Mag-log in-Vanessa-Dati kasi, hindi ko maiwasang mailang sa tuwing kasama ko siya. May mga pagkakataong hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pakikitungo niya sa akin.Pero nagbago ang lahat nang minsang may ibulong sa kanya ang ate niya. Hindi ko alam kung ano mismo ang sinabi ni Kristina, pero may hinala akong pinagalitan siya nito dahil pagkatapos noon ay naging mas maayos na ang pakikitungo niya sa akin.Lalo pang gumaan ang loob ko sa kanilang magkapatid nang minsan nila akong yayain na mamasyal sa bahay nila. Gusto raw nilang makilala ko ang mommy nila dahil kamukhang-kamukha ko raw ito.Hindi ko alam kung bakit, pero nakakagaan sa pakiramdam na marinig iyon. Matagal na rin kasi akong naghahanap ng kalinga ng isang ina, kaya hindi ko itinago ang kagustuhan kong makilala din ang mommy nila.Pumayag akong dumalaw sa kanila isang araw, pero magpapaalam muna ako kay Blake. Excited na rin talaga akong makilala ang babaeng sinasabi nilang kamukha ko.“Hi, Vanessa.” Nakangiting
-Vanessa-“Wala nang chance para magkabalikan pa kami, Blake.” Nasa loob na kami ng kwarto niya dahil hinila ko siya papasok dito. Ayokong marinig ni Ron ang pinag-uusapan namin. Ayokong magkaroon pa siya ng pagkakataong makialam o marinig ang mga salitang hindi naman para sa kanya.“Are you sure?” nakataas ang kilay na tanong niya habang umiikot ang daliri niya sa likod ko.Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama. Nakaunan ang ulo ko sa dibdib niya habang nakapulupot naman ang isang braso ko sa bewang niya. Tahimik akong nakikinig sa mabilis na pagtibok ng puso niya, na para bang iyon na lang muna ang gusto kong marinig sa sandaling iyon.“I’m very sure,” sagot ko. “Kapag siguro nakipaghiwalay ka sa akin, saka na lang ako sasama sa kanya.”“What?” Halatang hindi siya makapaniwala sa narinig. Bahagya pang napataas ang ulo niya para mas maayos niya akong makita ang mukha ko kung seryoso ba talaga ako sa sinabi ko. “Kahit asawa na siya ng ate mo, babalikan mo pa rin siya?”Tumango ako. Hin
-Vanessa-Napahawak ako sa dibdib ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.“Pero pinili kong tanggapin iyon dahil alam kong iyon ang dapat kong gawin. Hindi ko gustong maging dahilan para masira ang pagsasama ninyo. Hindi ko gustong maging babaeng makikipag-agawan sa sarili niyang kapatid para sa isang lalaki.”“Hindi kita kailanman itinuring na ganoon.”“Pero ganoon ang nangyayari ngayon, Ron!” mariin kong sagot. “May asawa ka na. At kahit ano pa ang sabihin mo sa akin, hindi na magbabago iyon.”Bigla siyang tumayo at dahan-dahang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at marahang pinunasan ng mga hinlalaki niya ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa mukha ko.“Hindi pa huli ang lahat, Isay,” malambing niyang sabi. “Mahal na mahal pa rin kita, at alam kong mahal mo pa rin ako.”Umiling ako, ngunit tila hindi niya pinansin ang pagtanggi ko.“Wala akong pakialam kahit naibigay mo na ang puri mo sa lalaking ’yon. Hindi iyon mahalaga sa akin. Hindi ko kailanman iisip
-Vanessa-Napatingin ako sa pagkakahawak niya sa akin bago muling itinaas ang mga mata ko sa mukha niya.“Bitawan mo ako, Ron.” babala ko sa kanya.“Hindi hangga't hindi mo ako pinakikinggan.” mariing bulong niya.“Wala na tayong dapat pang pag-usapan!”“Marami pa tayong dapat pag-usapan!” mariin niyang sagot. “Lalo na tungkol sa nangyari noon. Hindi mo alam kung gaano ako nahirapan sa mga sumunod na araw pagkatapos nating maghiwalay.”Napailing ako. “Hindi lang naman ikaw ang nahirapan.”“Alam ko! Alam kong nasaktan din kita, pero hindi mo ba naisip na mas nasaktan ako? Araw-araw kitang nakikita sa bahay na iyon, pero hindi kita maaaring lapitan. Hindi kita maaaring yakapin. Hindi ko man lang masabi sa’yo kung gaano kita nami-miss dahil lahat ng mata nila nakabantay sa atin!”Unti-unting nanlabo ang paningin ko nang biglang mamuo ang mga luha sa aking mga mata.“Pero kasalanan ko naman eh, dahil ako ang may gustong manatili sa bahay niyo kahit ang gusto ng ate mo ay bumukod na kami.”
-Vanessa-Isang manipis na nighties lang ang suot ni Diane na halos wala nang itago sa kanyang katawan. Wala siyang suot na bra kaya kitang-kita ang malulusog niyang mga dibdib at ang nakaumb0k niyang n!pple.Hindi na talaga siya nag-abala pang magbihis nang maayos bago lumabas ng unit. Maging ang buhok niya ay bahagyang magulo, pero hindi naman iyon nakabawas sa pagiging kaakit-akit niya.Napatingin ako kay Ron, saka sa T-shirt na hawak niya.Hindi ko alam kung anong nangyari sa loob ng unit ni Diane, pero hindi naman mahirap unawain kung bakit ganoon ang itsura nilang dalawa.“Anong ginagawa mo sa loob kasama ang babaeng iyon, Ron?” tanong ko habang nagsasalubong ang mga kilay ko.Inaasahan kong matataranta siya o kaya naman ay magpapaliwanag agad. Dahil hindi normal na makita ang isang lalaking halos walang saplot na lumabas mula sa unit ng ibang babae na nakabilad din ang katawan.Pero sa halip na magmukhang nahuli sa kalokohan, inabot niya ang buhok ko at ginulo iyon. “Nagseselos
-Vanessa-Paglabas ko ng kwarto, agad kong hinanap si Ron sa kusina, para sana tulungan siyang maghain ng hapunan, pero wala siya doon. Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar, pero hindi ko talaga siya makita.Sinubukan ko ring tingnan ang dalawang guest room, baka sakaling nagpahinga muna siya roon pagkatapos magluto, pero wala rin siya.Saan naman kaya nagpunta ang taong iyon?Hindi naman niya sinabi sa akin na may pupuntahan siya. Ang huling pagkakaalam ko, siya ang naiwan sa kusina para ipagpatuloy ang pagluluto ng hapunan namin. Pero bakit bigla na lang siyang naglaho.Dahil naliligo pa si Blake, napagpasyahan kong hintayin muna siyang matapos para magpasama sa kanya na hanapin ang bayaw ko.Ilang minuto pa ang lumipas bago bumukas ang pinto ng banyo.Paglabas ni Blake, agad niya akong nilapitan at hinapit sa bewang bago ako niyakap nang mahigpit.“What? You want a second round, hmmm?” nakangising tanong niya habang inilalapit ang mukha niya sa akin.Sinubukan niya akong hal







