Share

When The Goddess Meet The Lonely God
When The Goddess Meet The Lonely God
Author: XevireBuevo

Chapter One - Hera's Point Of View

Chapter One

HERA'S POV

"What?Wala ka na namang work?" Bulalas ng bff kong si Athena. Nasa isang cafe kami malapit sa next kong pagaapplyan.

"Yeah," Tipid kong sagot bago nagsip sa Mocha shake ko na with whipped cream at choco fudge pa.

"What happened?" She aaked.

"Sir Dave," Maikli kong sagot sa kanya. Nakita na kasi niya ito ng puntahn nya ako sa office.

"That pervert? Ano ginawa? Magkuwento ka naman bessy," Nangangalabit pang sambit ni Athena.

"Pinatawag niya ako sa office kahapon before ako makapag out. So,as an employee,  pumunta ako. Pinaupo nya ako sa couch but I choose the one seater. I asked him kung bakit niya ako pinatawag. Then,bigla siyang lumapit sa akin at tinangka niya akong halikan pero nakailag ako. Then,sabi niya pakipot pa daw ako alam naman daw niyang gustong gusto ko ang mangyayari," Binitin ko ang kwento ko para magsip ulit sa shake ko.

"Then? What did you do? Binasag mo ba iyong guwapo niyang mukha?" Athena asked with exaggeration.

"Tinuhod ko ang tanging yaman nang mayabang na iyon. Sa lakas noon baka nadurog na ang alaga noon," May pairap ko pang sambit.

"Hahaha. Sadistang amazona ka talaga. Kaya ka natanggal?" Athena asked

"No,nagdirect ako kay ma'am Vange para magresign. That same day din."

"Magnegosyo ka na lang kasi. May ipon ka naman eh."sabi ni Athena 

"Ayoko. May pinagiipunan ako,"sagot ko

"Alin? Iyong dream home mo??" Athena asked

"Sort of."

"Fine,hiring sa company namin. We need some aspiring writers," Offer ni Athena.

"Qualification?"i asked.

"Wala,kasi irerefer kita kay Boss," Athena said.

"At paano kung maipahiya kita cause I'm not good in making or writing story? Be fair bessy. Kailangan nating dumaan sa legal,"sabi ko

"Heller,nag apply ka na noon sa company noh. At nakapasa ka. Kaso mas pinili mo kila sir Dave." Athena said.

"Nagustuhan ba nang boss mo?"

"Yeah,So,tatawagan ko na boss para wala ka nang kawala," She said and dialed to her phone. After a few seconds may kausap na kaagad siya sa phone. After "sure sure " things that she said she hang up.

"Tomorrow, 9 am, wear anything you want to wear," Athena said with matching smirk.

"What??? I don't like that look on your face best."

"Dahil malapit lang ang tirahan ko sa office,you should move your ass there," Athena enthusiastically said 

"Whatever bitch," Sagot ko while rolling my eyes. 

"Yehey,papakilala kita sa mga housemate ko. Sana may magustuhan ka na sa kanila para magkajowa ka naman," Pang aasar ni Athena.

"Duh! Whatever." I said

Kahit kelan talaga tong babaeng ito. Hindi yata kaya nang walang lalaki sa buhay. Gosh! To be honest,hindi naman ako man hater or what. Talagang hindi ko palang nakikilala ang taong kaya ako. Nagkaboyfriend naman na ako. Seven years din ang relationship. Kaya lang nambabae ang hudas. Hahaha. So, I set him free para mas makapambabae pa siya. Five years na din kaming wala kaya nababaliw si Athena. After my relationship with that jerk ended, hindi na ako pumasok sa relationship. I'm not scared or what. Madami din ako manliligaw but wala talagang tumatagal. It's either they're get intimidated easily or i really don't feel nor like them. Crazy,right? Ewan ko ba. Mabait naman ako, sweet, maalaga, understanding, mapagmahal pero wala talaga.

Kakauwi ko lang sa apartment ko. Maliit lang ito. Pang isang tao lang talaga. Nagtitipid kasi ako. Ang mahal pa nga nito. P3,500 monthly sa iyo pa tubig at kuryente. Malayo pa sa palengke. Sabagay bukas lilipat na ako kila Athena. Malaki tirahan niya. Malapit sa sibilisasiyon. At sabi nga nya kung doon na ako magwowork sa company nila malapit lang daw.

