Share

KABANATA 7: Unang Hakbang

Author: kaekaewr
last update Last Updated: 2026-01-16 00:13:10

Iniunat ni Elijah ang kamay at kinuha iyon. Nang mabasa niya ang mga salitang “early pregnancy in the uterus”, bahagyang naningkit ang kanyang mga mata.

Maingat na minamasdan ni Ysa ang kanyang reaksiyon. Nang mapansin niyang matagal lang itong nakatitig sa papel at hindi nagsasalita, bigla siyang kinabahan at dali-daling nagpaliwanag.

“Professor Elijah, ang batang ito ay sa inyo. Kayo lang po ang lalaking naka-relasyon ko.”

Pagkasabi niya nito, hindi niya napigilang mamula ang kanyang mukha.

Sa wakas, inalis ng propesor ang tingin mula sa papel at tumingin sa kanya.

Kaya pala mula pa sa simula ay halatang kabado siya.

Isang dalawampu’t isang taong gulang pa lamang siyang estudyante sa kolehiyo, walang karanasan sa buhay. Natural lang na mataranta at matakot siya nang malaman niyang buntis siya.

Tahimik na minura ni Professor Elijah ang sarili. Isa akong hayop. Isang sandaling pagkawala ng kontrol, at nasira niya ang buhay ng isang inosenteng dalaga.

Ipinatong niya ang resulta ng pagsusuri sa mesa at mahinahong nagtanong.

“Ano ang gusto mong gawin?”

Dahil sa sobrang kalmado ng kausap, bahagyang natigilan si Ysa. Hindi niya maunawaan kung ano ang ibig sabihin nito. Pero tapat siyang umiling at mahina niyang sinabi.

“Hindi ko po alam… natatakot po ako.”

Napansin ni Elijah ang patuloy niyang pagkusot sa sariling mga kamay, at nakaramdam siya ng awa.

“Normal lang ang matakot. Kahit sino sa edad mo ay matatakot kapag napunta sa ganitong sitwasyon.”

Yumuko si Ysa at nanahimik.

Nagpatuloy si Elijah, maingat na inihahayag ang kanyang iniisip:

“Dalawampu’t isang taong gulang ka pa lang. Nag-aaral ka pa, at sa ngayon, ang pag-aaral ang pinakamahalaga para sa’yo. Sa totoo lang, ang pinakamabuting desisyon ay ipalaglag ang bata.”

Parang may humigpit sa dibdib ni Ysa. Alam niya na ito ang inaasahang sagot.

Mahina niyang sinabi:

“Hindi ko po kayang sabihin sa mga magulang ko. Kailangan po ng pirma ng pamilya para sa abortion.”

Napansin ng propesor ang marahang pagkislap ng kanyang mga pilikmata.

“Una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad,” seryosong sabi niya. “Nakainom ako noong gabing iyon at pansamantalang nawalan ng kontrol…”

Sandaling natigilan siya bago ipagpatuloy.

“Mas matanda ako kaysa sa’yo. Dapat mas naging maingat ako.”

Tahimik na namula ang mukha ni Ysa at agad siyang na sumagot sa propesor.

“Hindi po… may kasalanan din po ako.”

Maayos at kalmadong sinabi ni Elijah.

“Kung magpapasya kang ipalaglag ang bata, sasamahan kita mula simula hanggang matapos. Ako ang sasagot sa lahat ng gastos hanggang tuluyang gumaling ang katawan mo.”

Sa hindi inaasahang paraan, ang kalmadong tinig ng propesor ang nagpakalma sa magulong puso ng dalaga.

Kahit papaano, hindi ako nag-iisa.

Kinagat niya ang kanyang labi at marahang tumango.

“Sige po.”

Nasagot na ang mga alalahanin niya, ang pirma, ang gastos. Lahat ay may kasiguruhan.

Ngunit biglang nagsalita muli si Elijah.

“Hindi pa ako tapos. May pangalawang opsyon pa.”

Bahagyang natigilan si Ysa.

“Ano po?”

Diretso siyang tiningnan ni Zhou Ji at walang pag-aalinlangang sinabi.

“Magpakasal tayo.”

Ha???

Nanlaki ang mga mata ni Ysa. Parang mali ang kanyang narinig.

Kalmado pa rin si Elijah, tila hindi niya namamalayan kung gaano kabigat ang kanyang sinabi.

“Abortion has long-term effects on the body,” paliwanag niya. “Kung magpapakasal tayo, the child can be born properly. I’ll take full responsibility, as a husband and as a father.”

