Share

Chapter Two - Zeus's Reunion

Chapter Two - Zeus's Reunion

Nang makarating kami sa parking lot ay di agad ako sumakay sa kotse niya,.

"May problema ba?" he asked.

"What was that?" I asked him.

“Tungkol saan? Sa pagtawag ko sayong My Queen o iyong sinabi ko kay daddy na sasamahan mo ako ngayon sa Tagaytay?” he asked.

Yes, tama kayo. Kinausap namin ang daddy niya. Pagkagaling namin sa Publishing Department. Bumalik kami sa 13th floor pero sa unang pinto sa right side naman kami pumunta. Hindi man lang nga siya kumatok. Basta na lang siya pumasok at nagannounce na pupunta siyang Tagaytay at isasama niya ako. Hindi man lang ako tinanong kung gusto ko bang sumama.

“Both,” I said. Then, he smiled at me and he stared at me with amusement.

“You really are different. But well we have three hours trip, mamaya ko na sasagutin lahat ng tanong mo. Bibili muna tayo nang laptop mo at foods,” he said, then he opene the passenger seat.

Nagpunta kami sa pinakamalpit na mall. Una kaming pumunta sa bilihin ng laptop. Nagtatanong palang ako nang kalabitin niya ako at tawagin ang isang babae.

“Sir Zeus, I’m happy na bumalik po kayo kaagad. Naipaayos ko na po ang laptop na pinareserve ninyo kanina. Para po ba sa girlfriend niyo iyon? Ang suwerte niyo po Ma’am kasi limited edition po iyon at latest pa po. Last month lang po nailabas ang unit ng laptop na iyon.” mahabang sambit ng babaeng may makapal na makeup. Napangiwi na lang ako. Hindi dahil sa mga sinasabi niya kung hindi sa sobrang kapal ng makeup niya na nagmumukha na siyang clown.

“We’ll take it, here’s my card,” sambit ni Zeus sa babae.

Nagmamadali naman iyong babae. Siguro dahil sa commission na makukuha niya. Well,hindi ko siya masisisi.

“Here sir, ito na din po ang receipt. Pagpirma na lang po ako,” masigla pa ding sambit ng babae.

“Naku ma’am napakasuwerte niyo po sa boyfriend niyo, galante na guwapo pa,” sabi pa ulit ng babae na nakapagptaas ng kilay ko.

“Excuse me?” I said, but before she can answer me ay dali dali na akong hinila ni Zeus papuntang grocery.

“Bye sir, bye ma’am,” rinig ko pang paghabol ng mga staff sa store na iyon.

Nang nasa grocery na kami ay may nilabas siyang listahan at iniabot sa akin.

“Ano ito?” I asked.

“;List of food you need to put inside the cart,” sambit niya at saka umalis.

“Hoy, saan ka pupunta?” I shouted.

“Eskandalosang babae, babalik din ako kaagad may kailangan lang akong bilhin. Bago ka pa matapos ay nandito na ako.” sabi niya bago dali daling umalis.

“Ginawa pa akong yaya!” pabulong kong sabi.

I pushed the cart at una akong nagpunta sa mga bread. After getting two packs of Gardenia ay nagpunta naman ako sa mga instant food. Then,can goods, drinks on can, chips, and lastly chocolate. Nagpunta na ako sa cold drinks. Beers to be exact. Seriously? Patapos na ako ay wala pa siya. Nang makuha ko na ang lahat ng nasa listahan ay pumili na ako sa counter. Dalawa lang kami sa pila at patapos na iyong nasa harap ko. then, here comes Zeus. The almighty, Zeus. (sarcasm)

“Ang tagal mo,” sabi ko.

“Mabilis ka lang kaya akala mo matagal ako.”

“Ewan ko sayo!” I said with my eyes rolling.

“Get together ng tropa. College reunion. Kaya tayo pupuntang Tagaytay. Isang overlook hotel ang paggaganapan ng reunion.”

“Ano naman ang kinalaman ko diyan?” I asked.

“Just go with the flow. If you want something in return, just tell me how much.” he said.

“Like father, like son,” pabulong kong sambit.

