Share

Chapter 5.1:

Ilang beses akong napapalingon kay Rafael na katabi ko sa tricycle. His silence made me feel weird. Seryoso lang siyang nakatingin sa unahan, ang kaliwang kamay ay nilalaro ang labi na alam kong ginagawa niya lamang kapag malalim ang iniisip. Hindi ko tuloy maiwasang mabahala dahil doon, inaalam kung may kinalaman ba ako.

Pinili ko na lang rin manahimik para hindi siya maistorbo. He paid for our ride and I remained watching him still. Kahit isang beses ay hindi siya lumingon sa akin. Kahit noong sinenyasan niya na akong mauna sa paglalakad ay nanatili siyang sa iba nakatingin. My forehead creased out of confusion as I gradually walked past through him. I tilted my head as I try to think of an answer of why he is acting so weird. Sa huli ay umiling na lang ako.

"Sebi! Hulog ka talaga ng langit!"

Ang natatarantang si Rein ang nadatnan ko noong makapasok na sa room. Sinalubong niya ako at halos hilahin paupo sa pagmamadali.

"Nagawa mo yung assignment natin sa math? Pagaya, please!” She clasped her hands together as she pleaded.

"Bakit? Wala ka?"

"Nakatulog ako kagabi!" aniya. "Please, babawi ako. Gagawin ko ang assignment mo next time para quits tayo!"

"Wag na," I sniggered. "Two items lang naman yung assignment."

Inabot ko ang bag mula sa likod ko para kuhanin ang aking notebook. Saktong naabutan ko rin ang pag-upo ni Rafael sa pwesto niya na hindi pinansin ang nakaambang high five ni Atticus. Basta na lang siyang umubob sa kaniyang lamesa.

May problema ba siya? Mukha pa naman siyang ayos kanina, ah.

Inabot ko kay Rein ang notebook ko at halos halikan niya na iyon sa tuwa. She immediately copied my homework para makaabot siya mamaya sa pasahan. Dahil wala naman akong magawa ay kinuha ko na lang ang cellphone ko para mag-open ng social medias. I often visit these, though. I find it unnecessary and a waste of time. Kapag wala lang talaga akong magawa at bored ko ito binibisita.

Napatuwid ako ng upo noong may biglang pumasok na notification mula sa social media app ko while I was scrolling through my feed. Nanliit ang mata ko at pilit na hindi pinahalata ang gulat na reaksyon noong makita kung ano iyon.

Levi James Fernandez sent you a friend request. Accept or decline.

He made a new one? Kailan pa? Natatandaan ko kasing blinock ko siya sa dati niyang account noon. Siguro ay bago ito.

I cleared my throat and shifted on my seat a little so I could have a better position as I consciously hide my phone. I clicked his profile to stalk him out of curiosity. Hindi ako nagpapahalata lalo na’t alam kong nasa loob ng room na rin siya at nasa huling row nakaupo.

Ang mga posts niya ay mula sa mga tag lang sa kaniya ng mga kaibigan, wala akong nakasalubong na sa kaniya mismo. I ended up clicking his album photos and checking each one of it. Halos mapasinghap ako at mabilis na nag-scroll up noong umabot ako sa topless photos niya! Ngunit pakiramdam ko’y binuhusan na ako nang malamig na tubig noong mapindot ko ang like button sa isa sa mga iyon!

“No,” natataranta kong wika habang mabilis na binawi ang like at umalis na sa kaniyang account. Pinatay ko na rin ang cellphone ko pagkatapos at hindi na muling liningon ito.

Sebi, ang tanga lang!

Nakita niya kaya ‘yon?! Natanggap niya kaya yung notification? Sana’y hindi. Ibabaon ko ang sarili sa lupa kung oo!

Inabala ko na lamang ang sarili sa panonood kay Rein na halos umangat na ang pwet sa pagmamadaling magsulat. Kitang-kita ko kung paano siya muntikang matumba sa upuan noong biglang dumating na si Sir.

"Good morning, Sir!"

Seryoso lang na tumango si Sir at pumunta na sa table dala ang kaniyang lesson plan at measure stick. I glanced at Rein with a concerned face. Nasa number one pa lang siya dahil mahaba-haba nga ang solutions. Kailangan niyang bilisan bago pa matapos mag-check ng attendance si Sir.

"Manalo, Maverick Rosu E.,"

"Present Sir!"

