Se connecterKinatanghalian bumalik na ang lahat ng mga nag treasure hunt at nanalo ang grupo nila Rubi. Panay hanap naman niya sa kanyang kaibigan na si Luiz. Pero hindi niya makita. Hindi naman siya maka alis dahil bibigyan sila ng parangal ng lahat.
Matapos parangalan ang lahat. Nagdasal naman ang inatasan para ipagdasal sila sa susunod pang mga araw at lalo sa pagkaing kanilang pagsasaluhan. Nasa harapan nila ang sari't saring ulam.. May inihaw na iba't-ibang klase ng isda at karne. Doon na nakita ni Rubi ang kaibigan niyang si Luiz kausap si ma'am Rheena. Medyo nagtataka siya pero hindi na lang rin niya pinapansin ang mga bagay bagay. Nang matapos ang pagdarasal sabay sabay na silang kumain lahat. Doon na rin nakita ni Luiz si Eula. Tila kinabahan siya lalo na't tumabi ito sa kanilang table ni Rheena. Habang nakain sila tinawag ni Rheena ang pansin ng lahat dahil ipapaalam niya na naroon si Eula ang kanilang CEO. "Guiz, alam ko naman naririnig niyo na rin naman ang pangalan ni Eula. Pero iilan lang sainyo ang nakakilala sa kanya." ani nito. Tahimik ang lahat at nakikinig lang. Hanggang sa pinakilala na nito si Eula. Ayaw sana ni Eula at nahihiya siya kaso pasaway talaga ang kanyang kaibigan. "Hello, hwag na kayong mag abala at kumain na kayo dyan. Dito wala munang CEO itrato niyo ako na kaibigan niyo. At kahit sa kumpanya kung may kailangan kayo magsabi lang kayo kay Rheena o Cathy. Bukas ang aking tanggapan sa inyong hinaing at mungkahi. Tatandaan niyo hindi ko maitatayo at magagawa na maging successful kung wala kayo lahat." paliwanag ni Eula. Ang lahat ay nagpalakpakan at sumisigaw. "Mabuhay si ma'am Eula." "Mabuhay." paulit ulit na sinasabi ng lahat. Dito pa lang humanga talaga si Luiz sa sinabi ni Eula. Buong akala niya napakasama ng mga CEO sa mga kumpanya pero hindi pala. Totoo pala ang sinabi ni Rubi na mabuti ang puso ng kanyang amo. At ngayon nga'y nasaksihan niya ito. Sobrang nagpapasalamat siya sa mga blessings niya nakuha mula ng pumasok siya ng EBeuaty Cosmetics. Malaki ang sahod niya dito bilang IT hacker. Kaya naman sinusuklian niya ang trabaho niya. "Sige na kumain na kayo. At mamaya magpahinga kayo dahil sa hapon. Maliligo naman tayo at mag eenjoy." ani ni Eula. Tuwang tuwa ang lahat at nagpapasalamat sa kabaitan ni Eula sa kanilang lahat. Matapos ang kainan ng lahat. Kanya kanya na pasok sa loob ng tent. Sobrang init na kasi ng alas dose ng tanghali. Si Eula ay pumasok din ng tent. May room naman na nakahanda para sa kanya pero hindi niya gustong maramdaman ng mga tauhan niya na hindi siya patas. Nagpahinga rin siya at nagising ng alas dos ng tanghali. Medyo mainit pa rin kaya di talaga siya nalabas. Habang si Luiz naman ay ginugulo ni Rubi at panay kulit sa kanya kung bakit nasa table siya ni Rheena. "Huyy! Ikaw, Luiz magsabi ka nga sa akin. Bakit ka nasa table nila ma'am Rheena at bakit ganun na lang siya makatingin sayo huh!" usisa nito. "Hmmm! Ikaw napakamalisyoso mong tao ka. Kaya ako nandon dahil may tinatanong si Rheena ay este si ma'am Rheena sa akin." nadulas na sagot ni Luiz kaya naman lalo siyang inusisa ni Rubi. "Wow! Makatawag ka ng Rheena kay ma'am Rheena ah! Parang close na kayp dyan!" biro nito na may laman. "Hindi ba pwedeng nagkamali lang. Bahala ka nga sa buhay mo. At lumabas ka na dyan baka may makakita pa sa atin at kung anong isipin sa akin." pagtataboy niya sa kanyang bestfriend. "Sus! Hindi tayo talo! Kadiri ka, Luiz. Nasusuka ako sa mga pinagsasabi mo." aniya. "Halikan kaya kita ng matigil ka." biro ni Luiz sabay lapit at tayo ni Rubi na nandidiri. "Bweset ka!" bulyaw niya sabay labas ng kanyang tent. Tawang tawa siya ng lumabas si