Share

Kabanata 4

"W-wala po," utal-utal kong sagot kasabay ang pag-ahon sa tubig.

Lumublob na rin kasi ang hayop. At wala akong balak maligo kasabay ang hayop na lalaking 'yon. Parang magliliyab na kasi ang buong katawan ko sa init ng mga tingin niya. Sana nga kumulo na ang tubig at maluto siya.

"Iwanan mo 'yan!" singhal na naman nito. Kaagad akong huminto. Napatingin sa hawak na sabon. Wala naman kasi akong ibang hawak sabon lang at damit na isusuot ko sana.

Pinatong ko na lamang sa bato iyon at walang lingon na umalis. Mabuti na lang at hinayaan niya akong umalis. Hindi na kasi ito nagsalita matapos kong ilapag ang sabon.

Mabilis ang mga hakbang ko na bumalik sa kubo, at agad nagbihis. Muli naman akong nalungkot dahil sa pintong sinira na walang hiya. Talagang walang hiya. Hayop!

Hindi ko na nagawang magsuklay at agad nang umalis ng kubo bago pa ako maabutan ng walang hiya.

Hindi matigil ang pagpatak ng mga luha ko habang hila-hila ang alaga ko. Patakbo kong nilisan ang kubo na naging tahanan ko sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Sino na Naman kaya Ang dumarating at Ang lalaki na tinulungan niya umalis na kaya sa kuno patuloy ko itong sundan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status