2/2 yeeeey light chapter lang 'to. Dahu is kyot, no? Bestie ni Chiles yan. Anyway, isa lang po bukas uli kasi sobrang busy pa rin. May foundation week din sa school kaya ayun, daming ganap. Bawi ako kapag tapos na lahat ng ganap ko. Thank you so much for reading! —Twinkle ×
UNTI-UNTING nagugustuhan ni Kevin ang pagtira sa ancestral house ng pamilya ni Serena. Though they're treating him like a helper, he has no problem with that. Tagalinis ng kwadra ng kabayo, tagapakain at tagapaligo ng kabayo maging pag-aasikaso kay Dahu. Ramdam naman niya na hindi mababa ang turing sa kanya ng pamilya ng asawa kaya hindi malaking issue sa kanya iyon. He knew they were just putting him into a test; maybe to see if he's going to give up halfway or what. But why would he give up if he knew that Serena and their son is the prize he's going to get after those stints? Matagal niyang pinangarap na makasama uli ang asawa kahit akala niya ay imposible na iyon kaya bakit siya susuko ngayon? Serena even forgave him for what he did in the past so this little test won't budge him. Kahit siguro alilain talaga siya ng pamilya ni Serena habambuhay ay ayos lang sa kanya basta ba kasama ang mag-ina niya. Kevin is resting right now under the shade of a big tree in the side of the anc
HINDI kaagad nagpakita si Kevin sa pinsan nitong si Nathan at hinayaan lang nito na tawag nang tawag ang lalaki; laging unattended ang cellphone nito at mas pinilit ni Kevin na gawin ang mga utos ng pamilya ni Serena nito. Kevin is slowly turning into a farm boy but Serena could see that he's happy for what he's doing so she doesn't stop him. Ayon kay Kevin, mas nakapagpapahinga pa ito roon kahit na palaging kumikilos ang katawan kaysa sa trabaho na ginagawa nito sa kompanya. Sinabi nga nito na ayaw na nitong bumalik bilang boss ng kompanya nito kaya muntik itong katukan ni Serena sa noo. But Serena also realized that for the past three years, Kevin really had changed. From the ‘young, rich, and arrogant but didn't know how to survive outside billionaire’ back then, ngayon ay marunong na ito sa buhay, marunong nang makisama sa mga taong nakakasalamuha nito sa paligid, at panghuli, marunong na rin itong i-express ang sarili. He could voice out his feelings—be it negative or positive
NILIBOT ni Maeve ng tingin ang buong lugar at napasinghap ito noong dumapo ang mga mata nito kay Serena. Nakita ni Serena ang pamumutla ng mukha ni Maeve. “S-Serena?” halos bulong na anito; natulos sa kinatatayuan. Tumayo si Kevin at agad na tinakpan ang pwesto niya. Madilim ang mukha nito na nakatingin kay Maeve. “What are you doing here? Sinabi ko nang hindi na ako babalik. I don't care about him. Iyong araw na pilitin niya akong pakasalan ang babaeng iyon, pinutol ko na rin ang koneksyon ko sa kanya.”Nasasaktan ang ekspresyon na hinarap ni Maeve si Kevin. “Kahit ba ako, Xavier, hindi mo na tinututuring na pamilya? I was the one who took care of you. I treat you as my younger brother, Xavier.”Naikuyom ni Kevin ang mga kamao. “If you really treat me like what you said, you won't hurt my wife like that. You removed those people I paid to protect her and it messed up everything!”Tumayo si Nathan sa pagkakaupo para hawakan si Kevin dahil mukhang nawawala na ang kalmado nito. Hinawa