“So, my dad tried to bribed you? Magkano ang offer niya sayo? I can double it,” he said. Rude.

“Excuse me! Mukha ba akong item na ipinagbibili? My gosh!” sambit ko at namumula sa inis.

“I didn’t say that. But please, go with the flow and I promised that I’ll do anything you want,” he pleaded.

“Anything?” sagot ko habang nag-iisip kung anong pinagsasabi nito.

“Anything, justb please accept the favor I’m asking,” he said.

Ewan ko ba. Parang kinakabahan ako. I barely know him. Pero iyong ipagkatiwala ako sa kanya ni Athena, it’s a big factor. And I don’t know why but I’m not scared of him. I feel safe. And I never felt safe with a stranfer before. Maybe he’s different.

“Okay,” maikli kong sagot sa kanya bago lumihig sa upuan para matulog.

Naalimpungatan na lamang ako dahil pakiramdam ko na para akong tinititigan at isa pa ang init ng pakiramdam ko. Then I heard someone talking.

“You take care of her, insan. She is my sister and I love her more than Apollo,” sounds like Athena. I opened my eyes but blurry because of the ray of the sun.

“Bestfriend, you are awake!” she said and when everything I see is clear, I look at her. She’s standing right next to me.

“What are you doing here?” I asked Athena.

“Making sure that Zeus is still alive,”

“Whatever!” I said and roam my eyes to the view.

It’s beautiful. Mukhang makakapagsimula na akong magsult ngaayon sa sobrang relaxing and inspiring ng lugar.

“Guys, bye for now. Baka malate ako sa meeting. Goodluck to the both of you,” she said before she enter to a Ferari that Apollo owned.

“Magretouch ka na at nang makapasok na tayo,” Zeus said.

“Wala ako ireretouch. Wait, magsusuklay lang ako saglit,” sambit ko habang nagfifinger comb.

Nang matapos na ako ay pumasok na kami sa lobby ng hotel. It’s look like a mansion. A big mansion.

“Good day ma’am and sir,” bati nang isang receptionist sa amin.

“Good day, I’m Mister Zeus de Dios.”

“Sir, here’s your key card. I’ll hope you enjoy you’re stay here,” sambit ni Addy. Iyon kasi ang nakalagay sa name plate niya.

“Saan ang card key ko?” tanong ko.

“We’ll stay in one room. Baki?  Maselan ka ba?” he answered with a smirk in his face.

“What? Make sure na hindi ka tatabi sa akin.”

“Di ba dapat ako ang matakot kasi baka gapangin mo ako?” he teased.

“Seriously, Zeus?”

“Magkasama tayo sa room, whether you like it or not,” he said.

Parang tinatapos na niya ang usapan namin at seryoso na siya ngayon hindi katulad kanina na pangisi ngisi pa. Mukhang mapapasubo ako sa desisyon ko. Parang gusto kong magbackout.

“Hey, there’s no turning back,” he said, as if he can read my mind.

“Whatever, jerk!” I said as a submission.

Nang makarating na kami sa room ay kaagad siyang humiga sa bed  habang ako naman umupo sa pinaka kanto ng bed. I get my phone and message Athena.

,Seriously bestfriend

ipagkakatiwala mo ako sa

isang taong two days ko

?palang nakilala

?Ano, seen lang

Enjoy bestfriend.

Good luck.

Harmless naman iyan, best.

Malay mo?  Siya na pala ang

Forever mo.

!Walang FOREVER

Bitter!

Malay mo pagbalik niyo

Nakascore ka na.

Pag hindi, gapangin mo.

Irresistible ka naman.

Magiging marupok iyan sayo.

!Sira ulo

?Anong palagay mo sa akin

!?Sabik

!Kadiri

Seen

Seen zone na naman ang bruha. Tatayo na sana ako nang maramdaman ko na may humawak sa braso ko.

“Nagugutom ka na ba?” tanong ni Zeus.

“Medyo,” sagot ko.

Nagulat ako nang biglang bumangon si Zeus.

“Tara sa restaurant nila. Balita ko open restaurant iyon. Kaya fresh air ang malalanghap mo,” sambit niya bago ako hatakin palabas ng kuwarto.

