Share

Chapter 4.2:

Inimis ko muna ang mga gamit pang eskwela ko bago ako dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan at mag toothbrush. I went straight to my bed after.

I was constantly shifting my position on my bed as I try to fall asleep. But something is still bothering me. I looked at my wall clock and saw that it’s been an hour since I laid on the bed. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakatulog.

I groaned and decided to grab my phone under my pillow to check up on him. I bit my lower lip as I open our inbox, walang reply. Kahit return ng calls ay wala.

10 pm pa lang. Alam kong gising pa siya dahil madalas siyang maglaro muna ng computer games bago matulog, minsan ay inaabot pa siya ng madaling araw kapag masyadong nawiwili. I don’t know if today’s an exemption though. Since it’s his birthday.

Isang tawag lang, kapag hindi pa rin siya sumasagot ay bahala na siya sa buhay niya. I dialed his number as I tensely bit my fingernails, silently hoping for him to answer my call.

Napabangon ako sa kama noong sumagot siya! I sighed and was about to talk when I was cut off.

“Hi! Who’s this?”

Natigilan ako. It was a woman’s voice. Tiningnan ko ang screen ng cellphone para malaman kung tamang number ba ang tinawagan ko at nakitang kay Rafael nga iyon. Sino itong sumagot at may hawak ng cellphone niya kung ganoon?

“Hello?” she was giggling. Maingay ang background mula sa kaniya, tunog nang malakas na music at nagsasayang mga tao. “Hello, who’s this nga—”

“Damn it, Sia! Don’t touch that!” imik ng isang lalaki mula rin sa linya niya. “Rafael will be pissed if he sees you with his phone!”

“Why? Can’t his girlfriend—”

“Sino ba ‘yang tumatawag? Akin na nga!”

Kunot-noo ko lamang na pinakikinggan ang pag-aagawan nila ng cellphone. I waited for them to calm themselves so I can talk to them properly. Hindi ko sila kilala. Ngunit hindi rin naman responsibilidad ni Rafael na ipakilala sa akin ang lahat ng kakilala niya. Sa kaisipang iyon ay nakaramdam ako ng panlulumo na hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Shit! Shit! We're fucking dead, Sianna!"

Iyon ang huli kong napakinggan noong biglang namatay na ang tawag. Dahan-dahan kong inilayo ang cellphone mula sa tainga ko at tinitigan ang screen nito. That 10 minutes call shook me so bad, huh.

Hindi ko alam kung paano ba ako nakatulog kagabi sa dami kong iniisip. Bigla kong pinagsisihan na tumawag pa ako't nag-alala. Mukha namang okay siya at nagsasaya.

I nonchalantly checked my phone, already used of doing this because I often receive messages from Rafael in the morning. At halos malaglag ang cellphone ko sa mukha noong makita ang message notifications mula sa kaniya!

From: Rafael

Good morning!!!

From: Rafael

Ang ganda ng sikat ng araw, mainit. Kaya sana hindi rin mainit ang ulo mo, hehe.

From: Rafael

Joke!

From: Rafael

Punta ako sa inyo, sabay na tayong pumasok. I know you miss me, so…

Mas lalong sumama ang araw ko dahil sa bungad niyang mga text. Marami pa iyon at halos hindi ko na basahin ang iba dahil sa inis.

I was already drinking my milk when I heard our gates open. I heard Seira shrieking while running towards the person who arrived. Napairap ako at hindi sinasadyang padabog na inilapag ang baso sa lamesa. Mabuti na lang at nasa labas si Mama at Seira at hindi iyon nakita.

Tumalikod na agad ako at inabala kunwari ang sarili sa lababo noong makapasok na sila sa kusina. I can hear Seira's little voice as she talks to Rafael, nag papa-cute ang kapatid ko. I almost rolled my eyes at that.

"May girlfriend na 'yan," imik ng traydor na boses sa isip ko.

My 6 years old sister looks up to him so much that she even wishes to get married to someone like him in the future. Buti pa siya may plano at balak na agad sa pagpapakasal sa murang edad, dinaig pa ako. Samantalang ayaw ko namang magpasakal.

"Ate! Kuya's here!"

I only nodded my head and didn't put much interest with the information that she gave me. Should I celebrate that he's here?

I really hate waking up in a bad mood.