HINDI pa rin kumikilos si Nathan, nanatiling nakatitig kay Chiles kaya si Chiles naman, nagtaka sa mariing titig sa kanya ng lalaki. Bumaling si Chiles kay Kevin, nilagay ang isa sa maliit nitong kamay sa mukha ng ama at tinuro si Nathan. “Dada, he stares at Chiles. Why?”Sinasabi ni Chiles na nakatitig si Nathan kay Chiles kaya nagtaka ito. Hinawakan naman ni Kevin ang maliit na kamay ni Chiles na nakadapo sa pisngi nito at hinalíkan iyon, ngumiti sa anak, bago nagsalita at hinarap si Nathan. “He's Chiles. He's my son. You already know him, right?”Napalunok si Nathan at umiling. “N-No, I don't. This is a surprise, really. The one I'm talking about was the tiger. May nakapagsabi sa akin na halos ituring mo nang anak ang alaga mo na iyon na imbes na bumalik ka sa trabaho, nag-aalaga ka ng hayop. He's your son? He's my nephew?”Bakas sa mukha ni Nathan ang excitement at nagtangka itong kunin si Chiles kay Kevin. Lumingon naman si Chiles kay Kevin at noong makita ng bata na hindi umalm
LUMAPIT si Hanni kay Yves at buti na lang ganoon ang ginawa niya dahil noong saktong paglapit niya, nawalan ito ng malay! Mabilis na sinalo ni Hanni si Yves at kahit nabigla ang mga braso niya sa bigat ng lalaki, hindi niya iyon alintana. Maingat niyang niyakap si Yves, sinuri ito gamit ang tingin at mas lalo lang lumakas ang kabog ng dibdíb niya nang makita na may bahid pa ng dugo sa gilid ng labi nito. “Y-Yves, what happened to you?” aniya kahit alam niyang hindi siya naririnig nito sa kawalan ng malay. Kinagat ni Hanni ang labi at tinaas ang nanginginig na kamay para punasan ang medyo basa pang dugo sa mukha ni Yves. Kasabay noon ay ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. “ACUTE gastroenteritis ang sakit ng patient, Miss. For now, we give him intravenous rehydration because he has severe dehydration. May ilan pang test na gagawin sa kanya. Kapag na-confirm namin na wala nang iba pang komplikasyon sa kanya, bibigyan kita ng reseta para sa mga gamot na kailangan niyang inumin k
AYAW pa rin bitiwan ni Yves si Hanni na nangalay na siya dahil halos kanina pa sila roon. “Yves, let me go, hmm?” aniya. Ngunit mas lalo lang humigpit ang kapit sa kanya nito at ramdam niya ang pag-iling ng ulo nito “Hindi. Dito ka lang.”Pumikit si Hanni, nagbilang ng hanggang sampu ngunit hindi pa rin siya pinawawalan ni Yves kaya nag-decide na siya na itulak ito. Nabigla naman si Yves na halos mapahiga ito sa hospital bed. “H-Hanna?”Tumayo si Hanni at nagpameywang sa harap ni Yves. Nakatitig naman sa kanya ang lalaki na halatang gulat pa rin. Dahil hindi suot ang salamin sa mata, mas maamo ang itsura ni Yves at para itong inosenteng bata na napagalitan. “Mukha bang aalis ako, ha? Sabi kong bitawan mo ako kasi hindi na ako makahinga! Tsaka tingnan mo nga 'yang sarili mo, ang hina mo pa! Tingin mo makakaalis ako na ganyan ka? Sumuka ka ng dugo at maysakit tapos iiwan kita rito? Hindi ako gan'on kasama, ah!”Akala niya ay magagalit si Yves sa sermon niya ngunit nakita niya na may
DUMAAN ang sakit sa mukha ni Yves at parang gustong bawiin ni Hanni ang mga nasabi. Pero sa huli, hindi niya iyon ginawa dahil gusto niyang maging honest dito. Ngayong nakabuo na siya ng desisyon na mananatili siya, ayaw niyang lokohin si Yves; na isisi lang sa ama nito ang ginawa niyang paglayo dahil malaking factor pa rin naman ng pag-alis niya ang estado nila sa buhay. Isa pa, walang alam si Yves sa totoong siya. Paano kung nabubulag lang ito sa dahilan na akala nito kilala na siya nito talaga? Pero ngayong nakapag-desisyon na siyang mananatili sa tabi ni Yves, huli na para lumayo pa ito sa kanya. She will make sure he will stay with her. But first, she needs to warn him about the real her. She's not nice. She's not good like what Yves thinks she is. “Iniwan mo ba ako dahil hindi mo ako mahal? Is that it, Hanna?”Naputol ang iniisip ni Hanni noong magsalita si Yves. Napatingin siya sa lalaki at kita pa rin na nasasaktan ang ekspresyon nito. Pero siya ang naguluhan ngayon. Sina
