Share

Chapter 04

Author: Author Rain
last update publish date: 2026-07-28 21:20:55

-Daisy-

At sa unang pagkakataon mula noong ikasal kami, napagtanto kong hindi ko pa pala lubos na kilala ang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko gabi-gabi. Dahil hindi ko man lang napansin na marami na pala siyang itinatago sa akin.

Biglang sumikip ang pakiramdam ko at napahawak ako sa dibdib ko. Parang unti-unting lumiliit ang espasyong nakapaligid sa akin.

Hindi pa naman ako sigurado kung niloloko niya talaga ako. Hindi pa. Pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mansyon na nakita ko sa s0cial media, ang mga rosas, at ang bigla niyang pagpapalit ng password, ano pa ba ang dapat kong isipin? Isama pa ang gabing-gabi na niyang pag-uwi na hindi naman niya dati ginagawa.

Napakagat-labi na lang ako at ramdam ko ang pagtakas ng isang luha mula sa aking mata, pero agad ko itong pinunasan.

Hindi ko na kinaya ang emosyong gustong sumabog sa dibdib ko, kaya naman tahimik akong lumabas ng kuwarto at marahang isinara ang p***o sa likod ko.

Pagbaba ko sa sala, madilim ang buong bahay. Iilang ilaw lamang sa dingding ang nagbibigay ng mahinang liwanag sa paligid.

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa suot kong pulang silk robe nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa bahagyang nakabukas na bintana.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanginig. O baka hindi naman talaga dahil sa hangin. Baka dahil sa unti-unting pag-usbong ng takot na baka hindi pala kasing-perpekto ng inaakala ko ang pagsasama naming mag-asawa.

Lumapit ako sa bintana upang isara ito. Pero bago ko ito tuluyang mahila, napatingin ako sa garahe.

Naningkit ang mga mata ko nang makita ang mga sasakyan ni Vince na nakaparada sa dati nilang mga puwesto, katabi ng luxury car na ibinigay niya sa akin noong first wedding anniversary namin.

Matapos kong isara ang bintana, dinampot ko ang mga susi sa ibabaw ng mesa at halos patakbo akong lumabas ng bahay patungo sa garahe.

Ang una kong sinuri ay ang sasakyang araw-araw niyang ginagamit. Isa-isa kong binuksan ang glove compartment, ang mga storage compartment, ang trunk, at lahat ng posibleng mapagtaguan ng kahit anong ebidensiya na niloloko niya nga ako, pero wala akong nakitang kahit anong kahina-hinala.

Binuksan ko pa ang GPS tracker nito at sinuri ang mga huling destinasyon.

Opisina, bahay. Bahay, opisina. Wala naman siyang ibang pinupuntahan, at kung meron man, mga restaurant lang ito kung saan siya nakikipag-meet sa mga client niya at alam ko ang lahat ng schedule niya dito.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako bumababa ng sasakyan. Siguro nga ay mali ang hinala ko. O baka masyado lang akong nagpapadala sa sarili kong imahinasyon.

Bukas na lang siguro ako maghahanap ulit ng ebidensiya. Tatanungin ko na lang din si Vince kung bakit niya pinalitan ang password ng cellphone niya, at sigurado naman akong may maayos siyang paliwanag. Hindi naman siya kailanman nagtago ng sikreto sa akin.

O iyon ang gusto kong paniwalaan. Pano kung matagal na pala niya akong niloloko?

Pabalik na sana ako sa loob ng bahay nang may isang bagay na nakakuha ng atensyon ko. Ang luma niyang itim na sedan.

Napakunot ang noo ko. Bakit narito iyon? Sa pagkakatanda ko, ilang taon na itong nakatambak sa pinakasulok ng garahe.

Unti-unting nanaig ang curiosity ko kaya dahan-dahan akong lumapit sa sasakyan. Ito ang parehong kotse na ginamit niya noong nagpanggap siyang mahirap upang subukin kung mahal talaga siya ni Rose kahit mawala sa kanya ang lahat.

Isa-isa kong sinubukan ang mga susing hawak ko hanggang sa makita ko ang tamang susi para sa lumang sedan. Marahang bumukas ang p***o, at ang pinakauna kong ginawa ay ang tingnan ang GPS tracker.

Noong una, inakala kong wala na itong laman dahil matagal na iyong hindi ginagamit. Pero dahan-dahan akong napasinghap nang makitang iisa lang ang naka-save na destinasyon sa history nito.

Ang eksaktong address ng mansyong nakita ko sa social media.

Bakit? Sino ang nakatira doon?

Nanginginig ang mga daliri kong sinuri ang history. Hindi lang minsan. Hindi lang dalawang beses, kung hindi tatlong beses sa isang linggo sa loob ng limang taon siya nagpupunta doon.

Parang paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang dalawang salitang iyon. Limang taon.

Unti-unting naging mabigat ang paghinga ko nang maalala ang nangyari limang taon na ang nakalipas. Noong panahong nawala ang anak namin.

