ELARA’S POV: Habang naka-duty ay pilit na gumugulo sa isipan ko ang mga nalaman ko. Sa lahat ba naman ng magugustuhan ni Vivienne… si Rhett Alaric pa talaga? Grabe naman kami kung paglaruan ng tadhana. Hindi ko matanggap. Sabagay, sino ba namang hindi magkakagusto sa isang tulad niya? Mayaman, gwapo, misteryoso, at syempre mahirap abutin. Kung si Vivienne may pag-asang mapansin, ako? Over my dead body. Malabong mangyari na mapansin niya ako. “Okay ka lang ba? Para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa diyan,” tanong ni Clarie habang nag-aayos dito sa counter Napabuntong-hininga ako. “Hay… wala ‘to. Kailangan ko lang ng pera, pang motivation.” “Sus! Pera ba talaga ‘yan o lovelife?” tudyo nito, sabay tawa. “Kayo ni Bella, kahit kailan, lahat na lang may meaning sa inyo!” inirapan ko siya pero hindi ko maitago ang ngiti. “Ay naku, kami pa ba! Kaibigan mo kami, gusto lang naming malaman kung anong problema mo. Concern lang kami, okay?” sagot nito, may halong lambing. Naput
Read more