SA APARTMENT na tinitirhan dati ni Hanni sila bumagsak. Nang makarating doon, nilibot ni Hanni ng tingin ang buong lugar at nagulat siya noong mapansin na kung anong ayos ng apartment noong iwan niya ay ganoon din ang kanyang dinatnan. Napatitig siya kay Yves na inaalalayan niya at bumaling ito sa kanya. “I didn't change a thing when I bought this apartment. Dahil alam ko balang araw na babalik ka at ayaw kong manibago ka kapag bumalik ka rito tapos iba na ang ayos ng mga gamit.”Hindi siya nagsalita ngunit parang may mainit na bagay na humaplos sa dibdíb niya. He really cares about her. Napapaisip tuloy si Hanni kung bakit ang swerte niya sa lalaki. She left him years ago after breaking his heart but instead of getting angry at her, Yves welcomed her with open arms.Hindi ito nagtanong kung saan siya nagpunta. Ang mahalaga lang dito ay nakabalik siya rito, sapat na iyon kay Yves. Gusto niya tuloy maiyak kahit na wala naman siyang dapat ikaiyak. Siguro ay dahil masaya siya, na sa so
Kung may konting pagpapakumbaba lang siya, matagal na sanang alam niya na hindi na siya dapat sumali sa larong ito.Sa huli, umarangkada si Daemon at mabilis na umalis.Matagal na nakatitig si Patricia sa direksyong tinahak niya, hanggang sa maglaho ang pulang kotse sa dilim ng gabi.Nanlambot ang tuhod niya, sumikip ang dibdib, sobrang dilim ng gabi, at pakiramdam niya parang mababaliw na siya.Sa wakas, napaupo siya sa kalsada, ibinaon ang mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.Akala niya noon, kaya niyang hawakan ang isang bagay… pero ang totoo, bumitaw pa rin siya.Isa pa rin siyang duwag, at sa totoo lang, parang nandidiri na siya sa sarili niya.Habang tulala pa siya, biglang may pumalakpak sa likod niya, malakas at mabilis. “Ayos, natuto ka rin sa wakas!”Hindi na niya kailangang lumingon para malaman na si Carmina ‘yon...Palagi ba siyang binabantayan nito dahil takot itong magbago ang isip niya at bumalik kay Daemon? Sa totoo lang, hindi naman kailangan...Naiinis siya sa pakir
Chapter 86UMALIS si Patricia pagkatapos ng huling eksena ng gabi. Minsan, maganda rin na abala ka. Kapag punong-puno ang isip mo ng mga bagay, wala ka nang oras para magreklamo.Pagkatapos niyang ihatid si Andrei pabalik sa hotel na tinutuluyan nito, balak niyang pumunta sa tinatawag na “bagong bahay” base sa address na binigay ng ama niya.Habang nakatayo siya sa gilid ng kalsada at naghihintay ng masasakyan, biglang may dumating na pulang sports car at huminto ng maayos mga limang metro lang ang layo mula sa kanya.Pagkatapos, bumaba si Jenny mula sa sasakyan, nagpaalam kay Daemon, at hinalikan ito sa may pinto ng kotse. Malambing ang boses niya habang sinasabi, “Honey, sunduin mo ako bukas ha!”Tumango lang si Daemon, hawak pa rin ang manibela, pero nakatitig lang siya sa unahan. Hindi man lang niya napansin kung kailan pumasok si Jenny sa hotel.Ramdam ni Patricia na sa kanya nakatutok ang matalim na tingin na parang kayang balatan ang balat niya. Galit si Daemon. Kapag galit si