Nagbihis muna ako nang pambahay bago ako nag-ayos ng mga gamit ko. Kaunti lang naman ang gamit ko, mga damit, isang monoblock table na may ternong apat na upuan,rice cooker,electric kettle, microwave,unan at foam. Iyan lang ang mga gamit ko. And oh, I forgot my shoes. Ten pairs of rubber shoes.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng gamit ko ng tumunog ang cellphone ko. I answer it without looking at the caller.

"Yes?"

"Best,punta ako diyan," Athena announced 

"Why?"

"Para mapili ko lang mga dadalhin mo," She said.

"No thanks,kaunti lang gamit ko," I refused

"Wala ka nang magagawa andito na ako sa labas ng apartment mo. At saka I'm going to sleep there," She said.

"What?" Pasigaw kong sagot ko sa kanya

And i heard her laughing.

"Just open the goddamn door!" She commanded

"Bahala kang maburo diyan," Sabi ko pero tumayo na ako para ipagbukas siya dahil paniguradong wawaskin nito ang pintuan sa lakas ng mga katok niya.

Nang pagbuksan ko siya ay akala ko siya lang ang nandoon. But to my surprise, kasama niya ang jowa-jowaan niya.

"Hon,kilala mo naman na si Hera,di ba? So,di ko na kayo papakilala sa isa't isa. Para makapasok na tayo at ang lamok dito sa labas," Athena said, I just rolled my eyes and turn my back at the open door.

"What time mo kami susunduin bukas?" I heard Athena ask her boyfriend.

"8 am, Isasama ko si mang Bert," Athena's bf said.

"Bye hon," Malanding sanbit ni Athena.

Continuation

"You take care, Bye Hera," He said.

"Bye Apollo," I responded to him.

Nang makaalis na si Apollo ay at saka lang namin isinara ang pinto. At tulad nang hinala ko andito lang si Athena para manggulo. Pinaalis lang talaga niya si Apollo bago nag-ayang magbar. Napapafacepalm na lang ako sa kanya.

After fixing my things,nagpunta kami sa bar nang kakilala niya. Well,socialite siya at ako? Mas gusto kong nasa bahay lang keysa gumala. Nakakatamad kasing lumabas. Lalo na at medyo liblib ang lugar ng bahay ko. Kaya mas gusto kong nasa bahay lang. Hassle ang pag gagala. Layo nang uuwian. Di ko din ma-eenjoy.

At the Bar:

Athena is really uncontrollable. We are at the karaoke bar. She keeps on putting songs.

"Bessy anong kakantahin mo?" She asked me while scanning the song book.

"Wala! Tinatamad ako."

"Fine, Ako na lang hahanap nang kakantahin mo," She exclaimed.

"Tinatamad nga ako."

"Okay, Found it, Hahaha," sabi ni Athena.

"Ano na namang kanta iyan? Alam mo namang hindi kagandagan boses ko. Patugtugin mo na lang ako instruments or pagsayawin." 

"Of course,you can sing, Hahaha," Sabi ni Athena. Ewan ko ba kung binuboost lang niya ang confidence or gusto niya talagang mapahiya ako.

"Anong song nga?"

"Bring me to life."

"Whhaaaatttttt??????" I shouted at her

"Come'on, Kayang kaya mo iyan. Love you," Sabi nya with puppy eyes.

"Pag di ko na kaya ipapasa ko sayo."

"Sure," sagot niya.

After few song, kanta ko na at biglang nagpaalam si Athena na may kakausapin lang siya sandali sa phone. As expected, she wanted me to sing the whole song. Bakit pa ako magtataka, lagi naman niya ginagawa iyon tuwing pumupunta kami sa mga ganito. Nagpauto na naman ako sa kanya.

After ko kumanta ay dumating ang magaling kong bff. Pero hindi siya nag iisa. May kasama siyang isang babae at dalawang lalaki.

"Wow, Ikaw iyong kumanta ng Bring me to life hindi ba? Ang galing mo doon," Puri na,g babae sa akin. Ngumiti lang ako.

"Galing nang bessy ko. By the way best, this is Ate Francine, this young boy is Kyle. And the one and only Zeus. Pinsan ni Apollo. At makakasama natin sa bahay," Sabi ni Athena at saka pinaupo iyong Zeus sa tabi ko.

"Hi ate," Sabi ni Kyle. 

"Hello," I responce.

"Hindi mo naman sinabing attractive at maganda itong bestfriend mo," Zeus said.

"Oh,hindi ba? Manang mana sa akin iyan at single iyan," Tudyo ni Athena. 

"I'm also single," Zeus.

"Bagay kayo Zeus," ate Francine said. And i blushed.

"Kanta ka pa," Nakangiting sambit ni Athena.