"Siorse, ipaghanda mo ng plato si Rafael."

"May kamay siya, ma," nakasimangot kong saad.

Sinamaan ako ng tingin ni Mama at agad na pinagalitan. Rafael bit his lower lip as he studies me with his menacing eyes. Ngumuso ako at inirapan siya bago kumuha ng plato.

Peste! Isa siyang peste!

"Okay lang, tita. Nakakain na po ako sa amin. May dala rin po pala ako."

"Naku! Hijo, nag-abala ka pa. Salamat!"

Suminghal ako at agad na ibinalik ang mga kinuha sa lalagyan. Sana sinabi niya agad, diba?

Walang lingon akong umakyat para makapunta sa kwarto. I combed my hair again and wore my headband since it's still wet and I can't tie it up. I sprayed some perfume and put some powder on my face. Noong tingin ko'y ayos na ay bumaba na ako suot-suot ang bag.

Agad na sumibol ang simangot ko noong makita si Rafael sa sala na naghihintay. He immediately stood up when he saw me. His eyes were somber but I can still see the amusement in it. May multo pa ng ngiti sa labi.

Humingi na ako ng baon kay Mama at nagpaalam. Hinalikan ko ang pisngi ni Seira at saka ako tumalilod na para umalis.

"Alis na kami, tita," si Rafael.

"Mag-iingat kayo, hijo."

"Bye, kuya Rafael!"

Pagkasuot ko ng sapatos ay naglakad na agad ako paalis doon, hindi na siya hinintay. Nakita ko ang pagmamadali niyang maisuot ang kaniyang sapatos para makahabol sa akin kaya't bahagya akong natawa. Ngunit noong tumingin na siya muli sa akin ay mabilis akong sumimangot.

"Sebi!"

I groaned and was already half running when I heard his voice nearing. It wasn't long enough when he suddenly appeared in front of me to stop me from walking further. I glared at him and stepped aside but he also moved to block me again. I did it once more and he just copied me.

"Umalis ka nga d'yan!"

"Mag-uusap muna tayo."

"What? Rafael, male-late tayo."

"Mag-uusap tayo," malumanay niyang sabi. "Yung kagabi..."

"Hindi mo naman kailangan mag paliwanag tungkol diyan, Rafael. Birthday mo kaya natural na mag celebrate ka.”

Tumango siya. "I'm sorry for making you worried."

I shoved my hand at him. "Ayos na 'yon, naiintindihan ko naman."

"My family held a celebration for me. I... I wasn't holding my phone so..."

"Ayos nga lang, Rafael."

"Hindi ko siya girlfriend."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya dahil sa bigla niyang sinabi. Mapanuri ang kaniyang mga mata, tila inaabangan ang magiging reaction ko. I just sighed and nodded at him.

"Yung sumagot ng tawag mo."

"Ano namang pakialam ko d'yan?"

"She's a family friend. She saw my phone ringing so she answered it. Medyo lasing siya kaya—"

"Ayos nga lang."

"It doesn't look like it," seryosong aniya habang nakatitig sa akin.

"Rafael, it's not a big deal."

"Are you upset with me?" He crouched to equal my eyes. Napaurong ang mukha ko dahil doon.

"Ano bang—syempre hindi!"

"Galit ka."

I scoffed. "Bakit naman ako magagalit?"

"I don't know. Maybe because a girl answered your call instead of me?"

"What?" Kumunot ang noo ko at bahagyang itinulak siya palayo. I grimaced. "Why would I be angry for that, Rafael?"

"Baka nagseselos ka—"

"That's ridiculous. Wala akong gusto sa 'yo para magselos."

He stared at me, pursed lips and furrowed eyebrows. Seryoso siyang tumango at iniwas ang tingin sa akin. Ipinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng pants niya at hinarap ang katawan sa ibang direksyon.

"Right..." bulong niya.

I pouted. "Hindi ako galit, hindi rin ako nagseselos. Bilang kaibigan mo, nag-alala lang ako dahil hindi ka sumasagot sa tawag at text ko."

"Yeah..."

"Okay na? Pwede na tayong pumuntang school?"

Tumango siya at maikling ngumiti. He murmured something underneath his breath, hindi ko 'yon naintindihan kaya binaliwala ko na lang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status