Rubi. Sinundan pa niya ng sigaw. "Kapag bumalik ka dito, hahalikan talaga kita." sigaw niya. Pumasok na siya sa loob ng tent hindi niya alam nakita ni Eula ang lahat. Medyo sumama ang timpla niya. Pumasok siya sa loob ng resort. Nakita siya ni Rheena. "Hoyy! Best, anong nangyari sayo? Tila di maipipinta ang mukha mo kahit na magaling pang pintor." biro nito. "Wala ako sa mood." inis na sagot ni Eula sabay walk-out. Ewan ba niya bakit siya nagkakaganon. "Luh! Anong nangyari doon?" tanong ni Rheena. Kanina lang ok naman iyon. Lumipas ang hapon at nagsimula ng magswimming ang lahat. Wala sa mood si Eula ng oras na iyon. Kanina pa siya inaaya ni Rheena. Hanggang sa napilit siya nito. "Sige na sumama ka na best. Hwag mo na kasing iniisip yang gago mong asawa." ani nito. "Sira sino ba nagsabi sayo na iniisip ko pa siya." depensa ni Eula. "Ayon naman pala so tara na." yakag nito. "Wait! Magpapalit lang ako ng pang swimming ko." sagot nito. "Ok, sige sumunod ka na lang." Umalis ng si Rheena at nagbihis na si Eula. Habang nasa salamin siya. Pinag masdan niya ang kanyang buong sarili. Ngayon na lang siya ulit makakapag suot ng swimsuit dahil tapos na ang pagiging tanga niya sa dating asawa. Wala na ang sugat at pasa na dulot ng pasakit nito sa kanya. Lumabas siya ng resort at naglakad. Kitang kita niya ang gulat ng lahat ng lumabas siya. Pero wala rito si Luiz. Heto pa naman ang gusto niyang pagandahan.. Ewan ba niya lalo nang nalaman niya ang kwento ni Rheena tungkol sa binata. Maya maya lang tinawag na siya ni Rheena kay hinubad na niya ang kanyang inner seethrough. Mas nangninging ang kaputian niya sabay dive sa pool. Magaling lumangoy si Eula pero nang mabangga siya sa isang bagay natigilan siya. Pag ahon niya nagtama ang mga mata nila ni Luiz. Nahiya ito at umiwas. Gusto sanang habulin ni Eula ito pero nakatingin ang lahat sa kanya. Nag enjoy na lamang siya. Hanggang sa maggabi at nagsimula na silang mag-inuman. Si Luiz nakaupo kasama ang ibang kalalakihan na nag-iinuman. Nakisalo naman si Eula ng tawagin siya ng mga empleyado niya. "Ma'am Eula!" cheer nila. Inabot naman ni Eula ang glass at nilagok. "Wow! Nice taste." papuri niya. "Can I join?" tanong niya sa mga ito. "Opo, ma'am." sagot naman ng iba. Maliban kay Luiz at bigla itong nagpaalam na iihi lang. Nakailang shot na si Eula pero hindi na bumalik si Luiz kaya nagpaalam na rin si Eula sa mga tauhan niya. Medyo tipsy na rin kasi talaga siya. Naglalakad lakad siya hanggang sa muntik na siyang masubosob at mabuti na lang may maagap na sumalo sa kanya. "Ayos ka lang?" tanong ni Luiz. "Ma'am Eula??" gulat na wika ni Luiz. Kung mamalasin nga naman siya. Hindi na nga siya bumalik para iwasan ito tapos ngayon. "Luiz??" Iyon lang ang nasambit nito bago mawalan ng ulirat. Hindi naman malaman ni Luiz kung sa tent ba nito dadalhin kaso baka may makakita sa kanya roon at kung ano pang isipin. Kaya mas pinili niyang dalhin ito sa tent niya. Nang maihiga niya ito sa loob. Bigla itong naglumikot at dumilat. Para magsalita sa kanya. "Iniiwasan mo ba ako??" "Hindi po. Sumama lang ang pakiramdam ko." aniya. Tumawa lang ito sabay hila ng suot niyang shirt kaya napasubsob siya sakto sa labi nito. Magkalapat ang labi nilang dalawa at bigla na lang gumalaw si Eula pero natuod naman si Luiz dahil first time niyang may humalik sa kanya na babae. Hindi niya alam kung paano tumugon. Nang walang makitang response si Eula mula rito. Kaagad niyang itigil at bigla na lang siyang nagsorry rito. Kinaumagahan nagising si Eula na masakit ang kanyang ulo. Napatingin siya sa kanyang katabi. "OMG! May nangyari ba sa amin?" tanong niya sa kanyang sarili pero kahit naman