Mayroon siyang maikling buhok, mga mata na maliwanag at inosente, at ngiting sobrang lambot na parang bulak. Isa siya sa mga bihira sa showbiz na parang malinis na tubig.Tatlong taon na siyang artista, pero bukod sa ilang chismis, wala pa siyang kahit anong negative na issue. Maganda ang image niya sa industriya. Galing daw siya sa pamilyang edukado, may maayos na background, may magandang ugali, at simpleng tao lang.Tinapunan ni Patricia ng tingin ang mga karne sa basurahan na inalis niya sa lunchbox, tapos pilit siyang ngumiti. “Nagpapapayat kasi ako.”Nakatingin pa rin sa kanya si Lara, hawak ang sariling lunchbox. “Ako rin nagpapapayat,” sabay labas ng dila.Hindi na naka-imik si Patricia. Sa tangkad ni Lara na halos 1.7 meters at timbang na siguro ay wala pa sa 100 pounds, hindi talaga siya mataba. Meron lang siyang baby fats sa pisngi na nagpapacute pa nga.Pero naisip din ni Patricia, karamihan sa mga babae sa showbiz, kailangan talaga bantayan ang timbang at bawal kumain ng
Naiwan ulit si Chastain... Napangiti siya ng mapait...Ganito na niya binaba ang sarili pero si Patricia parang bato pa rin. Siguro iniisip nito na biro lang ang lahat. Oo nga, baka nagsimula sa biro, pero minsan nagiging totoo ‘yung biro...Kahit nalinis na niya ang daan sa pamilya nila, may mga puwang pa rin sa pagitan ng bagong henerasyon at lumang management at matagal pa bago ‘yon masarado. Pero kahit ganon, ginugol pa rin niya ang oras niya para kay Patricia. Ewan na lang kung hindi siya baliw.Dati, siya pa ang nagsasabing nabulag si Daemon. Ngayon, parang gusto na rin niyang sabihin na bulag din ang mata niya. Pero may mga bagay talaga na kahit anong paliwanag mo, hindi mo kayang i-justify.*Si Andrei, ang bagong proyekto niya sa wakas ay nagsimula na ang shooting. Dumiretso si Patricia doon pagkatapos ayusin ang mga kailangang trabahuhin sa opisina. Simple lang naman, may interview lang sa reporters, tapos may mga linyang kailangang sagutin. Kahit hindi gaanong mahusay si An
Chapter 85“HINDI ko iniisip 'yan.” Walang pakundangan si Patricia na tumanggi. Hindi niya alam kung ano bang iniisip ni Chastain, ginagawa lang ba niyang laro ito o gusto lang nitong inisin si Daemon?Sa totoo lang, pakiramdam ni Patricia kahit random na estranghero pa ang kunin niyang boyfriend, mas kapanipaniwala pa siguro kaysa kay Chastain.Napabuntong-hininga si Chastain at napailing… Kailangan niyang tanggapin na nilalait siya ng isang babaeng hindi naman maganda o espesyal...Ang hirap talaga...Sa huli, bigla si Chastain prumeno, tapos humarap kay Patricia at seryosong nagtanong. “Bakit hindi mo pwedeng isipin man lang? Sabi ko nga, aktingan lang ‘to! Aktingan! Hindi mo ba naisip na ako pa nga ang talo dito? Kahit pa nabulag si Young Mr. Alejandro kaya ka niya nagustuhan, malinaw pa rin ang mata ng mga tao. Hindi ka naman lugi kung ako ang makikita nilang kasama mo.”Hindi makapagsalita si Patricia sa narinig, “Ayoko nga eh. Kahit ano pa sabihin mo.”Nakita ni Chastain na wal
Hindi sumagot si Daemon agad, pero ramdam ni Patricia ang bigat ng katahimikan, parang may bumagsak na malamig na hangin sa dibdib niya. Hanggang sa marinig niya ang isang linya. “Ganiyan ka lang pala.”Pagkatapos no’n, tumunog na ang busy tone. Parang tinapon si Patricia sa yelong tubig. Tumagos sa buto niya ang lamig at hirap siyang huminga...Alam niyang siguradong nainis at nadismaya na si Daemon sa kanya.Siguro, wala pang babae na umasta sa kanya ng ganoon. At siguro, hindi pa siya kailanman naging ganoon ka-pasensyoso sa kahit na sino. Pero anong magagawa niya?Mag-isa lang siya. Walang kakampi, walang kapangyarihan.Bago umalis si Carmina, may iniwang salita. “Patricia, hindi ganyan kasimple ang mga bagay-bagay. Balang araw, malalaman mong puro bomba ang nasa paligid mo… Kapag hindi mo ako pinakinggan, mababasag ka rin. Wag mong sabihing hindi kita binalaan.”Ibinato ni Patricia ang cellphone at pumikit na lang habang nararamdaman ang gulo ng isip niya.Buong gabi siyang hindi
