KINABUKASAN ay kumakanta pa ako habang naliligo. Hindi ko pa rin maiwasan ang mapangiti sa tuwing naiisip kong pinagseselosan ni Paul si Mr. Ledesma.
Maya-maya pa ay hindi na naman ako magkandaugaga sa pag-aayos ng aking sarili. Nasa kalagitnaan ako ng pagboblower ng aking buhok nang biglang tumunog ang maganda kong cellphone. Dali-dali ko iyon na dinampot ng makita kong pangalan ni Kupal ang rumihestro sa screen.
"Oh!" Kunwari ay tinatamad kong sagot.
"Good morning my gorgeous attorney!" Masigla niyang bati sa kabilang linya.
"Haist! Good morning din Mr. Kupal!" Napipilitan kong sagot. "Don't tell me na nasa labas kana kaagad?" Naiinis ako dahil paniguradong pagmamadaliin niya na naman ako.
"Nope! Actually, tumawag ako para ipaalam sa'yo na hindi kita masusundo ngayon."
"Huh? Bakit?"Dismayado kong tanong. Ang kaninang pagkainis ko ay&nb
MAMAYANG alas tres ng hapon ay nakatakdang ganapin ang aming wedding sa Wedgewood Resort dito sa Fairbank, Alaska USA. Kaya naman kahit alas diyes pa lang ng umaga ay hindi na magkandaugaga ang lahat sa pag-aasikaso maliban nga lang sa hilaw kong biyenan.Sa katunayan ay kanina pa ako napapagod sa kakasunod sa kanya. Simula ng dumating kasi kami ay sinadya niya talaga akong isama sa paglilibot para mayroon siyang alalay. Syempre bilang pekeng manugang ay kailangan kong makipagplastikan sa kanya. Kahit pa nga sobrang inis na inis na ako ay nagawa ko pa ring bitbitin ang kanyang handbag na puro make- up lang naman ang laman.Masakit na rin ang panga ko sa pag ngiti at pakikipag-usap sa mga receptionist na kanina pang tinatarayan ng mommy ni Paul. Kaunti na lang talaga at sasabog na ang ulo ko dahil sa mga kaartehan ng matapobreng hilaw kong biyenan.Nang mapa
SIMULA pa kahapon hanggang sa makabalik na kami ng Pilipinas ay wala pa rin kaming pormal na usapan ni Paul.Ni hindi rin naman niya nagawang banggitin man lang ang nangyari no'ng nakaraang gabi matapos ang aming kasal. Marahil ay nahihiya siya sa'kin o di naman kaya'y sadyang balewala lang 'yon sa kanya.Pagkagaling sa airport ay sa bagong bahay na kami tumuloy. Hindi na ako nagtaka pa kung pa'no nakarating do'n ang aking mga gamit. Marahil ay hinakot na iyon ni Nay Meding. Nakakabilib talaga ang matandang 'yon dahil halos twenty years na din siyang matiyagang naninilbihan sa aming pamilya. Napalapit na rin ang loob ko sa kanya lalo pa't parang anak na rin ang turing niya saamin ng ate ko.Nang tuluyan na kaming makapasok sa bahay ay tv kaagad ang unang nilapitan ni Paul. Sa halip na magpahinga ay pabagsak pa itong naupo sa couch at kaag
DALAWANG buwan na rin buhat ng ikinasal kami ni Paul. Gaya ng dati ay lingid pa rin sa kaalaman ng lahat ang patuloy naming pagpapanggap bilang mag-asawa.Oo nga't magkahiwalay kami ni Paul ng silid-tulugan subalit magkasabay at magkasalo naman kami pagdating sa hapag kainan. Maging sa pagpasok sa opisina at pag-uwi ng bahay ay magkapanabay rin kami sa araw-araw. Kaya naman hindi ko pa rin maiwasang masaktan sa tuwing naiisip kong darating sa puntong kailangan na namin itigil ang aming pagpapanggap. Lalo pa't nasanay na ako na nariyan siya sa lahat ng oras at pagkakataon."Baby, can we talk?"Malambing na pagkausap saakin ni Paul nang isang umaga'y sabay kaming nagkakape sa kanyang opisina."Yeah! What is it all about?" Seryosong umayos ako ng pagkakaupo sa kaharap niyang swivel chair habang hawak ko ang tasa ng kape na pa unti-unti kong s
