WHEN A MEET E
Angelic Tomas
Ang rinig namin ay nakapag-sign na nga ng contract si Eionn dito sa SKA company. Nagsisimula na rin ang guesting at performance nito bilang isang SKA artist at hindi maiwasang mabanggit kami sa interview niya.
Ang nakakatawa lang ay dahil sinasabi niyang okay naman daw ang relasyon niya sa aming QQ at wala naman daw siyang competition na nararamdaman sa pagitan namin. Hindi pa nga kami nagkita-kita para masabi niya ang ganon eh. He was talking as if he already meet us.
What a scheme, psss!
"Have you watched the king's interview?" usisa ni Yejin. Alam namin kung sino ang king na tinutukoy nito.
"Yeah, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sudden announcement niya na okay naman daw ang relationship natin sa kanya. Like... Ewan, 'di ko ma-explain," himutok ni Solar.
"Alam ko ang punto mo, wala namang masama sa sinabi niya, diba? Pero, bakit ang tono ng pananalita niya ay para bang nagkita-kita na us at close tayo sa kanya?" asik ko naman sabay subo ng isang buong queck-queck na dala ni Moonah. Nagpapahinga kasi muna kami pagkatapos ng dalawang oras naming practise.
"It made me think like... Is he using us?" singit ni Moonah. Sabay kaming napatango-tango.
"Exactly my point!" sabay-sabay ding saad naming tatlo. Natawa na lang kami sa bandang huli. Isang klase ng braincells lang talaga ang meron kami.
"Gwapo pa naman sana siya kaso very wrong naman kung aapakan lang us, diba?" komento ni Yejin na ikinatawa namin.
"Gwapo? Saan banda?" patutsada ko pa.
"Gwapo nga kung santito naman ang ugali, ay wag na lang! Wait, santito is sounds like santin..." hindi naituloy ni Solar ang lintanya niya dahil sa biglaang pagbuksas ng pinto ng PR.
Pare-pareho kaming natahimik at nagbatuhan ng makahulugang tingin nang mapagtanto kung sino ang bisita namin.
"Hello, QQ. Kasama ko ngayon si Mr. Eionn dahil gusto niya raw kayong makilala in person," pormal na saad ng sa tingin ko ay manager nito. Kasama rin naman nila si 'ma Hazel.
Sabay-sabay kaming napatayo. Namuo ang awkward at tension sa pagitan namin.
"Uhm, hello. I'm Eionn Santino, it's nice to meet the four of you here," magalang na bati nito sa amin pero hindi ko kakakitaan ng anumang emosyon ang mukha. Meron ding dalawa hanggang tatlong dipa sa pagitan namin.
"Hello. I'm Angelic, the QQ's leader. These are Yejin, Solar and Moonah," pakilala ko rin sa grupo ko.
Wala kaming choice kundi ang makipagkamayan sa lalaki. Ako ang huling nakipagkamay dito. Siguro ay segundo lang na naglapat ang kamay namin, ako ang unang bumawi ng kamay.
Lihim kong pinag-aralan ang tindig at hitsura ng lalaki. Gwapo siya kung iyon ang usapan. Idagdag pa ang kanyang talento sa pagkanta. Hindi lang iyon, isa rin siyang commercial mania at brand ambassador.
Last year ay siya rin ang nangunguna sa chart ng male singers and celebrities. Ang alam ko rin ay may fan base din siya maging sa ibang bansa. Meron din naman kami pero mas malaki nga lang ang sa kanya.
Naiintindihan ko na kung bakit maraming celebrities ang nagkaka-crush sa kanya at proud pang ipangalandakan iyon sa mga interview nila. Kaya rin pala naging girlfriend niya si Mariah. Ang pinakasikat na actress ng bansa. Curious lang ako kung bakit sila naghiwalay.
"Are you done practising?" tanong sa amin ni 'ma Hazel.
"Yes but..." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil sa biglaang pagsingit ng manager ni Eionn.
"Dito rin kasi magpapractise si Eionn kaya kung hindi niyo mamasamain ay..."