"Montero, Rhenzano L.,"

"Present!"

I heard Rein's low swearing when she realized that he's almost done with the boys.

"Romero, Atticus Kaison T.,"

"Present!"

"Zulueta, Tristan Arthur E.,"

"Present!"

Parehas pa yata kaming napahinga nang maluwag noong matapos siya.

"Royo, Reineste Liana M.,"

"Present!!!"

Napangiti na lang ako sa sigla ng kaniyang boses. Siguro ay dala na rin ng adrenaline rush mula kanina kaya't masyadong napalakas ang sabi niya. Ilang pangalan pa ang nabanggit bago ko napakinggan ang akin.

"Velasco, Siorse Briellei R.,"

"Present!"

Nagsimula na rin ang klase pagkatapos ipapasa ni Sir ang assignment. Ngingisi-ngisi pa si Rein habang ibinibigay 'yon dahil nahabol niya pa ito kahit dehado na sa oras kanina. Natatawa na lang akong napailing sa itsura niya. Masyado kasing strikto itong si Sir kaya't kapag wala kang assignment, sa labas ka lang hangga’t matapos ang klase.

Dalawang subject pa ang dumaan bago pa tumunog ang bell para sa recess.  

“Nag-commercial kanina yung Nescafe sa TV. Sabi, para kanino raw ako bumabangon? Eh, gago, paano kung hindi na ako natutulog?” ani Rein habang naglalakad na kami papuntang cafeteria.

Mavros grimaced. “‘Yan na yung joke mo? Sure ka na d’yan?”

“Ikaw? Sure ka na d’yan sa mukha mo? Mukha kang napingot na tinidor, sure ka na d’yan?”

“Isusumbong kita kay Mama! Magkamukha kaya kami!”

“Sure kang hindi ka ampon?”

“Ang sama ng ugali mo!”

Inilangan ko na lang ang bangayan nila at halos manguna na sa paglalakad dahil naririndi sa kanilang mga boses. Ayan na naman ang walang k’wenta nilang pag-aaway! Hindi pa iyon natapos kahit nasa cafeteria na kami. Mavros even went to the counter immediately, leaving us behind. Though, Rein followed him to continue their quarrel. Napapaiwas na lang nga ang iba, meron pang mga nagpa-una na sa kanila sa pila sa takot na mapagbuntungan ng singhal. ‘Yon tuloy at naiwan ako sa lamesa dahil walang magbabantay.

My body automatically straightened when someone suddenly appeared in front of me. Prente itong umupo sa bakanteng upuan sa unahan ko habang suot-suot ang kaniyang natutuwang ngisi. I watched him settle then with my forehead slowly creasing in confusion. Ngunit nag-iwas agad ako ng tingin noong magkasalubong ang mga mata namin. His presence reminded me of that stupid stunt that I did a while ago.

"You didn't accept my friend request," he said.

Tumikhim ako at umayos ng upo.

"Naubusan ako ng load."

"Hmm, maybe browsing my pictures consumed too much data, huh?"

He saw it!

Levi chuckled at my reaction. Kahit hindi ko tanungin kung nakita niya ba ay alam ko na ang sagot doon.

"Bakit mo binawi yung like?" he continued. "I felt proud of myself when I saw it."

I glared at him. "Napindot ko lang."

"Then you admit stalking me?"

"Is it forbidden?" I asked like it was nothing. "I was just curious."

"Why were you curious?"

"Why are you curious?" I asked back, emphasizing the third word.

He shifted on his seat a little, his features suddenly clouded with an anxious expression. Tumaas ang kilay ko dahil doon. Ano? Wala kang masagot?

“You know the answer.”

“I don’t.”

“Sebi.” He suddenly tried to reach for my hand above the table and I immediately removed it away from him. Napatikhim siya at saglit na tumitig sa kaniyang kamay bago muling tumingin sa akin, namumungay na ang mga mata. “Can I talk to you?”

“We are talking.”

“No, I mean, with just the two of us.”

Sumingkit ang aking mga mata sa paninitig sa kaniya. “Bakit?”

“I just want to talk about what happened before––”

“Matagal na ‘yong tapos.”

“You moved on?” marahang tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin. It felt like I was suddenly all out of words to say. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya masagot ng diretsahan. Lalo na kapag naiisip kong masasaktan siya. Is this my guilt talking or is it something deeper?

