1/2 kasi may utang ako kahapon. Di ako gaanong busy this day (actually busy talaga kasi gagawa ako notes for reviewer anyway naglaan ako konting oras hahaha). Pero bukas one update uli kasi 7-7 class is waving; ganun till Friday since maghahabol kami lessons. Here's my explanation kasi baka may naghahanap sa akin. Ayun lang. Thank u for reading! Thank u rin sa gifts, pag-unlock ng chapters using purchased coins/ads. Big help po iyon sa student na tulad ko. Mwah! Thank u from the bottom of my heart 🫶 —Twinkle ×
85.Chiles ay tumango lang at walang emosyon, kaya pati si Serena sa kabilang linya ay natahimik. Makalipas ang ilang sandali, nagtanong ulit si Serena, “Alam ba ni Mirael?”“Hindi,” sagot ni Chiles habang palihim na tumingin kay Mirael, at sa mata niya ay maraming emosyon ang nakatago. Hindi man niya ito kinakausap, alam niyang may kutob na si Mirael, kasi kung wala, hindi siya maguguluhan at masasaktan kagabi, at hindi rin siya magiging mailap at malamig kanina nang makita si Reola.Sa kabilang linya, napabuntong-hininga si Serena at medyo nag-aalala, “Chiles, dahil kasal na rin naman kayo ni Mirael, mas maganda siguro kung ikaw na mismo ang magsabi sa kanya ng totoo, kaysa sa iba pa niya malaman.”Tumango si Chiles at mahina lang ang sagot na “hmm” bago ibinaba ang tawag. Pagkatapos ay tumingin siya kay Mirael, na hindi pa rin gumagalaw sa pagkakasandal sa bintana ng kotse habang nakatingin sa labas.“Mirael, tumawag si Mama. Tinanong niya kung kailan magkikita ang pamilya natin. P
84.Medyo nawala ang dating tamis ng ngiti ni Reola, kahit ang cute at magandang dimples niya na lumalabas tuwing ngumingiti siya ay unti-unting nawala. May konting gulat at lamig ang tingin niya kay Mirael, parang hindi niya inaasahan na ganun ang sasabihin nito. Pero saglit lang ang ekspresyon na ‘yon, halos hindi mo na mahuli. Sa mukha niya, nanatili pa rin ang mahinahong ngiti, pero halatang may bahid ng lungkot at tampo nang sabihin niya, “Ganun ba, eh di mauuna na lang akong umalis.”Pagkaalis ni Reola, agad na isinara ni Chiles ang pinto at ngumiti nang buong sigla, halatang masaya. Ilang hakbang lang, umakyat na siya sa itaas, niyakap si Mirael, at paulit-ulit na hinalikan ang gilid ng mukha nito. Nasa tainga pa siya ni Mirael nang magsalita, “Hatid kita sa trabaho ngayon.”Napangiti si Mirael at ginantihan ng halik sa pisngi si Chiles. Kanina lang ay iniisip niyang baka hindi magustuhan ni Chiles ang ginawa niya, pero ngayon, sa reaksyon nitong masaya, gumaan agad ang pakira
83.Itinaas ni Mirael ang braso para hadlangan siya, gustong palayasin siya. Nais niyang samantalahin ang pagkakataon at ayusin ang drawing, ngunit ayaw pumayag ni Chiles. Hinablot niya ang drawing sa kamay nito, saka hinawakan ang likod ng ulo niya, yumuko, at hinalikan siya. Mainit ang hininga niya habang dinidilaan ang mga labi ni Mirael, hawak na mahigpit siya sa kanyang mga bisig nang walang puwang para tumakas. Itinulak si Chiles ni Mirael sa dibdib, subalit sinamantala niya iyon upang ipasok ang dila, ginulo ang loob ng bibig niya, at pinagsabay ang kanilang mga dila sa mainit na halikan. Ramdam ni Mirael ang biglang init ng paligid. Sa sobrang init at tarik ng halik ni Chiles, unti-unting sumuko siya at nanghina sa kanyang yakap. Dahan-dahang bumaba ang halik ni Chiles mula sa labi niya patungo sa baba, leeg, at hanggang sa balikat. Ngiting-ngiti siya habang kinagat at hinihigop ang bawat parte, nag-iiwan ng mainit na pakiramdam sa katawan ni Mirael. Habang pinapatak
