(1/2) sandaling break from my sat class huhu mamayang gabi uli ang isa pang update. thank you for reading, guys. hope this chapter was worth the wait. —Twinkle ×
DAHIL sa naging tanong ni Antigone, hindi mapigil ni Hanni na magbalik tanaw sa kung paano nga ba naging parte ng buhay niya si Yves at kung bakit niya ito iniiwasan ngayon. . . Ulilang lubos na si Hanni. Kinagisnan niyang tahanan ang kalye at ang mga kasama niya ay katulad niyang mga bata na sa kalye na rin pumalit at nagkaisip. Kung tatanungin kung may magulang ba siya o wala, hindi niya alam. Usap-usapan na nakita lang siya sa basurahan ng isa sa mga basurero at dahil naawa, kinupkop siya. Pero noong tatlong taon daw siya, dinapuan ng sakit iyong basurero na iyon at namatày sa kalsada kaya wala ring ala-ala si Hanni sa taong iyon. Kasama ang mga batang kalye, namamalimos siya mula umaga hanggang gabi. Dahil din doon ay natuto si Hanni na mangholdap kahit na alam niya na masama iyon. Ang nasa isip niya, mas kailangan na magkalaman at mabusog ang kanyang tiyan kesa isipin kung mabuti ba o masama ang ginagawa. Ngunit hindi alam ng batang si Hanni kung malas ba siya o swerte dahil
AFTER what happened between Hanni and Yves, Hanni could say that Yves treated her as his girlfriend. Wala naman siyang problema dahil mahal niya ang lalaki. Kulang na lang siguro ay ang salita niyang "oo" para maging opisyal na silang maging mag-boyfriend/girlfriend.Napapansin na rin ng mga katrabaho nila ang kakaibang treatment ni Yves sa kanya dahil madalas itong magdala ng pagkain kaya hindi na niya kailangan pang lumabas tuwing lunch break. Isa pa, nakasimangot ang mukha nito o kaya naman ay blangko pero kapag si Hanni ang kaharap, ngiting-ngiti si Yves. Kinikilig si Hanni sa loob-loob niya pero sinusupil niya iyon dahil nasa trabaho sila. Akala ni Hanni ay magtutuloy ang ganoon nilang sitwasyon ngunit isang araw, natagpuan na lang niya ang sarili na kaharap ang ama ni Yves na si Mr. Magalona. Parang pinatandang Yves ito ngunit siguro ay hindi palangiti, kita ang bagsik at pagiging masungit nito - parang iyong isang maling galaw lang ng kausap ng matanda ay makakatikim ng kal
DAHIL malapit na si Hanni sa apartment niya, kinuha niya ang motor na nakatago sa likuran ng apartment. Napakadalang niyang magamit iyon dahil umiiwas siyang balikan ang nakaraan ngunit ngayon, gagamitin niya iyon para iligtas si Serena. Pinatong niya ang cellphone sa phone stand na nakakabït sa motor at sinundan niya ang tinuturo na lugar kung saan si Serena. Patuloy na gumagalaw ang location ni Serena kaya kailangan niyang dalian. She was driving the motor when she received a message from a number she never thought she would see again. HQ number. Napalunok si Hanni at pinilit na iwaksi ang nakita at pinatuloy ang pagtingin sa location ni Serena. Namatay ang tawag na nagkokonekta sa kanila ni Serena at kahit na nakuha niya ang latest location nito, hindi niya alam kung saan ito patungo. Wala nang panahon si Hanni para magmatigas kaya hininto niya ang motor, nanginginig ang kamay na dinampot ang cellphone at tinawagan ang number na nag-text sa kanya. “Hello?”[“Agent Hyacinth, it
