Share

KABANATA 3- LIMITED EDITION

WHEN A MEET E

Angelic Tomas

Maingay ang loob ng waiting room dito sa NCB studio. Linggo ngayon kaya meron na namang variety show at inimbitahan din kaming mag-perform. 

Nakakatawa lang na pati ba naman dito ay kasama pa rin namin si Eionn Santino. Ang awkward nga dahil ang mga manager lang namin ang nag-uusap habang kami ay tahimik lang. Maging si Eionn ay nanatili lang sa kanyang pwesto mula nang dumating ito rito. Mas nauna kasi kaming dumating dito.

"Bakit kinakabahan ako?" angil ni Moonah.

"Ikaw lang ba Moon? Ako rin naman eh," singit ni Solar. Nararamdaman kong magsisimula na namang magkulitan ang dalawa.

"Asus, gaya-gaya ka lang eh."

"Gaya-gaya ka diyan? Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang kabahan ha? Hindi lang naman ikaw ang anak ng diyos dito ah?" 

Dahil sa huling lintanya ni Solar ay napuno ng tawanan ang silid. Nakita ko ring tumawa maging ang crew ni Eionn mula sa reflection ng salamin na nasa harapan ko ngayon.

"Ate Angelic, inaaway na naman ako ni Solar oh," parang batang sumbong ni Moonah.

"Wala akong kapatid dito," patutsada ko rin. Ang pagtawag ng Ate ang pang-asar talaga nito sa akin. Nagkasundo kasi kami noon na pangalan na lang ang itatawag namin sa isa't-isa since iisang grupo lang naman kami tapos isang taon lang din ang agwatan namin.

"Ayaw pa kasing tanggapin na matanda na siya," tudyo sa akin ni Yejin.

"Excuse me, buwan lang naman ang tanda ko sayo ah?" angil ko naman. I can't believe na ganito ang usapan namin gayong nasa tabi-tabi lang ang mortal enemy namin.

"Matanda ka pa rin."

"Ya! Tumigil ka na!" may kalakasan kong saad. Nagtawanan na naman sila. 

"Sensitive si Ate," dagdag asar na naman ni Solar sabay hagalpak ng tawa kasama sina Yejin at Moonah. Wala akong nagawa kundi ang matawa na lang din.

"Ewan ko sa inyo, akala niyo ililibre ko pa kayo ha?" maktol ko pa.

"Bunso ang ganda ng damit mo ngayon," biglang puri sa akin ni Yejin. 

"Korek! Ikaw ang pinakamagandang Angelic na nakilala ko," dugtong ni Solar.

"Ahah! Couldn't agree more," singit din ni Moonah.

Pinigilan kong matawa. Minsan talaga hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa mga ito eh.

Matapos kaming maayusan ay sabay-sabay na kaming tumayo. Hinanap ko na ang sneakers ko. 

"Ya! Where's my damn shoes?" usal ko nang hindi ko makita ito. Hinalughog ko na ang lahat na bag na dala namin pero wala. 

Nasapo ko ang aking noo habang inaalala kong nadala ko nga ba o hindi. 

"Matanda na talaga," pang-aasar na naman sa akin ng tatlo. Dahil sensitive ako ay inirapan ko lang silang tatlo at naghanap na lang ulit.

"Damn baby, where are you?" angil ko na naman habang naghahanap. " May extra shoes ba kayo?" tanong ko sa tatlo na kumakain na naman. 

"No, sister." Sabay pa talaga sila.

"Sigurado ka bang nadala mo?" ani 'ma Hazel. Nag-isip na naman ako.

"Yes, I mean... Maybe?"

"Maybe means no," singit na naman ni Yejin. Frustrated ko silang tiningnan. Alam nilang bad trip na ako kay pare-pareho silang nag-peace sign at nanahimik.

"Here," bigla ay saad ni Eionn. Nasa harapan ko na pala ito. Inaabot nito sa akin ang white shoes. Sa tingin ko ay kakasya rin talaga ito sa akin. "Don't worry, hindi ko pa 'yan nasuot at hindi rin naman kasya sa akin, nagkataon lang na nadala pala namin," dagdag paliwanag niya.

"Huwag na, papabili na lang ako kay 'ma Hazel," tanggi ko. Pakiramdam ko ay biglang natahimik ang silid o baka guni-guni ko lang.

"Nagsisimula na ang show at ang alam ko ay malapit na kayong sumalang, mas uunahin mo pa ba ang pride mo kaysa sa performance ninyo?" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa lalaking ito o maiinis.