82.Bumaling si Chiles at tiningnan ang likod ni Mirael habang inaayos nito ang pinagkainan. Kumuha ulit siya ng sigarilyo at sinindihan ito. Hindi naman talaga siya mahilig manigarilyo, sa totoo lang, ayaw na ayaw niya sa amoy nito sa katawan. Pero sa oras na 'yon, gusto lang niyang manigarilyo para medyo manhidin ang sarili, para hindi siya mabuwisit o magulo ang isip, para lang kumalma siya kahit sandali.Habang bitbit ni Mirael ang mga plato’t kagamitan, paalis na papuntang kusina, nadulas siya bigla. Nalaglag at nabasag sa sahig ang lahat ng dala niya. Napaatras siya agad para umiwas, saka napasandal sa pader para hindi matumba. Ramdam niya agad ang kirot sa paa at napasinghap siya sa sakit, dahan-dahang lumuhod at nakita niyang may hiwa na sa ibabaw ng paa niya, tinamaan ng mga bubog.Agad tumayo si Chiles mula sa sofa, pinatay ang sigarilyo at tinapon sa basurahan, saka nagmadaling lumapit kay Mirael.Malalim ang hiwang tinamo ni Mirael sa paa, at agad dumugo iyon nang husto, b
81.Ngumiti si Chiles ng banayad habang nakatayo sa labas ng kusina, pinapakinggan ang tunog ng mga kaldero at kawali sa loob. Ramdam niya ang isang klaseng kasiyahan na hindi niya maipaliwanag.Hindi naman ganoon kagaling magluto si Mirael, pero kaya naman niyang magluto ng ilang simpleng ulam. Nang matapos na niya ang lahat ng putahe at handa nang i-serve isa-isa, tapos na ring linisin ni Chiles ang sala.Nang makita niyang bitbit ni Mirael ang isang malaking mangkok ng sabaw, agad siyang lumapit at kinuha ang dala nitong egg tomato soup. Mahinahon niyang sinabi, “Ingat ka, baka mapaso ka. Ako na.”“May maanghang na shredded potatoes, sweet and sour na pork ribs, at giniling na baboy na may talong din.” Ngumiti si Mirael habang nakatingin sa kanya, binanggit ang mga putahe, saka muling bumalik sa kusina para i-serve ang iba.Magkaharap silang umupo sa mesa. Hawak ni Mirael ang kanyang mangkok, may kagat sa dulo ng kanyang chopsticks, at nakatingin kay Chiles nang may inaasahan. “Tik
80.Nag-alala si Mirael nang akalain niyang may problema si Lorelei, pero nang malamang false alarm lang pala, napabuntong-hininga siya ng pagaan. Kinuha niya ulit ang paintbrush at nagpatuloy sa pagguhit.Buong hapon siyang nagdrawing kaya sumakit ang balikat niya. Hinila niya ang cellphone para tignan ang oras. Naalala niyang gusto niyang ipagluto si Chiles ng hapunan mamaya, kaya napangiti siya. Inayos niya ang mga gamit sa mesa, inilagay sa bag ang hindi pa tapos na drawing, at nagplano nang umuwi para doon na lang ipagpatuloy.“Uuwi ka na ba?” tanong ni Reola nang makita si Mirael na palabas na ng opisina na may dalang bag. Bahagyang ngumiti ito habang tinititigan ang mukha ni Mirael, lalo na ang mga labi nitong bahagyang nakangiti. Napakuyom siya ng palad.Tumango si Mirael na may magiliw na ngiti. “Uwi na ako. Si President Ventura, mag-o-overtime ka pa ba?”“Hindi na rin, uuwi na rin ako. Sabay na tayo,” sagot ni Reola na may malambing na ngiti. Pumikit bahagya ang mata niya ha