CINDER is looking through the files she received early in the morning. Iyon ay ang mga impormasyon tungkol kay Helia Tatiana Alejandro.Sa papel na hawak niya, nalaman ni Cinder na pamangkin si Helia Tatiana ng patriarch ng Alejandro Clan. Malayong pinsan ng lalaki ang ina ni Helia at dahil nawawala ang anak ng lalaki sa asawa nito na kaedad ni Helia, para punan ang pagka-miss sa anak nito, kinupkop nila si Helia kasama ang ina nito kaya kahit mula sa branch family ang babae, umaasta ito bilang anak ng matandang lalaki. Sa nahukay ni Cinder, makapangyarihan ang Alejandro Clan sa Spain at maging dito sa Pilipinas pero lowkey lang kaya hindi gaanong matunog ang pangalan. Ngunit sanga-sanga ang mga businesses ng pamilya nito hindi lang sa Pilipinas kundi sa Asya mismo at may businesses din sa Europe at United States. Mula sa shipping lines, garments, food business, at iba pa, may ganoong business ang Alejandro Clan. “Kaya pala matapang ang babaeng iyon gumawa nang masama dahil kakaiba
LIKE WHAT happened from a few days ago, Kevin couldn't reach Cinder again. Yes, she's replying on his messages but when he tried to call her, the call was not pick up. Kung hindi lang nagsabi si Cinder sa kanya na busy ito at hindi agad makakauwi ngunit safe naman daw ito at may inaasikaso lang na importante sa office, baka hinanap na naman ito ni Kevin. Hindi na niya sinubok pang i-track ang cellphone nito dahil ginagalang niya ang privacy ni Cinder. Now that he knows she's safe, it's all good. But there's a nagging feeling inside him that tells him that something is going to happen. Kung ano man iyon, wala siyang ideya. Dahil hindi siya mapakali, hindi na tumuloy si Kevin sa company at nag-work from home. Pina-send niya sa secretary via email ang mga kailangan na i-review habang naghihintay sa mga messages ni Cinder. Maya't maya ang tingin ni Kevin sa cellphone kung may update ba si Cinder ngunit bukod sa sinabi nito na busy ito kaya hindi makakapagbigay ng update sa kanya, wala
WHAT HAPPENED YESTERDAY. . . Akala ni Cinder ay nagbibiro lang si Zephyr sa sinabi nitong ilalayo siya. O kaya naman, kahit sabihin nito iyon, hindi niya naman alam na agaran ang gusto nitong mangyari. Noong gusto na niyang umalis, pinigil siya ni Zephyr at hinawakan pa siya nang mahigpit sa braso. Humingi siya ng tulong kay Chlyrus ngunit ang ginawa ng pinsan, binuhat nito si Chiles paalis doon at hinayaan sila ni Zephyr sa loob ng opisina na iyon. “Zephyr, let me go! Alam mong hindi ako pwedeng malayo sa subject ko.”Magkasalubong ang kilay ni Zephyr, hindi nagustuhan ang sinabi ni Cinder. “Hindi pwedeng lumayo o ayaw mong lumayo? Cinder, I already talked to you, right? I told you to stay away from him! That morón is not good for you!”“Bakit ba ayaw mo sa kanya?! Hindi ko maintindihan 'yang galit mo sa kanya? Isa pa, pwede bang isantabi mo ang galit mo sa kanya? Someone's after his life and I'm protecting him. You know that I don't like to fail my assignment.”Humugot nang m
MABILIS na kumilos si Cinder para umuwi sa bahay ni Kevin. Iniisip niya kung ano ang magiging reaksyon nito sa oras na makita nito si Chiles? Would he like her son? Hindi niya pa rin alam ang real score sa kanila ni Kevin at kung malalaman nitong may anak siya, magagalit ba ito o madi-disappoint? Ah, heck! She didn't know! Cazzo! Para malaman iyon, kailangan niyang bumalik sa lalong madaling panahon. Hindi niya alam kung magagalit ba si Kevin kay Chiles dahil bigla na lang itong lumitaw sa bahay nito. Isa pa, Chiles is thinking of Kevin as his daddy. Paano kung tawagin ni Chiles na Dada si Kevin? Hindi kaya magtaka ang lalaki sa ganoon? Dahil sa naisip, mabaliw-baliw na nag-drive pauwi si Cinder. Noong umalis kasi siya at nagpaalam kay Kevin, dala niya ang motor kaya may gamit siya pauwi. Mabilis siyang nakarating at tuloy-tuloy siyang pumasok ng bahay dahil bukas ang main door. Hindi pa siya nakakapasok, naririnig na niya ang matinis na tawa ni Chiles at maging ang halakhak ni
