ath maganda ag lugar na ito para sa dates.

The diner has this romantic aura because of it’s red and gold interior. The fancy hanging chandeliers and the candlelights on every corner of the place reminds of the fancy restaurants in movies I watched.

Panay ang sulyap ko sa gawi nina Mr. Valmoria kahit pa nagtatrabaho. Madalas rin ang pagtama ng mga mata namin ni Franco. Nararamdaman siguro nya ang pagmamasid ko sa kanila. Pero hindi naman sya ang gusto kong lumingon.

He looks so happy talking to Charlotte, na parang ngayon lang ulit sila nagkita. Hindi ko rin matukoy kung sadyang malakas lang ang pandinig ko kaya lagi kong naririnig ang tawanan nilang mag-ama.

“Papa please. Don’t embarrass me in front of Franco.” She said with an awkward smile. Natawa nalang ang ama nya sa reaksyong ipinakita nito.

“Ang ganda ni ma’am Charlotte ano?” Palapit sa akin si Erica, wala pa naman nakapila sa counter kaya siguro nakikipagkwentuhan sa akin.

“Huh? O-oo.” Wala sa sarili kong sagot. Kaagad akong yumuko nang muling magtama ang tingin namin ni Franco, kahit hindi naman sya ang gusto kong makatitigan.

“Ang sweet nilang mag-ama, sa kanya nga ipinangalan ni ma’am Charlotte itong diner” saad pa ni Erica. Mukhang namamangha talaga sya sa nasasaksihang closeness ng mag-ama dahil kanina pa sya nakangiti habang pinanonood ang mga ito.

Papa’s diner, ang pangalan ng diner. Noong una ay nakornihan ako pero ngayong nalaman ko na ang dahilan sa likod nito ay nakaramdam ako ng inggit. Sobrang malapit pala sya sa tatay nya, tatay namin.

“Isa ako sa mga scholar nila kaya dito ako nagtatrabaho at medyo nakakasalamuha ko sila. Kahit ganyan na ang edad ni ma’am Charlotte ay parang baby pa rin kung alagaan ni Mr. Valmoria. Siguro kung buhay lang ang tatay ko ay ganyan rin sya sa akin.” Erica continued. I gave her a concerning look after hearing about her father. “Matagal na iyon.”

Yung akin ay buhay pa naman, pero hindi nga lang ako sigurado kung ganito rin ba ang magiging relasyon namin sa isa’t-isa.

Just like that, something inside of me snapped.

 I felt a warm liquid running down my cheek. Sa sandaling segundo na iyon ay tila bumalik sa akin ang lahat ng sinabi ni mama noon. And I am starting to think that she’s right. Maybe looking for my father is a wrong idea?

Mula kanina ay nasa kanila na ang atensyon ko at masasabi kong maganda nga ang relasyon nilang mag-ama. Kahit siguro ipaalam ko sa kanya ngayon na anak nya ako ay hindi ko rin mapapantayan si Charlotte sa buhay nya. Mabilis kong pinahid ang luhang pumatak sa aking pisngi nang mapansin ang bagong costumer sa aking harapan. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang nagtatakang mukha ni Erica bago tuluyang hinarap ang costumer nya.

Buong proseso ng pagkuha ng order ng costumer ay nakayuko lang ako. Hindi nagreklamo ang babae kaya hanggang sa matapos ang pag-oorder nya ay hindi ko inangat ang aking mukha.

My heartbeat stopped for a second when I saw the person who is next in line. Franco.

Bahagya akong napa-atras nang lumapit sya sa counter. Malalim ang titig nya sa akin at nakita ko ang pag-igting ng panga nang mapansin ang reaksyon ko.

Hindi man komportable ay ginawa ko ang trabaho ko. “How may I help you sir?” nakangiti kong tanong at matapang syang hinarap.

“Let’s meet outside after your duty.” aniya sa natural na boses, hindi nag-alala na baka may makarinig sa kanya. Napansin ko ang paglingon ni Erica at ng ibang costumers sa amin. Hindi ko alam kung bakit may plano syang ganito, pero ayoko.

I cleared my throat, “Do you want to order anything, sir?” muli ko syang hinarap nang nakangiti ngunit binalaan gamit ang aking mga mata. Sana naman ay makuha nya ang nais kong iparating! Hindi naman siguro sya gagawa ng eksena rito, nagtatrabaho ako at hindi ko naman sya gustong kausapin ano.

Marahan nyang inayus ang kanyang necktie habang ang kanyang mga mata ay nilibot ang tingin sa buong lugar. He licked his lips before facing me again.

“Well, what do you like me to order?” bahagya akong natigilan sa tanong nyang iyon. Akala ko naman ay nagets nya ang ginawa ko kanina, bakit ba ako ang tinatanong nya?

Parang gusto kong tumakbo papasok sa staff room nang unti-unting bumalik ang titig ng mga taong naroon sa amin. Nagpalipat-lipat rin sa aming dalawa ang mga mata ni Erica na halos hindi na maasikaso ang costumer na nasa kanyang harapan.