"Pero kung may gagawin pa kayo ay maghihintay na lang ako," pamumutol ni Eionn sa kanyang manager.
Nagkatinginan kaming apat. Hindi namin naisip na posible din palang mag-share kami ng practise room ng lalaking ito.
"Let's go, meron din naman tayong performance eh," desisyon kong saad sa tatlo. Nakuha naman agad nito ang gusto kong mangyari. Walang ingay na nagligpit kami ng gamit namin at tahimik din na lumabas ng PR kasama si 'ma Hazel.
"Uhm, excuse me." Sabay-sabay kaming napalingon.
"Yes?" tugon ni 'ma Hazel kay Eionn na lumabas pa ng PR para sundan kami.
Believe din talaga ako sa confidence ng lalaking ito. Para bang kahit pader ay babanggain niya kung kinakailangan.
"Pwede ko bang makausap si Angelic?" usisa nito. Napatingin naman sa akin ang manager ko. Naituro ko ang aking sarili.
"Me? Why?" taka kong tanong. Naramdaman ko ang makahulugang haplos sa likod sa akin ni Solar. "Okay, saan ba?"
"Mauna na kami, hintayin ka na lang namin sa parking lot," saad ni 'ma Hazel at umalis na kasama ang tatlo.
Nagkatitigan lang kami ng lalaki. Hindi ko rin mabasa ang emosyon sa mukha nito at mas lalong wala akong kakayahan na hulaan ang nasa isip nito. Pasimple kong ibinulsa ang cellphone ko.
"Do you have something to say?" usisa nito matapos ang minutong tuosan namin ng tingin. Pinigilan kong mapataas-kilay.
"Me? Wala naman. How about you? Sa naaalala ko ay ikaw itong gusto akong makausap."
"Are you mad?"
"Mad? About what?"
"Hindi ko rin gusto na makasama kayo sa iisang practise room." Tuluyan na talagang kumulo ang dugo ko. Ano bang gusto ng lalaking ito?
"Oh, hindi rin naman namin naisip na posible pala iyon. Since then kasi ay solo namin ang practise room eh at choice lagi namin kung ipapagamit namin sa iba or hindi. Well, sabagay mas sikat ka naman kaysa sa amin kaya wala na rin naman kaming magagawa," mahaba at kalmado kong patutsada. Nakatitig lang din ito sa akin habang nagsasalita ako bagay na mas na ikinakainis ko.
"Welcome ba ako sa company na ito?" tanong niya na naman. Kung pwede lang manuntok gamit ang tingin ay baka kanina pa napuruhan ang lalaking ito.
"Lahat naman ng new comers ay welcome rito eh."
"Hindi ako isa sa trainees ninyo."
"Wala akong sinabing trainee ka, wala ring matinong mag-iisip ng ganon knowing na ikaw si Eionn Santino," napakuyom kong pambabara sa kanya.
"Bakit tila galit ka?"
"Ang obvious naman kasi ng mga tanungan mo. Nagkapag-sign ka na ng contract, nagkaroon ka na rin ng guesting at performances as new SKA artist tapos tatanungin mo kung welcome ka ba rito o hindi? What do you mean by that? What do you want? Magpa-welcome party pa kami?" Isang matalim na tingin ang ibinigay niya sa akin pero hindi ako nagpatinag. Mas lalo lamang akong naghihinala sa kanya.
"Hindi ko alam na ganito pala ang totoong ugali ng leader ng QQ. Kaya ba walang masyadong sumisikat sa company na ito bukod sa inyong apat?"
Napatiim-bagang ako. Gusto ko siyang sugurin pero pilit ko na lang na pinapakalma ang aking sarili. Walang magandang mangyayari kapag nagpadala ako sa emosyon ko at mas mapapadali lang ang pagpapabagsak nito sa amin kapag naging agresibo ako.