pakiramdaman niya ang kanyang sarili. Wala naman kakaiba lalo na't sa ibabang bahagi ng katawan niya. Hindi rin naalis ang swimsuit niya pero may suot na siyang loose shirt.. Agad siyang tumayo at umalis sa tent nito dahil nakakahiya kapag magising ito kinabukasan. Naka alis na siya at nakabalik na sa kanyang tent. Ingay ng megaphone at music ng zumba ang gumising sa diwa ni Luiz. Napakapa siya sa tabi niya at wala siyang nakapa ni isa man lang. Napabalikwas siya ng bangon. Panaginip lang ba ang lahat? Hindi naman siya nakainom ng marami para maisio iyon. Bumangon na siya at naghilamos. Handa na siya sa panibagong araw nila sa bundok. Sumali si Eula sa zumba at gayon rin si Luiz. Pero wala silang imikan na dalawa. Daig pa nila lovers na may pagtatalo. Nainis kasi talaga si Eula sa ginawa niya kaya sana lang hindi matandaan ni Luiz ang lahat ng kagagahan niya. Pagkatapos ng zumba hindi man lang lumapit si Luiz sa kanya na labis niyang ipinagtataka. Pero sa kabilang banda ok na rin dahil nakakahiya rin sa pagkababae niya iyon. Hinayaan niya lang si Luiz hanggang magkaroon sila ng another games. Sa pagkakataong ito kasali si Luiz at sila ang nanalo. Tuwang tuwa ang ka grupo ni Luiz dahil rank 1 sila. Pag tapos ng palaro umalis agad si Eula dahil may meeting siyang pupuntahan at may lead na rin sa kaso sa pagkamatay ni Attorney Jezza.Kinatanghalian bumalik na ang lahat ng mga nag treasure hunt at nanalo ang grupo nila Rubi. Panay hanap naman niya sa kanyang kaibigan na si Luiz. Pero hindi niya makita. Hindi naman siya maka alis dahil bibigyan sila ng parangal ng lahat. Matapos parangalan ang lahat. Nagdasal naman ang inatasan para ipagdasal sila sa susunod pang mga araw at lalo sa pagkaing kanilang pagsasaluhan. Nasa harapan nila ang sari't saring ulam.. May inihaw na iba't-ibang klase ng isda at karne. Doon na nakita ni Rubi ang kaibigan niyang si Luiz kausap si ma'am Rheena. Medyo nagtataka siya pero hindi na lang rin niya pinapansin ang mga bagay bagay. Nang matapos ang pagdarasal sabay sabay na silang kumain lahat. Doon na rin nakita ni Luiz si Eula. Tila kinabahan siya lalo na't tumabi ito sa kanilang table ni Rheena. Habang nakain sila tinawag ni Rheena ang pansin ng lahat dahil ipapaalam niya na naroon si Eula ang kanilang CEO. "Guiz, alam ko naman naririnig niyo na rin naman ang pangalan ni Eula.
One week later.. Abala ang Ebeauty Cosmetics Company para sa darating nilang company outing. Hindi alam ni Eula kung makakapunta siya dahil abala siya sa paghahanap ng hustisya para sa kanyang kaibigan. Sinabihan na siya ng kaibigan niya kaso parang hindi kaya ng scheduled niya kaya naman sinabi niyang hindi siya pwede. Wala naman magagawa ang kanyang kaibigang si Rheena. Pero umasa pa rin naman ito na makakahabol siya kahit last day. Natuloy ang company outing. Tahimik si Luiz at palinga linga sa paligid. Alam niya CEO si Eula ng EBeauty Cosmetics kaya posibleng dumating ito. Napansin naman ni Rubi ang palinga linga ng kanyang bestfriend at tila may hinahanap na ewan. "Huy! Kanina pa malayo ang tingin mo dyan best. Sinong hinahanap mo? Ako lang naman ang kaibigan mo rito." ani ni Rubi sabay gulo ng buhok niya. Nakasanayan na rin kasi talaga nito na guluhin ang kanyang buhok. "Ano ba! Panira ng moment dyan. Wala akong tinitingnan. Gusto ko lang magpakasaya. Alam mo naman b