Naalala ko pa ang sarili kong nakahiga sa hospital bed, wasak na wasak ang puso, habang mahigpit na hawak ni Vince ang kamay ko at ipinapangakong hinding-hindi niya ako iiwanan.

Pero ayon sa GPS tracker, dalawang buwan pa lamang matapos akong makunan ay pumupunta na pala siya sa mansyong iyon.

At ang pinakahuli niyang pagpunta ay kagabi lang kung saan sinabi niya sa akin na may mahalaga siyang meeting sa isang client. Na na-late lang siya sa pag-uwi dahil sa business drinks. Lahat pala iyon ay pulos kasinungalingan.

Parang nawala ang lahat ng lakas sa katawan ko. Unti-unti akong napaupo sa driver's seat at isinandal ang ulo ko sa steering wheel. Ipinikit ko ang mga mata ko at tuloy-tuloy na umagos ang mga luha ko.

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili kong may ibang paliwanag kung bakit siya nagpupunta sa mansyon na iyon. May ibang dahilan kung bakit siya nagsisinungaling sa akin.

Pero wala. Wala akong maisip na rason kung bakit niya kailangang gawin ang lahat ng ito. Bago ko pa namalayan, tuluyan na akong napahagulgol ng malakas habang nakapatong ang palad ko sa aking tiyan. Lahat ng isinakripisyo ko para sa kanya nabalewala lang pala lahat.

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko gamit ang nanginginig kong mga kamay. Natatakot akong marinig ako ng mga tao sa loob ng bahay.

Gaano na ba ito katagal? Ilang beses na ba niya akong pinagsinungalingan? Ilang gabing sinabi niyang nasa trabaho siya, samantalang nasa piling pala siya ng iba?

Makalipas ang ilang minuto, unti-unti ko ring napakalma ang sarili ko. Mariin kong pinunasan ang mga luha ko, at huminga muna ako ng ilang beses bago ako nagpasyang bumalik na sa loob ng bahay na parang walang nangyari.

Bawat hakbang ko pabalik sa aming silid ay napakabigat. Hindi ko alam kung paano ko pa ulit haharapin si Vince nang hindi ko siya kinukompronta sa pagsisinungaling niya sa akin. At sa totoo lang, wala akong lakas ng loob na sabihin ito ng harap-harapan sa kanya.

Nang buksan ko ang p***o ng kuwarto, madilim pa rin ang paligid. Mahimbing pa rin ang tulog niya sa kama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 144

    -Daisy-Bago kami tuluyang lumabas ng boutique, muli akong nakatanggap ng message mula kay Mr. Torres.Sinabi niyang pumunta na rin daw ako sa venue para i-confirm ang mga detalye dahil matagal na siyang nagpa-reserve roon at bayad na rin ang lugar.Kaya agad kong sinabi kay Vince na dumiretso kami sa Shangri-La Hotel. Pagkarinig nito, agad na kumunot ang noo ng mommy niya.“At ano namang gagawin natin doon, aber?” Hindi ko siya sinagot agad. “Huwag mong sabihing doon ang reception ng kasal niyo!” halos sumigaw siya. “Aba, Daisy! Sumosobra ka na!”Nginitian ko lang siya. “Malalaman natin pagdating natin doon.”Pagdating namin sa Shangri-La Hotel, agad akong pumasok sa loob at kinausap ang isang staff. Ipinaliwanag ko ang pakay ko at sinabi kong may existing reservation na sa pangalan ni Mr. Torres.Sumunod sa akin sina Vince at ang mommy niya. Pero pagdating nila sa entrance, bigla silang hinarang ng guard.“Sorry, sir. Ma’am. Hindi po puwedeng pumasok ang walang reservation.” sabi ni

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 143

    -Daisy-“Vince, gusto ko ’tong dress na ’to.” Nakangusong yumuko ako at tinignan ang wedding gown na suot ko.Pagkatapos ay pailalim kong tinignan ang mommy niya, na kanina pa halatang hindi natutuwa sa inaasta ko.“Of course, babe.” Hindi man lang pinansin ni Vince ang nanay niya. “Bibilhin natin ’yan.”“Thank you!” Nakakalokong ngumisi ako kay Mrs. Lawrence bago ako sumandal sa balikat ni Vince, at kunwari ay sobrang saya ko dahil mas kinampihan niya ako kaysa sa nanay niya.Kung tutuusin, wala naman talaga akong pakialam kung gaano kamahal ang gown na ito.Ang gusto ko lang ay makita kung hanggang saan ang kaya nilang gawin para sa pekeng kasal na ibibigay nila sa akin.Pagbalik ko sa loob ng dressing room para muling magpalit, hindi nagtagal ay narinig ko ang boses ng mommy ni Vince.“Alam mo ba kung magkano ang halaga ng wedding gown na ’yon, ha, Vince?!” Napangiti ako habang dahan-dahan kong isinara ang pinto at saka nagsimulang magbihis.“Mom, it’s just a wedding gown. Ano bang

