Share

Chapter 11

Chapter 11

Hilong-hilo si Marion paggising niya, nangangasim din ang sikmura niya.

Bahagya lang siyang nagmulat ng mga mata nang makarinig ng mga katok. Alam niyang Lola niya iyon.

"Marion, apo bangon na," tapik nito sa binti niya nang makapasok sa munting silid niya.

Itinakip niya ang unan sa mukha nang buksan nito ang kurtina sa kwarto niya. Parang mas lalong sumama ang pakiramdam niya nang makita ang papasikat na araw.

"Tanghali na, baka malate ka," ulit nito.

"Baka um-absent po muna ko La," matamlay na sagot niya nang ibaba ang unan.

"Masama ba ang pakiramdam mo? Namumutla ka," bumadha ang pag-aalala sa mukha nito.

Kaagad siya nitong nilapitan at sinalat ang noo at leeg niya.

"Hindi ka naman nilalagnat, ano bang nararamdaman mo?" tanong nito nang masalat na normal lang naman ang temperatura ng katawan niya.

"Medyo nahihilo ako La, saka sumasakit din ang ulo. Medyo nangangasim din ho ang sikmura ko," napapikit na aniya.

"Paano'ng hindi mangangasim ang sikmura mo? Hindi k
Superyora Mizian

Hey guys, could you please leave 5 stars kung nagustuhan niyo po? Salamat.

| Sukai
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status