Habang si Luiz naman ay kararating lang si IT department na kabadong kabado. Napansin siya ni Rubi at kinalabit. "Hoy! Anong nangyari sayo best? Bakit pinagpapaiwasan ka yata? Ang lamig naman ng aircon dito?" sunod sunod na tanong ni Rubi kay Luiz. "Huh? Ah! Wala galing kasi ako sa ospital kanina." alibi niya pero totoo naman bago siya pumasok ay dumaan muna siya sa kanyang lola Mildred. "Ok! well kamusta na si Lola Mildred? May progress na ba sa kundisyon niya?" tanong ni Rubi sabay upo sa tabi niya. Bukod kasi sa kanya si Rubi lang ang nakaka alam ng kanyang mga pinagdadanan sa buhay. Kaka graduate lang nila ng IT course at 2 years lang iyon. Walang ibang bumubuhay kay Luiz kundi ang Lola Mildred niya pero buhat ng nabangga ito hindi niya na alam ang gagawin dahil comatose parin ito hanggang ngayon. "Ganun pa din, best. Hindi pa rin siya nagkakamalay. Ikaw kamusta ka naman?" balik na tanong ni Luiz. "Ok! Ok na ok naman. Maayos ang sahod kaya ikaw pag butihin mo palagi at h
Sobrang busy ni Eula sa pag-aasikaso ng patong patong na kaso na sinampa niya laban sa kanyang asawa na si Ramon Villamor. At isa pa gusto niyang mapawalang bisa ang kasal nilang dalawa at magpalit ng apilyido. Sa bawat araw na gumigising siya namumuhi siya dahil dala-dala niya ang apilyido ng lalaking sumira ng buo niyang pagkatao. Katatapos lang ng hearing. Pero napaiyak na lang sa inis si Eula sa loob ng kanyang sasakyan nang hindi ma grant ang request niya na mapawalang bisa ang kanilang kasal ni Ramon. "Bull shit! Ano bang batas na meron tayo?? I really hate this Country." sigaw niya. Maya maya lang tumunog ang kanyang cellphone. Nang i-check niya ito. Si Attorney Jezza pala. Tumigil siya sa pag-iyak at sinagot ang tawag nito. "Hello, Eula! Nasaan ka? Bakit ka biglang umalis?" tanong nito. "Ah! Nagpahangin lang ako Attorney. Hindi ko kasi gusto ang mga nangyayari. Wala ba tayong magagawa?" umaasang tanong niya. "Sa ngayon wala pa talaga, Eula. Kailangan natin makakuha
Year 2014 Apat na taon buhat ng sila ay maikasal sa kagustuhan ng kani kanilang pamilya. Sa apat na taon nilang pagsasama. Batid niya na hindi naman nila mahal ang bawat isa. Umasa si Eula na mamahalin rin siya ng asawa dahil nang nalaman naman nito na buntis siya ay tuwang tuwa ito. Malakas ang ulan at lumabas ng bahay si Eula para habulin ang kanyang alagang aso na tumakbo. Hindi niya napansin ang rumaragasang sasakyan at sa bilis nito nabangga si Eula sabay tumilapon. Nagising na lamang siya na nasa loob na siya ng ospital. Wala na ang baby niya sa loob ng tyan at di na niya maramdaman ang pag galaw nito sa loob. Nang pumasok ang doktora. "I am very sorry, Mrs. Villamor, we did our best to save your baby lives but the baby can't survive." wika nito. Hindi nagsisink-in sa utak ni Eula ang lahat ng nangyayari. Alam naman niya na hindi dapat talaga nawala ang baby niya kung hindi dahil sa katangahan niya. Nang dumating si Ramon kasama ang secretary nito na kinaiinisan niya
Year 2010 Nakilala ni Eula si Ramon sa isang party. She felt something stranged that night. Hindi naman siya masasabing pagmamahal agad ito. Lalo na't nalaman nilang dalawa na pinagkasundo na sila ng matagal ng kanilang mga pamilya. Noon una ay ayos lang naman sa kanilang dalawa. Well infact gusto naman nila talaga ang isa't-isa. Halos hindi naman nagkakalayo ang edad nilang dalawa nito. Bente anyos siya ng makasal silang dalawa. Walang pagtatanong sa kanilang dalawa basta dumating na lang ang isang araw na nagising si Eula na kasal na nga pala siya talaga. Araw-araw umaasa siya sa pagmamahal ng kanyang asawa. Maglilimang taon na silang kasal at wala pa rin silang anak. Halos ginawa na nga nila ang lahat ng option para lang mabuntis siya pero hindi pa rin talaga nangyari. Hanggang sa ang dating matatamis na lambingan nauwi na lang sa sigawan at iyakan. Palaging uuwing lasing si Ramon at gagamitin siya na parang hindi siya asawa. Isang gabi ng umuwi ito mula sa inuman. Hinil