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 142

    -Daisy-“Exactly!” agad na sumabat si Mrs. Lawrence. “Mabuti pa si Rose, alam niya ang tama at mali. Kung sana lang…”“Kung sana lang ano?” tanong ko sa kanya, pero hindi siya sumagot, kaya si Vince ang hinarap ko. “Vince, mukhang gusto ng mommy mo na si Rose na lang daw ang pakasalan mo.” gusto kong mag-away-away sila sa harap ko ngayon din, bilang ganti sa pang-iistorbo nila sa akin.Biglang napalingon si Vince sa kanyang ina.“Mommy, what are you even saying?” Iritableng singhal niya. “At ikaw!” Humarap naman siya kay Rose. “What are you even doing here? Bakit ba kasi sumama ka pa dito ha? Hindi ka naman kasali, di ba? Wala ka bang pasok sa office at palagi kang nakabuntot sa amin?”Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ni Rose at saka napayuko.“Vince, ano ba! Ako ang nagsabi sa kanya na sumama sa akin!” galit na sagot ni Mrs. Lawrence.Napahalukipkip ako. “See? Mas kinakampihan niya pa si Rose kaysa sa akin na manugang niya. Gusto mo, Vince, si Rose na lang ang magsukat ng weddi

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 141

    -Daisy-Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong bigla siyang natigilan. Nawala ang kulay sa mukha niya, at ang hawak niyang plastic ay unti-unting bumitaw sa kanyang mga daliri.Bumagsak iyon sa sahig, pero walang pumansin sa kanya. Maging si Vince ay hindi rin siya nilingon.“Oh…” Pinilit kong pigilan ang ngiti ko at muling tinignan si Vince. “You're so sweet, Vince.” Bahagya kong hinaplos ang kanyang braso. “Totoo ba ang lahat ng sinabi mo?”“Of course!” Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin at may paghalik pa siya sa tuktok ng ulo ko. “Hindi mo alam kung paano ako nahihirapan nitong mga nakaraang araw dahil wala ka sa tabi ko. I can't lose you, babe. You're my whole life.”Tinapik-tapik ko ang balikat niya. Pero unti-unting nagbago ang ekspresyon ko. Mula sa isang simpleng ngiti, naging seryoso ang mukha ko at tumalim ang mga mata ko.“I believe you, Vince. Loyal na loyal ka sa akin bilang asawa mo. You never cheated on me.” Saglit akong tumingin sa kanya. “At walang i

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 140

    -Daisy-Pagdating namin sa hospital, saka naman sinabi ng doktor na maaari nang iuwi si Vince. Matapos siyang ma-check at masigurong wala naman siyang malubhang injury mula sa nangyari, agad na ring inayos ng pamilya niya ang kanyang discharge papers.Akala ko, didiretso na kami sa bahay ng mga Lawrence. Pero nagulat ako nang sa halip na doon siya dalhin, inuwi nila si Vince sa bahay namin.At mas lalo akong nagulat nang pagdating namin ay iniwan nila ako roon. Ako raw ang mag-aalaga sa kanya.Seriously? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.“Hindi ako maiiwan dito!” Agad akong tumayo mula sa gilid ng kama. “Uuwi na ako!”Hindi ko na hinintay na may sumagot. Dumiretso ako palabas ng kwarto, pero bago ko pa man mahawakan ang doorknob, biglang iniharang ni Vince ang kamay niya sa pinto.“Vince, ano ba?” naiinis na hinampas ko siya sa braso. Wala akong pakialam kung galing man siya sa hospital. Mukha namang mas malakas pa siya sa kalabaw eh.Ano pa bang aasahan ko, eh scripted la

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 139

    -Daisy-Namula ang mukha niya sa sinabi ko.“Isa pa,” dagdag ko, “hindi ko naman sinabi kay Vince na iligtas niya ako, ah?”Lahat sila ay natulala sa sinabi ko. Walang nakasagot.Bakit? Ginaya ko lang naman ang sinabi niya sa akin noon ah. Na hindi niya naman sinabing iligtas ko siya. So ngayon, ibinabalik ko iyon sa kanila para alam nila ang pakiramdam ko noong sinabi iyon ni Vince sa akin.Akala siguro nila, madali na naman nila akong matatakot o mamanipulahin dahil lang sa nangyari kay Vince. Never!Hindi na ako ang dating Daisy. Hindi na ako basta-basta magpapagamit sa kanila. Hindi na ako basta maniniwala sa mga luha at matatamis na salita nila.Wala nang sinabi pa sina ang mag-asawang Lawrence at Rose. Tumalikod na lamang sila at dumiretso sa kwarto ni Vince.Maya-maya, may dumating na mga pulis upang kunin ang statement ko. Isa-isa kong sinabi ang lahat ng naaalala ko.Kung saan ako nakatayo at kung paano mabilis na lumapit ang sasakyan sa kinaroroonan ko.Kung paano ako hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status