Share

CHAPTER 23- AFFAIR AND ALIBI

"Let's talk," saad ni Eionn habang seryosong nakatitig sa akin. Ako talaga ang target niya dito kaya malamang ay ako lang din ang gusto niyang kausapin.

"Bawal kayong lumabas, okay? Dito lang kayong dalawa mag-usap. Kami na lang muna ang lalabas," istriktong sabi ni Solar.

"Tama! Ayaw naming madagdagan pa ang isyu ninyo. Hindi ko na kaya pa ang pang-iinsulto nila kay Angelic. Baka makasuhan ko na talaga sila ng paninirang puri. Wag talaga nila akong sagarin! Marami na akong pera para sa abogado!" asik naman ni Yejin at tumayo na.

"Tara sa bahay, magpapaluto ako kay Mama ng kare-kare," suhestiyon ni Moonah sabay tingin sa akin. "Don't worry, titirhan ka namin, okay? Ayusin niyo na lang itong gulong ito at baka bukas ay pare-pareho tayong pulutin sa kangkungan."

Kanya-kanya na silang suot ng hood, mask at hood bago lumabas ng unit namin. Narinig ko pa ang pag-lock nila ng pinto. Napabuntonghininga na lamang ako at malamya ang tingin na ibinigay sa kanya.

"Ano? Magtititigan lang ba tal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status