"Hello po, Tita," bati ko sa ina ni Sammuel na naabutan namin na hinahanda na ang mesa."Nand'yan na pala kayo. Nako! Pasensya na hindi ko pa nalinis ang mesa," mabilis na kumuha ng pampunas sa mesa ang ina ni Sammuel. "Ma, ako na po dito..." Pero inagaw ni Sammuel ang basahan sa kanyang ina. "'Wag na, tawagin mo na lang ang Papa mo na nandoon sa likod, hinahagod na naman ang kanyang manok." Hindi nakinig si Sammuel sa sinabi ng ina niya, kinuha pa rin ni Sammuel ang basahan sa kanyang ina at siya na mismo ang nagpunas sa mesa."Ako na po, baka may niluto pa kayo doon," sabay lingon ni Sammuel sa dirty kitchen nila.Napangiti na lang ako habang pinapanood ko si Sammuel na nagpupunas ng mesa. I'm so lucky to have him. Mahal niya ang kanyang pamilya, may respeto, maalaga, at malambing pero hindi mawawala ang pagiging gwapo niya. "Uh, Tita Sonya tulungan ko na po kayo sa pagluluto," iniwan ko si Sammuel doon para puntahan si Tita Sonya para tulungan siya."Malapit na ako matapos kay
Ang bilis ng panahon, ilang buwan na lang graduate na kami ng Senior High School, maraming preparations mas dumadami ang mga school works na dapat asikasohin. Tuwing tanghali lang kami minsan nagkakatime ni Sammuel sa isa't isa dahil sa subrang busy na dahil graduating kaming dalawa. Sa gabi rin ay halos hindi na kami nag-uusap sa phone dahil kahit sa gabi ay may ginagawa kaming school works.Pero kahit busy kaming dalawa hindi pa rin kami nawawalan ng time sa isa't isa. Sinisiguro ni Sammuel na nag-uusap kami araw araw, nagkukumustahan at nag-o-open up sa isa't isa gan'yan ang ginagawa namin para mas lalong mapatatag ang relasyon namin. May pangarap kaming dalawa, pangarap ko ay pangarap din ni Sammuel. Pinlano na namin ang future naming dalawa noong nakaraang araw nga ay nagpa-plano kami sa mangyayari sa amin sa college at kung ano ang mga possibilities na mangyayari."Siguradong mas lalo tayong maging abala sa college dahil mas mahirap na sa college," sabi ko. "We will graduate.
"This is it!" Masaya kong sigaw habang nakatingala sa pangalan ng eskwelahan na pinasokan namin ni Sammuel.Laking pasalamat namin na pasado kaming dalawa sa entrance exam, nag take din kami ng scholarship para mabawasan ang gagastohin namin."College na tayo, love!" Niyugyog ko ang balikat ni Sammuel. Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, "para sa pangarap nating dalawa... G-Graduate tayo sa eskwelahang 'to." "Para sa pangarap!" Hawak kamay kaming naglakad papasok, may ibang napapalingon may iba ding walang pake. Tinulongan ako ni Sammuel na hanapin ang first subject ko. "Ang layo pala natin 'no," na realize kong ang layo layo naming dalawa sa isa't isa tapos iba iba pa ang schedule namin. "Sa tanghali hihintayin kita." Marahan niyang sambit.Tumango ako at bumaba ang tingin sa lunch box na dala dala ni Sammuel. Siya ang nagluto ng tanghalian namin mamaya, sinabihan ko siya na ako na magdadala ng lunch namin kaso ayaw niya kaya hinayaan ko na lang siya. "Nandito
"H-Hindi ka ba masaya na makita kami?" Humina ang boses niya, humiwalay siya sa yakap at hinaplos ang mukha ko. "Masaya ako..." Sambit ko at bumaling sa lalaking nasa likod niya. Napansin naman niya na napatingin ako sa likoran niya kaya napalingon din siya doon at hinawakan ang kamay ng lalaki at hinila palapit sa akin. "April, anak... Siya nga pala ang kuya mo... Si kuya Tyler," ngumiti siya. Napatingin naman ako sa kamay ni Tyler na nakalahad na ngayon sa harap ko. Hindi man lang siya makangiti sa akin, gano'n din ako sa kanya, hindi ko magawang ngumiti. "Nice to meet you my baby sister," unti unting umangat ang labi niya. Napangiwi ako doon sa sinabi niyang baby sister, pero tinanggap ko pa rin ang kamay niyang nakalahad. "April..." "Anak, doon kayo mag-usap sa sala," hinawakan ni Mama ang kamay ko at iginiya sa sala, sumunod naman ang biological mother ko at ang kuya ko sa amin sa sala. Lumingon ako sa likod para sinyasan si Sammuel na sumunod sa amin, ngumiti lang siya sa
