SABRINA'S POV“Limits,” simula niya, boses na mababa at mabagal, parang bawat salita ay pinipili nang maingat. “Una, dapat maintindihan mo na hindi lahat ng function ay may value sa bawat punto. May mga pagkakataon na lalapit ka sa isang numero, pero hindi ka makakarating doon nang eksakto. Iyon ang limit.”Habang nagsasalita siya, nanatiling nakayakap ang mga braso niya sa bewang ko. Pero ngayon, dahan-dahang gumagalaw ang isang kamay niya—hindi man agresibo, pero may layunin. Dumudulas ito pataas sa ilalim ng sando ko, hanggang sa maabot niya ulit ang balat sa tiyan ko. Agad akong napasinghap, pasimpleng umurong pero hindi niya hinayaang makalayo ang daliri niya roon. Napalunok ako. Sinubukan kong ituloy ang pagbasa sa libro, pero ang mga letra ay parang sumasayaw na.“Halimbawa,” patuloy niya, at ngayon ay mas malapit na ang labi niya sa tenga ko, halos dumampi na.“Kung may function f(x) = (x² - 1)/(x - 1), kapag x = 1, undefined ito. Pero kapag nilapitan mo siya—mula sa kaliwa
Last Updated : 2026-09-02 Read more