Share

Chapter 22

Chapter 22

Lunch was satisfying. Puro tungkol sa lupa at negosyo ang pinag-usapan nila habang nasa hapag kami. Tanging silang mag-anak lamang ang nagsasalita. Mabuti na rin iyon dahil wala naman akong iaambag sa usapan kung sakali.

"Babalik din ako kaagad," paalam ni Jacques sa akin noong matapos na kaming kumain.

Pumasok siya sa opisina ng kanyang ama. Naging abala siya sa pakikipag-usap sa ilang mahahalagang tao. Perhaps it had something to do with the land we talked about earlier, because I heard Mr. Ponce was one of the four people who arrived.

Ang kapatid ko naman ay tuwang inakay ni Senyor Clark Wright sa kuwarto ni Iñigo. May mga naiwan daw siyang robot blocks doon. Ni hindi na nga nakapagpaalam sa akin si Josue sa sobrang kasabikan niyang maglaro.

"Hija, kung pagod ka sa biyahe ay magpahinga ka muna. May inihanda kaming kuwarto para sa inyo. Pagpasensiyahan mo na at abala ang lahat," ani Senyora Aurora.

Katatapos lang naming dalawa na mag-tsaa.

Ngumiti ako sa kanya. "Hind
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status