“Ikaw talaga...” Parang gigil na si Daemon sa kabilang linya. Pero sandali siyang tumigil, saka tila pinipilit pigilan ang sarili at nagsalita ng kalmado, “May emergency ako ngayon, kaya kailangan kong umalis...”Nang marinig ni Patricia na nag-e-explain si Daemon kung bakit siya hindi dumating, una siyang nagtaka, tapos biglang parang tinusok ang puso niya at namasa ang mata niya.Matagal siyang natahimik bago siya sumagot, “Alam ko.”“Kung alam mo, bakit di ka pa umuuwi?” Bumalik na ulit ang pagiging iritable ni Daemon...Napangiti ng mapait si Patricia sa kabilang linya. “Saan ako uuwi?”“Sa bahay!” Buong kumpiyansa at walang pasubaling tono!“Bahay mo yun...” Pakiramdam ni Patricia sobrang hina ng boses niya at parang wala siyang tiwala sa sarili. Ni hindi niya alam kung malinaw ba niyang nasabi.Natahimik si Daemon ng galit, tapos bigla na lang pinutol ang tawag.Pagkatapos ng tawag, nakinig lang si Patricia sa busy tone, hindi muna niya pinatay ang cellphone niya. Mayamaya, bina
Chapter 84NANGINIG ang kamay ni Patricia at hindi niya magawang kunin ang file ni Queenie.“Patricia, kung aatras ka na ngayon, pwede pa kitang bigyan ng mas magandang trabaho. Gusto mong maging agent? Walang problema, kaya kitang ipasok sa mas maganda at sikat na kumpanya, at bibigyan ka ng top artists. Sa future, kung gusto mong gumawa ng pelikula o sumali sa show, basta kaya ng Alejandro family, ipapahanda ko ang daan para sa 'yo at bibigyan kita ng sapat na pondo.” Hindi siya binigyan ng pera ni Carmina diretso.Alam niyang matigas ang ulo ni Patricia at hindi basta-basta natitinag sa pera. Kaya ang ganitong klaseng offer, mas swak sa kanya.Hindi na narinig ni Patricia ang mga sumunod pang sinabi ni Carmina... Nakatingin lang siya ng tulala sa impormasyon ni Queenie.Hindi totoo kung sasabihin niyang wala siyang nararamdamang bigat sa loob.Si Queenie lang ang tanging kaibigan niya. Si Queenie ang tumulong sa kanya sa napakaraming bagay, at masasabi mong siya ang naging sandalan
Dinala siya ni Carmina sa isang pasilyo. Sa isang gilid ng pasilyo, may malalaking bintana na gawa sa malinaw na salamin, kaya kitang-kita ang nangyayari sa loob.Sa isang silid-aralan, may mga babaeng nag-eensayo ng sayaw. Magaan ang galaw ng mga katawan nila, parang mga paru-parong makukulay habang sumasayaw.Sa isa pang silid-aralan, nag-iisa lang ang isang babae na tumutugtog ng violin. Dahil maganda ang soundproofing, hindi marinig ni Patricia nang malinaw ang tugtog, pero halatang seryoso siya at sobrang focused. Siguradong matagal na siyang nagpa-practice.Habang patuloy sila sa paglalakad, puro mga klase ng espesyal na skills ang nadaanan nila.May nag-aayos ng bulaklak, may nagpa-practice ng tea art, chess, at good conduct. May nakita pa siyang mga babaeng nakatingin lang sa mangkok ng tubig, hawak ang tinidor nila habang umiiyak sa harap ng istriktong guro sa etiquette.Habang tumatagal, mas naiintindihan na ni Patricia kung ano ang gusto iparating ni Carmina.Gusto nitong i