LOGINWala naman dapat siyang isipin pa. Alam naman ni Rheena kung bakit siya aalis. Maraming errands ang kanyang kaibigan kaya naman hinayaan na lang niya.
Nang maka alis si Eula gulong gulo ang utak niya. Alam naman niyang hindi siya pinagsamantalahan ni Luiz. "Gaga! Nang hihinayang ka ba?" Iwinaksi niya muna ang kanyang iniisip dahil may mas mahalaga siyang dapat pagtuunan ng pansin ngayon. Lalo may lead na sa totoong pagkamatay ni attorney Jezza. Pagkarating niya ng Manila dumiretso agad siya sa private investigator na imimeet niya. Nagsuot siya ng disguise para walang makakita sa kanya at the same time para maprotektahan niya rin ang makakausap niya. Alam naman niya na pinapasundan siya ng kanyang asawa. Kaya naman hindi madali sa kanya ang lahat lahat. May mga bagay na kailangang mag-ingat siya palagi. Pagpasok niya sa loob ng restaurant kinawayan agad siya nito. Tumingin muna siya sa kanyang likuran bago tuluyang pinuntahan ang private investigator niya. Umupo siya at nagsimula na itong magsalita. "Ma'am hindi rin ho ako magtatagal rito. Nandito na ang CCTV footage ng condo ni attorney Jezza. Nandyan na ho lahat ang tanong sa sagot niyo." ani ng private investigator na hinired niya. Habang binubuksan ni Eula ang envelope na binigay ng kanyang private investigator. Napatingin siya sa bawat sulok ng restaurant, ng masigurong wala namang kahina hinalang tao roon. Kinuha niya ang envelope at agad isinilid sa kanyang tote bag. Kumuha naman siya ng sobre sa loob ng kanyang shoulder bag at kumuha ng makapal na tag-iisang libo na pera. At inabot rito. "Mauuna na ako, salamat. Umuwi ka na rin." huling bilin ni Eula bago tumayo. Naglakad siya ng mabilis palabas ng restaurant at pumasok sa kanyang sasakyan. Pinasibat niya agad ito palayo ng restaurant. Samantalang sa camping naman. Kanina pa wala sa sarili si Luiz lalo ng nalaman niya na umalis pala si Eula. Pero sa kabilang banda ok naman sa kanya dahil nahihiya rin talaga siya kung magigising ito na kasama siya. Wala naman siyang ginawang masama rito at nirerespeto niya ang kanyang boss. Hindi lang niya lubos maisip na mangyayari lahat ng ito sa isang gabi lang. Ginugulo nga siya ni Rubi ngunit hindi niya pinapansin. Sinabi rin sa kanila ni ma'am Rheena na nila na last day na nila sa campsite at baka abutin sila ng bagyo. Nasa Central Luzon na kasi ang bagyo bukas ng gabi. Nagkaroon na sila ng last eating bonding.. May kwentuhan at halos nakapalagayan na rin ni Luiz ang mga kasama niya sa department.. Mahirap naman kasi sa part niya na papasok araw-araw tapos wala man lang silang pansinan. May umamin na crush siya kaso work work lang talaga si Luiz sa ngayon at focus siya sa lahat ng gastusin ng kanyang lola sa ngayon. Ayaw naman niyang pumasok sa isang relasyon na hindi niya man lang mailibre kahit sa karinderya ang kanyang magiging girlfriend. Natapos ang araw na masaya ang lahat at payapa ang tulog ni Luiz. Kinabukasan nagising siya sa ingay ng music at nagzuzumba na naman ang lahat. Mamaya kasi uuwi na sila kaya naman pinapaligpit na rin ang tent sa kanila. Inayos na rin niya ang lahat ng kanyang mga gamit. Para wala na siyang makaligtaan man lang. Matapos ang zumba kanya kanya na rin asikaso ang lahat. At pag dating ng alas dyes dumating na rin ang Van na magsusundo sa kanila pabalik ng Maynila. Nahiwalay si Rubi sa kanya dahil pinagsama sama sa isang Van ang babae at lalaki. Ok naman sa kanya dahil pasaway ang kanyang matalik na kaibigan at hindi siya makakatulog sa byahe for sure iyon. Habang nasa byahe sila pabalik ng