MARAHAS na tingin ang tinapon ni Zephyr kay Chlyrus ngayon. May sugat sa gilid ng labi ni Chlyrus dahil hindi nakapagpigil, nasapak ito ni Zephyr. Chlyrus didn't bother to hide or to evade his fist and he knew Zephyr was really pissed off. “You know how Cinder suffered, Chlyrus. You're aware! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang ginagawa mo ngayon! Imbes na tulungan mo akong itago siya, mas nilalapit mo pa siya sa kapahamakan!”Pinunasan ni Chlyrus ang bibig na may sugat at saka bumaling kay Zephyr. “You know that hiding her won't do any good, Z. Hindi pwedeng lagi na lang tatakbo si Cinder sa nakaraan niya. Tatlong taon na ang lumipas at siguro naman, sapat na iyon para sa paghihirap nila. Ayaw mo bang sumaya si Cinder?”Nagtaas-baba ang dibdíb ni Zephyr sa marahas pa rin na paghinga. “Kung mas ligtas naman sa tabi ko si Cinder, mas pipiliin ko iyon kesa sa kasiyahan niya. I don't want to see her traumatized again; barely picking up herself! Kung wala lang siguro si Chi
Tahimik lang ang buhay niya nitong mga nakaraang araw. Matagal na rin mula nang huli siyang makasalamuha sa mundo nila. Sina Daemon, Chastain, Zaldy, malayo na sa kanya. Tahimik na uli ang mundo niya.Pero maliit talaga ang mundo. May mga tao talagang hindi mo maiiwasang makita. Umasa na lang siyang dadaan lang si Sylvia at ipagpapatuloy ang pagrereklamo sa essential oil niya.Pero halatang mas interesado si Sylvia kay Patricia kaysa sa essential oil. Lumapit siya diretso at ngumiti na may halong pagmamataas. “Hindi ko alam na ang galing mo pala nung huling pagkikita natin. Ikaw pala yung dinala ni Daemon para ipakilala sa mga kamag-anak niya…” Saglit siyang tumigil, tapos tinuloy, “Pero anong silbi nun? Hindi ba’t para ka ring basang sisiw ngayon? Ako, legal na fiancée. Ikaw? Anong karapatan mo?”“Oo nga pala, wala ka ngang kwenta.”Napakunot ang noo ni Patricia... pero wala siyang sinabi. Kinuha lang niya ang card mula sa front desk at tumalikod papasok sa loob ng spa.Parang hindi
Chapter 88NAPAKATIGAS ng ulo ni Patricia para maglumuhod. Kanina lang, pinilit pa niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Pero kung hindi siya luluhod ngayon, siguradong hindi siya tatantanan ni Leo at ng barkada niya. Pero kung luluhod siya, mawawala naman talaga ang dignidad niya.Si Amarillo, nakangiting parang nanonood lang ng palabas, may halong yabang pa ang ngiti. Sa isip niya, si Patricia ay isang baguhang babae na hindi pa alam gaano kataas ang langit at kalalim ang lupa. Ang tapang-tapang na lumabas at nagsalita sa ganitong sitwasyon. Ngayon, nasabit na siya, tingnan lang natin paano siya lalabas dito.Pero sa harap ng lahat, kalmadong tumango si Patricia. “Okay lang sakin na magluhod, pero ibabalik sa 'yo ang ginawa mong pagsuntok kay Andrei.”Mas lalo pang naging mapanghamak ang tawa ni Leo. “Ibalik? Ikaw o siya? Sa payat ninyong katawan, kahit sampung suntok pa siguro ang gawin niyo, wala pa ring epekto. At ikaw, babae ka, umuwi ka na lang at maghanap ng lalaking papakasa
