Para kay Seraphina, tila napakabagal ng takbo ng oras. Naka-upo siya ngayon sa isang silya, hawak ang isang libro at pilit na binabasa ito, ngunit hindi niya lubos na maituon ang kanyang isip sa mga pahina. Wala siyang kailangang gawin—iyon ang bilin ng kanyang kapatid. Ang tanging hiling nito ay sulitin niya ang kanyang bakasyon sa Italy at i-enjoy ang bawat sandali. Ngunit sa halip na matuwa, isang hindi maipaliwanag na lungkot ang bumalot sa kanya. Pakiramdam niya’y parang may kulang, isang bagay na hindi niya mahagilap kung ano.Sa tuwing may libreng oras ang kanyang kaibigan na si Althea, tinatawagan siya nito upang kumustahin. Isang gabi, habang nakatanaw siya sa labas ng bintana, narinig niya ang tunog ng kanyang cellphone. Agad niyang sinagot ang tawag."Are you okay, Seraphina?" tanong ng kanyang kapatid, na siyang nagpatigil sa kanyang malalim na pag-iisip."Okay naman ako, Kuya," sagot niya, ngunit dama sa kanyang tinig ang bahagyang pag-aalinlangan. "It’s just... I feel bo
"How are you?" tanong ni Sebastian kay Diane habang magkasama silang kumakain sa isang coffee shop. Kasama niya ang kanyang anak na si Chantal, at halatang pagod si Diane matapos ang mahabang araw. Katatapos lang kaso na isinampa sa kanya ni Seraphina, at ngayon ay naglalaan sila ng sandaling pahinga."I’m fine, kakaproseso ko lang ng mga papers. Buwiset—" sagot ni Diane, halatang may inis sa kanyang tinig.Agad namang pinutol ni Sebastian ang kanyang sasabihin. "Watch your mouth, Diane. Nandito ang anak ko," mahina ngunit matigas niyang paalala. Napatingin si Diane kay Chantal at agad siyang natahimik, medyo nahiya sa kanyang pagkakamali."You didn’t help me at all. I feel so bad," reklamo ni Diane na may bahagyang pabebe sa kanyang tono, na para bang gusto niyang makuha ang simpatya ni Sebastian.Bago pa man siya muling makapagsalita, biglang sumabat si Chantal na may bahagyang ngiti sa labi. "It’s okay, Tita. Umalis na rin naman si Mama, hindi na niya tayo guguluhin."Napangiti si
Natahimik ang buong study room, ang tanging maririnig na tunog ay ang humuhuni ng aircon sa isang sulok ng kwarto, ang mga mata ni Sebastian at Trisha ay nagkakatitigan, ang bawat isa'y tila may gustong iparating sa hindi masabi-sabi. Sa kabila ng katahimikan, ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ay matinding nararamdaman, na parang may kuryenteng dumadaloy sa kanilang pagitan.“For what? Hindi ko naman kailangang ipaalam sa iyo ang pinagdaanan ko-” sagot ni Trisha, ang tinig niya ay puno ng galit, ngunit ang mga mata niya ay puno ng lungkot at sama ng loob. Nais niyang magsalita ng mas mahinahon, ngunit hindi na kayang pigilin ang sakit na nararamdaman.“So gusto niyo intindihin ko kayo, without knowing the reason? Siguro nga tama si Seraphina na ‘I'm such a pity’ na nagpabilog lang sa mga babae, like you and mom.” putol ni Sebastian, ang boses niya ay puno ng pagkapuno at pagka-frustrated. Hindi pa rin niya lubos na nauunawaan ang buong sitwasyon, at natatabunan ng mga galit na sali