"Ang yabang..." 

"Thank you Eionn. Ito na lang ang ipapasuot ko kay Angelic," pamumutol ni 'ma Hazel sa diyalogo ko. Bitbit ang sapatos ay hinila ako nito papunta sa isang sulok.

"Ma naman? Pwede naman akong mag-heels na lang eh," reklamo ko. Pinanlakihan lang ako nito ng mata.

"Alam mong mas komportable kapag sapatos ang suot mo. Isa pa hindi babagay sa suot mo ang heels. Babayaran ko na lang 'to kay Eionn, okay? Isuot mo na 'yan at mag-ready na kayo." 

Laylay ang balikat na isinuot ko na lang ang sapatos na galing kay Eionn. Hindi lang ito basta sapatos dahil branded talaga ito. 

Kung minamalas ka nga naman! Ang tanga rin kasi Angelic 'no?

Maya-maya lang ay nagsilabasan na kami ng waiting room at pumunta na ng backstage. Marami kaming kakilalang performers din kaya nakipagbatian din muna kami.

"Oh. I like your shoes, girl," biglang puna ni Sharry sa suot kong sapatos. Pinigilan ko namang mapasinghap.

"Tingin?" usyuso rin ni Eros. Bahagyang nanlaki pa ang mata nito.

"Why?" takang tanong ko. Na-curios na rin tuloy ang iba pang kasamahan namin.

"That's a limited edition shoes. Ikaw pala ang nakabili? I thought si Eio..."

"Pareng Eros, ang gwapo mo ngayon ah? Infairness," kwelang saad ni Solar dahilan para mabaling ang atensyon ng lahat sa sinabi nito. Iyon ang naging simula ng tudyuan nila. Sini-ship din talaga silang dalawa ng Quadros at ng fans ni Eros.

Nakahinga ako nang maluwag at pasimpleng pinasalamatan si Solar. Tumango lang ito at ngumiti. 

Minuto pa ay sumalang din kami ng stage. Kagaya ng nakasanayan ay umaalingawngaw ang boses ng fans namin. Habang nagpe-perform kami ay naririnig namin ang default chant nila na ginawa para sa amin. Agaw pansin din ang hawak nilang banner na may nakasulat na 'never let go QQ'.

Sa tuwing nakikita ko iyon ay tila ba nalulusaw ang puso ko at gusto kong umiyak. Kakaiba talaga ang pagmamahal na ibinibigay sa amin ng Quadros at iyon mismo ang dahilan kung bakit kailangan naming manatili sa kung saan kami ngayon. 

Pagkatapos ng performance namin ay bumalik na kami ng waiting room. May isa pa kaming performance kaya hindi pa kami pwedeng umalis. 

"Anong oras ang schedule natin sa DU academy?" usisa ni Yejin. Napakamot ako sa aking noo dahil nakalimutan ko pala ang tungkol doon.

"7:00 p.m. Invited din pala si Eionn kaya naman nagdesisyon kaming isang sasakyan na lang ang gagamitin natin papunta ro'n."

"What?" gulat kong usal. Napatitig ako sa tatlo. Hindi ko rin kakakitaan ng pagkagusto sa sinabi ni 'ma Daisy ang mga mukha nito.

Hindi ko maintindihan at mas lalong hindi ko matanggap ang nangyayaring ito. Bakit kailangan pareho kaming invited sa iisang event or show?

"Hayaan mo na, bayad na rin iyon sa utang na loob natin sa kanya," bulong sa akin ni Moonah.

"Utang na loob?" taka kong tanong.

"Remember, sa kanya pa rin 'yang limited edition shoes na suot mo," bulong din sa akin ni Solar na halatang may halong pang-iinis.

"Tsaka faith na yata natin ito sa araw na ito. Let's accept it and move-on. Tomorrow is another day, another schedules at sana hindi na natin makasama si Mr. Santino."

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa sinabing iyon ni Yejin. Medyo sumang-ayon na rin lang ako at nagsimula ng mamanata na sana last na itong pagkakataong ito.

Alas kwatro ng hapon na rin natapos ang NCB studio variety show. Pagkatapos na pagkatapos ay agad kaming umalis at tinahak na ang daan papuntang DU academy kasama si Eionn. 

Nasa iisang sasakyan kaming lima kasama ang private driver, manager ni Eionn na si Ate Betty at si 'ma Cynthia. Samantalang nasa dalawang sasakyan naman na nakasunod sa amin ang iba pa naming kasamahan.