Sumakay kami ng elevator papuntang ground floor. Pumunta siyang reception area. Tinanong niya kung saan iyong restaurant. Sa likod pala iyon pero same building lang.

When we got there. It was breaktaking. It’s beautiful. Amazing, realaxing and overwhelming ang lugar. We sat on the side near the tree.

“Do you like it?” Zeus asked.

“I don’t like it because I love it,” I said.

“Good.”

“Waiter,” tawag ni Zeus sa isang babaeng nakatulala pa sa kanya.

Then, tinap siya nang kasamahan niya yata. Doon lamang ito natauhan at lumapit sa amin.

“’Magandang araw po maa ‘am and sir, here’s the menu.”

“No need, serve us your best seller, and two cups of Java Coffee,” he said before he asked me.

“May additional order ka pa My Queen?” he asked.

I raised my brow before rolling my eyes.

“That’s all, pero puwedeng pakiuna na ang coffee?” baling nito sa waitress.

“Yes po sir, just give me a three minutes,” masiglang sambit ng babae.

“Thank you, miss,” I said sincerely.

“My pleasure po,” she answered me before  she rushed to the counter.

“It’s their job to serve us, why you need to thank her for doing her job?” he confusedly asked me.

“Hey mister, mas magandang magtrabaho pagnakakarinig sila nang pasasalamat. Wala ka kasing alam, mayaman ka kasi,” I said.

He just laughed at me.

“Cute,” he whispered, but I heard it.

Our coffee served first. I take a sip. It’s really comforting. Coffee is life talaga. Nang nangangalahati na ang coffee ko ay dumating na ang order naming food. Hindi ko alam kung anong tawag doon pero mukhang masarap siya. Habang ibinababa ng nagseserve ang aming food ay may lumapit na isang babae at isang lalaki sa amin.

“Zeus? Is that you tol?” tanong ng lalaki.

“Ash? Kamusta ka na tol?” sabi naman ni Zeus at nakipag fist bump.

“Ito, happily married na. Naalala mo pa ba si Val?” Sabi ni Ash.

“Si Miss Nerdy? Don’t get me wrong, as I remember, lagi mo siyang binubully noon,” sabi ni Zeus.

“Yes, at lagi mo siyang ipinagtatanggol. Naalala ko pa iyong sinabi mo noon, you should not treat a woman like that,” sabi niyong Ash.

“Upo muna kayo, I offered.

Kanina pa kasi sila nag-uusap ni Zeus pero hindi man lang inalok. Kawawa si ate girl. Val yata ang name niya. I think she’s pregrant.

“Thank you, medjo nangangawit na nga ako. Are you Zeus wife?” the woman said.

“No,” I answered.

Then she looked at my hands to be exact to myb finger.

“Girlfriend, I’m Valerie but you can call me Val,” she said.

Hindi na lang ako kumontra dahil naramdaman ko ang mahinang pagsagi ni Zeus sa paa ko.

“Hera, call me Hera.”

“Seryoso? Hera talaga ang pangalan mo? Did you know that Hera is the wife of Zeus in Greek mythology? What a lovely couple,” she said.

I’m not a fan of mythologies that’s why I didn’t know at all na may mga asawa din pala ang mga Greek gods.

“She look puzzled miss encyclopedia, would you please stop that? Look, she’s blushing,” sabi ni Zeus.

“Well, she looks more attractive when she blush. Parang nakakatomboy ang ganda niya,”sabi ni Val.

“Palit tayo nang sit, gusto ko siyang katabi,” sambit ni Zeus.

Lalo naman akong nagblush dahil doon. My gosh, this man! Ano bang ginagawa niya sa akin?

“Seloso, it’s good to see that the god of the goddess is now a jealous god,” natatawang sambit ni Ash.

“Sino ba ang hindi magiging seloso pag ganito kaganda at kabait ang girlfriend mo, right?” sabi ni Zeus.

“Yes, I never seen you that protective to your girl,” sabi naman ni Val.