"Heheh,Gusto mong ipukpok ko sa ulo mo ang song book or mic. Pili ka," Taas kilay kong sambit.

"Sabi ko nga ako na lang kakanta." Sambit ni Athena.

Masayang kasama ang mga kaibigan ni Athena. Si ate Francine sobrang kalog. Si Kyle naman medyo seryoso. Habang si Zeus naman matanong. Ultimo favorite color tinanong. Parang slam book lng ang peg. Hinatid din kami ni Zeus sa apartment ko. Nalasing kasi si Athena.

"Alam mo bestie bagay talaga kayo ni Zeus. Jowain mo kaya iyon. Boto naman ako sa kanya, Hik hik hik" Athena said.

"Tigilan mo ako, Gusto mo ba gawan kita ng tomato juice?"

Tanong ko kay Athena.

"Ang gushto ko mag-ashawa ka na,"sagot nito sa akin.

"Lasing ka lang, Itulog mo na lang iyan."napapailing na sambit ko.

Hindi ko na narinig na nagresponce si Athena. Malamang tulog na iyon.

Bata palang  lagi na kaming magkasama ni Athena. Siya lang ang nag-iisa kong tunay na kaibigan. Lahat ng kalokohan niya nawitness ko. Simula sa paggagala hanggang sa panglalalaki niya noon. Kung hindi siguro dumating ang isang Apollo sa buhay niya ay ganon pa din siya. Kung wala sigurong Athena sa buhay niya ay malamang na boring at miserable ang buhay niya.

Marami nga ang nagtatanong kung paano sila naging magkaibigan dahil total opposite daw sila. Pati sa mga interes ay magkasalungat sila. Party goer at socialite si Athena samantalang ako loner. I spend most of my time reading books or draw. Lively siya at boring ako. I love horror stories. She loves fashion Articles. I'm plain and she's elegant.

Well,siguro nagbalance ang mga pagkakaiba namin para maging magkaibigan.

Katulad nang usapan maaga nga kaming sinundo ni Apollo. Wala pang 8 am ay asa bahay na siya. 7 to be exact. Bago pa mag 8 ay nasa office na kami ni Athena. Sila Apollo at mang Bert na daw ang bahala sa mga gamit ko. Malaki man ang lilipatan kong bahay ay dalawa lang ang kwarto roon. Iyong isa para sa magpinsan at yung isa dw para sa amin ni Athena. Which is okay. She's like a sister. Over protective but match maker. Masyadong apektadong single ako. 

Pagpasok namin sa building ay kaliwa't kanan ang bumabati kay Athena. Famous! Kidding aside. Pag-aari kasi nila Apollo ito. Ayon sa kwento kagabi ni ate Francine ay company daw ito ng grandparents ni Zeus at Apollo. Pero ang magkapatid na De Dios na daw ang nagmamanage. Which is Daddy nila Zeus at Apollo.

"Andyan ba si Boss?" Tanong ni Athena sa babaeng nakasalubong namin.

"Yes po ma'am, Nasa office po niya with Sir Carlos." Sagot nung babae.

"Thanks Yvonne," Sabi ni Athena bago ako hilahin papunta sa elevator.

"Relax best. Ipapakilala kita sa future daddy ko at sa future daddy mo," Excited na sambit ni Athena. 

"Tigilan mo ako best. It's not funny, "Mataray kong sagot sa kanya.

Bumukas ang elevator. We are at the 13 floor. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Malawak iyon pero apat lang ang pinto. Dalawa sa kaliwa at dalawa sa kanan. Sa right side kami pumunta. Sa dulong pinto. Athena knock twice. And some baritone voices answered and said that we can get inside. Athena opened the door.

Two smiling men is looking at us. They smile at us,genuinely. They seem nice and kind too.

"Iha. Tuloy kayo. Siya na ba iyong sinasabi mong magiging future daughter-in-law ko?" One man said. And i look at my friend who is smiling from ear to ear .

"Yes, tito Carlos."

"Tumigil nga kayong dalawa. Mamaya matakot iyan at magresign kaagad. By the way iha, nabanggit sa akin ni Athena na magaling ka daw magsulat at nabasa ko ang ipinasa mo noon. Nagustuhan ko siya at sana makagawa ka ulit ng ganoong kagandang love story."

"Susubukan ko po sir."

"Gusto mo bang maghomebased na lang. Baka kasi maunahan pa ang anak ko pagpinayagan kitang dito magtrabaho sa opisina," Sir Carlos said.

"Ai,puwede po iyon tito para lagi silang magkasama ni Zeus," Suggestion of Athena. 