Isa-isa niyang inilatag ang plano, parang isa lamang itong clinical case. Ngunit ramdam ang pagiging seryoso.

“Sa ikatlong trimester, you can take a break. After giving birth, you can continue your studies. Ako ang mag-aalaga sa bata. I can tutor you at home. I’m confident hindi maaantala ang pag-aaral mo.”

Tinitigan niya ang gulat na gulat na si Ysa.

“Maaaring isipin mong masyado akong matanda,” dagdag pa niya, bahagyang ngumiti. “But that’s not entirely bad. I’ve been through things earlier. I can guide you. And… I’ll get my pension earlier than you.”

Anong klaseng biro ang ganito?

Sa loob lamang ng ilang minuto, hindi lang tinanggap ni Elijah ang katotohanang magiging ama siya, nakapaglatag pa siya ng dalawang plano. Isa pa roon ay ang kasal, at naisip pa niya ang pag-aaral at pagpapalaki ng bata.

Iba talaga mag-isip ang propesor na ito.

Mula sa pagkagulat, napalitan ng matinding kaba ang nararamdaman ni Ysa.

“Professor Elijah, huwag po kayong magbiro.”

“Hindi ako nagbibiro.” Agaran namang sagot nito.

“Hayaan mong ipakilala ko ang sarili ko,” mahinahong sabi niya.

“Elijah Velasco, 29 years old, from Quezon City. May doctorate at kasalukuyang nagtatrabaho sa St. Luke’s Medical Center College of Medicine. Katanggap-tanggap ang sahod, sapat para sa pamilya. Kakauwi ko lang ng bansa kaya nangungupahan pa, pero maaari akong bumili ng bahay kahit kailan. May sarili akong sasakyan. Hindi ako naninigarilyo o umiinom. Mahilig akong magbasa at tumakbo. May maliit na negosyo ang mga magulang ko, kaya hindi problema ang pension. Hindi na kailangang tumira kasama ang biyenan pagkatapos ng kasal. Maaaring maging abala ako sa simula, pero may weekend, bakasyon, at sapat na oras para sa’yo at sa bata.”

Isang napaka-praktikal na pagpapakilala.

Parang nasa blind date sila.

Parang tinamaan ng kidlat si Ysa. Hindi siya makapagsalita.

Tiningnan siya ng propesor at matiyagang nagtanong.

“Sa lahat ng sinabi ko, may hindi ba tumutugma sa inaasahan mo sa magiging asawa mo?”

Hindi lang tumutugma, parang may biyayang biglang bumagsak mula sa langit.

Isang napakahusay na propesor… gustong pakasalan siya?

Sa ilalim ng mesa, kinurot ni Ysa ang kanyang hita.

Aray.

Masakit. Hindi panaginip.

Sa seryosong mukha ni Elijah, tuluyan niyang napagtanto, hindi ito biro. Seryoso siya.

Kasal.

Isang salitang parang napakalayo sa kanya, isang bagay na hindi niya kailanman inisip.

Mahina siyang nagsalita.

“Professor Elijah… pwede po ba akong mag-isip muna?”

“Gaano katagal?”

“Bibigyan ko po kayo ng sagot bago mag-Lunes.”

“Sige.”

Hindi naman talaga niya kinailangan ng ganoon katagal.

___

Pag-uwi niya, balisa pa rin ang kanyang isip. Pagbukas pa lang ng pinto, narinig na niya ang boses ng kaniyang ina at kapatid. 

“Gusto kong bumili ng sapatos.” sabi ni Yohan.

“Hindi ba kakabili mo lang?” tanong ng ina.

“Nasira kahapon habang nagba-basketball.”

Nag-atubili si Nay Stella.

“Magkano?” tanong din naman nito.

“1,800 pesos” sagot ni Yohan.

Biglang tumaas ang boses ni Nay Stella.

“Ang mahal naman, Yohan. Hindi naman kailangan ng ganyan kamahal na sapatos.”

Biglang nainis si Yohan.

“Mas mahal pa nga ang suot ng mga kaklase ko. Hindi na ako makatingala sa eskwelahan. Hayaan mo na, kung ayaw n’yong bilhin, huwag na. Sanay naman na akong kutyain ng mga kaklase ko.” 

“Bibili, bibili! Bibilhan kita, Haohao.” Dali- daling tugon ng ina.

Nanigas si Ysa sa kinatatayuan niya.

Hindi mayaman ang kanilang pamilya. Si Nay Stella ay isang full-time na maybahay na gumagawa ng mga handicraft para ibenta. Si Tay Karding naman ay isang maliit na opisyal sa komunidad, hindi kalakihan ang sahod.

