BINIGYAN pa ng isang sampal ni Serena sa mukha si Hanni bago ito patulak na iniwan na kinasadsad nito sa sementadong lapag. Tumalikod si Serena at si Kevin, sumunod sa asawa. Ni hindi man lang ng lalaki tinapunan ng tingin ang gawi ni Helia. Sumakay silang dalawa sa sasakyan at si Kevin ang nagmaneho. Tahimik si Serena na nasa passenger's seat at panaka-naka naman ang tingin ni Kevin, inaarok siguro kung ang mood ni Serena.“Hindi ka ba galit na ganoon ang ginawa ko sa babaeng iyon?”Mayamaya, iyon ang lumabas sa bibig ni Serena. Sandaling sinulyapan ni Kevin si Serena bago ibinalik ang mga mata sa daan ngunit nagsalita ito. “Why would I? I was even contemplating a while ago to hit her or what when she threatened me. I don't really like hitting people—be it a guy or a woman—but that woman is really testing me. Naubos na ang pisi na meron ako para sa kanya.”“Akala ko, hinuhusgahan mo na ako sa isip mo. Baka tingin mo sa akin, masama ang ugali kasi kaya kong makapanakit nang ganoon.”
SERENA is watching Kevin while he is tending the horse. May horse stable ang ancestral home nila na sa likod ng bakuran at si Kevin ang inutusan ng lolo ni Serena para alagaan ang mga alaga nitong hayop tulad ng kabayo, malalaking aso, at tiger. Humindi si Serena dahil alam niyang may mood ang mga hayop ng lolo niya ngunit sinabi ni Kevin na kaya nito ang sarili nito. He was just surprised to find that her grandfather owned a tiger. Dahil doon, nakwento ni Serena na inuwi ni Chlyrus iyon ngunit hindi niya pinaliwanag na dahil sa misyon kaya inuwi ni Chlyrus si Dahu sa Pilipinas. Dahu is an orphan of a domesticated trafficked tiger. Niligtas ito ni Chlyrus sa isang operation kasama na ang ilang endangered species na ilegal na binebenta sa underground market. Sa animal sanctuary binigay si Dahu ngunit noong nalayo ito kay Chlyrus, ayaw na nitong kumain kahit anong gawin ng mga caretakers nito kaya tinawagan uli si Chlyrus para sa tigre. Kaya inuwi ni Chlyrus si Dahu sa kanila at unan
UNTI-UNTING nagugustuhan ni Kevin ang pagtira sa ancestral house ng pamilya ni Serena. Though they're treating him like a helper, he has no problem with that. Tagalinis ng kwadra ng kabayo, tagapakain at tagapaligo ng kabayo maging pag-aasikaso kay Dahu. Ramdam naman niya na hindi mababa ang turing sa kanya ng pamilya ng asawa kaya hindi malaking issue sa kanya iyon. He knew they were just putting him into a test; maybe to see if he's going to give up halfway or what. But why would he give up if he knew that Serena and their son is the prize he's going to get after those stints? Matagal niyang pinangarap na makasama uli ang asawa kahit akala niya ay imposible na iyon kaya bakit siya susuko ngayon? Serena even forgave him for what he did in the past so this little test won't budge him. Kahit siguro alilain talaga siya ng pamilya ni Serena habambuhay ay ayos lang sa kanya basta ba kasama ang mag-ina niya. Kevin is resting right now under the shade of a big tree in the side of the anc