“Siorse,”

Umiling-iling ako dahil sa mga naiisip at wala sa sariling tumayo na sa upuan, balak nang umalis. Sa taranta niya ay mabilis din siyang tumayo agad, dragging the chair a bit. Naggawa iyon ng ingay kaya’t napalingon sa amin ang iba.

I sighed and looked at him with a flat expression. I just find this conversation pointless.

“Mauna na ako,” saad ko. Ang akma kong pagtalikod at pag-alis ay napigilan niya noong mahawakan ang aking braso. Agad ko iyong inalis at tiningnan muli siya. He looks devastated and my heart ached a bit with concern. Remembering him as a dear friend before. Kung sana ay nanatili na lang kaming magkaibigan noon.

“Mag-usap tayo, please?”

“It’s pointless, Levi. We already talked about it when you messaged me before—”

“Iba ‘to. Hear me out first.”

“It’s already in the past, Levi. We already moved on—”

“Ako… hindi pa.”

My lips parted, startled about what he just declared. Agad ko itong naitikom noong matauhan at humakbang paatras. Umiling-iling ako at nagbaba ng tingin. Nakakaramdam man ng panghihina dahil sa pagbigat ng kung ano sa aking dibdib, lakas loob akong tumalikod at mabilis na umalis doon. Napadpad ako sa likod ng gymnasium kung saan naroon ang mga sirang upuan. I sat down there and palmed my face, feeling my sweat from the running that I did to escape from that scene.

Pumikit ako nang mariin habang pinapakalma ang sarili. Ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay nagpaalerto sa akin. Natatakot na tumitibok ito dahil nagbibigay reaksyon sa inamin ni Levi at hindi dahil sa pagtakbo ko kanina.

Ang ginawa niya sa akin noon ang nagpatibay pa sa harang na itinayo para sa sarili. Ayoko nang masaktan dahil hindi ako kayang panindigan. Ayoko nang maiwan ulit. Nakakatakot ang idinulot nitong pakiramdam sa akin.

Levi was a persistent suitor since 7th grade. Ilang beses akong umiwas at inignora ang mga pahiwatig niya at mga pagbabalak ng panliligaw. It wasn’t just because I don’t believe in love that much, but also because I’m too young to consider it. But his persistency pushed me to the edge of my beliefs. Until I was slowly letting myself accept his warmth to melt my stone-cold heart.

Is it because we were constantly teased with each other? Is it the reason why I developed my feelings for him? 

Or maybe because I’m a lost child… seeking for the affection that my parents failed to give. Kaya noong may magparamdam noon sa akin ay tinanggap ko kahit may takot sa puso.

Ngunit hindi ko naman alam na agad ko iyong pagsisisihan. Kung tutuusin, wala naman kaming responsibilidad para sa isa’t isa dahil hindi naman nalagyan ng pangalan ang kung ano mang meron kami. Levi suddenly disappeared in our lives, that's what I remember so vividly. One day, he just suddenly didn’t show up in school.

Araw-araw akong nag-aabang dahil sa pag-aalala. My friends were mocking me that he already ghosted me. Hindi ako naniniwala dahil may tiwala ako kay Levi. Yet three months after he left, our grade 8 adviser confirmed that he already moved to Manila. Without even saying goodbye.

Of course, I needed the closure. Hindi man namin nabigyan ng pangalan ang kung anong mayroon kami noon, mayroon pa ring namagitan sa aming dalawa.

Hanggang sa nawalan na rin ako ng pakialam.

Sabi nila, ghosting daw ‘yon. Oh, edi salamat sa pamumulto! Remain as a ghost from the past then.

From: Rein

Nasaan ka? Hindi ka nag-recess! May ipapabili ka ba?

From: Mavros

Kumain ka na? Nasaan ka?

Isang malalim na buntonghininga muli ang pinakawalan ko habang binabasa ang mga mensahe nila.

From Rafael:

Where are you? Hindi ka pa kumakain.

I was tapping my phone as I attempt to reply to his message. Ngunit pinigilan ko ang sarili at ibinaba na lang muli iyon. 

Ilang minuto pa ang itinagal ko roon bago ako nagdesisyong umalis na. Pinagpagan ko ang palda mula sa pagkakaupo ko sa sira at lumang upuan dahil siguradong nadumihan. Tumunog na rin ang bell kaya’t nagmadali na agad akong tumakbo papunta sa building namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status