Mula pa noong bata siya, paulit-ulit na sinasabi sa kanya ng mga magulang na mahirap sila at hindi madaling kumita ng pera, kaya’t hindi dapat mag-aksaya.

Noong nag-aaral siya, halos wala siyang allowance. Noong high school, baruya-barya lang ang binibigay sa kanya, at hindi pa kusang-loob.

Noong kolehiyo, maliban sa matrikula, halos hindi na siya humingi ng pera.

Ang isang libo’t walong daan, ilang buwang allowance na niya noon.

Matagal siyang nag-ipon ng lakas ng loob bago humingi noon.

Pero para sa anak na lalaki, madali lang pala.

Parang tinusok ang dibdib niya.

Sa sandaling iyon, isang matinding pagnanais ang bumalot sa kanya.

At sa isip niya, iisang tao lang ang lumitaw.

Si Professor Elijah.

Mabilis siyang lumabas ng bahay, bumaba sa komunidad, at kinuha ang kanyang cellphone para hanapin ang numero ni Zhou Ji.

“Hello.”

Ang tinig ng lalaki ay kasing-linaw at kalmado gaya ng dati.

“Professor Elijah…”

Hindi niya alam kung bakit biglang nabasa ang kanyang mga mata.

Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone at nanginginig na sinabi.

“Magpakasal tayo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 7: Unang Hakbang

    Iniunat ni Elijah ang kamay at kinuha iyon. Nang mabasa niya ang mga salitang “early pregnancy in the uterus”, bahagyang naningkit ang kanyang mga mata.Maingat na minamasdan ni Ysa ang kanyang reaksiyon. Nang mapansin niyang matagal lang itong nakatitig sa papel at hindi nagsasalita, bigla siyang kinabahan at dali-daling nagpaliwanag.“Professor Elijah, ang batang ito ay sa inyo. Kayo lang po ang lalaking naka-relasyon ko.”Pagkasabi niya nito, hindi niya napigilang mamula ang kanyang mukha.Sa wakas, inalis ng propesor ang tingin mula sa papel at tumingin sa kanya.Kaya pala mula pa sa simula ay halatang kabado siya.Isang dalawampu’t isang taong gulang pa lamang siyang estudyante sa kolehiyo, walang karanasan sa buhay. Natural lang na mataranta at matakot siya nang malaman niyang buntis siya.Tahimik na minura ni Professor Elijah ang sarili. Isa akong hayop. Isang sandaling pagkawala ng kontrol, at nasira niya ang buhay ng isang inosenteng dalaga.Ipinatong niya ang resulta ng pags

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 6: Baka Sakali

    Tumabi si Ysa sa gilid ng sala, bahagyang napanganga, parang may gustong sabihin ngunit walang lakas ng loob na bigkasin. Sa huli, mahina niyang tinawag ang lalaking nakatayo sa gitna ng silid.“Papa…”Sumulyap si Tay Karding sa kanya, isang mabilis at malamig na tingin. Bago naglibot ang mga mata nito sa buong bahay, waring may hinahanap na kulang sa tanawin.“Nasaan ang kapatid mo?” tanong nito, bahagyang kunot ang noo. “Hindi pa ba umuuwi?” dagdag pa niya.Bubuka pa lamang ang bibig ni Ysa upang sabihing hindi niya alam nang maunahan siya ni Nay Stella. Abala ito sa pag-aayos ng mga ulam, ngunit ramdam sa tinig ang pagtatanggol.“Kakatawag ko lang,” sabi nito. “Nagba-basketball pa raw siya kasama ang mga kaklase niya. Katatapos lang at pauwi na.”Isang mapait na ngisi ang sumilay sa labi ng ama.“Basketball nang basketball. Hindi naman nagbabasa nang maayos. Walang patutunguhan ang buhay ng batang iyan” pagalit na sabi nito.Biglang tumigil ang kilos ni Nay Stella. Humarap ito sa a