HINDI kaagad nagpakita si Kevin sa pinsan nitong si Nathan at hinayaan lang nito na tawag nang tawag ang lalaki; laging unattended ang cellphone nito at mas pinilit ni Kevin na gawin ang mga utos ng pamilya ni Serena nito. Kevin is slowly turning into a farm boy but Serena could see that he's happy for what he's doing so she doesn't stop him. Ayon kay Kevin, mas nakapagpapahinga pa ito roon kahit na palaging kumikilos ang katawan kaysa sa trabaho na ginagawa nito sa kompanya. Sinabi nga nito na ayaw na nitong bumalik bilang boss ng kompanya nito kaya muntik itong katukan ni Serena sa noo. But Serena also realized that for the past three years, Kevin really had changed. From the ‘young, rich, and arrogant but didn't know how to survive outside billionaire’ back then, ngayon ay marunong na ito sa buhay, marunong nang makisama sa mga taong nakakasalamuha nito sa paligid, at panghuli, marunong na rin itong i-express ang sarili. He could voice out his feelings—be it negative or positive
NILIBOT ni Maeve ng tingin ang buong lugar at napasinghap ito noong dumapo ang mga mata nito kay Serena. Nakita ni Serena ang pamumutla ng mukha ni Maeve. “S-Serena?” halos bulong na anito; natulos sa kinatatayuan. Tumayo si Kevin at agad na tinakpan ang pwesto niya. Madilim ang mukha nito na nakatingin kay Maeve. “What are you doing here? Sinabi ko nang hindi na ako babalik. I don't care about him. Iyong araw na pilitin niya akong pakasalan ang babaeng iyon, pinutol ko na rin ang koneksyon ko sa kanya.”Nasasaktan ang ekspresyon na hinarap ni Maeve si Kevin. “Kahit ba ako, Xavier, hindi mo na tinututuring na pamilya? I was the one who took care of you. I treat you as my younger brother, Xavier.”Naikuyom ni Kevin ang mga kamao. “If you really treat me like what you said, you won't hurt my wife like that. You removed those people I paid to protect her and it messed up everything!”Tumayo si Nathan sa pagkakaupo para hawakan si Kevin dahil mukhang nawawala na ang kalmado nito. Hinawa
HINDI pa rin kumikilos si Nathan, nanatiling nakatitig kay Chiles kaya si Chiles naman, nagtaka sa mariing titig sa kanya ng lalaki. Bumaling si Chiles kay Kevin, nilagay ang isa sa maliit nitong kamay sa mukha ng ama at tinuro si Nathan. “Dada, he stares at Chiles. Why?”Sinasabi ni Chiles na nakatitig si Nathan kay Chiles kaya nagtaka ito. Hinawakan naman ni Kevin ang maliit na kamay ni Chiles na nakadapo sa pisngi nito at hinalíkan iyon, ngumiti sa anak, bago nagsalita at hinarap si Nathan. “He's Chiles. He's my son. You already know him, right?”Napalunok si Nathan at umiling. “N-No, I don't. This is a surprise, really. The one I'm talking about was the tiger. May nakapagsabi sa akin na halos ituring mo nang anak ang alaga mo na iyon na imbes na bumalik ka sa trabaho, nag-aalaga ka ng hayop. He's your son? He's my nephew?”Bakas sa mukha ni Nathan ang excitement at nagtangka itong kunin si Chiles kay Kevin. Lumingon naman si Chiles kay Kevin at noong makita ng bata na hindi umalm
LUMAPIT si Hanni kay Yves at buti na lang ganoon ang ginawa niya dahil noong saktong paglapit niya, nawalan ito ng malay! Mabilis na sinalo ni Hanni si Yves at kahit nabigla ang mga braso niya sa bigat ng lalaki, hindi niya iyon alintana. Maingat niyang niyakap si Yves, sinuri ito gamit ang tingin at mas lalo lang lumakas ang kabog ng dibdíb niya nang makita na may bahid pa ng dugo sa gilid ng labi nito. “Y-Yves, what happened to you?” aniya kahit alam niyang hindi siya naririnig nito sa kawalan ng malay. Kinagat ni Hanni ang labi at tinaas ang nanginginig na kamay para punasan ang medyo basa pang dugo sa mukha ni Yves. Kasabay noon ay ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. “ACUTE gastroenteritis ang sakit ng patient, Miss. For now, we give him intravenous rehydration because he has severe dehydration. May ilan pang test na gagawin sa kanya. Kapag na-confirm namin na wala nang iba pang komplikasyon sa kanya, bibigyan kita ng reseta para sa mga gamot na kailangan niyang inumin k