“Oo nga, pagkakatanda ko noong kayo pa ni Vera ay hindi ka ganyan kaprotective sa kanya, kaya nga minsan pagnakikita natin sila ni Lucas na magkasama anf lagi mo lang sinasabi na close lang sila dahil same course sila, but look what happened? Niloloko ka na pala nila, but now?” naputol ang sasabihin ni Ash.

“Hon!” saway ni Val na humawak pa sa balikat ni Ash.

Tinignan ko naman si Zeus. I saw sadness and pain in his eyes. I tap his hand na nasa ibabaw ng table. I think, gusto kong makilala ang babaeng gumawa nito sa kanya and I also want to know the story behind it.

“My King? Are you okay?” I asked.

Kailangan kong sumakay sa palabas niya.

“Huh,” gulat na sambit nito.

I smiled at him genuinely and I make sure na pinupungay ko ang aking mga mata na nakatitig sa kanya.

“I’m asking you My King, if you’re okay,” I said slowly.

I make sure my voice is sweet. Naramdaman ko na para siyang nanigas. Nagulat siguro sa ginawa ko.

“I’m okay My Queen, lalo na atb dumating ka sa buhay ko,” he said,then smiled back at me.

Hinawi niya ang buho kong sutil na tumatakip sa mukha ko.

“Ang ganda talaga nang reyna ko,” dugtong pa nito.

“Kinikilig ako sa inyo tol,” sabi ni Ash.

“Mahal na mahal nila ang isa’t isa, I’m so happy for both of you guys,” sabi naman ni Val.

Alam kong sobrang namumula ako. Ano ba itong napasok ko? Basta! Favor lang ito. Hindi ako mafafall kay Zeus. I’m just helping him. Makakakuha pa ako nang ideya sa kanya para sa next na story na gagawin ko. Relax, Hera. Go with the flow.

Badtrip na kape ito. Nagpapalpitate yata ako. Shocks! Pinabayaan ko na lang ang palpitation ko. kakain na lang ako at ieenjoy ang lugar.

Nakabalik na kami sa room namin. Pinagpahinga muna ako ni Zeus. Dinner time pa daw ang sunod na labas namin para sa gathering.

“By the way Hera, thank you. Pero ngayon ko lang nalaman na magling ka rin palang umarte,” sambit ni Zeus.

Umupo ito sa couch at inopen ang laptop. Like Naman, ako pa ba? Artist yata ako. Hambog ang peg ng lola mo.

I stared at him. He look so sad and lonely. I really want to meet that Vera and Lucas. I can’t imagine na ang isanf guwapo at mayamang tulad niya ay niloloko pa din. Mas kapnipaniwala pa kasi kung siya ang nagloko.

“Matunaw ako,” sambit ni Zeus.

“Ano ka? Icecream?” sabi ko sabay bagsak nang katawan sa kama.

Narinig ko ang paglangitngit ng silyang inupuan niya. Narinig ko din ang yabag niya pero pumikit lang ako. Inaantok talaga ako. Gusto kong matulog kasi baka mamayang gabi ay hindi na ako makatulog. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagdampi ng tela sa aking katawan. Napadilat ako. kinumutan niya ako.

“Anong ginagawa mo?” tanong ko.

“Kinumutan ka,” sabay talikod at balik sa harap ng laptrop niya.

I secretly smile. he’s really gentle and kind. I close my eyes and let myself rest. I know I’m safe with him. I have no doubt on that. Minsan lang talaga ay may pagkamayabang at arogante siya. Minsan naman para siyang tatay, istrikto.

I saw myself in the middle of nowhere. Punong puno ng mga bulaklak ang paligid. Marami ding nagttaasang puno. Para akong nasa loob ng maze. Naglakad ako papuntang kaliwa. May nakita akong fountain. May lalaking nakatayo doon at nakatalikod sa akin. He looks someone I’ve known. Humarap siya sa akin pero blurred lang ang mukaha niya. Lumapit ako sa kanya. Nang tuluyan na akong nakalapit ay bigla niya akong hinapit at akmang hahalikan pero biglang lumindol.

Nagising ako sa mahinang pagyugyog ni Zeus.

Panaginip lang pala ang lahat.

“Wake up, sleepy head, it’s dinner time.”

Bumangon ako at pumunta sa bathroom at naghilamos at toothbrush.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status