Pagkalabas ni Trisha sa study room, agad siyang tumakbo palabas ng mansion, hindi alintana ang mabilis na paghinga at ang mabilis na pagbugso ng kanyang dibdib dahil sa kaba. Pagkarating niya sa labas, agad niyang napansin ang isang kotse na nakaparada sa driveway. Sa sobrang pagmamadali, hindi na siya nagdalawang-isip at agad siyang sumakay doon, iniisip na isa ito sa kanilang mga sasakyan.“Alis na tayo, please,” pakiusap ni Trisha habang hinihingal, hindi man lang nag-abalang tingnan kung sino ang nagmamaneho. Sa isip niya, malamang isa lang ito sa kanilang mga driver, kaya wala na siyang pakialam pa.Habang nakaupo siya sa loob ng sasakyan, rinig na rinig pa rin niya ang sigaw ng kanyang ama at ina mula sa loob ng mansion. Tumindi ang kaba sa kanyang dibdib, ngunit hindi na niya piniling lumingon pa. Hindi niya na kayang marinig pa ang anumang sasabihin ng kanyang mga magulang. Gusto na niyang makalayo sa lugar na iyon.Ngunit nang mapansin niyang hindi pa rin umaandar ang sasakya
The truth is, pagkatapos ng unang pagkikita nila ni Frederick, inakala ni Trisha na tapos na ang lahat—na iyon na ang huling beses na makikita niya ang lalaki at makakawala na siya sa kasunduang matagal ng bumabalot sa kanyang buhay. Ngunit nagkamali siya.Isang gabi, habang tahimik siyang nakahiga sa kama, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pagtingin niya ay may natanggap siyang text mula sa isang hindi kilalang numero. Nang basahin niya ito, agad siyang nanginig.Maybe you should prepare. I want the wedding to happen as soon as possible.Napatayo siya mula sa pagkakahiga, hawak-hawak ang kanyang cellphone na para bang nanigas ang kanyang buong katawan. Alam niya kung sino ang nagpadala ng mensahe. Hindi na niya kailangang hulaan. Agad niya itong tinawagan.“What the heck are you talking about?!” galit niyang bungad nang sagutin ni Frederick ang tawag. “Napag-usapan na natin na hindi itutuloy ang kasal! Ano ka ba?!”Sa kabilang linya ay narinig niya ang pamilyar na halakhak—mabab
“Darling, everything is okay. You don’t need to worry,” malambing ngunit may bahid ng pag-aalala ang tinig ng kanyang ina habang hinahaplos ang buhok ni Trisha. “Dahil nakansela na ang kasal, ang importante ngayon ay makalayo ka muna. This Sunday, pupunta ka na sa Japan. I already contacted your Tita Mariko to accompany you.”Tahimik lang si Trisha, habang pinipilit intindihin ang bigat ng mga pangyayaring naganap. Sa dami ng emosyon na sabay-sabay na dumadaloy sa kanyang sistema—galit, takot, pagkalito—hindi niya alam kung alin ang uunahin.Biglang umalingawngaw ang boses ng kanyang ama mula sa second floor ng mansyon. “Litezia!”Nagulat si Trisha at agad na napalingon paitaas. Kita niya sa hagdanan ang ama niyang nakatingin nang masama sa kanilang direksyon.“Leave that bitch over there! You, come here!” ma-awtoridad at galit na sigaw nito. Ang bawat salita ay parang palasong tumama sa dibdib ni Trisha.Parang biglang lumiit ang mundo niya. Hindi siya sigurado kung para sa kanya ang
Tumigas ang panga ni Trisha sa narinig.“Manahimik?”Parang kumulo ang dugo niya sa utos ng ina. Ilang beses na ba siyang pinatahimik? Ilang beses na ba siyang pinagtabuyan sa sariling kwento para lang mapanatili ang kapangyarihan at pangalan ng pamilya?Dahan-dahang lumapit siya sa kanyang ina, halos magkalapit na ang kanilang mukha, ngunit malamig ang titig ni Trisha—wala na ang batang dating sumusunod lang.“Alam mo kung ano ang mas masahol sa kasinungalingan, Ma?” aniyang mababa ang boses, ngunit puno ng matinding poot. “’Yung sinasadya mong ipamana ang sakit sa susunod na henerasyon… dahil mas mahalaga sa’yo ang imahe kaysa sa katotohanan.”Nanatiling tahimik ang kanyang ina, ngunit bakas sa mga mata nito ang pag-aalalang pilit itinatago.“Kung hindi mo kayang protektahan si Sebastian, ako ang gagawa. Hindi ko hahayaang gamitin mo siya tulad ng ginawa ninyo sa akin.”At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, nakita ni Trisha ang takot sa mga mata ng kanyang ina—hindi takot dah
