LOGIN
SABRINA'S POV
Matagal ko nang naririnig mula kay Sister Fe ang mga kwento tungkol sa pamilyang Montenegro—ubod daw ng yaman, bukas ang kamay sa pagbibigay ng donasyon sa simbahan, at parang walang katapusang biyaya ang ipinagkakaloob sa kanila ng langit.
Hindi ko inakalang ako mismo ang magiging bahagi ng kanilang mundo.
Napatitig ako sa harap ng malaking pintuan ng mansion. Mataas at makapal na p***o ang bumungad—mga haliging marmol na parang nasa palasyo, kristal na chandelier at hagdanang engrande na parang dinisenyo para sa mga hari at reyna.
Sa kamay ko, mahigpit na nakahawak si Ma’am Zamara—o dapat nga palang Mommy Zamara na.
“Sabrina,” mahinhin niyang sabi habang hinahaplos ang buhok ko, “simula ngayon, dito ka na titira. Ito na ang magiging tahanan mo. At simula ngayon… ako na ang mommy mo. At siya—” tumingin siya sa matangkad na lalaking katabi niya, ang lalaking may matalim na tingin at ngiti na parang may lihim, “—siya si Daddy Asmodeus mo.”
Parang may kakaibang bigat ang pangalang iyon. Asmodeus. Parang hindi basta basta ang pamilyang ito..
“Opo… Mommy Zamara.”
Pagpasok namin, nakahanay na ang mga maid sa malawak na lobby. Sabay-sabay silang yumuko at bumati, “Magandang tanghali po, Ma’am, at Master Asmodues.”
Tumango-tango lang ako sa bawat isa, pakiramdam ko parang nasa panaginip ako. Lahat sila’y naka-uniporme, maayos ang buhok, at may ngiti na parang sanay na sa ganitong eksena.
Saktong may pababa sa engrandeng hagdan ang isang binata. Matangkad, matikas, at may kakaibang aura na parang katulad ni daddy Asmodues. Itim na polo ang suot niya, sleeves rolled up hanggang siko, at ang buhok ay medyo magulo.
“Alejandro,” tawag ni Mommy Zamara nang may lambing pero may awtoridad. “Meet your new sister… Sabrina.”
Hindi siya agad sumagot. Tumitig lang siya sa akin—matagal, matindi. Parang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko maipaliwanag, pero hindi ko rin maibaba ang tingin ko sa kanya. Mga mata niya… may kakaibang ganda. Malalim, madilim, parang may lihim na nakatago sa likod ng mga iyon.
Napakagwapo ni Kuya Alejandro. Hindi ‘yung tipikal na gwapo na madaling kalimutan—‘yung klaseng gwapo na parang may panganib, na parang alam niyang nakakaapekto siya sa mga tao kahit hindi siya ngumingiti.
“Good afternoon po, Kuya,” nakangiti kong bati, pero walang bumalik na ngiti Mula sa kanya. Hindi man lang siya kumibo. Deretso siyang lumakad patungo sa dining table at umupo sa tabi ni Daddy Asmodeus.
“Be good to her, Alejandro,” sabi ni Daddy sa mababang boses, may halong babala. “Siya na ngayon ang nakakabata mong kapatid.”
Wala pa ring reaksyon. Parang wala siyang narinig..
Nagkatinginan sina Daddy at Mommy. May hindi sinasabi na mensahe sa pagitan nila—parang alam nilang pareho na hindi ito magiging madali.
Maya-maya, si Mommy na ang nagsalita, boses niya malambot pero may diin. “Alejandro, labing-lima pa lang si Sabrina. Sana ituring mo siyang tunay na kapatid. Galing siya sa kumbento… doon na siya nagkaisip at lumaki.”
Sa wakas, tumingin si Alejandro sa akin ulit. Ngunit sa pagkakataong ito, may bahagyang pag-arko ang isa niyang kilay—parang amusement..
Nag-umpisa kaming kumain sa pinakamalaking dining room na nakita ko sa buong buhay ko. Ang haba ng mesa, parang kayang umupo ng kinseng tao o Higit p nang hindi magkakadikit ang siko, at sa itaas namin, nakabitin ang higanteng kristal na chandelier na parang bituin. Ang mga pinggan ay porselana na may gintong gilid, at ang mga kubyertos ay pilak—lahat ay perpekto, parang hindi para sa pang-araw-araw na hapunan kundi para sa isang may importanteng okasyon.
Tahimik na pinagsilbihan kami ng mga maid. Isang babae ang maingat na naglagay ng sopas sa harap ko—creamy mushroom, amoy na amoy ang truffle. Susunod ay ang main course: steak na medium rare, may garlic butter sauce at side ng roasted vegetables. Hindi ko alam kung saan uumpisahan.
Sa kumbento, ang hapunan namin ay simple—kanin, gulay, isda minsan.
Ito? Ganito pala ang pagkain ng Mayayaman..
Sobrang awkward ang lahat sa akin.