"Puwede naman. Tutal si Zeus ang illustrator ko. By the way I'm Christian. Don't call me sir okay? Call me Tito."

"And bago ko makalimutan. Teamwork ito. Dapat tutugma ang iginuhit nya sa bida ng storya mo," Sabi ni Tito Carlos.

"Hay naku,Ayaw talaga paawat. Iha, nabanggit na ba sayo ni Athena na 25k ang sahod monthly ng writers dito? Pero dahil homebased ka, it will be 30k per month. Sagot ng company ang laptop at internet. Dahil every chapter na matatapos mo kailangan mong maiemail sa amin," Tito Christian said.

"Okay po,"sagot ko.

"Then, may iooffer ako sayo," Tito Carlos.

"Po?"

"Carlos," Saway ni tito Christian.

"Madali lang naman Iha. Only have to do is to make my son happy and outgoing again. I will give you monthly allowance. Kung kailangan mo siyang idate, idate mo ako gagastos," Sambit ni Tito Carlos na nagpalaki ng Mata ko. Seriously?

"Excuse me po Tito Carlos pero hindi ko po matatanggap ang offer niyo. Zeus seem nice and kind too. I can help po without bribing me. He seems friendly and approachable. I think we can be friends,"Sagot ko.

"Nice woman, Aasahan ko iyan, Sana mailabas mo ulit ang dating siya." Tito Carlos said sadly.

"I'm sorry about that iha. By the way if there's anything you need. We are more than willing to help you. You reminded me much of my eldest daughter." Tito Christian said with a slit of sadness in his eyes.

"Thank you po." I said and smile.

"Sige po Titos ipapaayos ko na po kay Yvonne lahat nang kailangan niyang pirmahan at iyong regarding na din po sa paghohomebased niya. Ipapakilala ko po siya sa staff," Energetic na sambit ni Athena. 

"I already email Yvonne, Hinahanda niya na ang lahat. Tour her around Iha,"Tito Christian said.

"Okay po, Bye bye po," Athena said and i also bid goodbye to them. They both nodded. 

Una akong dinala ni Athena sa publishing department. And I found out why, Doon pala sila Kyle at ate Francine. Malayo palang kami ay nakita ko na si ate Francine na nakatingin sa amin habang nakangiti. At si Kyle? Ayon malapit lang kay ate Francine at kumakaway pa.

Malapit na kami kika ate Francine ng may marinig akong bumulong sa left side ko. Ewan ko kung bulong ba yon o sinadya niyang iparinig sa akin.

"Siya ba yon?" Someone whispered. And luckily, ATHENA heard it too.

"Ang alin?" Tanong ni Athena ng nakaarko ng mataas ang kilay. Mataray mode ang bruha.

"Ma'am?" Sagot ng babae na lalong nagpataas ng kilay ni bff.

"Just answer her if you want to keep your job," Ate Francine said to the girl. 

"Iyong kasama niyo po. Siya po ba iyong bagong gf ni sir Zeus? Parang siya po kasi iyong babaeng kasama po ninyo sa bar." Sambit ng babae at halos lahat ay nag aabang sa sagot ni Athena.

"Yes, Okay ka na?" Mataray na sambit no Athena.

Narinig ko na lang ang mahinang pagtawa ni Kyle at ate Francine.

"Wait,paano niyo nalaman?" Athena ask the girl.

"May nakapost po na  video na may kinakantahan si sir Zeus. Then,he even put his arm to her shoulder then she lean her head to his shoulder,"Singit nung kabulungan kanina ni ate girl.

"What video?" I asked. Napataas kilay ko nang mapasinghap sila.

"You can watch it later, My Queen," Sabi ng tao sa likudan ko. I turn my head to that person only to find out na baba ng isang lalaki ang mabubungaran ko at sobrang lapit niya. Hindi ko man lang naramdaman.

"Zeus, Sinusundo mo na ba siya? Pupunta pa kami kay Yvonne." Sambit ni Athena. 

"No need cousin, I have the papers and everything she needs. Puwede naman niyang basahin sa bahay ang contract. We just really need to go," Sabi ni Zeus. 

"Oh, may date kayo? Ikaw bessy hah. Hindi mo man lang ako ininform na may date pala kayo nang King mo," Nakangising sambit ni Athena. 

"Hah? Excuse me?" I said.

"Nakalimutan na naman niya. But it's okay. Let's go," Yaya sa akin ni Zeus. Tumingin ako kay Athena  at sinesenyasan niya akong sumakay na lang sa palabas. And i swear kawawa siya sa akin mamaya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status