"Hindi ko rin alam na ganito ang totoong kulay ng isang tinitingalang Eionn Santino. What a shame." Pagkasabi ko no'n ay tinalikuran ko na ito. Nakailang hakbang lang ako nang may maalala pa akong bagay na gusto kong sabihin dito.
"One more thing, pakitigilan ang pagpapanggap mo sa publiko na meron tayong close relationship. Huwag kang feeling close sa amin." Sinabi ko iyon habang nakatalikod.
Mabilis akong lumabas ng building at dumiretso na sa parking lot. As expected ay hinihintay nila ako.
"What happened?" sabay-sabay na tanong ng tatlo.
"That idiot!"
"Why? Mind to tell us what happened?"
"Stupid!" muling bulyaw ko. Ibinigay ko sa kanila ang cellphone ko. Kanina, bago ko inilagay sa bulsa ito ay in-on ko muna ang recorder dahil tamad akong mag-retell sa mga pangyayari.
Pinakinggan nila ang record at kagaya ng inaasahan ay sunod-sunod din ang mura na pinakawalan nila.
"At talaga bang gusto ng lalaking iyon ng gulo?" naiinis na himutok ni Solar.
"Mukhang gano'n na nga. Ano? Simulan na ba natin?" asik din ni Yejin.
"Sinimulan niya na nga eh, tatapusin na lang natin," singit din ni Moonah.
"Hindi nga tayo nagkamali. May ibang intensiyon talaga ang lalaking iyon eh. Tapos bakit parang kasalanan pa natin kung walang masyadong sikat sa company natin bukod sa atin ha?" nanggigigil kong asik.
"Dapat sinabi mo na kaya tayo lang ang sikat sa company natin dahil masyadong gutom sa kasikatan ang iba kaya nakakarma!" galit na rin na lintanya ni Solar.
"Idagdag mo pa ang mukhang patatas na manager ng lalaking iyon. Kung makapaalis sa atin ay wagas eh. Sarap kunyatan."
"Korek ka diyan, Moon. Nagpaubaya na nga tayo tapos iinsultuhin pa us? Ha! Just ha!" ani Yejin sabay suntok sa hangin.
Nahilot ko na lang ang aking sentido. May duda na kami sa umpisa palang pero hindi ko inaasahang magiging ganito kabilis magsilab ang apoy sa pagitan ng QQ at ng Eionn na iyon.
Ang kapal mo lang talaga, Eionn. You can't destroy us. I'll do everything to protect my members and our career. Ikaw muna ang mauunang babagsak.
Dumiretso na kami sa venue ng next performance namin. Bago nagsimula ang show ay may interview pa munang magaganap kaya inihanda na namin ang aming mga sarili. Minsan kasi ay meron talagang reporter na out of the line ang mga tanungan eh.
Madalas nilang pinupunterya si Solar dahil sa totoo lang ito ang mas maraming fans kaysa sa aming tatlo since soloist na talaga ito bago pa napunta sa grupo namin. Kaya ito ang palaging pinoprotektahan ko. Hindi ko rin ito hinayaang makawala sa tabi ko tuwing sumasabak kami sa interview.
"Gulantang ang lahat dahil sa biglaang paglipat ni Eionn Santino sa company kung saan naroon kayo. May koneksyon ba sa inyo ang paglipat nito?" bigla ay tanong ng isang reporter. Alam kong pare-pareho kaming natigilan sa tanong pero ako ang unang naka-recover.
"Maging kami rin po ay nagulat sa balita kaya 100% pong wala kaming kinalaman sa paglipat ni Eionn Santino," mahinahon kong sagot. Nagsitanguan naman ang tatlo.
"Nasabi ni Eionn Santino na okay naman daw ang relasyon ninyo kaya naman marami sa fans ninyo ngayon ang naging interesado na rin kay ES. Anong masasabi niyo tungkol dito?"
Damn it! Kailan ba kami tatantanan ng mga reporter na ito?
"Fans namin?" maang na tanong ni Yejin.
"Yes."
"Wala naman pong kaso sa amin iyon. Alam naman po naming kahit anong mangyari ay susuportahan at susuportahan pa rin naman po kami ng Quadros," tugon ni Solar. Quadros ang tawag namin sa fans namin.