AYAW pa rin bitiwan ni Yves si Hanni na nangalay na siya dahil halos kanina pa sila roon. “Yves, let me go, hmm?” aniya. Ngunit mas lalo lang humigpit ang kapit sa kanya nito at ramdam niya ang pag-iling ng ulo nito “Hindi. Dito ka lang.”Pumikit si Hanni, nagbilang ng hanggang sampu ngunit hindi pa rin siya pinawawalan ni Yves kaya nag-decide na siya na itulak ito. Nabigla naman si Yves na halos mapahiga ito sa hospital bed. “H-Hanna?”Tumayo si Hanni at nagpameywang sa harap ni Yves. Nakatitig naman sa kanya ang lalaki na halatang gulat pa rin. Dahil hindi suot ang salamin sa mata, mas maamo ang itsura ni Yves at para itong inosenteng bata na napagalitan. “Mukha bang aalis ako, ha? Sabi kong bitawan mo ako kasi hindi na ako makahinga! Tsaka tingnan mo nga 'yang sarili mo, ang hina mo pa! Tingin mo makakaalis ako na ganyan ka? Sumuka ka ng dugo at maysakit tapos iiwan kita rito? Hindi ako gan'on kasama, ah!”Akala niya ay magagalit si Yves sa sermon niya ngunit nakita niya na may
Napabuntong-hininga si Daemon at agad tumawag ng waiter. “Palitan niyo ‘to.”“Gawin niyong hindi masyadong maanghang.”“Hindi pwede….” bulong ni Patricia. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya mahilig sa maanghang, pero dahil matagal na siyang umiiwas dito, parang gusto niyang magpakasaya ngayong gabi at pasayahin ang dila niya.Pero matigas din ang paninindigan ni Daemon. “Change it.”Tumingin ang waiter kay Daemon, tapos kay Patricia… at sa huli, sumunod kay Daemon. Kasi halatang isa mukhang mamamatay-tao, at ang isa mukhang cute na kuneho.Wala nang nagawa si Patricia kundi panoorin na lang habang kinukuha ang maanghang niyang sabaw at pinalitan ng malinaw na sabaw na parang tubig. Ayos na rin, makakapagpapayat pa siya lalo.Pero kahit anong klase pa ng sabaw, maging maanghang man o hindi, pareho lang ang tingin ni Daemon, para sa kanya, puro junk food lang ito at para lang sa mga taong tulad ni Patricia na mahilig kumain. Pero siya, kahit matakaw, gulay lang ang pwedeng kainin da
Chapter 82KUMISLAP agad ang mga mata ng stylist at nakatitig kay Daemon habang nakangisi ng puno ng kung anong ekspresyon ang mukha. “Oo, oo, ganyan nga… tuloy mo lang!”Yung mga babaeng kanina pa nakatitig sa mga gwapong lalaki sa beach, napalingon na rin sa kanila nang dumating si Andrei at ang pinsan niya , at ngayon, lahat ng tingin ay kay Daemon…“Ahhh! Ang gwapo niya, sino ‘yan? Bago bang model?”“Tsk tsk tsk, grabe ang dating nung nagtanggal ng damit... gusto ko siyang lapitan at hawakan…”“Hi gwapo! Dito ka tumingin, please!”…Parang walang pakialam si Daemon sa mga tukso at sigawan. Tiningnan lang niya si Patricia na parang gusto na talagang maglaho sa hiya, tapos dumako ang tingin niya sa mga butones ng kanyang polo. Tinaas niya ang kilay at nagsalita. “O, ikaw na magtanggal nito.”“…Patanggal mo sa lelang mo!” Gusto na lang ni Patricia na maghukay ng butas at pumasok dun… Yung photoshoot na dapat ginagawa, naudlot na tuloy. Lahat ng mata nakatutok kay Daemon ngayon. Anong