“Sebastian, how’s your daughter?” tanong ni Jude, maingat ang boses habang dahan-dahang lumapit sa kapatid na nakaupo sa isang waiting chair, balot ng katahimikan at lungkot ang paligid.Nakita niyang tila walang buhay ang mga mata ni Sebastian habang nakatingin lamang ito sa sahig, ang mga kamay nito'y magkakahawak sa pagitan ng kanyang mga tuhod, tila pilit kinakalmang sarili sa gitna ng bagyong kinahaharap.“Nasa ICU si Chantal…” mahinang tugon ni Sebastian, halos bulong, ngunit ramdam ang bigat ng bawat salita. Sa likod ng kanyang tinig ay ang desperasyon at pagod na dulot ng mga nangyayari. Hindi na niya kayang itago ang takot, at lalong hindi ang sakit ng makitang nahihirapan ang anak.Saglit na natahimik si Jude, bago muling nagsalita, maingat pa rin ang tono.“I should contact Seraphina—” aniya, akmang kukunin ang kanyang cellphone.“No, don’t contact her.” Agad at mariin ang tugon ni Sebastian, dahilan para mapatigil si Jude sa kanyang kilos.Napatingin si Jude sa kanya, baha
Sa opisina kung saan nagtatrabaho si Alistair, napatingin siya sa mga papel na nakakalat sa kanyang mesa. Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala at pagka-dismaya, sapagkat hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na anumang balita mula kay Seraphina. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang huli silang nag-usap, at unti-unti na siyang kinakain ng kaba at pag-aalinlangan. Napabuntong-hininga na lamang siya, pilit na pinapakalma ang sarili habang pinagmamasdan ang cursor na kumikislap sa kanyang computer screen.Sa pagnanais niyang muling makausap ang babae, agad niyang binuksan ang Google at tini-type ang pangalan ng law firm na pagmamay-ari ng tiyuhin ni Seraphina. Umaasa siyang kahit papaano ay may mahahanap siyang impormasyon na makakatulong upang maabot ang babae—anumang detalye na maaaring maging tulay sa kanilang muling pagkikita.At hindi siya nabigo. Kahit na hindi contact number ang kanyang nahanap, nakaramdam pa rin siya ng bahagyang ginhawa nang makita niya ang isa
“I got it, ma’am. I’ll send the evidence right away. Hindi ako makiki-alam kung ano ang gagawin mo diyan sa ebidensya. I just want to tell the truth that I know—before everything else comes to an end. I’ll tell you, and I will also let Trisha know about that—” malumanay ngunit may bigat na sabi ni Alistair, ramdam ang paninindigan sa kanyang boses kahit pa may pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.“No. Don’t you ever tell Trisha, Seraphina, or anyone else in my family. Don’t you dare, or ikaw ang patatahimikin ko.” Matigas at malamig ang sagot ng matanda. Walang pag-aalinlangan sa kanyang boses, at sa isang iglap ay nagdilim ang kanyang mga mata. Tahimik na napatingin si Alistair kay Litezia, kita sa kanyang mukha ang pag-unawa—at ang lungkot.He knew—alam niya na ito ang magiging tugon ng ginang sa kanyang balak isiwalat. Hindi na siya nagulat. “I know that you’ll say that,” ani Alistair, mahina ngunit buo, “thus, I just want to let you know na… you don’t need to silence me. Mamamatay