"May aasahan ba kaming collab ni ES at QQ?"
"No," sabay-sabay naming sagot sabay tinginan.
"Ohh," sabay-sabay ding sambit ng reporters.
"Ibig po naming sabihin ay wala naman pong planong gano'n. Hindi rin po namin nakakausap pa si Einn Santino kaya wala pong collab sa pagitan namin," bawi agad ni Moonah.
Nakahinga ako nang maluwag. Kaya hindi kami magiging matatag kapag may nawala sa amin sa grupo. Kami-kami lang din kasi ang pumuprotekta sa isa't-isa.
Pasimple akong napasinghap at pinigilang mapailing na lang.
Bakit tila... nakakabit na agad sa grupo namin ang pangalan ng lalaking iyon? Ang bilis, mas mabilis pa sa isang kisap-mata.
Tahimik kami pare-pareho habang nasa elevator. Kasama pa rin namin si Eionn at kinakabahan pa rin kami at baka ipaalam talaga nito sa kina Mama Hazel ang nangyari sa parking lot kanina. Nang huminto ang elevator sa floor ng unit namin ay kaagad kong pinalabas ang tatlo at hinarangan si Eionn. Mabilis kong pinindot ang rooftop button."Mag-uusap lang kami," pahabol kong sabi sa tatlo bago pa sumara ulit ang elevator. "What are you doing, Angelic?" paasik pang tanong ng kugtong. Nakahawak pa rin ako sa kanyang kamay. "Hindi mo ba narinig? Mag-uusap nga tayo, diba? Marami rin akong gustong sabihin sayo na hindi ko nasabi kanina kaya pwede ba? Huminahon ka," kaswal kong sabi.Nanahimik naman siya hanggang sa makarating kami sa rooftop. "Speak, kailangan ko pang bumalik sa event dahil nandon pa ang girlfriend ko," galit niyang asik. Pagak naman akong natawa."See?! Ang sama talaga ng ugali mo 'no? Nong ikaw ang nag-open up about sa pakikipagbalikan mo sa cheater mong ex-girlfriend pagt
Matiwasay na natapos an event. Mabuti na lang din talaga at kinaya ng katawan ko hanggang sa matapos ang performance namin. Sobrang dami rin pala ng fans namin sa audience at kabilang na ang lahat ng trainees ng SKA. Ngayon ay nagpapahinga na lang muna kami sa waiting para sa after party. Ayaw na sana naming pumunta pero ang sabi ni Mama Hazel ay pumunta na lang para iwas isyu na rin. Simula kanina ay hindi na rin namin nakita pa si Eionn."Grabi! Gulat na gulat ako sa performance nina Eionn at Mariah," bukas pa sa usapan ni Yejin. "Like gurl, kamuntik ko ng makalimutan na bruha ang babaeng iyon. In fairness, saglit akong naging fan nila," dagdag pa nito."Malakas talaga ang chemistry nila. Hindi naman sila naging pambansang love team para lang sa wala," komento naman ni Solar. Sa loob-loob ko ay sang-ayon naman ako sa sinabi nito. "Parang mabubungol nga ako sa lakas ng sigawan ng lahat eh. Fans o hindi, nagulat sa surprise nilang performance. Literal na surprise," sabi naman ni Moo
Matapos ang I*nstag*am live namin ni Eionn ay humupa ang tungkol sa third wheel issue ko sa breakup nila ni Mariah at nabaling ang atensiyon ng lahat sa issue ni Jacxon. Bilang na lang din talaga ang araw para malaman ng lahat kung sino ang totoong villain. Walang sekreto na hindi na bubunyag.Kinabukasan naman ay nag-resume na ang mga group activity namin. Nakatanggap din kami ng mga bagong invitation mula sa mga kilalang music show at universities. Naging matunog ulit ang QuardoQueens sa publiko. Isang buwan na rin naman na may peace of mind kami pare-pareho. Si Eionn naman ay mas napalapit sa amin. Madalas namin siyang makasalamuha sa studio at sa kung saan-saang event. Ngayon ay may saglit na rehearsal kami para sa pupuntahan naming event kung saan magsasama-sama ang mga mang-aawit sa bansa na galing sa iba't-ibang agency. May mga invited ding A-listers actors at actresses. Unicolors Ball kung tawagin. Annual celebration na ito sa industry namin. Magpe-perform din muna kami sa