Napakunot-noo si Andrei. “Eh ‘di anong plano mo? Gusto mo ba gupitan mo katawan mo at idikit sa akin para magmukha akong macho?”Napa-roll eyes si Patricia. “Hindi ito ang time para magbiro!”Tumango si Andrei. “Eh anong plano mo? Hindi naman puwedeng tumaba agad. Wala na tayong oras.”Napaisip si Patricia. Tumingin sa pinsan ni Andrei…Napakunot-noo ‘yung pinsan. “Bakit mo ako tinitingnan? Hindi naman ako artista.”“Di ba malakas na ngayon ang editing apps? Puwede kayong dalawa ang mag-shoot, tapos pagsamahin na lang kayo sa final edit.”“Magkakaroon ka na ng muscles!”Parehong napaisip ang dalawang lalaki. Gagana kaya ‘yon?---Araw, buhangin, at mga gwapong lalaki sa dalampasigan…Pagdating nila sa shoot location, doon lang nalaman ni Patricia na hindi lang pala si Andrei ang kasama sa photoshoot, may kasama pang mga sikat na male models.Kaya buong beach, punong-puno ng magagandang lalaki na may iba’t ibang style.Kahit nakasarado ang buong lugar, ang daming babae sa labas ng barr
Chapter 81NANG marinig ni Daemon ang boses na 'yon, agad siyang napakunot ang noo.Sanay na si Sylvia sa malamig at walang pakialam na ugali niya. Nilapitan niya si Daemon na parang walang nangyari, ngumiti at niyakap ang braso nito. “Ang tagal na nating hindi nagkita. Kahit gaano ka ka-busy, dapat may oras ka pa rin para sa fiancée mo, ‘di ba?”Halatang pinipigil na ni Daemon ang galit niya. Matalim ang tono ng boses niya. “Sino ang nagsabi sa 'yo na pumunta rito?!”Hindi inaasahan ni Sylvia na ‘yon ang unang sasabihin ni Daemon at mas lalong hindi niya inakala na magiging ganon kasama ang tono nito. Sandali siyang natigilan, tapos sinuntok niya nang mahina ang braso ni Daemon. “Ano bang ibig mong sabihin, Daemon? Fiancée mo ako, wala naman sigurong masama kung pupunta ako sa bahay mo?”Matigas na tinanggal ni Daemon ang kamay ni Sylvia. Matalim ang tingin niya. “Alam mo naman kung bakit tayo napilitang magkaroon ng engagement ‘di ba? Huwag mo na akong guluhin. Kung hindi, mapapahiy
Parang sumabog ang galit ni Sylvia. Halos mag-apoy ang mga mata at parang may amoy na ng pulbura sa paligid. "Anong ibig mong sabihin? Na engaged na kami pero baka hindi pa kami magpakasal?!"Tahimik lang si Patricia habang hawak ang pisngi niya.Anumang sabihin niya sa oras na ito ay baka lalo lang siyang saktan ni Sylvia, kaya mas piniling manahimik.Siguro natakot na magka-bulgaran, kaya si manang ay biglang nagsalita para pigilan si Sylvia. Kahit parang kalmado ang tono, malinaw ang ibig sabihin. "Baguhan pa lang siya. Marami pa siyang hindi alam. Ako na ang bahala sa kanya. Huwag ka na pong magalit, Miss King."Mukhang natuwa naman si Sylvia sa paglalambing na ito. Tiningnan niya pa rin nang masama si Patricia, pero tumango na rin. "Sige na nga. Ayoko rin madumihan ang kamay ko sa pakikipagtalo sa katulong."Napahinga ng maluwag sina Toni at Manang. Akala nila tapos na ang gulo.Pero biglang bumagsak na naman ang loob nila sa sinabi ni Sylvia. "Hoy, bagong katulong, kung magaling
Chapter 80PUMUNTA si Patricia sa kusina at nagluto ng matagal. Paglabas niya, may dala siyang dalawang plato ng maayos na luto. Apat na putahe at isang sabaw ang nagawa niya. Kahit na sinira ito ni Daemon kanina, nagawa pa rin niyang ayusin at nailigtas ang mga ulam. Lahat ng niluto niya ay mukhang masarap at presentable.Pati si manang ay tumango bilang tanda ng pagsang-ayon at si Patrick naman ay walang tigil sa papuri. "Pat, hindi ko akalain na gumaling ka na pala sa pagluluto nitong mga nakaraan. Ang ganda talaga ng luto mo."Hindi naman nagsalita nang marami si Patricia. Tumango lang siya. Namana niya kasi ang galing sa pagluluto mula sa tatay niya. Kahit walang nagtuturo sa kanya, basta may recipe lang ay kaya niyang lutuin ang kahit ano.Dati, bihira siyang magluto dahil busy siya sa trabaho at wala rin siyang masyadong kaibigan, lalo na boyfriend. Kahit gaano kasarap ang luto mo, kung walang makakatikim, wala ring halaga. Kaya hindi rin masyadong nakilala ang galing niya sa k