Manila. Sinubukan niyang umidlip hanggang sa nakatulog siya ng mahimbing. --- "Eula, bakit tayo narito?" tanong ni Luiz. Nagtataka siya bakit magkasama silang dalawa nito. "Ayaw mo ba sa akin?" tanong ni Eula. "Ho? Ayaw na ano ho?" patay malisyang tanong ni Luiz. "Alam mo kasi gustong gusto kita, Luiz." lambing ni Eula sabay kandong pa sa kanya. At h******n siya nanlaki tuloy ang mga mata ni Luiz sa ginawa nito. Marahil hindi niya akalain na gagawin ito ng kanyang boss sa kanya. Wala siyang kamalay malay na nasa tapat na siya ng kanyang bahay. Ginising pa siya ni Rubi. "Hoy! Luiz, anong petsa na. Ikaw na lang talaga naiwan sa Van." sigaw nito. Halos mabingi na nga yata si Luiz sa lakas ng sigaw ng kanyang kaibigan na tinawanan lang siya. "Panaginip lang ang lahat?" wika niya. Ayon lang ang nasambit niya. Tumayo na siya at kinuha ang kanyang bag. Pumasok siya sa loob ng kahoy na gate at sinundan na lamang siya ng tingin ni Rubi. "Anong nangyari roon? Inaantok pa ba yon?" Nang wala naman siyang nakuhang sagot mula rito at nilayasan lang siya ng kanyang kaibigan. Nagpasalamat lang siya sa driver at umalis na rin ito.Hindi niya na madedeny ito dahil may video si Rheena. Ang tangi niya na lang gawin ay akuin ito. "Oo sinabi ko yan pero lasing ako nyan. Baka iba naiisip ko ng mga oras na yan." sagot niya hindi niya alam kung bebenta pa sa kaibigan niya. Pero nahihiya pa rin talaga siya sa katabilan ng kanyang dila. Hindi na talaga siya mag iinom ng marami. "Alam mo Eula hindi naman ako nakikialam sa buhay mo. Ang sa akin lang pag-iingat sa mga sinasabi mo. What if may ibang nakarinig at nalaman ng tauhan ni Ramon. Paano na ang mga kasong sinampa mo dito. Mapapawalang bisa lang lahat dahil pwede ka niyang baliktarin na nagcheat ka rin." wika nito. "Alam ko naman iyon Rheena at hindi ko yan nakakalimutan." mariing sagot ni Eula. Naiintindihan naman niya ang gusto nitong sabihin at alam niya rin na sa lahat si Rheena ang pinaka trusted niyang tao. "Goods! Basta mag-iingat palagi. Hindi ako magsasawang ipaalala sayo ang lahat ng kailangan mong alalahanin. Hindi madali ang laban mo kaya dapat
Habang binabalikan ni Eula ang nakaraan. Kasama na rito ng minsan sinabi niya kay Ramon na kanyang asawa na gusto niyang magtayo ng cosmetics business. Nasa sala silang dalawa. Nakaupo ito habang siya ibinaba ang tinimplang kape para rito. She was a plain housewife, dahil ayaw nitong magtrabaho siya. Ayaw nitong naglalabas siya ng bahay o makipagkita sa mga kaibigan nito ay lahat bawal. Para na siyang preso sa isang kulungan. Hindi niya akalain na masasaktan siya sa sasabihin nito sa kanya. "Sweetheart, gusto ko sanang magsimulang magtayo ng negosyo--" natigilan siya ng makarinig siya ng tawa na pagak na sa tono ng boses nito ay nang iinsulto. "Business, ikaw? Anong alam mo? Hindi ba' pinagkasundo ka lang naman sa akin ng pamilya mo. Ni hindi ka nga yata nakatapos ng College. Nagpapatawa ka ba talaga. Hahahaha." wika ng kanyang asawa na talagang pinamumukha sa kanya na wala siyang say sa bahay nila. "Hindi ba't pwedeng mangarap naman ako? Hindi ba't pwedeng tumulong man lan