Ang awkward lang dahil kami pa talaga ni Eionn ang nasa pinakadulo. Nasa front seat si Ate Betty. Nasa unang row naman si Yejin at 'ma Cynthia at ikalawang row naman sina Moonah at Solar.

"I'm hungry, bili tayo ng pizza," suhestiyon ni Yejin. 

"Hawaiian?" dagdag ni Moonah. Agad na sumang-ayon si Solar. Nai-unlock ko ang phone ko na kanina ko pa kinakalikot para lang hindi mas lalong maging awkward kami ni Eionn.

"How about me naman mga mare? Hindi niyo ko tatanungin?" sabat ko. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong saglit na napalingon sa akin si Eionn. Nagulat siguro sa biglaang pagsalita ko. 

"Relax mare, kasabay ka naman sa budget eh. Ikaw pa ba, boss?" tugon ni Yejin na ikinatawa pa nila. 

Bahagya akong napanguso. Mga bully talaga ang mga 'to eh. Minsan hindi ko alam kung ako ba talaga ang pinakamatanda sa amin o ako ang bunso.

"How about you, Eionn? I mean Kuya Eionn? Ano bang itatawag namin sayo?" usisa ni Solar sa lalaki. Nagpanggap akong walang pakialam kahit na nakikinig naman talaga ako.

"Just call me by my name, it's fine."

"You want pizza too? Anong pizza ang gusto mo?" ulit na tanong ni Moonah.  

"Uhm, cheese pizza? If available."

"Ohh," sabay-sabay pang sambit ng tatlo sabay tingin sa akin. 

Damn it! Pati ba naman sa pizza ay pareho kami ng taste?

"Great. Let's order Hawaiian for us and cheese pizza for the two of you," may diin pang saad ni Solar. 

Gusto ko itong batukan pero hindi ko naman ito maabot. Naramdaman ko na naman na napatingin sa akin si Eionn.

"What?" mahina kong tanong.

"Nothing," mahina niya ring sagot. Iyong kami lang ang nakakarinig sa isa't-isa. Nagkukulitan din naman kasi ang tatlo kaya may kaingayan sa loob.

"Maingay talaga kami, sana sa isang sasakyan ka na lang sumabay."

"I know."

"You know what?"

"Na maingay kayo."

"Paano mo nalaman?"

"QQTV," tipid nitong saad na ang tinutukoy ay ang YouTube channel namin. Nadapuan ako ng konting hiya. Lahat pa naman ng uploaded videos namin ay para bang may world war lang palagi dahil sa kakulitan at kalikutan namin. 

Napadapo ang tingin ko sa sapatos kong suot. Naalala ko na naman ang sinabi ni Eros na limited edition ito.

"Limited edition?" diretso kong tanong. Mukha namang naintindihan niya agad ang tinutukoy ko.

"Yes." Pasimple akong napangiwi dahil sa katipiran niya magsalita. Last time ay hindi naman siya ganito katipid magsalita ah?

"Nakatadhana pala talagang papunta ito sa akin," ani ko sa kaswal na paraan. Napalingon na naman siya sa akin habang ako ay nakatitig lang sa screen ng cellphone ko.

"Why? What do you mean by nakatadhana?" 

"Limited edition kamo itong shoes na ito?" 

"Yes."

"Me too."

"You too, what?"

"I'm a limited edition too," halos pabulong ko lang saad. Hindi ko rin sigurado kung narinig niya ako.

"Should I purchase you then?" Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig ko. Marahan akong napalingon sa kanya habang nanliliit ang mga mata.

"Pakiulit ng sinabi mo?" may diin at halong paninindak kong saad.

"Bakit galit ka? Limited edition ka kamo?" puno ng pang-iinis niyang saad. Sa inis ko ay buong lakas ko siyang inapakan sa paa. Napahiyaw siya sa sakit pero umakto akong inosente at walang ginawa.

Natahimik ang buong sasakyan at lahat ay napatingin sa kanya, maging ako at umaktong nagulat din. 

"What's wrong?" maang kong usisa. 

"N-othing," aniya bagay na ikinahinga nang maluwag ng mga kasamahan namin. "Psycho," mariin niyang sambit. 

Nagkibit-balikat lang ako at lihim na napangiti. 

Tingnan natin kung hanggang kailan ka magiging buntot-buntutan sa amin, Mr. Santino.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status