Si Mommy Zamara ay ngumingiti nang mahinhin habang kinakausap si Daddy Asmodeus tungkol sa hospital—mga bagay na hindi ko naiintindihan, tungkol sa negosyo nila. Si Daddy naman ay tumatango lang, boses niya mababa at kalmado, Pagkakaalam ko may sariling hospital si Mommy Zamara at isa itong doctor..
Si Alejandro...
Nakaupo siya sa kabilang side ng mesa, katapat niya si mommy. Hindi siya nagsasalita. Pero ramdam ko ang tingin niya. Paminsan-minsan, kapag akala niya hindi ko napapansin, tumatagal ang titig niya sa akin..
“Sabrina,” sabi ni Mommy nang mahina, breaking the silence. “Kumain ka nang marami.”
“Opo, Mommy. Salamat po,” sagot ko, pilit na ngumingiti habang sinusubukan kong huwag magkamali sa paghawak ng kutsilyo at tinidor. Sa kumbento, hindi namin ginagamit ang ganitong klaseng kubyertos—kamay lang, o simpleng kutsara at tinidor. Dito, parang may etiquette exam ako na hindi ko inaral.
Biglang nagsalita si Alejandro, unang beses mula nang umupo kami. Boses niya malamig, mababa, pero malinaw.
“Why did you decide to adopt her?” tanong niya nang walang emosyon, habang iniikot-ikot ang baso ng red wine sa kamay niya. Hindi siya tumitingin sa akin nang diretso—nakatingin siya sa chandelier, parang casual lang ang tanong.
Natigilan ako. Ang kutsara ko na nasa bibig ay natigil sa ere.
Si Daddy ay tumingin kay Alejandro nang matalim.
“Alejandro.”
Pero hindi siya tumigil.
“Curious lang naman. Bigla na lang may bagong kapatid. Galing sa kumbento pa..”
Si Mommy ay nagtaas ng kilay pero nanatiling kalmado.
“Alejandro, tama na ‘yan. Sabrina ay bahagi na ng pamilya natin. Hindi natin kailangang i-interrogate siya sa unang hapunan.”
Tumingin na rin sa akin si Alejandro sa wakas. Mga mata niya—madilim, matalim, parang may apoy na nakatago. “Sorry,” sabi niya, pero hindi naman mukhang sorry.
“Just making conversation.”
Tumango ako, pilit na lumunok.
“Okay lang po, Kuya.. Salamat sa pagtanggap niyo sa akin.”
Hindi siya sumagot. Bumalik lang siya sa pagkain niya, pero ramdam ko—may iba pa siyang gustong sabihin.
May tanong na hindi pa niya binibitawan.
Ang hapunan ay nagpatuloy sa katahimikan. Ang tunog lang ng kubyertos sa pinggan, ang mahinang pag-uusap nina Mommy at Daddy, at ang bigl
aang pag-iwas ng tingin ko kay Alejandro tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.
Alejandro POV. I’m staring at her. Sabrina. Even now, after everything, the sight of her still tightens something deep in my chest. Something dark. Something that never really left. There was a time when my obsession with her was terrifying—even to me. I used to watch her scared to me. I used to memorize every breath, every shift of her body under the sheets. I used to imagine locking the doors so no one else could ever look at her the way I did. I hated every boy who smiled at her. I hated the way the world dared to notice her beauty. I wanted to own it. I wanted to own her. Completely. Ruthlessly. Even if she cried then. Even if she begged me to stop then. Even if she hated me for it. I was willing to destroy everything my family, my future, my own soul just to keep her mine. That version of me was dangerous. Unhinged. A man who would’ve burned the whole world down before letting anyone else touch what belonged to him. And now, here I am, staring at the woman who will soon be
Lumipas ang ilang araw...At ngayon, saksi ang mga magulang niya, mga kaibigan, mga tito at tita namin sa pag-iisang dibdib namin.Nasa altar kami ni Alejandro, magkahawak-kamay, habang ang pari ay binibigkas ang huling salita ng seremonya. Ang damit-pangkasal ko ay simple pero elegant—puting lace gown na may subtle shimmer, tube top, at mahabang train na gumagapang sa likod ko. Si Alejandro naman, naka-black tuxedo na fitted sa katawan niya, black tie, at ‘yung tattoo sa leeg niya na bahagyang kita sa kwelyo ng shirt parang paalala na kahit sa ganitong okasyon, may parte pa rin siya na hindi nawawala ang mapanganib at kaakit-akit na dating.“Congrats, newly wed!!!” sigaw nila sa likod namin nang sabay-sabay. May confetti na lumilipad sa hangin at palakpakan na hindi natatapos.Dumating si Tito Azrael na parang walang nangyari parang kinalimutan na lang ang lahat ng tensyon sa pagitan nila Eros at Alejandro noong nakaraan. Nakangiti siya nang mahinahon. Yumakap siya sa akin, tapos tin