TANGHALI na nang magising ako kinabukasan. Nagulat pa ako ng mukha agad ni Paul ang una kong nasilayan. Dali-dali akong bumangon, subalit muli rin akong napahiga ng bigla ay makaramdam na naman ako ng pagkahilo. Halos isang linggo na rin na ganito palagi ang pakiramdam ko tuwing umaga.Patuloy ko lang itong binabalewala dahil ayoko rin naman na magpatingin sa doctor at baka kung ano pang maging findings. Ayoko rin na mag-alala sa'kin ang aking mga magulang at kapatid if ever na may malalang sakit na pala ako. Kaya't mas mainam na sarilihin ko na lang ito."Hey! Good morning gorgeous!" Nakangiting bati saakin ni Paul. Nagulat pa ako ng mapansin kong may dala pala siyang tray na puno ng pagkain. Bigla akong nakaramdam ng gutom ng malanghap ko ang mabangong aroma ng kape na naroon sa gilid ng tray habang pumapailanlang sa ere ang usok nito."Good morning din." Nakangiwing bati ko rin sa
TIIM bagang lang na tinitigan ako ni Paul matapos akong ihatid sa bahay ni Mr. Ledesma. Buong akala ko ay mag-aaway na naman sila subalit nagkamali ako. Labis ang aking pagtataka sa kanilang ikinikilos. Lalo pa ng tanguan ito ni Paul bago tuluyang umalis. Tila ang bilis naman yata nilang magkabati gayo'ng halos magbugbugan pa nga sila ng huli silang magkita.Nanatiling tahimik lang si Paul habang binabalot ako ng tuwalya.Medyo nakaramdam na rin ako ng panginginig. Halos isang oras din kasi akong nagtampisaw sa ulan. Mabuti na lang at dumating si Mr. Ledesma.Dumiretso na 'ko sa banyo para maligo samantalang ito naman ay nag tuloy-tuloy na sa aming silid.Nahagip ng tingin ko ang wall clock na nakasabit. Nagulat pa ako ng mapagtanto kong alas siyete na pala ng gabi. Marahil ay nagpapahinga na ang impaktang biye
MABILIS na lumipas ang mga araw. Dalawang linggo na rin simula ng bumalik ako sa kompanya ni dad. Dalawang linggo na rin ang walang sawang iringan at gantihan namin ng hilaw kong biyenan. Madalas ay napapailing na lang si Paul sa tuwing nalalaman nito ang ginawa namin ng kanyang ina.Hindi ko na rin inungkat kay Paul ang tungkol sa mga natanggap kong larawan. Inisip ko na baka pakana lang 'yon ni Daisy upang hiwalayan ko si Paul.Subalit isang umaga ay hindi ko na talaga kinaya pa ang panibagong balita na aking natanggap.Eksaktong pagkababa ko ng kotse ay mukha agad ni Daisy ang sumalubong saakin.Wala sana akong balak na pansinin siya subalit mukhang may balak itong patirin ako. Mabuti na lang at kasunod ko pala si Kuya Andrew. Kaagad itong lumapit saamin at pinigilan si Daisy sa maitim nitong balak.
HINDI pa man ako nakakalayo sa bahay ay nagdesisyon na akong tawagan si Nanay Meding upang ipaalam sa kanya ang biglaan kong pagdating.Hindi naman ako nabigo dahil kaagad niyang sinagot ang aking tawag at mabilis naman itong sumang-ayon saaking kagustuhan.Ilang oras din ang lumipas. Pinaghalong gutom, pagod at sama ng loob na ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Gusto kong ihinto ang sasakyan upang pansamantalang mgpahinga at kumain subalit mas nanaig ang hangarin kong makarating agad sa aking paroroonan.Alas tres na ng madaling araw nang marating ko ang Sorsogon. Tahimik pa ang buong paligid. Marahil ay mahimbing pang natutulog ang mga tao. Tanging mga kuliglig at tilaok ng mga manok lamang ang bumabasag sa katahimikan ng buong paligid.Hindi muna ako dumiretso sa bahay namin. Sa halip ay tinu
HAPON na ng magising ako. Nagulat pa ako ng wala na sa tabi ko si Paul, kaya naman dali-dali akong lumabas ng kuwarto.Eksaktong pagbukas ko ng pinto ay si Nanay Meding ang una kong nabungaran. Bitbit niya ang tray na puno ng pagkain."Uhm, naku! Nag-abala pa ho kayo 'nay! Lalabas naman po ako eh." Nakangiti kong saad habang kinukuha dito ang tray."Nak!" Pagtawag niya sa'kin."Hmm?""Eh kasi 'nak-" Nagtaka ako kung bakit bigla na lang nag-iba ang timpla ng mukha ni 'Nay Meding. Ang kaninang ngiti ay napalitan ng tila pagkabahala."Ma-may problema ho ba? Nasa'n nga pala si Paul?"Napakamot muna ito sa kanyang ulo bago muling sinagot ang mga katanungan ko."Uhm, umalis kasi 'nak si Paul eh.""Saan ho nagpunta ang asawa ko?" Usisa kong mu