Nasa bar sina Rheena at Eula. Doon na sila napadpad na magkaibigan. Naka isang tower na sila na nauubos. Gusto pa nga ni Eula na uminom kaso inawat na siya ni Rheena. Magda drive pa kasi ito. "Hoy! Eula awat na lasing ka na dyan." saway ni Rheena. "Sinong lasing. Akin na yang baso ko. Hindi pa ako lashing. Hikhik! Baka ikaw dyan." sagot ni Eula na sinisinok na. Hindi nga halatang lasing siya sa mga pinag gagawa niya. "Pahiram ng cellphone mo. At may tatawagan ako, wala akong tiwala sayo na makakapag drive ka pa." ani ni Rheena. "Ok." Nilagok naman ni Eula ang hawak ng baso na may lamang beer na inagaw niya kanina kay Rheena. Ngayon lang siya nakainom ng malaya. Sa buong pagsasama nila ni Ramon never siyang pumarty. Pakiramdam niya ngayon ay malayang malaya na siya. Hindi niya binaba ang baso hangga't hindi nauubos ang laman nito. Nagsalin pa nga siya ulit sa tower para ganahan pa siya sa gabing iyon. Wala siyang kamalay malay na tinawagan pala ni Rheena si Luiz. Alam
"Walang aalis. Nag-usap na tayo hindi ba. You may stay here as my regular employee pero hindi mo rin pwedeng tanggihan ang offer ko." ani ni Eula. Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Rubi. Miski ang ibang tao roon na lumapit pa para makiusyoso. Hindi nila akalain na pupunta ang kanilang boss sa department nila. Once lang nga ata nila nakita ito na nagawi at ngayon lang. Nahiwagaan tuloy sila kung bakit. "Luiz, hindi ba sinabi ko naman sayo na from now on magwowork ka sa akin. Kaya nga gusto kitang alisin dito dahil hindi mo na dapat gawin ang trabaho mo rito." dagdag pa ni Eula. Mas lalo yatang naintriga ang mga tao roon. Tahimik naman si Luiz. Kanina lang iniisip niya na mawawalan siya ng trabaho. Ngayon naman nasagot agad ang kanyang dasal. "Maraming salamat po ma'am Eula. Akala ko talaga wala na akong trabaho." ani nito. "Sige na. Go back to work. Ikaw, Luiz follow me." mariing utos ni Eula sa lahat maging kay Luiz. Kanya kanya naman nagpulusan ang lahat at si Luiz na
Habang nasa loob ng opisina si Eula. Pinasok siya ni Rheena na ikinagulat niya. "Euala, mag-usap nga tayo." wika ni Rheena. She want to know the truth from her mouth. Ayaw niyang mag conclude agad ng hindi niya naririnig ang sides nito. Natigilan si Eula sa kanyang ginagawa. Napalingon siya rito. "Oh! Anong pag uusapan natin. Anyway nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sayo??" tanong ni Eula. "Hindi pa gusto ko pang malamang kung bakit mo aalisin ang taong masipag naman? May nangyari bang hindi ko alam?" usisa ni Rheena. At sa tono ng boses nito mukhang may alam na siya kaya hindi niya pwedeng itanggi. "Gusto ko siyang kunin na personal body guard ko. Alam mo naman mapanganib ang buhay ko kay Ramon. Alam mo ba na hindi nagsuicide si Attorney Jezza kundi pinatay siya." pagsisiwalat niya ng katotohanan rito. Natigilan si Rheena. "W-What?? Paano at saan mo naman nalaman yan?" tanong nito at nacurious na sa kaso ni Attorney Jezza. Nawala na ang tugkol kay Luiz. "Sa CCTV footage.
Kinabukasan naihatid na ni Luiz si Eula sa kanyang condo. Iniwan na rin niya ang sasakyan ni Miss Rheena. Gusto niyang magpahinga pagdating ng kanyang bahay dahil hanggang ngayon para siyang nasa alapaap. Pagdating niya ng bahay. Nakita niya si Rubi na nasa labas ng kanyang bakod na gawa sa kahoy. "Hoy! Bakit ngayon ka lang umuwi? Saan ka pumunta? Bigla kang nawala kagabi? Wala ka naman sa ospital hmmm." usisa ni Rubi at hindi niya alam kung sasabihin niya ba rito ang totoo. Nagdadalawang isip siya dahil madaldal itong tombits na 'to kaya sa huli hindi na lang. "May pinuntahan lang ako. Sige na, Rubs at pagod ako." sagot niya para umiwas rito. Ayaw niyang makipag usap muna sa kaibigan. Nang maka alis si Luiz sa harapan ni Rubi. Napakamot na lang ito sa kanyang ulo. "Luh? Anong problema noon. Nagtatanong lang naman ako ah!" anas niya. "Maka alis na nga lang." Naglakad na rin ito papalayo ng bahay ni Luiz. Hindi talaga niya maintindihan ngayon ang kanyang kaibigan. Habang s