Ang matanda, matapos marinig ang alok ni Alistair, ay nagtaglay ng ilang sandali ng katahimikan. Ang galit na kanyang nararamdaman ay mabilis na napalitan ng kalituhan. Hindi ito isang simpleng kasinungalingan; may bigat ang mga salitang binitiwan ni Alistair. Sa kabila ng lahat ng nangyari, may bahagi sa kanya na hindi kayang tanggapin ang buong katotohanan. Si Trisha? Ang kanyang anak na sobrang inosente. At ngayon, si Alistair—ang bata na unang iniwasan ng lahat—ay ipinapakita ang ebidensya ng isang bagay na hindi niya kayang iwasan.Dahan-dahang napaupo ang matanda, ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa mesa, parang naguguluhan kung ano ang susunod na hakbang. Si Trisha… ang nagiisa niyang anak na babae,kung sakali man na ang mga paratang ni Alistair ay totoo, anong ibig sabihin nun para sa kanya? Ang alinlangan sa kanyang dibdib ay nagsimulang mag-ugat, at pati ang mga plano niyang naisip tungkol kay Sebastian ay naging malabo.“Trisha…” bulong niya sa sarili, at kahit ang kanya
“Lola, I haven’t seen her for a while,” wika ni Chantal, sabay lingon sa matandang babae na noon ay nakaupo sa maringal na upuang gawa sa kahoy at balot ng mamahaling tela. Napataas naman ang kilay ng ina ni Sebastian, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. Hindi nito malaman kung sino ang tinutukoy ni Chantal—si Diane ba, ang babaeng hindi niya kailanman tinanggap sa kanilang pamilya, o si Seraphina, na umaliss dahil sa kagaguhan ng kanyang anak.Bago pa man niya masagot ang tanong, isang mahinang katok sa pintuan ang umalingawngaw, at isang kasambahay ang maingat na sumilip mula sa bukas na siwang ng pinto.“Ma’am, may bisita ho kayo,” sabat ng maid, bahagyang yumuko bilang paggalang, pinipilit ang sarili na huwag magpakita ng kaba sa harap ng istriktang ginang ng bahay.“Papasukin mo na lang,” maikling utos ng ina ni Sebastian, hindi man lang nilingon ang maid at nanatiling nakatuon ang pansin kay Chantal. Ang kanyang postura ay nanatiling matikas at dominante, tila bang kahit isang
It’s been three months since nalaman ni Alistair na may terminal disorder. Sa loob ng panahong iyon, marami na siyang pinagdaanan—pisikal man o emosyonal. Hindi niya inaasahang magiging ganito kabilis ang pag-ikot ng mundo, na habang binibilang niya ang mga natitirang araw, kailangan pa rin niyang magpatuloy sa trabaho, magpakatatag, at gampanan ang mga obligasyong iniwan sa kanya ng hustisya.Ngayong araw, nasa opisina siya ng PAO (Public Attorney’s Office). Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at ang banayad na paglipat ng mga pahina mula sa mga case files na hawak niya. Suot niya ang kanyang simpleng puting long sleeves at may bahagyang loosened tie—tila ba simbolo ng pagod at patuloy na pakikipaglaban sa sistema.Habang sinusuyod ng kanyang mga mata ang bawat detalye ng kaso, bakas sa kanyang mukha ang bigat ng laman nito. Iilan sa mga kasong nasa kanyang lamesa ngayon ay patungkol sa rape at VAWC (Violence Against Women and Children). Ilan sa mga ito ay nagsus
Isang babae ang nakaupo nang maayos sa isang makinis at mamahaling swivel chair, habang malamig na nagtanong, “Come here. How’s the progress of the plan?” Mariin at pantay ang pagtapik ng kanyang mga daliri sa armrest, nagpapahiwatig ng isang katahimikan at awtoridad na lalong nagpabigat sa tensyon sa loob ng silid.Biglang sumingit ang boses ng isang lalaki, puno ng inis at pagod. “You know, Mom, I’m tired of this! You just want the main house position, and I’m out of it!” Habang nagsasalita siya, mariin ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao, at ang pait sa kanyang tono ay hindi maikakaila. Sa isang sulok ng kwarto, isang dalagang tila naaaliw ang tumawa nang may panlilibak, kitang-kita ang tuwang nararamdaman niya sa umiinit na pagtatalo.Ngumiti ang babaeng nasa upuan, may kunwaring lambing sa kanyang ekspresyon. “Are you sure about that?” aniya habang bahagyang nakapaling ang ulo. “It’s a win-win situation if you’d only see the bigger picture. You get her—your precious little obse