Mukhang nakita ng tindero na naka-suit at tie si Daemon at halatang hindi siya ordinaryong tao, mula sa itsura hanggang sa aura niya, kaya medyo nataranta ito at ngumiting pilit. "Kuya, kung gusto mo bumili, sabihin mo lang. Bakit kailangan pa tumawad? Parang niloloko mo lang ako ah. Ilan kilo gusto mo? Titimbangin ko na."Tiningnan ni Patricia ang boss na kanina pa niya kinakausap na biglang nagbago ng ugali at naging sobrang bait. Napabuntong-hininga siya. Sa totoo lang, sa mundong ‘to, minsan kailangan mo talagang medyo matapang para pakinggan ka. Pag si Daemon na ang kumausap, ni hindi na sila siningil sa gulay!Habang pinupulot na ng boss ang mga gulay na pinili ni Patricia para ibigay kay Daemon, biglang nagsalita si Daemon, seryoso ang mukha. "Ang sabi ko, tumawad lang ako. Hindi ko sinabing libre na."Napanganga ang boss, napakamot sa ulo at ngumiti na lang. "Kuya, eh di bigay ko na lang sayo. Hindi naman ‘to mamahalin. Regalo ko na lang sayo, bilang respeto."Pero wala nang s
Chapter 79LUMINGON si Daemon at tiningnan si Patricia, bahagyang nakakunot ang noo. "May problema ba sa sa sinabi ko?"Napahinto sandali si Patricia, tapos umiling pagkatapos ng ilang segundo. "Wala naman."Mukhang nasiyahan si Daemon sa sagot niya. Tumango lang siya ng bahagya, tapos lumabas ng kwarto habang hawak ang susi ng kotse. "Halika na, bili na tayo."Pero pakiramdam pa rin ni Patricia na parang may mali sa buong eksena. "Uhm, hindi ka ba kailangang pumasok sa kumpanya?"Lumingon si Daemon at tiningnan siya. "Ikaw lang puwede mag-leave, ako hindi?"May concept pala ng leave ang isang presidente? Pero hindi na pinansin ni Daemon ang pagdududa sa mga mata niya at dumiretso lang sa paglakad. Mahaba ang mga binti niya kaya agad siyang nawala sa paningin, kaya napilitan si Patricia na magmadaling humabol...Gulay lang naman ang bibilhin at magluluto lang, ang OA ba?Pero kahit iniisip niya ‘yun, hindi pa rin mapigilan ang pamumula ng pisngi niya at mabilis na tibok ng puso niya..
Binabantayan ba siya nitong lalaking 'to?Ibig sabihin, kitang-kita siya sa CCTV? Kahit na naka-damit naman siya habang natutulog at lumabas lang ng kwarto nang hindi nagpapalit, hindi niya alam kung gumalaw siya o kung ano man ang ginawa niya sa kwarto nung gabi. Paano kung pangit pala siyang matulog? Pero, nung naisip niya 'yon, napahinto siya…Siguradong sanay na si Daemon sa ganung itsura ng mga natutulog. Baka ilang beses na niyang nakita 'yon, kaya hindi na rin siya nabibigla.Kaya, nang humarap si Daemon, nakita niyang pabago-bago ang expression ni Patricia. Ang dami niyang naiisip sa mukha pa lang at natawa si Daemon nang bahagya, medyo kumurba ang labi niya.Nang makita ni Patricia na ngumiti si Daemon, parang natulala siya. Kahit seryoso at malamig si Daemon, hindi naman siya ‘yung tipong hindi marunong ngumiti. Pero madalas, parang peke lang ang mga ngiti niya, hindi galing sa puso.Pero ‘tong ngiti na ‘to, parang totoo. Galing sa puso. Maganda ang mukha niya, maayos ang mg