Bumalik si Rubi at mabuti na lang tapos na siya sa kanyang trabaho.. At naghihintay na lang ng oras ng uwian. Nasanay na si Luiz sa ganoong daily routine niya. "Luiz, tara na?" yakag nito. "Huh? Saan naman tayo pupunta? Hindi pa naman uwian." tanong nito. "Sa party. Ok na iyon basta ang kasama sa party pwedeng mag early out sabi ni Miss Rheena." sagot ni Rubi. "Miss Rheena? Seryoso ka ba dyan? Mamaya mapahamak ako, yari ka talaga sa akin." banta ni Luiz. "Mukha ba akong nagloloko sayo?" tanong nito. "Hindi naman. Alam mo naman diba ang hirap kumita ng pera at ayokong mabawasan ang sahod ko. Nag-iipon pa ako ng pang opera ng lola ko." sagot ni Luiz. "Napaka oa mo talaga. Alam ko naman iyon. Ipapahamak ba kita, alam mo namang ako ang nagpasok sayo dito. Kaya tara na at maiiwan na nila tayo." sagot ni Rubi sabay hila sa kamay ni Luiz. Wala na siyang nagawa kundi kunin at isukbit ang body bag niya sa kanyang katawan. Paglabas nila ng building. Tama nga si Rubi at marami n
Last Updated : 2026-09-03 Read more