Nagulat si Patricia. Kasi karaniwan, pagkatapos ng shoot, kakain lang ito at matutulog agad. Wala na siyang pake sa ibang tao. Kaya nagulat si Patricia na nag-abala pa siyang lumapit.“Ano ‘yon?”Ngumiti si Andrei at nagkibit-balikat. “Wala lang…”Parang duda pa rin ang tingin ni Patricia.“Gusto ko lang magpasalamat sa ‘yo.” Ngumiti pa rin si Andrei. “Tama pala ang naging desisyon ko.”Isang simpleng salita lang ‘yon, pero nanginginig ang kamay ni Patricia habang hawak ang tinidor. Matagal na rin siyang nakakulong sa sarili niyang mundo. Laging nagtatrabaho, pero pakiramdam niya, walang laman ang puso niya. Pero sa sinabi ni Andrei, parang muling nagkaroon ng apoy sa dibdib niya.Tapos ngumiti si Andrei nang mahina. “Punta ka sa bar mamaya. Sasabihin ko na sa 'yo ang sikreto ko.”Hindi pa nakakareact si Patricia, tumayo na siya at umalis. Pero yung ngiting iyon, hindi niya malaman kung anong ibig sabihin.Sikreto?Matagal na siyang curious simula pa nung una niyang hinawakan ang kas
Chapter 87NAGKIBIT BALIKAT si Chastain at kalmado niyang tiningnan si Patricia. “Nagbibiro? Hindi ako nagbibiro.” Pagkatapos ay ngumiti siya ng palihim kay Patrick na nasa likod ni Patricia, “Hello po, Uncle.”Hindi alam ni Patrick kung sino si Chastain o kung dapat ba niya itong katakutan, kaya ngumiti na lang siya at tumango.Dahil sa sobrang kalmado ni Chastain, hindi na alam ni Patricia kung ano ang sasabihin. Sa huli, inilapag na lang niya ang maleta sa sahig at naupo doon. “Sige, gusto kong lumipat at maghanap ng matitirhan. Nasaan ang bahay? Magkano ang renta? Magkano ang bayad sa ahente?”Handang-handa si Chastain. Kinuha niya ang isang makapal na booklet mula sa likuran niya na may iba't ibang impormasyon tungkol sa mga bahay. Tinuro niya ang kotse sa likod niya at sinabi, “Kaunti lang naman gamit niyo, kasya na ‘to sa paglipat. Gusto mo bang ang singil ko ay parang pamasahe lang sa taxi?”Hindi inakala ni Patricia na talagang naghanda siya ng mga listahan ng bahay. Kinuha n
Kung may konting pagpapakumbaba lang siya, matagal na sanang alam niya na hindi na siya dapat sumali sa larong ito.Sa huli, umarangkada si Daemon at mabilis na umalis.Matagal na nakatitig si Patricia sa direksyong tinahak niya, hanggang sa maglaho ang pulang kotse sa dilim ng gabi.Nanlambot ang tuhod niya, sumikip ang dibdib, sobrang dilim ng gabi, at pakiramdam niya parang mababaliw na siya.Sa wakas, napaupo siya sa kalsada, ibinaon ang mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.Akala niya noon, kaya niyang hawakan ang isang bagay… pero ang totoo, bumitaw pa rin siya.Isa pa rin siyang duwag, at sa totoo lang, parang nandidiri na siya sa sarili niya.Habang tulala pa siya, biglang may pumalakpak sa likod niya, malakas at mabilis. “Ayos, natuto ka rin sa wakas!”Hindi na niya kailangang lumingon para malaman na si Carmina ‘yon...Palagi ba siyang binabantayan nito dahil takot itong magbago ang isip niya at bumalik kay Daemon? Sa totoo lang, hindi naman kailangan...Naiinis siya sa pakir
Chapter 86UMALIS si Patricia pagkatapos ng huling eksena ng gabi. Minsan, maganda rin na abala ka. Kapag punong-puno ang isip mo ng mga bagay, wala ka nang oras para magreklamo.Pagkatapos niyang ihatid si Andrei pabalik sa hotel na tinutuluyan nito, balak niyang pumunta sa tinatawag na “bagong bahay” base sa address na binigay ng ama niya.Habang nakatayo siya sa gilid ng kalsada at naghihintay ng masasakyan, biglang may dumating na pulang sports car at huminto ng maayos mga limang metro lang ang layo mula sa kanya.Pagkatapos, bumaba si Jenny mula sa sasakyan, nagpaalam kay Daemon, at hinalikan ito sa may pinto ng kotse. Malambing ang boses niya habang sinasabi, “Honey, sunduin mo ako bukas ha!”Tumango lang si Daemon, hawak pa rin ang manibela, pero nakatitig lang siya sa unahan. Hindi man lang niya napansin kung kailan pumasok si Jenny sa hotel.Ramdam ni Patricia na sa kanya nakatutok ang matalim na tingin na parang kayang balatan ang balat niya. Galit si Daemon. Kapag galit si