"Let's go inside..."Tumango ako, nakangiti na talaga.Pero bago kami makapasok, humarap siya kay Maricar."Cancel the meeting."Seryoso niyang utos SA secretary niya, nakatingin diretso kay Maricar na nakatayo pa rin sa desk niya, namumula ang mukha sa inis at biglaang pagkagulat."Sir... pero po yung meeting with the board-" simula pa lang ni Maricar, pero pinutol siya ni Alejandro agad."I said cancel it." Ulit niyang sinabi, mahigpit. "Now."Namutla si Maricar. Ramdam ko yung paghigpit ng kamay niya sa phone, pero hindi na siya nagsalita. Agad niyang binuksan ang computer niya, nag-type nang mabilis, at nag-click sa cancel button ng calendar."Done na po, Sir," mahina niyang sabi, halos hindi marinig ang boses.Hindi sumagot si Alejandro. Tumitingin lang siya pabalik sa akin.Nagbago ang mukha niya. Ang malamig at intimidating na ekspresyon kanina... nawala agad. Napalitan ng malambot na ngiti-para lang sa akin.Lumapit siya sa akin nang mabilis, pero kontrolado at maayos ang bawa
Sabrina's POV “Of course may tiwala siya sa’yo. Girlfriend ka eh.Pero pag trabaho ang usapan… ako ang tinatawag niya,” sabi ni Maricar.Napakurap ako at napatingin sa kanya. tahimik na kasi akong nakaupo at Hindi na sana makikipag usap pa.“Hindi naman ako nakikipag-compete sa posisyon mo, Magkaiba tayo ng lugar…” seryoso kong sabi, pero bahagyang ngumiti, parang inosenteng reaksyon lang.“Magkaiba, oo.Pero tandaan mo… mas madalas siyang nandito kaysa sa bahay,” wika niya.Ramdam ko ang inis. Siguro akala niya tatahimik lang ako at tatalikod na pauwi, pero nakakaramdam din ako ng lakas para ipagtanggol ang sarili ko, parang simula ng naging boyfriend ko si alejandro, tumatapang na ako at nagiging selosa na masyado. Nakita ko siyang nag-timpla ng kape—siguro para kay Alejandro. Nang matapos, humakbang siya papuntang opisina, akmang pumasok na sana, nang mapahinto siya at lumingon sa akin.Inilapag niya muli ang kape sa desk nang medyo malakas, halatang may bahagyang galit. Kilay
Matapos naming dalawin si Eros noong araw na ’yon, unti-unting bumalik sa normal ang mga araw namin ni Alejandro.Bawal pa rin kaming magtabi sa iisang kwarto, ayon kay Mommy Zamara. Pero kapag malalim na ang gabi at tulog na ang lahat sa mansion, saka siya palihim na lumilipat sa kwarto ko. Tahimik siyang pumapasok, dahan-dahang hihiga sa tabi ko, yayakap mula sa likod, at marahang bubulong ng, “Good night, baby,” bago kami tuluyang lamunin ng antok.Ngayon, nasa bahay ako ni Lorraine. Alas-dos pa lang ng hapon nang pauwiin kami ng professor dahil may sakit daw ang isa naming instructor. May dalawang oras pa bago ang “supposed” out ko na alas-kuwatro, at alam ni Alejandro na gano’n ang oras ng uwi ko.Kaya naisipan ko siyang i-surprise.Balak kong dumiretso sa opisina niya nang hindi niya alam. Gusto ko siyang makita ulit sa work mode—mas lalo kasi siyang gwapo kapag seryoso, lalo na kapag abala at dominante ang aura.Nakatayo ako ngayon sa harap ng full-length mirror sa kwarto ni Lo
SABRINA POV....Mahigpit akong nakalapit sa braso ni Alejandro, parang ang hawak ko sa kanya ang tanging nakakapagbigay sa akin ng lakas para hindi tuluyang masira ang composure ko sa harap nila.Nasa sofa kami ng malaking mansion ni tito Azrael...katapat namin si Tito Azrael kasama niya si tita sienna at ate Bea tapos si kuya Aziel..Hindi Ako makatingin kay Tito Azrael—hindi ko kaya. Ramdam ko ang bigat ng titig niya, kahit hindi ko siya direktang tinitingnan. Parang bawat segundo na tahimik ako ay nagpapalala ng guilt sa dibdib ko. Si Eros... Comatose, at parang ako ang may gawa noon lahat.“Sabrina,” tawag ni Tito Azrael nang mahina pero malinaw, boses na kalmado pero puno ng awtoridad. “Hindi mo kasalanan. Walang may gusto sa nangyari.”Napatingin ako sa sahig, luha na naman ang tumutulo nang hindi ko namamalayan. Hinigpitan ko pa ang hawak sa braso ni Alejandro—“Pero... Tito...” bulong ko, boses na nanginig. “Kung hindi dahil sa amin... sa akin...”Tahimik saglit si Tito Azra