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 5: Dalawang Pulang Guhit

    Nagbayad si Ysa sa isang kanyang pagkakamali. Sa sumunod na ilang araw, wala siya sa sarili at para siyang nawalan ng kaluluwa.Hindi pa siya nakapagtatapos ng kolehiyo at alam niyang hinding-hindi niya maaaring ituloy ang pagbubuntis na ito. Ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin sa kanyang mga magulang. Kailangan niya ng pirma ng pamilya para sa operasyon at kailangan din niyang magpahinga pagkatapos nito.Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, nakaramdam siya ng matinding takot at taranta. Maging ang kaibigang si Trish ay napansin na may mali, kaya nag-aalala itong nagtanong."Ysa, anong nangyayari sa iyo?"Namumutla si Ysa at tila laging nakatulala nitong mga nakaraang araw, parang isang ligaw na multo. Mahina siyang umiling."Ayos lang ako.""Ayos lang? Sabihin mo sa akin kung may problema, hahanapan natin ng paraan 'yan," sabi dito ni Trish. Nakita nitong balisa ang kaibigan kaya nag-hesitate siyang itanong, "Dahil ba ito sa nangyari kay Sebastian?"Ang isyu kay Sebastian a

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 4: Hindi Ako ang Pinili

    Habang pabalik ng silid-aralan, nasalubong ni Ysa si Sebastian kasama ang ilang kaibigan nito. Si Sebastian ay higit na mas matangkad sa kanila at dahil sa kanyang angking kagwapuhan, madali siyang makilala sa isang tingin pa lamang.Naglakad ang grupo sa harap ni Ysa ng hindi man lang napapansin ang kanyang presensya."Uy, Sebastian hindi ka yata pinuntahan ng 'little follower' mo bago magsimula ang klase?""Siguro narinig niyang may girlfriend ka na, kaya broken hearted siya.""Kahit sa klase ni Propesor Elijah kanina ay parang lutang siya at wala sa sarili. Siguro dahil sa harap niya kayo nakaupo ni Bianca, kaya hindi siya komportable, hahaha!"Habang naririnig ito, napagtanto ni Ysa na ang tinutukoy nilang "little follower" ay walang iba kundi siya.Pareho silang nasa top 10 ng kanilang klase. Dahil gusto niya si Sebastian, madalas niya itong puntahan para mag-aral silang dalawa. Hindi niya akalain na sa paningin ng mga kaibigan nito, isa lang pala siyang sunud-sunuran o buntot.B

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 3: Nahuli sa Isang Nunal

    Nakaupo si Propesor Elijah sa may tapat ng bintana. Saktong-sakto ang hubog ng kanyang mukha, malamig pero may lambot ang kanyang singkit na mga mata na sadyang nakakaakit. Mapapansin din ang matangos nitong ilong na nagpadagdag sa kanyang kisig. Sa sandaling iyon, tila ba pati ang sikat ng araw sa labas ay mas pinapaboran siya.Napasinghap si Ysa ng makita siya.“Ang gwapo!”Pero agad niyang naisip na hindi ito ang oras para pagpantasyahan ang propesor. Muling bumilis ang tibok ng kanyang puso at kinakabahang nagsalita, “Professor Elijah...”Napayuko siya na tila mayroon siyang nagawang kasalanan pero ang totoo ay sinusubukan lang niyang itago ang kanyang pagkakonsensiya.Kumpara sa kabang nararamdaman ni Ysa, mukhang mas kalmado ang propesor na para bang may mahalaga itong sasabihin. Itinuro niya ang upuan sa harap niya.“Maupo ka.”Hindi nangahas na maupo si Ysa at pilit na ngumiti.“Hindi na po Propesor Elijah, tatayo na lang ako.”Tumayo na rin ang propesor. Mas matangkad siya ka

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 2: Ang Lalaking Hindi Ko Dapat Makilala

    Paano nga ba itatama ang lahat pagkatapos ng isang one-night stand, lalo na kung nalaman mong ang lalaking iyon ay propesor pala sa sarili mong paaralan?Sa mga sandaling ito, ramdam ni Ysa ang matinding kawalan ng pag-asa.Nang ibaba ng nasasabik na si Trish ang kanyang ulo, nakita niya si Ysa na nakasubsob sa mesa at tila nawalan na ng ganang mabuhay."Ysa, anong nangyayari sa’yo? Bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa?"Kung pwede lang, mas pipiliin na lang ni Ysa na lamunin na lang siya ng lupa."Trish," maluha-luhang sabi ni Ysa, "Tapos na ako. I'm Barbie Q.""Anong problema?" Hindi maintindihan ni Trish ang nangyayari.Sa sandaling iyon, isang malinaw na boses ang narinig mula sa harap."Tahimik."Ang boses na ito ay tumugma sa boses na narinig niya noong gabing iyon. Si Ysa, na umaasa pa ring nagkataon lang ang lahat, ay tuluyan ng nanlumo.Talagang siya nga iyon. Kahit na medyo paos ang boses nito noong gabing iyon, hinding-hindi siya magkakamali sa narinig.Dahil sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status