"Ganito pala kayo kaaga pumapasok sa eskwela? Sa Argentina kasi hindi," "'Wag mong itulad ang eskwelahan mo sa Argentina sa eskwelahan ko dito sa pilipinas." Umirap ako at umayos ng pagkaupo. Kanina pa niya binibida ang eskwelahan niya sa Argentina. Ang ingay ingay niya habang nag b-byahe kami papunta sa eskwelahan. Hinatid niya ako ng maaga at ito siya kanina pa nagrereklamo dahil ang aga daw niyang ginising para lang ihatid ako. Mabuti na lang nagtext sa akin si Sammuel na maghihintay na lang daw siya sa akin sa gate para sabay na kaming pumasok. "Naghihintay na ang boyfriend ko sa gate ng eskwelahan namin kaya dalian mo sa pagmamaneho." Nilagay ko ulit sa bulso ko ang cellphone. "Kaya mo ba gustong maagang pumasok kasi maaga ring pumasok ang boyfriend mo?" Nilingon ko si Tyler, nakataas ang kilay niya at diretso ang tingin sa kalsada. "Ang dami mo namang tanong, mag maneho ka na lang." Sana nag commute na lang ako eh ang daming tanong ni Tyler pwede namang tumahimik na lang
Nagsimula na akong magtrabaho nang matanggap sa trabaho ko. Sa isang convenience store ako pumasok na 24/7 na bukas. Alas otso naman sa gabi hanggang sa ala una ng maaga ang trabaho ko. Hinilot ko ang batok ko pagkalabas ko sa convenience store, may papalit na naman sa akin para magbantay hanggang umaga.Napalingon ako sa lalaking naglakad palapit sa akin. Pagod akong ngumiti kay Sammuel. Ilang buwan na rin akong nagtatrabho dito sa convenience store kahit subrang nakakapagod dahil papasok pa ako sa paaralan sa umaga tapos dito naman sa convenience store ako pumapasok sa gabi."Let's go home, love," bulong ni Sammuel sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Pareho tayong pagod, Sammuel sana nagpahinga ka na lang sa apartment. Kaya ko namang magcommute pabalik sa apartment, eh." May trabaho din kasi si Sammuel. Ilang buwan na rin siyang nagtatrabaho sa isang construct
"Oi, April!" Hindi ko alam na ang aga pala ng lalaking 'to dito sa bahay nila Tyler. "Naks, walang kupas ang iyong ganda." Inakbayan niya ako. Inis ko namang tinangal ang braso niya sa balikat ko. Feeling close lang ang lalaking 'to. "Kilala mo pala kapatid ko?" Sumulpot si Tyler. "Yes, noong 1st year ko pa siya napapansin pero hindi ko malapitan," umiling ito. "Paano mo malalapitan eh loyal 'yan sa boyfriend niya." Umiling din si Tyler. Inirapan ko na lang silang dalawa at pumasok na sa loob. Naiirita lang ako kapag mananatili pa ako doon. "Nasaan pala ang boyfriend mo?" Napairap ako. Hanggang dito ba naman susundan pa rin niya ako. Kahit sinabi niyang kaibigan lang ang habol niyasa akin, hindi ako naniniwala doon. Kabaliktaran ang pinapakita niyang kilos sa mga salita niya. "May dadalohan siyang party mamaya," sagot ko, hindi siya nilingon. "Ah! Doon ba sa
Hindi ako makatulog, hanggang sa nag-umaga na ay iyak pa rin ako nang iyak. May klase kami ngayon pero hindi kami pumasok. Hindi ko alam kung nasaan si Sammuel ngayon, hindi siya umuwi sa apartment namin. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.Namamaga na ang mata ko sa kakaiyak. Palaging pumapasok sa isipan ko ang mga masasakit na salitang lumabas sa bibig ni Sammuel kanina. Parang isang kutsilyong bumaon sa puso ko, subrang sakit...Hindi siya naniniwala sa akin... Hindi siya naniniwala sa akin na hindi ako 'yon. Hindi ako nakipagtalik sa iba. Hindi ko nga rin alam kung saan ba galing ang litrato na 'yon. Oo, mukha ko ang nandoon tsaka pareho kami ng damit na sinuot pero alam kung hindi ako 'yon. Hindi ako nakipagtalik sa iba.Hinarass nila ako kagabi... Hinarass ako ng kuya ko. Pinagtulongan nila ako kagabi, kung hindi lang sila pinigilan ni Kristoffer baka ginaha