LOGINELARA'S POV:“Mommy! We’re home! Someone bullied Rhevan, kaya ipinagtanggol ko siya. I already reported that bastard to the principal’s office!” may bahid ng galit na saad ni Elraeh pagdating namin galing eskwelahan.“Hello mga anak, welcome home. Come here, boo-boo and bee-bee,” malambing kong sabi saka ibinuka ang mga braso ko para salubungin sila ng yakap.“Hello my wife,” bati ni Rhett sabay halik sa labi ko.“Hello my hubby,” nakangiti kong tugon.Paglapit nila ay niyakap ko silang tatlo ng mahigpit. “Sinong nagpaiyak sa Rhevan namin? Ha? Para maturuan ng leksyon,” may halong gigil kong sabi habang hinahaplos ang pisngi ng anak ko.Namumula ang mga mata ni Rhevan, halatang katatapos lang umiyak. Kumirot ang dibdib ko sa itsura niya. “Hush… I want you to be brave, anak,” mahinahon kong wika. “Kapag may nang-aaway sa’yo, kailangan matuto kang ipagtanggol ang sarili mo. Hindi palaging nariyan si Elraeh o kami ni Daddy. Do you understand?”“I-I’ll try, Mommy,” mahina niyang sagot.Pa
ELARA’S POV:Nagising ako sa mahinang tunog ng alarm at agad ko itong pinatay bago pa tuluyang magising ang mga kambal. Madilim pa sa loob ng kwarto pero ramdam ko na ang tahimik na kasabikan ng gabi. Ang asawa ko ang gising ngayon. Siya naman ang umidlip kanina para ako naman ang makabawi ng tulog ngayon. Ganito na yata talaga kapag may kambal. Mas kailangan ng extra na effort at puno ng pang-unawa sa pag-aalaga sa kanila.“Good evening, my wife. Did you have a good nap?” tanong ni Rhett habang inaayos ang kumot sa tabi ko.“Good evening, hubby. Oo, sapat na,” sagot ko sabay bangon, ramdam ko pa ang init ng unan sa pisngi ko.“Do you want us to eat first, or should we put the twins to sleep?” tanong niya ng kalmado.“Patulugin muna natin sila, saka tayo mag-dinner. Ikaw, hindi ka ba gutom?” tanong ko.“I’m good. Let’s eat together later,” sagot niya sabay halik sa noo ko, ‘yung halik na may kasamang assurance at pagmamahal.Pinadede muna namin sina Elraeh at Rhevan, sabay marahang pi
ELARA’S POV:Napakabilis ng panahon. Parang kahapon lang ay single ako, puno ng pangarap, may takot at walang kasiguraduhan sa future ko. Pero ngayon, isang taon na ang lumipas at heto ako, may asawa na at may kambal, may masaya at buong pamilya. Papalapit na ang bagong taon at habang papalapit ang alas dose ay mas lalo kong nararamdaman ang bigat at saya ng lahat ng pinagdaanan namin sa nakaraan.New Year is coming. Ilang araw na lang at bubukas na naman ang panibagong kabanata ng buhay namin. Sa puso ko, iisa lang ang panalangin ko. Ang magandang kalusugan, kaligtasan at sapat na biyaya para sa buong pamilya ko. Wala na akong hinihiling pa.“Good morning, my wife. Good morning, Rhevan and Elraeh. How was your sleep?” malambing na bati ni Rhett habang yakap niya ako mula sa likod nang bumangon siya sa kama.Ngumiti ako at sandaling pumikit, dinama ang init ng yakap niya. Pagkatapos ay lumapit siya sa mga kambal na tahimik na nakahiga sa kani-kanilang crib. Isa-isa niyang hinalikan an
ELARA’S POV:Tahimik ang gabi sa ospital. Malamlam ang ilaw sa loob ng kwarto dahil mahimbing na ang tulog ng mga kambal. Naririnig ko lang ang mahinang tunog ng monitor at ang banayad na paghinga ng mga anak ko. Hawak ko ang munting kamay ni Rhevan habang si Elraeh ay payapang natutulog sa crib sa tabi namin. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang doktor, hawak ang chart at may bahagyang ngiti sa labi.“Good evening, Mrs. Alaric,” bati niya.“Good evening din po, Doc. Kumusta na po ang lagay ni Rhevan?” tanong ko, pilit kinakalma ang sarili.“Stable na ang vitals ni Rhevan. Positive ang response niya sa treatment. If this progress continues, there’s a good chance he can be discharged tomorrow. Excuse me,” maayos nitong paliwanag bago tuluyang lumabas ng kwarto.Napapikit ako at tuluyang pumatak ang luha ko, pero hindi na ito luha ng takot. Kundi luha ito ng ginhawa, ng pasasalamat at ng pag-asang muling babalik sa normal ang lahat, kasama ang mga kambal namin.Naramdaman ko ang mg
ELARA'S POV:“Rhett…” nanginginig ang boses ko habang hinahaplos ko ang likod ni Rhevan, sinusubukang gisingin si hubby.Napamulat ng mata si Rhett at napakunot-noo. “What’s wrong, my wife?”“P-Parang hindi normal ang paghinga ni Rhevan at namumutla siya,” sagot ko, halos hindi na mapigilan ang panginginig ng tuhod ko. Habang karga ko ang kambal ay napaupo ako sa kama, pilit na nilalabanan ang mga luha. Ang hirap pala maging ina kapag naroon ang takot para sa kaligtasan ng anak mo.Mabilis na bumangon si Rhett. “Let’s go to the hospital.” saka kinarga niya si Elraeh para mapatahan dahil sa pag-iyak nito.Marahil ay ramdam din nito na nasa panganib ang kanyang kakambal.Mabilis na lumabas kami ng bahay at alam na ‘yon ng family driver pagkakita sa amin kaya naman pinaandar na nito ang sasakyan atsaka kami sumakay papuntang ospital. “Hush, calm down, my wife. I know you’re worried, just like me, but we need to stay strong for him,” sabi niya at hinaplos ang aking likod. “Everything wi
ELARA'S POV:Ngayon ang araw na madi-discharge kami ng mga kambal sa hospital. Parang kahapon lang ako nanginginig sa delivery room, ngayon ay nakikita ko na ang dalawang munting himala sa buhay namin ni Rhett. As usual, kasama ang parents namin sa pagsundo sa amin at ramdam ko agad ang saya kahit pagod at masakit pa ang buong katawan ko.“Ang cute talaga ng mga pamangkin ko, mana sa magandang genes ko!” saad ni Eirina, halos mangigil sa tuwa habang nilalapitan ang mga kambal. Gusto niyang buhatin ang mga ito pero sinalubong siya ng matalim kong tingin kaya hanggang haplos lang siya sa pisngi ng mga bata. Karga nina mama at papa ang dalawa, parang ayaw din nilang ipahiram.“Nah, sa akin sila nagmana, ate. Tingnan mo na naman oh!” sagot ni Ethan sabay turo sa mukha niya na parang pinapakita ang ebidensya.“Huwag na nga kayong mag-away. Sa akin nagmana ang mga apo ko, diba Rhevan at Elraeh?” masayang sabi ni mama habang kinakausap ang mga kambal na tila ba naiintindihan siya ng mga ito.