"How are you, my dear brother? Did you enjoy my gift last week? The wine?"Nanlamig si Sebastian. Tila nanigas siya sa kinatatayuan niya, hindi makapaniwala sa narinig. Hindi niya inaasahan ang tawag na iyon — hindi sa araw na ito, hindi pagkatapos ng lahat ng nangyari.Ang simpleng pagbati ng tinig sa kabilang linya ay nagdala ng alon ng hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang katawan. Ang tono ng boses ay hindi ordinaryo — may halong panunukso at mapanganib na lambing, parang isang ahas na handang manila ng biktima, humahabi ng bitag na hindi mo namamalayan hanggang huli na ang lahat.Hawak pa rin ang cellphone sa tainga, si Sebastian ay napapikit, pilit pinipigilan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Gift? Wine?Biglang bumalik sa kanyang isipan ang isang bote ng mamahaling alak na dumating sa hotel room niya noong nakaraang linggo — walang pangalan kung kanino galing, walang kahit anong indikasyon kung sino ang nagpadala. Akala niya noon ay simpleng corporate gesture lang ito mul
"You hard-headed bastard! Mahirap bang makinig sa akin? Just once, please, makinig ka naman," naiinis na wika ni Trisha kay Sebastian, ang kanyang tono ay puno ng pagod at frustration habang nakatingin sa kapatid niyang tila hindi nadadala sa mga payo niya."’Hindi mahirap makinig, but it’s not about listening," sagot ni Sebastian, hindi nagpapatalo, ramdam ang bigat ng kanyang loob. "You did it already, nagbigay ka na ng payo, but I need to do what I think is right. Sana noon ko pa ito nagawa," dagdag pa niya, habang pinipilit ipaintindi sa kapatid ang bigat ng kanyang desisyon. "After my daughter almost lost her life, I realized I can’t waste another moment. I don’t want that to happen again. I want to give her a complete family. I don’t want to be like Father. I don’t want to be him."Sa mga salitang iyon ay natahimik si Trisha. Tumigil siya sa paglalakad at napalunok, ramdam niya ang kirot sa dibdib. Alam niya kung gaano kalalim ang sugat na iniwan ng kanilang ama — isang babaeron
Isinuot na niya ang kanyang tuxedo, maingat na inayos ang kwelyo at siniguradong maayos ang bawat tiklop ng damit. Wala siyang inaksayang oras—pagkatapos magbihis ay agad na siyang lumabas ng kwarto, hindi man lang lumingon kay Diane na naiwan doon. She don’t want to talk to her, not on this night. Hindi niya kayang makipag-usap o makipagtalo, lalo na ngayon na masyado ng magulo ang lahat.Dumiretso siya sa villa, sakay ng kanyang itim na kotse. Habang nasa biyahe, tahimik ang paligid ngunit sa kanyang isipan ay parang may isang kaguluhang hindi matahimik. Ginugulo siya ng mga pangyayari—ang hindi inaasahang sitwasyon sa pagitan ng kanyang asawa at si Diane. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin o maramdaman. He doesn’t know what to think. Tila ba kahit anong pilit niyang magpakatatag, ay may pumipigil sa kanya na makapagdesisyon ng maayos.Dahil abala siya sa malalim na pag-iisip at panandaliang nakalimot sa daan, hindi niya namalayang palapit na pala siya sa isang konkretong pos