I sighed and I fake a smile while greething my teeth. “We are not allowed to choose for you, sir. That’s not how it goes. Just tell me what you want so we can all move forward already.”

The corner of his lips rose after hearing what I said. Kumunot ang noo ko dahil sa naging reaksyon nya but after  a while I realized how I sounded like when I said the last sentence.

He probably thought I meant something on that statement. But n0! It just came out wrong!

Ano bang kailangan nya? Bakit ba nya ako ginugulo sa trabaho ko?! Ang laki ng problema ng lalaking ito, napaka-attention seeker!

Papatulan ko na sana nang lumapit sa kanya si Charlotte. She’s walking elegantly in her fitted and slightly revealing dress. She walks towards Franco and tap his shoulder 3 times to get his attention.

“My dad needs to go already.” She told Franco. She even glanced at me and gave me an innocent smile. Matapos ang maliit na interaksyon namin na iyon ay tila nagkusa ang ulo ko na yumuko dahil sa kaba. Sa kaba na baka makilala nya ako kahit pa napaka-imposible naman mangyari.

“I’ll take you two home.” Rinig kong suhestyon ni Franco. Wala naman akong narinig na pagtutol mula sa isa kaya inaasahan kong aalis na sila roon. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay mukha pa rin ni Franco ang sumalubong sa akin nang i-angat ko ang aking ulo. I am pissed at him because of what he is trying to do earlier, kaya kahit may makakita sa amin ay hindi ko na napigilan at umikot ang eyeballs ko, indikasyon ng nararamdaman ko sa kanya.

“Babalik ako.” He reminded me before he left. I did not bother to think what was that for dahil wala rin naman akong pakialam sa kanya at sa mga binabalak nya basta huwag nya lang akong guguluhin!

Pinanood ko naman ang paglalakad palabas ni Mr. Valmoria, hoping that he will sense it and would probably stare back at me. Kahit ligaw na tingin lang, just to make sure that he knew that someone with this face exist, that I exist.

Pero wala akong napala, he was busy chit-chatting with his daughter, Charlotte. But I am her daughter too.

Ilang minuto nalang ay matatapos na ang duty ko kaya pinalit na sa akin ang isa pang crew. Mula kaninang pag-alis nila ay inabala ko ang sarili sa mga costumer, para hindi sila gaanong pumasok sa isip ko. But the moment I stepped out of the counter, I felt a warm liquid circling my eyes again. Parang ang bigat sa dib-dib sa tuwing naalala ko ang imahe nilang nagtatawanan. That could have been us, or atleast been part of it.

Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko na nagpapahirap sa akin sa paglunok. Minadali ko ang pagliligpit ng gamit upang makauwi na. Pakiramdam ko ay bibigay na ako dahil sa sama ng loob na nararamdaman.

I was half-running when I left the diner, but I was stopped by someone’s arm. Mabilis ang naging pagkilos nya at huli na nang matanto kong nakakulong na ako sa mga bisig nya. Naamoy ko ang pamilyar na pabango, matapang iyon gaya ng lagi kong naaamoy nang ako’y nasa highschool pa. Matapos ang ilang taon ito pa rin pala ang gamit nya.

Parang may kung ano sa bisig nya na nagbigay pahintulot sa mga luha ko upang tuluyan na silang magsihulog mula sa aking mga mata. I felt his hand pushed my head a little so I could rest on his chest. Honestly, I don’t even know why am I crying.

For years, I never shed a single tear just because my father does not know I exist. Lagi kong iniisip na hindi man nya ako kilala, ang mahalaga ay buhay sya at may pagkakataon akong magpakilala sa kanya. Pero ngayong nakita ko na sya at malaman na masaya sya kahit pa may isang anak sya na nangungulila sa kanya ay nagbigay ng kakaibang sakit sa akin. Maybe mama is right, he will never going to acknowledge me, he will never going to accept me. I have never been and will never going to be part of his life.

He did not even bother to check on my mother after finding out she is pregnant. From the very start, he did not care about us, about me.

Gusto ko man na tumigil sa pag-iyak ay tila may sariling buhay ang mga mata ko at patuloy lang ang paglabas ng luha mula rito. Ramdam ko rin ang mahihinang paghaplos ni  Franco sa aking likuran.

“I’m sorry.” He gently whispered on my left ear.

“I was about to tell you but you keep on running away from me.” He continued. He said it in an airy voice as if struggling to talk.

Pinakawalan ako ng mga bisig nya nang sinubukan kong lumayo. “Anong ibig mong sabihin?” Pumikit sya at binasa ang mga labi. Balak nyang abutin ang aking braso ngunit bahagya akong umatras kaya hindi sya nagtagumpay.

“U-uuwi na ako.”

“Ihahatid kita.” May pinalidad sa boses nya nang sabihin ang mga katagang iyon. Bahagya akong umiling sa kanya, “Kaya kong umuwi mag-isa.” I told him with more conviction.