Mayroon siyang maikling buhok, mga mata na maliwanag at inosente, at ngiting sobrang lambot na parang bulak. Isa siya sa mga bihira sa showbiz na parang malinis na tubig.Tatlong taon na siyang artista, pero bukod sa ilang chismis, wala pa siyang kahit anong negative na issue. Maganda ang image niya sa industriya. Galing daw siya sa pamilyang edukado, may maayos na background, may magandang ugali, at simpleng tao lang.Tinapunan ni Patricia ng tingin ang mga karne sa basurahan na inalis niya sa lunchbox, tapos pilit siyang ngumiti. “Nagpapapayat kasi ako.”Nakatingin pa rin sa kanya si Lara, hawak ang sariling lunchbox. “Ako rin nagpapapayat,” sabay labas ng dila.Hindi na naka-imik si Patricia. Sa tangkad ni Lara na halos 1.7 meters at timbang na siguro ay wala pa sa 100 pounds, hindi talaga siya mataba. Meron lang siyang baby fats sa pisngi na nagpapacute pa nga.Pero naisip din ni Patricia, karamihan sa mga babae sa showbiz, kailangan talaga bantayan ang timbang at bawal kumain ng
Naiwan ulit si Chastain... Napangiti siya ng mapait...Ganito na niya binaba ang sarili pero si Patricia parang bato pa rin. Siguro iniisip nito na biro lang ang lahat. Oo nga, baka nagsimula sa biro, pero minsan nagiging totoo ‘yung biro...Kahit nalinis na niya ang daan sa pamilya nila, may mga puwang pa rin sa pagitan ng bagong henerasyon at lumang management at matagal pa bago ‘yon masarado. Pero kahit ganon, ginugol pa rin niya ang oras niya para kay Patricia. Ewan na lang kung hindi siya baliw.Dati, siya pa ang nagsasabing nabulag si Daemon. Ngayon, parang gusto na rin niyang sabihin na bulag din ang mata niya. Pero may mga bagay talaga na kahit anong paliwanag mo, hindi mo kayang i-justify.*Si Andrei, ang bagong proyekto niya sa wakas ay nagsimula na ang shooting. Dumiretso si Patricia doon pagkatapos ayusin ang mga kailangang trabahuhin sa opisina. Simple lang naman, may interview lang sa reporters, tapos may mga linyang kailangang sagutin. Kahit hindi gaanong mahusay si An
Chapter 85“HINDI ko iniisip 'yan.” Walang pakundangan si Patricia na tumanggi. Hindi niya alam kung ano bang iniisip ni Chastain, ginagawa lang ba niyang laro ito o gusto lang nitong inisin si Daemon?Sa totoo lang, pakiramdam ni Patricia kahit random na estranghero pa ang kunin niyang boyfriend, mas kapanipaniwala pa siguro kaysa kay Chastain.Napabuntong-hininga si Chastain at napailing… Kailangan niyang tanggapin na nilalait siya ng isang babaeng hindi naman maganda o espesyal...Ang hirap talaga...Sa huli, bigla si Chastain prumeno, tapos humarap kay Patricia at seryosong nagtanong. “Bakit hindi mo pwedeng isipin man lang? Sabi ko nga, aktingan lang ‘to! Aktingan! Hindi mo ba naisip na ako pa nga ang talo dito? Kahit pa nabulag si Young Mr. Alejandro kaya ka niya nagustuhan, malinaw pa rin ang mata ng mga tao. Hindi ka naman lugi kung ako ang makikita nilang kasama mo.”Hindi makapagsalita si Patricia sa narinig, “Ayoko nga eh. Kahit ano pa sabihin mo.”Nakita ni Chastain na wal