"Let's talk," saad ni Eionn habang seryosong nakatitig sa akin. Ako talaga ang target niya dito kaya malamang ay ako lang din ang gusto niyang kausapin."Bawal kayong lumabas, okay? Dito lang kayong dalawa mag-usap. Kami na lang muna ang lalabas," istriktong sabi ni Solar. "Tama! Ayaw naming madagdagan pa ang isyu ninyo. Hindi ko na kaya pa ang pang-iinsulto nila kay Angelic. Baka makasuhan ko na talaga sila ng paninirang puri. Wag talaga nila akong sagarin! Marami na akong pera para sa abogado!" asik naman ni Yejin at tumayo na."Tara sa bahay, magpapaluto ako kay Mama ng kare-kare," suhestiyon ni Moonah sabay tingin sa akin. "Don't worry, titirhan ka namin, okay? Ayusin niyo na lang itong gulong ito at baka bukas ay pare-pareho tayong pulutin sa kangkungan."Kanya-kanya na silang suot ng hood, mask at hood bago lumabas ng unit namin. Narinig ko pa ang pag-lock nila ng pinto. Napabuntonghininga na lamang ako at malamya ang tingin na ibinigay sa kanya. "Ano? Magtititigan lang ba tal
"I'm sorry," sabay-sabay na paumahin nila sa akin matapos kong iparinig sa kanila ang kabuuang audio record ng usapan namin ni Pauleen."Tsaka kahit naman hindi mo nahanap ang full file nito ay naiintindihan ka naman namin eh," dagdag ni Yejin. "Oo nga, medyo na shook at nag-overract lang talaga kami," sabi naman ni Solar sabay yakap sa akin. Agad namang nakiyakap din sina Yejin at Moon. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi ko sila pwedeng ipagpalit sa kahit ano, kahit sa mga bagay na mas ikabubuti ko bilang artist. Hindi ko sila kayang iwanan sa ere. Kailangan kong masolusyonan ang krisis na kinakaharap namin ngayon, hindi dahil ako ang involved kundi bilang QQ's leader. "Me too, I'm sorry," saad ko naman. Isang minuto lang din siguro at nagsikalasan na sila sa akin."So, ano nga ba ang nangyari sa inyo kahapon? Bakit naman natagpuan ka sa filming site ni Eionn?" usisa ni Moon sakin. Bumuntong-hininga pa ako bago isinalaysay sa kanila ang buong pangyayari. Pati ang tungkol sa p
Nagising ako dahil sa mainit na hangin na tumatama sa aking mukha. Marahan akong napamulat at halos tumalsik ang aking kaluluwa nang bumungad ang pagkalapit-lapit na mukha ni Eionn sa akin.Awtomatikong napalayo ako sa kanya. Bumangon na rin ako dahil batid kung maliwanag na rin naman sa labas. Sa himbing ng tulog ko ay halos nakalimutan ko ng may katabi pala ako. Agad kong sinuri kung ano oras na. It's 8 am, and I find myself unable to look away from Eionn as he sleeps so peacefully. His strong features appear even gentler in slumber, and his dark, tousled hair gracefully falls over his forehead. I notice the steady rhythm of his breathing, accentuating his well-defined physique. Bathed in the soft morning light, he looks almost otherworldly, like a living melody. My heart flutters as I watch him, completely captivated by his tranquil beauty.Tapos na ba ang MV shooting ng isang ito? Ang sarap ng tulog eh. Napagdesisyonan kong gisingin siya, baka may lakad pa ang isang ito. Bahag