He sighed. “Please, don’t…run this time. Let me take you home.” May pagmamakaawa nyang saad. He guided me on his car and I obliged.

Hindi ko alam kung dapat ko bang isisi sa bigat ng nararamdaman ko ang desisyong pumayag sa alok nya.

“Ituturo ko ang daan.” Saad ko ngunit bago pa man ako magsalita ay naililiko na nya sa tamang daan ang kotse nya.

Alam kong ramdam nya ang mga titig ko dahil sa pagtataka na alam nya ang dadaanan pauwi sa dorm namin. Is he stalking me or what?

 Kaagad kong binuksan ang pintuan ng kotse nya nang huminto ito sa tapat ng gate ng bahay ni ate Mariana.

“Sandali.” Hinawakan nya ako sa braso upang pigilan. Napatingin ako roon at kalaunan ay umangat ang tingin sa kanya. Matalim ko syang tinignan bago inalis ang pagkakahawak sa aking braso.

Bumalik ako sa ayus ng pag-kakaupo nang may maalala.

“Ano nga pala ang ibig mong sabihin kanina?” napapaos ang boses kong tanong sa kanya.

Tahimik ang paligid dahil gabi na at nasa loob kami ng sasakyan nya. Maging ang makina ng kotse ay nakapatay na. Malamig rin ang hangin na binubuga ng airconditioner dito sa loob na nagdagdag kilabot sa aking katawan.

Dahil sa labis na emosyong nararamdaman ay tinabunan non ang hiya sa aking katawan. Sa unang pagkakataon mula nang magkita kami ulit ay mataman ko syang tinitigan. Ngayon ko lang din napansin ang pagbabago sa kanyang mukha ilang taon na ang nakalipas.

He looked more mature now and became muscular. Hindi na sya mukhang probinsyano, well he never did. Pero ngayon, mukhang mamahalin na ang bawat tela sa kanyang katawan. Mas nadepina rin ang bawat feature ng kanyang mukha. Mula sa tamang kapal ng kilay, sa matangos na ilong, sa panga nya na kapansin-pansin, at hanggang sa mapupula nyang labi. His almond shaped eyes became more enchanting to look at because of his few long eyelashes.

I can feel my heart wanting to jump out of my chest.

I am always like this whenever he’s near. Para akong hinahabol ng kalaban dahil sa bilis ng tibok ng puso sa tuwing nasa harapan ko sya. Pero hindi rin naman ako maka-alis, dahil sa paraan ng pagtitig nya. Nakakalula.

Dahil sa abala ako sa pagsuri sa kanya ay huli na nang mapansin kong nakatitig rin sya sa akin. Bumaba ang tingin nya sa labi ko kaya wala sa sarili kong ipinadaan sa labi ko ang aking dila. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang paglunok nya.

Bago pa man sya makakilos ay inunahan ko na. “Siguro huwag mo nang sagutin. S-sige, baba-b-ba na ako.”

“Kaya ko. Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo. Sa ngayon magpahinga kana muna. Tawagan mo nalang ako kapag handa kana.” Saad nya ng hindi pa rin naaalis sa labi ko ang mga mata.

Kung tama ang pagkaka-obserba ko kanina ay nobya nya ang panganay na anak ni Mr. Valmoria. Kaya tingin ko ay hindi tama ang binabalak nyang makipagkita sa akin na lingid sa kaalaman ng nobya nya. Imposible naman sigurong ipaalam nya rito ang tungkol sa akin, ayoko ng ganon. Gusto ko ako ang magsasabi sa kanila, ayokong malaman nila sa ibang tao.

“Hindi na kailangan. Wala naman na akong gustong itanong sayo.”

Gusto sana nyang tumutol sa sinabi ko pero muli akong nagsalita. “Kung ano man nalalaman mo tungkol sa koneksyon ko sa kanila, hayaan mong ako ang magsabi non. Tutal ay iyon naman ang ipinunta ko dito.”

“Hindi iyon magiging madali. But I am here to help you. Allow me to help you.” he told me in a very gentle voice. Para syang nanunuyo, pero siguro ay guni-guni ko lang iyon.

“Take a rest. I will be the one calling you, instead.”

Sabihin ko man na wala na akong kailangan sa kanya  ay hindi ko naman maitanggi na gusto ko ngang malaman ang kahulugan ng sinabi nya kanina. Sa tingin ko ay may kinalaman iyon sa mga magulang ko, hindi nga lang ako sigurado kung dapat ko pa bang marinig iyon lalo na ngayon na unti-unti na akong napapaniwala ni mama. She was never supportive about this, maybe because she already accepted the fact the Mr. Valmoria forgot about her and the possibility that he is the father of her unborn child back then.

I don’t want to assume anything. I want every information I have to be the truth and only the truth. I don’t want uncertenties.

“S-sige.” Pagsang-ayon ko sa sinabi ni Franco.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status